Kabanata 2

Ikalawang Kabanata

Mahalaga

Nagising ako sa alarm clock ng cellphone ko, pinatay ko ito marahil sagabal lang ito sa aking pagtulog. Nakakairita na may maaaring gumising sa'yo, napabalikwas ako nang upo sa aking kama. Naku!

Tiningnan ko ang orasan at nakitang 6:45 na nang umaga, kailangan ko nang magmadali. Baka mahuli pa ako sa klase and I don't want to fill up a turdiness slip. It's bad record for me, kailanman hindi ako na late!

Nagmamadali nga akong mag-ayos, for sure issue to sa room. Pag-uusapan kaagad nila kung ano ang posibleng rason, what's new?

Gan'yan naman talaga silang lahat, walang pinagbago. Pagdududahan ka, kahit wala kang masamang ginawa. How could they suspect you on situation that they didn't know what's happening in the first place. Big deal sa kanila lagi, that's why I can trust easily to them.

I don't easily trust people who surrounds me, I'm anti social though. Hindi ko talaga kayang pansinin lahat ng nasa paligid ko. Sanay naman akong mapag-isa, well lumaki akong gan'yan. Wala akong gana sa hang-out, hindi rin ako sanay sa paggala. Nasa kwarto lang ako 'pag weekends pero kung may group study or projects 'yan ay syempre pupunta ako, I need to maintain my grades.

Nagmamadali akong nag-ayos sa'king sarili, pinasadahan ng tingin ang buong katawan sa salamin. Naglagay ng kaonting pabango, at agad na nagbihis. Bumaba kaagad sa kusina, nakita ko so Tatay na kumakain na. Umupo na ako sa harapan ni Papa, at nagsalin na nang pagkain upang makakain na.

"Magmadali ka, baka mahuli ka na sa klase niyo," aniya. "It's too early pa Pa, tsaka madali lang naman akong kumain," tugon ko, habang sinusubo ang at marahang hinihiwa ang hotdog na nasa plato ko at itlog. "Mabuti Kung ganoon," tumatangong aniya, tumango na rin ako.

Madali lang naman kaming natapos ni Papa, tsaka hinatid na papuntang school. Habang nasa byahe pa ay biglang pinatugtog ni Papa ang speaker sa traysikel namin. Ngunit naagaw ang aking attention sa kanta.

So look me in the eyes~

Tell me what you see~

Perfect paradise~

Tearing at the seams~

I wish I could escape~

I don't wanna fake it~

Wish I could erase it~

The song hit me so hard, may ganoon bang kanta? Bakit ako apektado? Parang ganoon ata ang nararamdaman ko.

Make your heart believe~

But I'm a bad liar, bad liar~

Now you know, now you know~

That I'm a bad liar, bad liar~

Now you know, you're free to go~

Hindi ko namalayang tumulo pala ang mga luha ko, agad ko itong pinalis. Kailangan hindi makahalata si Papa. Blame that fucking song, that's the reason why I cried. Shit!

Yumuko na lang ako para hindi ako makita ni Papa. Ilang minuto ang lumipas umabot naman ako sa saktong oras, nagmamadali akong tumakbo para mag-ayos at tumulong sa paglilinis ng classroom. For sure, naglilinis na sila ngayon.

Pero nang malaman ko ang isang balita ay ang unti-unti akong naging masaya. Wala ang guro namin sa unang asignatura sa una naming klase. Kaya't biglaang naging maingay ang buong klase. May sariling ginagawa kaya napagpasiyahan ko na i-log-in ang RPA ko. Binuksan ko ito, tumambad sa'kin ang iba't ibang issue. May Brp daw na broken kasi nakipagbreak sa kanila ang mga Grp na ka rs nila, marahil sa isang Brp na maganda raw ang tinig. Isang mababang dahilan upang makipaghiwalay sa karelasyon nila, pero oo nga pala "if you fall, you'll loose". Hindi nga pala nagseseryoso sa RPW.

Agad kong hinagilap ang mga mensaheng natatanggap ko, sa babaeng 'yun na naman.

Astherielle Zariella Graphein

So ano? Gusto mo na bang sumali sa WH namin?

Chemistro Biokyle Sciryll

Bakit naman ako sasali? Writer ba ako?

Sarkastikong tugon sa kanya, alam kong alam niyang sarkastiko 'yun. Manhid siya kung hindi niya alam. Pero 'di ko alam kung bakit nakapagdesisyon ako bigla, masama ba ang hakbang na nagawa ko?

We would like to introduce to all of you, our new member of our WH. Chemero Graphein.

Post 'yan ni Rielle, or Astherielle. Siya Kasi 'yung founder ng Graphein. Ngayon isa na ako sa kanila, mainit na pagtanggap ang sumalubong sa'kin. Hindi ko maintindihan, nararamdaman ko ngayon ay lubos na kasiyahan. Nasisiyahan ako, kasi may maipagbubuhusan ako nang oras. May magagawa ako, para maka-inspire nang mga tao patungo sa mga katha at akda ko. Sisikapin kong maging maayos at matino na manunulat, kahit hindi naman ako kagalingan. Ngunit isa lang ang nasa isipan ko.

Gusto kong gamitin ang mga salita, upang naimulat ang madla. Sa bawat mga salitang aking bibitawan, ay dapat may mga aral na kanilang matutunan. Kahit na hindi ako kagalingan, sa mga sinabi ko'y walang bahid ng kasinungalingan.

Gusto kong ilabas lahat ng mga bagay na gusto kong isabi sa pamamagitan ng pagsulat, gusto kong magsulat ng magsulat. Sumusulat ako, para mailabas lahat ng nasa kaloob-looban ko. Gustong kong maging malaya, at mahangad ang kalayaan sa gusto ko. Nakita ko lang ang pagsusulat, upang mag-inspire nang mga tao. Siguro, Ito ang misyon ko. Pagsusulat ang daan para maimulat ang mga madla sa katotohanan.

Ilang araw na rin ang lumipas, pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa'king labi. Nakangiti ako palagi, simula no'ng nakahanap na ako nang mundong tatanggapin ako. Nagsusulat ako at nag-iisip ng iba pang plot na maaaring lagyan ng mga aral.

May naisip akong pamagat sa kwento. Hiding the Truth. Sa pagkakaisip ko nito'y pumasok lahat ng maaaring mga aral na maipasok sa kwentong ginagawa ko.

Hiding means me, ako. Nagtatago ako sa mga taong humuhusga at hindi makatanggap sa'kin. Mga taong walang ginawa kun'di siraan ako, wasakin ang pagkatao ko.

The Truth means my feelings. Lahat ng pakiramdam ko, ay hindi ko ipanapakita. Hindi ko 'yun pinakita sa kanila, pilit kong ipinapakita ang sariling matatag.

Hindi ko alam kung bakit ito ang naisip ko, pero isa lang ang dahilan para magawa ko ito. Gusto kong papatagin ang mga loob ng mga taong nakakaranas sa sitwasyon. Kahit na nasasaktan ako, maaring hindi na masaktan ang ibang tao. Pwedeng ako lang ang masaktan, hindi 'yung ibang tao. Ganito ako, iniisip ko ang ibang tao. Kung tatawagin niyo man akong Selfless ay totoo.

Ayaw kong may nakikitang taong nasasaktan, gustong kong pawiin ang hinanakit nila at maari bang kunin nalang 'yun at ibigay sa'kin. Para ako na lang ang magdusa. Gusto kong pawiin lahat ng mga hinanakit ng mga tao, at ako na lang ang magdusa. Gusto kong makita silang masaya, kahit nasasaktan ako.

Bakit ako masasaktan?

Siguro nga, nasasaktan talaga ako. Na sana kagaya nila ako, na sana gano'n ang buhay ko. Na sana, masaya rin ako at hindi nagdurusa. Siguro, ito talaga ang buhay na nakalaan sa'kin. Kaya't papahalagahan ko ito, at gusto kong makinabang ang ibang tao. Basta 'yun ang nasa isip ko.

Marami na rin akong naipost o naipublish na stories ko, maraming pumupuri. Tagos sa puso raw ang mga gawa ko, napapangiti ako pero agad 'yung napapawi. Sa katotohanang, posibleng ang WH ko ang dahilan. Kung kagaya ako sa sinasabi nilang Underrated Writers siguro masasaktan ako, tinitingala at hinahangaan nila ako siguro'y base sa apelyido at pamilyang kinabibilangan ko sa pekeng mundong 'to.

Pero iwinala ko sa isipan ko na 'yun, mahalaga may nakakaappreciate sa mga gawa ko. Kung sa RW kaya ako sumulat, may makakaappreciate ba sa mga gawa ko? Naging Anxious tuloy ako. Baka, kasi hindi nila ako matanggap. Baka, para lang akong basura na para sa kanila. Maraming what ifs ang nasa isip ko.

Pero siguro nga, ang pekeng mundong ito ay isang instrumento para patatagin at papalakasin ang mga taong pumasok sa kalakaran dito. Isa ito para makatulong sa kabataan na makanap ng may makikinig, kasiyahan, o training kumbaga. Lalabas dito ang mga talento nang mga kabataan. Leadership, sa mga hoods. Writing, sa mga manunulat. Singing, sa mga mang-aawit. Maraming mga talento ang maipapakita sa mundong 'to.

Akala ko noo'y masama ang dulot nito pero hindi pala. Kabutihan pala. Pagtanggap ay narito rin, tinatanggap ng bawat isa ang mga katangian. Naiintidihan ng bawat isa ang kanilang kapwa na ay hangad lang ay nakahanap ng mundong tatanggap at aagapay sa kanila. Isa ako sa mga kabataang 'yun. Ngunit hindi ko akalain, na isa pala ako sa magiging matatag.

Ilang buwan na rin ang lumipas, malapit na ang motmot ng WH namin. Gusto namin ng maraming events, at activities. Kanya-kanyang trabaho, at medyo busy. Ako ngayon ang nag-iisip ng mga tema para sa WriCon. Sa paggawa nang tula at kwento.

Busy rin naman lahat ng mga kasama ko, pagkakaisia ang nakikita ko sa aming pamilya rito. Sa katagalan ko na rito ay pagkakaisa ang bumubuo sa bawat Hood sa RPW. Minsan may nababalitaan kami na nabubuwag, pero kami hanggang ngayon ay pinipilit na maging matatag kahit may nang-iiwan. Normal na sa'min 'yan. Hanggang salita lang pala ang bawat miyembrong pumapasok sa'min, tapos sa huli sila pala ang mang-iiwan. Nasasaktan naman kami, pero siguro may nakalaan pa para sa kanila. May mga opportunity pang naghihintay sa kanila. Siguro, isa na kami sa naging instrumento nang bawat isa.

Ang pagpasok, ang pagkakakilala at pagsasama. Siguro'y instrumento nga ito kung tawagin. Iba't ibang katangian ng tao ang nakakasalamuha mo, ngunit pipilitin mong tanggapin marahil kailangan din nila nang tulong mo.

Sa pananatili ko rito sa mundong 'to, marami nang aral ang natututunan ko. Ngunit, sa mundong 'to ako na ay napamahal. Mahal ko na ang mundong 'to, Mahal na mahal ko na. Hindi ko maaaring iwan ito, siguro masasaktan ako sa pagdating ng araw na maaaring iwan ko na ang mundong 'to. Ang mundong 'to ay mahalaga na para sa'kin.