THE OTHER CALL

MIKKI's POV

Nagiimpake na kami ng gamit namen paalis sa baguio dahil may flight panga pabalik sa ibang bansa si Cherry.

*RING RING*

"Oh chester ba't napa tawag ka?"

"Mikki~"Ani niya.

"Paalis na kami sabihin mo kay adrian"

"Mikki alam mo bang nakabalik na ulit sa pilipinas si bryce?"Tanong niya.

"A-Ahh P-Pano mo nalaman?"

"Pupuntahan ko sana kayo sa apartment niyo kagabi kaso nakita ko may nakatayong lalaki sa harap ng bahay niyo at pagkatapos kinausap ko siya tapos ayun nakita ko na si bryce pala yun"Kwento ni chester.

"May pakiusap lang ako sayo chester"

"Ano 'yon?"tanong niya.

"Pwede bang wag mo munang sabihin kay migo na nakauwi na si bryce,Magagalit kase yon pag nalaman niya na hindi ko agad sinabi sakanya"

"Mas magagalit si migo kung hahayaan mo pa na siya ang makaalam at lalo pang may gusto paden sayo si bryce"Sagot niya.

"Sasabihin ko den naman sakanya pero kailangan ko pa ng kaunting oras"

"O sige ikaw ang bahala basta ako sinabihan na kita ah"Ani pa niya.

Pagkatapos namin magusap ni chester ay bumalik na ako sa pagaayos ng mga gamit.

Makaraan pa ang ilang minuto ay pumasok na ulit si migo sa kwarto.

"Mahal?"Ani niya sabay yakap saakin.

"Ano nangyayare sayo?"

"May gusto sana ako ibigay sayo"Ani niya pa.

"Ano naman yun?"

Naputol ang usapan namin nang tinawag na kami ni Josh dahil aalis na kami.

"Pag uwi nalang naten sa bahay saka ko sayo ibibigay"

Lumabas na kami nang kwarto at nagpaalam naden kay Lola.

"Magiingat kayo apo ha"Ani niya.

"Opo La"

Tumuloy na kami sa byahe at dumiretso kami sa airport para ihatid na si cherry.

Pagkadating namen ay hinanap muna namin kung nasaan na sina chester dahil magkasabay lang ang flight ni adrian at Cherry.

"Ayun sila oh"Ani ni migo.

"Kanina paba kayo nagiintay dito?"Tanong ni adrian.

"Ahh hinde kakadating lang den namen"

"Ano oras ba flight niyo?"Tanong pa ni migo.

"Meron pa kaming 1 hour,Pwede na kayo umuwi para makapagpahinga naden kayo"Sagot ni Cherry.

"Cherry magiingat ka ha"

"Syempre naman,Tara nga pinapaiyak niyo ako e"Ani niya.

"Group hug!!!"

Ilang sandali pa ay lumapit si Josh kay Cherry.

"Alam kong pinag usapan na naten ang tungkol dito cherry pero gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang dahilan kung baket ako naging masaya at sana kung ano mang landas ang tahakin mo lagi mong tatandaan na palagi lang akong naghihintay sayo"Ani ni Josh.

"Ayan na umiiyak na tuloy si cherry"Pabirong sabi ni adrian.

"Ikaw kase e,Sige na goodbye sainyo at sobrang mamimiss ko kayo ulet"Paalam ni Cherry.

Umalis na kami at bumalik na sa apartment dahil meron pa kaming work.

"Hahatid na kita"Pagaaya ni migo.

"Kaya kona,Isabay mo nalang si josh mag cocommute nalang ako"

"Sige,Basta susunduin kita mamaya"Ani niya.

"Tatawagan nalang kita kung magpapasundo ba ako or hinde,okay?"

"Sige sige,I love you"Sagot niya.

"I love you too"

"Respeto naman Oh"pabirong sabi ni Josh.

"Loko ka talaga"

Pumasok na sila at ako naman ay nagcommute na papunta sa office.

Pagkadating ko sa office ay sumalubong saakin sina trisha.

"Eto na pala ang lalaking lumalandi kay sir,Kaya naman pala ang lakas ng kapit e"Ani nito.

"Trisha hindi ko kasalanan na hindi ka gusto ng sir mo at mas lalong diko kasalanan na yung pinaghirapan mong kunin na posisyon sa loob ng dalawang taon ay nakuha ko lang nang isang buwan"

"Lumalakas na talaga yang loob mo e no?"Tanong niya.

"Alam mo dapat ginawa ko pato noon pa e pero pasalamat ka may respeto ako sa tao,Kaya kung hindi na kita nirerespeto pwes hindi na tao ang tingin ko sayo"

"A-Alam mo masyado kang masaket magsalita ha!Pasalamat ka nandito tayo sa office kung hinde diko lang alam san ang aabutin mo"Sagot niya pa.

"Huwag mokong matakot takot trisha kase hindi ako nag aral para lang mag mukang kawawa sa harap mo habang buhay at tandaan mo kaya kitang ipatanggal dito"

"Hindi pa tayo tapos!"Banggit niya sabay alis"

Dumiretso nalamang ako kila francis at hindi nalang pinansin ang mga sinabi niya.

"Ayan na ang fresh from vacation"Pabirong bati ni Kim.

"bakasyonista ang lolo mo,Ano masaya ba?"Tanong ni francis.

"Ahh oo masaya naman,Kayo kamusta kayo dito?"

"Ayus pa naman at buti nalang mas magaan ang trabaho ngayon"Sagot ni francis.

Umupo na ako sa desk ko at nagtrabaho na.

Matapos ang ilang oras na pagtatrabaho ay natapos naden ang work ko at makakauwi naden kaya naman kukuhanin ko sana ang cellphone ko para tawagan na si migo ngunit hindi ito natuloy dahil lumapit saakin si bryce.

"Mikki?"Ani niya.

"Anong ginagawa mo dito bryce?"

"Mikki alam mo na gusto pa kita diba?Atsaka yung nangyari saten,Wala lang sayo yun?"Tanong niya.

"Bryce sinabi ko naman sayo na boyfriend kona si migo atsaka yung nangyari saten parehas tayong wala sa katinuan non"

"Huh?Mikki hindi tayo lasing non at alam kong alam mo na parehas naten ginusto yon"Sagot niya.

"Alam mo bryce gusto ko nalang itanong sayo ba't kapa bumalik?babalik ka kung kelan buo na ako sa ibang tao,Bryce ilang beses ko pinaglaban yung nararamdaman ko sayo noon kaya sana naman isipin mo yung nararamdaman ko"

"Mikki tumingin ka sa mga mata ko at gusto ko sabihin mo saken na hindi mona ako mahal"Banggit niya habang tumutulo na ang mga luha sa aming mga mata.

"Bryce~"

"Hindi mo magawa,Kase alam ko na gusto mo paden ako"Ani niya.

"Pero hindi 'to tama"

"Mas hindi tama yung pipigilan mo yung nararamdaman mo para lang hindi ka makasakit ng iba,Mikki kung totoong mahal mo si migo magpapakatotoo ka sa nararamdaman mo"Sagot niya.

"Oo bryce!Mahal pa kita pero mahal ko den si migo,Pwede ba bigyan mo muna ako ng time para makapag isip?"

"Hindi mona kailangan mag isip mikki"Banggit ni migo mula sa likod ko.

"M-Migo?Kanina ka pa diyan?"

"Narinig ko lahat ng sinabi mo"Ani niya.

Magtatangka na sana akong lapitan si migo ngunit hinawakan ni bryce ang kamay ko.

"Dapat sinabi mo ng mas maaga,mikki"Banggit ni migo habang tumutulo den ang luha sa kanyang mga mata.