PERMANENT CHANGE

MIKKI's POV

Pagkagising ko ay sinabi ko muna kay migo na magpapasama nalang ako kay cherry na pumunta sa work para ipasa yung mga papers ko.

"Sandale lang mikki nag aayos pa ako"Sigaw ni cherry mula sa loob ng kwarto.

Habang naghihintay ako sa labas ay nakita ko si josh.

"Josh!Ba't dimo kasabay si migo?"

"Hindi muna ako pumasok ngayon"Sagot niya.

"Tara dito!Samahan mo kami ni cherry dahil pupunta kami sa office"

"Hindi na,Pupunta pa kase ako sa kaibigan ko"Ani niya sabay ay umalis na 'to.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos naden sa pag aayos si cherry.

"Saan kaba pupunta?Di naman tayo aattend ng party"

"Syempre,Kailangan palagi kang stand out sa madla no"Pabiro niyang Sagot.

Umalis na kami,Pagkadating namin sa building ay nakita namin ang malaking banner at mga magagarang decorations.

"Bongga pala dito mikki parang fiesta lang"Pabiro niyang sabi.

"Dumating na ata yung pamangkin ng boss namen"

Habang papasok na kami ay sumalubong saamin sina mich.

"Ay nandito na pala ang best head department ng kompanya"Ani niya.

"Ano bang kailangan mo?"

"Grabe naman,Sinabihan na nga kitang BEST tapos ayaw mo pa?"Ani niya.

"Ang sarcastic naman kase girl"Sagot ni cherry.

"Teka lang,Hindi moba tinuruan ng good manners yung assistant mo?"Tanong ni mich.

"Mich tumigil kana"

Lumakad mula sa likod ko si cherry at hinarap niya si mich.

"Hindi kita masisisi kung anong gatas ang pinainom sayo ng nanay mo noong bata ka at naging ganyan kawalang laman ang utak mo pero pasalamat ka ako yung taong marunong umintindi ng hayop"Ani ni cherry.

"You're crazy!"Sagot ni mich

"I may be crazy,but crazy is better than stupid.Mitch,right?Can you stop acting like a smart ass when you're just an ass."ani ni cherry.

Nakita ang galit ni mitch sa kanyang mga mata at umirap nalamang ito at umalis na sila.

"Irap irap kapa dukutin ko eye balls mo e"Ani ni cherry.

"Grabe cherry,Iba ka talaga"

"Wag na wag nilang sasaktan mga malalapit saakin dahil di nila ako kilala"Sagot nito.

Habang papunta na kami sa office ay sumalubong saamin si francis.

"Mikki!Pinapatawag ka ni maam kase kailangan daw sukatan yung pamangkin niya"Ani ni francis.

"Huh?Hindi naman ako ang Para doon ah"

"Inexplain ko nga den e pero sabi ni maam cumlaude kadaw kase kaya may tiwala siya sayo"Sagot nito.

"Osige,Eto yung papers ko hawakan mo muna atsaka francis ayan pala si cherry friend ko pakibantayan siya ha babalik den ako"

Iniwan kona muna sina cherry at francis at tumungo na ako sa office ni maam.

Lumabas ang secretary ni maam"Mikki pakihanda ang sarili gusto daw ni maam presentable ka"Ani niya.

Inayos kona ang suot ko at pumasok na ako sa loob.

"Oh mikki!Nainform ka naman siguro kung baket ka nandito diba?So I want you to meet my only pamangkin"

Nanlambot at nanlamig ang aking katawan sa aking nakita,Oo nga,Siya nga,Si bryce nga ang pamangkin ng boss namen at nakauwi na siya sa pilipinas.

"Hi mikki"Ani nito.

Sa loob ng isang taon ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya para bang hindi totoo na nangyayari to.

"So hayaan na muna kita magsukat diyan mikki at meron pa akong meeting"Paalam ni maam.

Kaming dalawa nalamang ni bryce ang nasa loob ng kwarto.

"Kumusta kana?ilang taon nakita hindi nakita"Tanong niya.

Hindi ako sumasagot nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay,Napaatras ako ng bahagya dahil sa pagkagulat.

"Alam kona dika paden makapaniwala na nandito na ako pero gusto ko lang sabihin na hindi nako ulit lalayo"Ani niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko,Ang dami kong gustong sabihin pero hindi mailabas ng mga bibig ko.

"Mikki,Can we start again?"Tanong niya.

"H-huh?"

"I mean yung pagsusukat"Sagot niya.

Pagkatapos ng aming pagsusukat ay niligpit kona ang mga ginamit ko at nang paalis na ako ay pinigilan niya ako.

"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?"Tanong niya.

"Bryce araw araw ko iniisip kung kamusta ka at sa mga araw nayun hinihiling ko na sana makita kita ulit pero ngayong nasa harap na kita hindi ko alam kung bakit lumalayo na yung damdamin ko sayo"

"Pero bumalik na ako"Sagot niya.

"Ayun nanga yun e,Babalik ka kung kelan lang gusto mo,Anong tingin mo saakin kaya kitang tanggapin kahit gaano katagal kapa bumalik?Ni tawag o text wala akong natanggap sayo ha"

"Alam mo kung baket hindi agad ako bumalik?Because I want to be the best version of myself at gusto ko kapag nagkasama na ulit tayo e ang best version na Bryce na ang kasama mo"Ani niya.

"Alam mo naiinis ako sa sarili ko kase hindi ko magawang magalit sayo,Hindi ko alam baket pagdating sayo ang hina hina ko!Bryce hindi na tulad ng dati ang panahon ngayon at madami ng nagbago pati yung t-tayo"

"I'm sorry,Sorry sa lahat ng nagawa ko from the past at pinagsisisihan kona 'yon and mikki kahit isang taon,limang taon,sampung taon o ilang taon payan ikaw parin ang pipiliin ng puso ko kase ikaw lang ang gusto nito"Sagot niya.

"P-pero~"

"Wala ng pero mikki,Just you and me together is the greatest thing in the world"Ani niya.

"I need to go"

"Mikki!"Sigaw niya.

Lumabas na ako at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha saaking mga mata.

CHERRY's POV

Ilang oras na ang lumipas at dipa den tapos si mikki sa ginagawa niya.

"Fan kaden pala ng twice?"Tanong ni francis.

"Ahh oo,Ikaw den?"

"Yes!Bias ko si sana"Sagot niya.

"Ay bagay kayo parehas kayong bakla,Ako bias ko si jihyo"

"Omg!So nakapunta kana sa mga concert nila?"Tanong niya.

"Baka Hindi mo natatanong lahat ng meet and greet at concert nila sinusundan ko"

"Huy baka naman!Dipa kase ako nakakapunta ng concert nila e"Ani niya.

"Bakla ka pagtrabahuhan mo"

Naputol ang usapan namin nang biglang dumating si josh.

"huy may pogi oh"Ani ni francis.

"J-josh?Ano ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayo mag usap cherry?"Tanong niya.

"Josh wala na tayong dapat pagusapan pa,Alam mo naman yung rason ko diba?"

"Please cherry"Pagmamakaawa niya.

"Hindi kase pwede ano kase.....May boyfriend na ako"*Sabay kapit kay francis*

"Bakla ka ano ginagawa mo?"Bulong niya.

"Sumakay ka nalang,Ako na bahala sa tickets mo saka lilibre naden kita ng merch"

"Akala koba pagtrabahuhan ko?"Tanong niya.

"Wag kana masyadong dakdak"

Naputol ang usapan namin nang dumating na si mikki.

"Oh josh ano ginagawa mo dito?"Tanong ni mikki.

"A-Ahh wala"Sagot niya at sabay nito ay umalis na siya.

"Mikki umiiyak kaba?"Tanong ni francis.

"Inaway ka nanaman ba ng mitch nayon?"

"Hindi ano,Napuwing lang"Sagot niya.

"Bulalakaw ba nakapuwing sa mata mo at ganyan kadaming luha ang lumabas"Pabirong Tanong ni francis.

Ngumiti nalamang si mikki at umalis na ito.

"Sige na Bakla salamat sa time"

"Hoy!Nakakalimutan mo ata yung pangako mo"Ani niya.

"Oo anoba!Ako bahala sayo"

"Sige na magingat kayo,Si mikki ha"

Umalis na kami ni mikki at habang nakasakay kami ay nakita ko na parang malalim ang iniisip nito.

"May problema kaba?"

"A-Ahh wala wala"Sagot niya.

"Basta kapag kailangan mo ng makakausap nandito lang ako"

"Thankyouu cherry"