WHY?

MIKKI's POV

nalate ako ng gising kaya naman agad akong nagbihis at diko na sinubukan na gisingin si migo.

"oh papasok kana?"Tanong ni cherry.

"Uhmm pasabi nalang kay migo na diko na siya ginising kase late na ako"

"Ayaw mo bang kumain muna?"Pagaaya niya.

"Hindi na"

Pagkatapos ko magpaalam kay cherry ay nagbook nako ng grab papunta sa work.

Pagkapasok ko ay inaabangan napala ako ng secretary ni boss kaya naman pumasok na ako sa meeting.

"Sorry po maam"

"Sige na maupo kana diyan"Sagot niya.

"head paman den tas late pa"Bulong ng isang babae sa gilid.

"Okay nandito naba lahat ng heads?Okay,Let me introduce to all of you the new head designer of the company,mikki"Ani ni maam.

"Thankyou po"

"you're welcome,So eto nga pala si chi ang head sa advertising team,Si mich ang head sa productions and si joe at jack naman for manufacturing and finance"Pagpapakilala niya.

"Uhmm I think it's inappropriate na gawing head ang wala pang 1 year na nagtatrabaho sa company"Ani ni mich.

"Ayan din po yung naiisip ko maam,Pano niya mapapatakbo ang department niya kung yung mga workers niya ay mas matagal pa na nandito kesa sakanya"Sagot naman ni joe.

Kinabahan at nanginig ang kamay ko dahil totoo naman ang mga sinabi nila.

"Hindi mo ba idedefend ang sarili mo?What kind of head are you?"Dagdag pa ni jack.

Naputol ang usapan nang biglang tumayo si chi mula sa kinauupuan niya.

"For me mas inappropriate naman na pagtulungan niyo siya,Kaya nga siya ginawang head ni maam dahil alam niya na capable si mikki for that position,So parang pinapalabas niyo lang den na mali ang desisyon ni maam?"Ani ni chi.

"Stop!Can we now proceed sa dapat nating pagusapan?"Sagot ni maam.

Sinimulan na namin ang meeting.

"So kita niyo naman na bumaba ang sales for this month"Ani ni maam.

"Di na po yan nakakapagtaka,Pano ba naman kase yung mga designs na nilalabas is so outdated"Pagsingit ni mich.

"I think po maam hindi po dahil sa designs ba't bumababa yung sales"

"So isisi mo pa sa ibang department yung kasalanan mo?"Tanong ni jack.

"Hindi naman sa ganon~"

"Ang gusto ko ay gumawa kayo ng actions about this problem,Hindi yung nagsisisihan kayo!"Ani ni maam.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na kami at lumapit saakin si chi.

"Pagpasensyahan mo na sila ah"Ani niya.

"Okay lang saken yon,Salamat nga pala kanina ah"

"ayoko lang talaga na may iniipit na tao"Sagot niya.

Naputol ang usapan namin nang lumapit saamin si mich at joe.

"Alam mo mikki wag kana mag pretend na kaya mo yung binigay na position sayo,Well in fact may mas magaling panga kesa sayo e Hindi ko lang maisip kung ba't ikaw?"Ani ni mich.

Sasagutin na sana ni chi si mich ngunit hinawakan ko ang kamay niya at sinenyasan na wag nalang pansinin.

Aalis na sana kami ngunit hinarangan kami ni joe.

"Saan kayo pupunta?Dina ako magtataka kung one day e malugi natong kumpanya"Ani pa ni mich.

Hindi ko nalang siya pinansin at sinubukang umalis,Naramdaman ko ang malamig na binuhos niya sa likod ko.

"Oh ayan bagay naman pala sayo e,Gusto mo maging bida diba?Edi ayan ewan ko nalang kung dika pagtinginan"Ani ni mich sabay tawa.

"Ano bang problema mo mich ha?"Tanong ni chi.

"Wag ka nangingielam dito chi"Sagot niya.

"Mich ano bang nagawa ko sayo ha?"

"Sawakas naman at nagsalita ka,You know what?Diko alam kung anong gayuma ang pinainom mo kay maam Para maging head ka pero ito ang tandaan mo,Kayang kaya kita ipatanggal sa posisyon mo"Sagot niya.

Umalis nalang kami ni chi at pumasok na ako sa office.

"Ano nangyare sayo?"Tanong ni francis.

"A~Ahh wala na tapunan lang ako kanina sa cafeteria"

"Sa susunod mag iingat kana"Ani ni Kim.

"Ahh oo"

CHERRY's POV

Ilang sandali pa nang pagkaalis ni mikki ay nagising naden si migo.

"Nasaan si mikki?"Tanong niya.

"Wala man lang goodmorning?Nauna na si mikki kase late na siya"

"Hindi niya nanaman ako ginising"bulong niya.

Ilang oras pa ay nagbihis na si migo at umalis na siya papuntang work.

Sinimulan kona tapusin yung mga designs ko para pagbalik ko sa europe ay dina ako magahol.

Ilang oras ang lumipas na magisa ako sa bahay at sobrang tahimik kaya naman sinubukan ko nalamang magluto ng specialty ko na menudo.

Kinagabihan ay naunang bumisita si josh sa bahay.

"Oh nasaan sina migo?"

"Sinundo niya si mikki kaya nauna na ako at naalala ko pala na nandito ka kaya dumiretso nako dito"Sagot niya.

"Ahhh Tara dito nagluto ako ng pagkain"

Pumunta na kami sa kusina at pinaghain kona siya.

"Masarap ba?"

"ohooo ang sarap naman ng luto mo at ngayon lang ako nakatikim ng mechado na ganto kasarap"Sagot niya.

"Mechado?seryoso ka mechado?"

"Oo!Diko alam may talent ka pala sa pagluluto"Ani niya.

Kinuha ko ang kinakain niya.

"Uyyy dipa ako tapos"Ani niya.

"Doon ka sa labas kumain ng mechado!"

"Eto naman dika maloko,Syempre alam kong menudo yan"Pabiro niyang sabi.

Binalik ko na ang kinakain niya at pagkatapos nito ay dumating na sina migo at mikki.

"Kanina kapa dito josh?"Tanong ni migo.

"Ahh oo"

Nagbihis na muna sila at ako naman ay lumabas muna Para magpahangin,Pumunta ako sa may park malapit sa dati naming school.

Naisip ko lang sa loob ng 22years ko sa mundo ay hindi kopa nararanasan na magkaroon ng karelasyon,Tulad ngayon may sarisarili silang buhay at kung hihingi man ng time sakanila ay malabo dahil may mas priority sila kesa sa akin na kaibigan.

Ilang sandali pa ay may nagabot ng alak mula sa gilid.

"Josh?"

"May problema kaba?"Tanong niya.

"Ahh wala,gusto ko lang pumunta dito kase tagal naden nung last"

"Ahh akin na buksan ko yang alak"Ani niya.

Uminom muna kami habang pinapanood ang langit.

"Ang ganda ng buwan ngayon no?"

"Ang ganda nga~ang ganda"Sagot ni josh.

"Ang dami ng nagbago no?"

"Hmm oo,I mean May mga bagay talaga na nagbabago at walang may kasalanan kung ba't yun nagbabago."Sagot niya.

"Hindi lang talaga ako sanay na wala na ako masyadong nakakausap,like si mikki mas gusto ko paden yung side of him na sobrang close sakin"

"Always naman akong free,Atsaka lahat tayo may light at dark side at ang kailangan naten ay humanap ng tao na tatanggap sa both sides nayon,I guess nahanap mo na yon at kahit di man katulad noon yung friendship niyo ni mikki alam ko na ikaw paden ang bestfriend niya"Sagot ni josh.

"Hindi ko alam na may serious side kaden pala ha"

"Ganto lang talaga ako kapag gusto ko yung ta~"

"Huh?"

"Kapag gusto ko yung moment"Sagot niya.

Sumandal ako sa balikat niya"Pasandal lang ako sandali ha gusto ko lang kase maramdaman na meron ang kasama"

Ilang oras pa ang lumipas ay napagdesisyunan na namin umuwi.

"Gusto mo ba bisitahin sila chester?ayun lang yung dorm nila"Pagaaya ni josh.

"Ay hindi na,Baka tulog na yun"

Bumalik na kami sa bahay.

"Saan kayo galing ha"Tanong ni migo.

"Nagpahangin lang sa labas"

"Ang sarap ng luto mo cherry"Ani ni mikki.

"Salamat"

Naputol ang usapan namin nang may kumatok sa pinto.

"Ako na magbubukas,,,Adrian?"

"Cherry!!!"Sigaw niya.

Pinaupo na muna namen si adrian.

"Ano ba nangyayari sayo?"

"Eh kase pinabisita ako ng tita ko sa states para icelebrate yung death anniversary ni trisha"Sagot niya.

"Oh tapos?"

"Hindi ko pa sinasabi kay chester na aalis ako for 1month kase alam ko na magtatampo saakin yun tapos kanina lang nakita niya yung plane ticket ko tas ayun nagalit siya saken"Sagot niya.

"Pinaliwanag moba sakanya"Tanong ni mikki.

"Oo,pero ayaw niya ako pakinggan tapos sinabi niya na sa labas daw ako matulog"

"Sige ako na bahala kumausap kay chester bukas"Sagot ni mikki.