THE LAST CALL

MIGO's POV

Simula nang gabi nayon lumipat muna ako sa bahay ni josh at halos ilang araw ko naden hindi kinakausap si mikki dahil nagpahinga muna ako sa lahat ng social media at gusto ko muna piliin ang sarili ko.

"Tumawag nanaman saakin si mikki,Hanggang kailan mo ba balak maging ganyan?"Tanong ni josh

Hindi ko man lang masagot ang tanong niya dahil kahit ako mismo hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito.

"migo naiintindihan kita at gusto ko lang na malaman mong hindi pa kayo hiwalay ni mikki at kung hahayaan mo lang na ganyan ang sitwasyon niyo aba hindi kayo uurong niyan"Ani pa niya.

"Pero josh anong laban ko kay bryce e siya naman talaga ang minahal ni mikki una palang"

"Kilala mo si mikki at alam ko na alam mo na hindi ka niya kayang iwan basta basta,Maniwala ka sakanya atsaka sabi mo nga if hindi mo man nakita ang perfect person,Be the right person."Banggit ni josh sabay nito ay tumayo siya.

"Saan ka pupunta?"

Tumungo siya sa kwarto at may hinanap.Pagkalabas niya ay binigay niya saakin ang singsing na dapat ay regalo ko kay mikki.

"Ano 'to?"

"Singsing malamang,Migo kung mahal mo ang isang tao kailangan mong babaan ang pride mo at hindi mahalaga kung sino ang nagkamali,Ang mahalaga pareho kayong natuto"Sagot niya.

"Tama ka"

Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone.

*RING RING*

"Migo?S-Sorry~"

"Huwag kana humingi ng tawad,Magkita tayo sa park ngayon"

Pagkatapos namin magusap ay agad na akong nagbihis at umalis,Ilang minuto pa na paghihintay ay dumating naden siya.

"Migo sorry talaga alam kong hindi sapat yung sorry sa ginawa ko sainyo"

"Alam mo bryce pinatawad kona kayo ni mikki at kaya kita pinapunta dito dahil gusto na kita makausap"

"Tungkol saan?"Tanong niya.

"Tungkol sana kay mikki,Alam mo bryce hindi naging madali yung storya naming dalawa at para kaming isang libro na hindi matapos tapos kase parang may kulang parang may hinahanap,Akala ko kase storya namin yon diko naman akalain na hindi pala ako ang bida,Ako lang pala ang magbabasa para sa inyong dalawa."

"Migo hindi ko talaga alam kung ano nangyayare saken pero alam mo naman na minahal ko si mikki at minamahal ko pa siya"Sagot niya.

"You know its my fault den naman because I fell for someone who still love his past at masakit pag iniisip ko 'yon at masakit den na kahit anong gawin ko alam ko naman na sa huli ikaw paren ang pipiliin niya"

Kinuha ko ang singsing sa aking bulsa at ibinigay ito kay bryce.

"Para saan 'to?"Tanong niya.

"Sabi nga nila if you love someone learn to let go because if you really love that person you only want to see him happy even though you're not the reason of his happiness"

"What do you mean"Pagtataka ni bryce.

"Bryce,Binuo ko si mikki ng ilang buwan at ayus lang kahit ako naman ang sira ngayon ang mahalaga masigurado ko na hindi mo na ulit siya sasaktan"

Niyakap ako ni bryce at unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Ibigay mo yang singsing nayan kay mikki at huwag mo sasabihin na saakin galing yan"

Nagpaalam na ako at nagbook ako ng sasakyan Para umuwi muna sa probinsya para makapag isip.

"lolo!"

"Oh apo ba't dimo sinabi na uuwi ka hindi tuloy ako nakapag handa ng makakain".Ani ni lolo.

"Ay ayus lang po yun lo kumain naman po ako sa byahe"

"Ba't ikaw lang mag isa ang umuwi?Hindi moba kasama si mikki?"Tanong niya.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at napatulala nalamang ako.

"May problema no?Halika dito umupo ka at ikwento mo saken"Pagaaya niya.

"lo?Pano niyo po nakayang hayaan si lolo felix na mapunta sa iba,Hindi niyo poba siya pinaglaban?"

"Alam mo apo pinaglaban ko si felix at natatandaan ko noon ilang beses ako pumunta sa bahay nila hanggang sa nabalitaan ko na nasa Baguio na siya at nabuntis niya na si lita,Minsan apo ang pagsuko hindi ibig sabihin ay mahina ka dahil minsan ang taong marunong mag paubaya ay ang mga taong malalakas ang loob,baket?kase kaya nilang ikimkim ang nararamdaman nila para lang sa taong minamahal nila kahit pa ikakasakit nila 'to"Sagot ni lolo.

Napaisip ako sa sinabi ni lolo,Tama nga naman ito at may punto.

"Apo minsan mas mabuti na wala tayong mabigat na dinadala sa puso dahil hindi sila ang tunay na nanakit sayo,Gusto mo malaman kung sino?"Tanong ni lolo.

"Sino po?"

*tinuro ang aking ulo*"Ayan ang tunay mong kalaban dahil ang sarili mo lang ang magdidikta kung hanggang kelan tayo mananatiling nasasaktan kaya minsan hindi sang ayun ang utak naten sa dinidikta ng puso naten kaya tayo naguguluhan"Paliwanag niya

Nung tinuro nga ni lolo Felix ang aking ulo napaisip ako na totoo ngang utak naten ang kalaban naten at walang makakapagsabi hanggang kelan naten malalagpasan ang saket kung tayo mismo hindi masabi kung hanggang kelan 'to.

"Alam kona po lo,Salamat po"

"Oh kakauwi mo lang dito,Saan ka pupunta?"Tanong niya.

"Babalik den po ako lo,May gusto lang po akong kausapin"

Bumalik agad ako sa maynila Para kausapin si mikki at pagka punta ko sa maynila ay agad akong tumungo sa paborito naming lugar ni mikki.

*RING RING*

"Migo?Migo buti naman tumawag ka,Ang tagal kong~"

"Mikki magkita tayo sa rooftop ng dorm"

Ilang oras pa ay dumating na si mikki at hindi ko maexplain ang nararamdaman ko na ngayong nakita ko siya ulet.

"M-Migo?"Ani niya.

"Natatandaan mo paba yung mga memories naten dito?Dito yung una mong sinabi na bubuksan mona yung puso mo para mahalin ako at alam mo mikki sobrang sobra yung saya ko non akala ko nga e ako na yung pinaka maswerteng tao sa buong mundo"

Habang sinasabi koyon ay nakikita ko na umiiyak si mikki.

"Migo sorry"Ani niya.

"Hindi man naten natupad yung mga pangarap naten masaya naman ako sa pinagsamahan naten,pinapatawad at pinapalaya na kita mikki"

Mas lalo pang tumulo ang luha sa kanyang mga mata pati ako ay naiyak naden.

"No migo,Listen to me okay?I really really love you"Banggit niya sabay hawak sa aking mga kamay.

"Pinangarap kitang mahalin mikki pero anong gagawin ko kung yung pinangarap kong tao ay nakatadhana pala sa iba?"

"Migo sorry please,Wag mo naman akong iwan"Sagot niya.

"Mikki tumingin ka sa mga mata ko,Kung papipiliin kita,Siya ba o ako?"

Natahimik siya ng ilang sandali.

"Pwede bang siya nalang ang piliin mo?kase kung talagang mahal mo ako wala namang dapat pagpilian pa.Ang sakit lang isipin na yung pinangarap ko ay hawak na ng iba siguro nga pinagtagpo lang talaga tayo pero hindi naman talaga tayo para sa isat isa"

"Wag mong sabihin yan migo,Maayos pa naten 'to"Ani niya.

"Dito tayo unang nagkakilala siguro dito den tayo magtatapos,Hanggang dito nalang siguro ang kwento naten kailangan na nateng tapusin ang libro"

"Migo~"

Naglakad na ako papalayo nang bigla niya akong niyakap sa likod na mas lalong nag patulo ng aking luha.

"Migo mahal na mahal kita"Bulong niya.

"Mahal den kita pero anong gagawin ko kung mas masaya ka sa iba"

Pumiglas na ako mula sa pagkayakap niya atsaka tuluyan ng bumaba mula sa rooftop at pagkalabas ko ng dorm ay biglang bumuhos ang ulan at sabay nito ang pagtulo den ng aking luha.

MIKKI's POV

{1 year later}

It's been a year nang huli kaming nagusap at nagkita ni migo at ang sabi saken ni josh ay umuwi na daw ito sa lolo niya.

*RING RING*

"Happy birthday!!!"Ani ni cherry.

"Salamat cherry"

"Oh ba't ang lungkot mo naman e birthday na birthday mo,Alam kona iniisip mo nanaman si migo no?Mag move on na tayo sa life kapag nanatili tayong ganyan aba hindi tayo uurong niyan"Ani niya pa.

"Masaya naman ako e atsaka nakakamove on naden"

"Tama yan!Smile kana dali!"Dagdag niya pa.

Pagkababa ni cherry ng tawag ay pumasok sa bahay si chester.

"Oh ba't ka nandito?"

"Ba't dikapa nakabihis?Wala kabang balak sa birthday mo?"Tanong niya.

"Gusto ko nalang muna matulog ngayon"

"Ay hindi pwede,Magbihis kana dali,Hinihintay tayo ni adrian sa labas"Pag aaya niya.

Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso kami sa kotse at tumungo sa isang open area na restaurant at nakita ko na nadoon sina francis,kim,si lola at iba pang malalapit saakin.

"Oh pinagplanuhan niyo ba 'to?"

"Hindi kami ang nagplano neto,Kundi siya"Sagot ni chester.

Biglang dumating si bryce na may dalang bulaklak at papalapit siya saakin.

"Mikki alam ko na hindi madali sayo na mahalin ako ulet pero pangako ko sayo na hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ibibigay mo"Banggit niya sabay nito ay lumuhod siya saaking harapan.

"Can you be my boyfriend?Again."dagdag niya pa sabay labas ng singsing.

"Y-Yes!"

Niyakap niya ako at nagpalakpakan ang lahat.

"I love you so much mikki"Bulong niya.

Nagsikain na ang lahat ngunit nagulat ako nang makita ko ang isang lalaki na nagtatago sa likod ng puno kaya naman agad akong lumapit kay josh.

"Josh nandito ba si migo?"

"H-Huh?Wala no"Pautal niyang sabi.

"Yung totoo"

"Ayaw niya kase pasabi na pumunta siya e"Paliwanag niya.

Kaya naman agad kong pinuntahan yung lalaki at nakita ko na papalayo na ito.

"Migo!"

Napahinto siya at agad ko siyang pinuntahan.

"Migo buti nakapunta ka sa birthday ko"

Tinanggal niya ang suot niyang mask at kitang kita ko ang lungkot ng kanyang mga mata.

"Diba sabi ko naman sayo noong pumunta tayo sa bundok na kahit anong mangyari nandoon ako sa pinakamasayang araw mo at tinupad ko lang ang pangako ko sayo"Sagot niya.

"Migo ba't ka ganyan?Pinapaiyak mo ako"

"Diba sabi ko sayo huwag kanang iiyak,Masaya ako kung ano kana ngayon at wag mona akong isipin dahil mabuti naman ang kalagayan ko"Sagot niya.

"Pwede bang humingi ng last hug?"

Niyakap ko siya ng mahigpit kahit sa huling pagkakataon.

"Gusto ko lang sabihin sayo na whatever happen I'll be here for you.Supporting you from afar with the guy that will cherish and love you,Always remember hindi ako nagalit sayo at hinding hindi ako magagalit sayo dahil okay nako na minahal moko for once atleast kahit sa konting panahon naramdaman ko yung pagmamahal na sayo ko lang naramdaman"Sagot niya.

Nalungkot ako sa sinabi niya pero ang mahalaga ay nag kaayos na kami at kahit hindi na kami yung katulad ng dati ang mahalaga naging parte siya ng buhay ko.

"Mikki tara na"Ani ni bryce.

"Okay,papunta na!"

Minsan may mga taong dadating sa atin at magbibigay ng malaking leksyon saatin pero ang mahalaga natuto tayong umunawa at mag paubaya...