IF I HAD A CHANCE

MIGO's POV

Kinaumagahan ay ginigising ako ni mikki at pagkadilat ko ay nakita ko na nakabihis ito.

"San ka pupunta?"

"Anong ako?Tayo!Kasama ka,Pupunta tayo kay chester"Sagot niya.

Wala na akong nagawa kaya naman naligo na ako at nagbihis na.

"Adrian sumunod ka nalang sa dorm niyo ah di kase tayo kasya sa motor"

Tumango lamang siya.Pagkadating namin sa dorm nina chester ay pinapasok niya kami.

"Ba't nga pala kayo napadalaw dito?"Tanong niya.

"Ahh ano kase gusto lang namin itanong kung kamusta na kayo ni adrian"Tanong ni mikki.

"Wag mo mabanggit pangalan ng lalake nayan"Sagot niya.

Ilang minuto pa ay kumatok na si adrian.

"Diba sabi ko sayo wag ka na babalik"Sigaw ni chester.

"Chill ka muna ches ako na magbubukas ng pinto"

Pumasok na si adrian at may dala itong bulaklak at paboritong takoyaki ni chester.

"Sorry na ches,Sasabihin ko naman talaga sayo e"Pagmamakaawa ni adrian.

Hinawakan ni mikki ang kamay ni chester"Chester ang tagal niyo ng nagsasama ni adrian at alam kong alam mo na sasabihin din sayo ni adrian na aalis siya"Ani nito.

"Diko naman talaga balak itago sayo e,Humahanap lang den naman ako ng tsempo"Ani naman ni adrian.

Tumayo si chester mula sa kinauupuan niya at lumapit kay adrian sabay kinuha ang takoyaki na dala nito.

"Binili ko payan doon sa favorite mo na bilihan"Dagdag ni adrian.

"So okay na kayo?"

"Salamat nga pala mikki saka migo"Ani ni chester.

"Ay wala naman saken yon saka para kona kayong kapatid"Sagot ni mikki.

"Gusto niyo ba na kumain muna?"Tanong ni chester.

"Ay hindi na"

Umalis na kami sa dorm at dumiretso na si mikki sa office nila at ako naman ay pumunta na kila josh dahil papasok naden ako.

"Himala nauna ka kesa sakin"Pabirong sabi ni josh.

"Ahh may pinuntahan kase kami ni mikki"

Pumasok na kami sa factory.

Habang nagtatrabaho kami ay lumabas ang aming boss at tinawag kaming lahat.

"Binabati ko kayong lahat dahil tumaas ang sales naten ngayong buwan"

Nagsipalakpakan ang lahat.

"Boss baka naman may pakain diyan!"Sigaw mula sa likod.

"Buti naman at nahulaan niyo,Kaya naman bilisan niyo ang trabaho ngayon at ililibre ko kayo mamaya"

Bumalik na kami sa aming ginagawa at lumapit saakin si josh.

"Saan kaya tayo kakain mamaya no?"Tanong niya.

"Di ata ako makakasama"

"Huh?Baket?"Pagtataka niya.

"E kase nga diba susunduin kopa si mikki"

"Sabihin mo sakanya e meron tayong celebration"Sagot niya.

"Bahala na"

Ilang oras pa ay natapos na ang aming trabaho at tumawag saakin si mikki.

"Wag mona ako sunduin"Ani niya.

"Ha?Baket?"

"Sumama ka sa celebration niyo,Deserve mo yan"Sagot niya.

"Mahal?"

"Shhh,Sige na.Sasabay nalang ako kila francis"Dagdag niya pa.

Binaba niya na ang telepono at lumapit saakin si josh.

"Sinabi mo kay mikki no?"

"Syempre,Dika naman kase sasama kung dipa siya ang magsasabi"Sagot nito.

Pumunta na kami sa aming kakainan.

"Yaman ni sir no?May pang samgyup"Ani ni josh.

"Syempre"

Pagkatapos namin kumain ay lumapit saakin si boss.

"Gusto kita icongrats migo dahil tumaas ang sales naten"Pagbati niya.

"ay di lang naman po ako ang may dahilan non,Tayong lahat po"

Ngumiti lamang ito at umalis na.

"Josh samahan moko"

"Saan?"Tanong niya.

"Bibilhan ko ng regalo si mikki"

Pumunta kami sa jewelry shop.

"Mag bibirthday nanga pala si mikki no?"Tanong ni josh.

"Sige hanap lang ako banda don"

Meron isang singsing na pumukaw sa aking mata.

"Ate magkapano po sa singsing nayan"

"8k po sir"Sagot nito.

"8k?"

"Wedding ring po kase yan sir meron po yang partner na isa kaya po siya mahal saka po yung nasa gitna na crystal nayan ay rose quartz na ang ibig sabihin ay opening yourself to love and compassion"Pagpapaliwanag niya.

"Ahh sige po,Pwede po patingin yung partner niyan"

"Sa counter nalang po sir"Sagot nito.

Habang naglalakad ako papunta sa counter ay nakita ko si josh na tinititigan ang isang kwintas.

"Para kay cherry yan no?"

"H-huh, H-Hinde no"Ani niya.

"Sus wag mona itago dahil alam ko na may gusto ka kay cherry"

Naputol ang usapan namin nang tinawag na ako ni ate sa counter.Habang binabayaran ko ang singsing ay sumingit si josh sa gilid.

"Ate pasabay naden po 'to"Ani niya.

Ngumiti lamang ako at nagbayad na kami.

Habang naglalakad kami ay napansin ko na tinititigan ni josh ang kwintas na binili niya.

"Baket ayaw mo sabihin sakanya?"

"Kaibigan lang naman tingin sakin ni cherry"Sagot nito?

"Sinabi mona ba sakanya ang gusto mong sabihin?Kung hindi pa wag ka mawalan ng pagasa"

"Ilang weeks nalang si cherry dito at mas gugustuhin kopa sa mga araw nayon ay magkaibigan kami dahil ayoko isipin niya pa ang mararamdaman ko bago siya umalis,Mahal ko siya pero ayoko siyang magdalawang isip tungkol sa pangarap niya.Mahal ko siya pero mawawala din 'to"Sagot niya.

"Gusto ko lang sabihin na hindi lahat ng tao may chance na sabihin sa taong gusto nila yung nararamdaman nila,Sana kung ano man maging desisyon mo sana di mo pagsisihan"

Naputol ang usapan namin nang nakarating nako sa parking.

"Sige na josh mauna na ako"

Tumango lamang siya at umalis na at ako naman ay umuwi na sa apartment.

JOSH's POV

Habang naglalakad ako ay naisipan ko na pumunta muna sa park para magmuni muni.

Napatitig ako sa langit"lord kung hindi man po siya para saakin sana kahit isang araw lang madama ko na mahalaga den ako sakanya"

Bigla akong may naramdaman na malamig sa aking pisngi.

"Cherry?"

"Oh beer!Mukang may problema ka e"Ani niya.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Hmm naglilibot lang"Sagot niya.

"Aalis kana pala no?Ilang linggo kana lang dito"

"May sasabihin ako"Sabay naming sabi.

"Sige mauna kana"Ani niya.

"G-Gusto kita"

"Josh!"sabi niya.

"Cherry gusto kita!"

"Tumigil kanga josh,anoba!"Ani niya.

"Pero cherry~"

"Josh hindi pa tayo pwede"Ani niya sabay tayo.

"Cherry!Alam ko naman na hindi ko dapat nararamdaman 'to pero gusto ko lang sabihin na nandito lang ako,nandito parin ako"

Tumuloy lamang siya sa pag alis at hindi ko namalayan ay bigla nalamang tumulo ang mga luha saaking mga mata at sabay nito ay ang pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan.

"AHHHHH!Baket!Baket pa kase ako sayo nagkagusto?!?Alam ko naman na kailangan kong sumugal pero diko naman inaasahan na hahayaan mo lang ako matalo,Sana man lang sinubukan mokong mahalin!"