Kabanata 3

I want to say this, all of the happenings in this chapter are all counterparts of my real life situation. I neglected negative thoughts, instead I put positive thoughts. I'm here to remind you, that this story maybe kinda bit my personal life, but I promise I will put some happy happenings and treasure the scenes where all of the characters are happy.

---

Ikatlong Kabanata

Binuksan ko naman ang RPA ko, siguro ito na ang parating ginagawa ko. Nagkukulong sa aking kwarto, tumatawa nang mag-isa, umiiyak marahil sa mga umaalis ng fam. Teka, normal ba 'yun sa lalaki? H'wag niyong sabihing bakla ako? Hindi ko natatanggap 'yun!

Maaga akong nagigising kasi nag-aaral din naman ako, hindi naman kasi ako pabayang mag-aaral. Kaya ngayon, sinubukan kong ituon ulit sa mga libro at hand-outs sa harapan ko ang buo kong atensyon. Pinipigilan ko ang aking mga kamay na kunin ang cellphone ko sa tabi nang mga librong pilit kong pagtuonan ng atensyon. Pero, sadyang kating-kati na nga ang mga kamay ko at agad na kinuha 'yun ulit. Paulit-ulit lang ang ganitong eksena sa loob ng kwarto ko, tiningnan ko muna kung anong oras pa. Alas tres pa nang umaga, Kaya nagsimula na naman akong mag-aral at minemorya bawat importanteng salita.

Pero, kinuha ko ulit ang cellphone ko at tiningnan ang mga mensahe sa RPA ko. Nakita kong maraming mensahe nga, at nakalimutan kong ngayon pala ang MONTHSARY ng WH namin. Minamalas ka nga naman, kung kailan pa maraming quiz ngayon pa ang monthsary. Pero, hindi mawala sa buong sistema ko ang excitement pero naroon ang kalungkutan. Kasi, hindi ako makakapagcelebrate sa kanila nang pangmatagalan.

Kaya binuksan ko na ang mga mensahe.

Astherielle Zariella Graphein

Ano, may ginagawa ka ba? Pwede kang i-excuse ko sa monthsary.

Ako

Naku, 'wag na gagawa ako nang paraan.

Astherielle Zariella Graphein

Siguraduhin mo lang ah? Naiintindihan ka nang buong pamilya. Sabihan mo lang ako, sige may gagawin pa ako.

Ako

Sige ingat, mag-aaral pa 'ko.

Wala na akong natanggap na mensahe mula kanya, hindi ko na namalayan ang oras. Wala naman kasing mahalagang pinag-uusapan sa FAM namin kaya na ibunuhos ko lahat ng atensyon ko sa pag-aaral. Inaantok ako, kaya napagpasiyahan kong umidlip muna.

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana nang aking kwarto, kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Pinuntahan ko ang bintana at hinawi ang kurtina para tumambad ang labas at nakakasilaw na liwanag ng araw. Napagmasdan ko ang maraming tao sa kalye, nagkukumpulan ang iba. Mayroon nagmamadali, mga mag-aaral na panay usap at tawanan. Mga ibong lumilipad at sumasabay sa hangin sa ere, at ang iba'y tila kumakanta pa.

Ang araw naman ay medyo tumataas na, teka?! Tumataas na? Nagmamadali kong tingnan ang oras, naku! 7:00 am na. Nagmamadali akong nag-ayos, siniguro kong wala akong makakalimutan. Nagmamadali akong bumaba sa kusina para kumain, nagmamadali pa nga akong lumigo. Ano kaya ang itsura ko ngayon?

Nang nasa kusina na ako, malapit ng matapos kumain si Papa. Kaya nagmamadali rin akong umupo. Kumuha na ako nang mga pagkain, at dali-daling sumubo. Halos mabilaukan na nga ako, nagtatakang lumingon si Papa sa'kin.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong niya, mas lalong tumanda ang mukha ni Papa eh. Nakakunot noo, palihim akong tumawa.

"Anong nakakatawa?" bigla akong napaayos ng upo, patay-malisyang lumingon sa kanya.

"Ah, wala po. Nag-aral po ako eh kaya natagalan po akong gumising," mahinahong sambit ko pero may bahid ng takot. Oo, takot ako kay Papa. Ayaw kong magbuga nang apoy ang ilong niya.

Nagulat ako nang ngumiti siya. "Ayos lang, sige hihintayin na kita sa labas," agad niyang iniligpit ang pinagkainan niya at naghugas ng kamay, tsaka na lumabas ng bahay. Sumenyas pa siya ulit, kaya tumango ako. Nagmamadali rin naman akong kumain.

Naabutan ko si Tatay na nasa traysikel na naghihintay na sa'kin. Bahagya itong nakatungo, pero agad itong lumingon ng makita ako. Ngumiti ito sa'kin, iginaya ako papunta sa traysikel.

"Nak, ano matumal ang pamamasada ngayon. May naitabi ka pa ba?" hindi ako nagulat sa sinabi niya sa'kin, sa halip ay naiintindihan ko.

"Ayos lang 'tay, naiintindihan ko. Hindi naman ako tipo nang isang tao na gasta nang gasta. Alam ko kasing mangyayari ito, kaya may naitabi na ako 'tay," ngumiti ako sa kanya, bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero gumanti rin ito nang ngiti.

"Masaya akong naging anak kita, 'nak, hindi ko alam pero ako na yata ang napakasayang ama sa buong mundo ngayon," nakangiting aniya, tila nagiimahinasyon sa kanyang isip at tiningnan ako nang may nagkikislapan na mga mata. Makikita mo roon ang pagmamalaki. "Syempre, anak kita kaya sa'kin ka nagmana," natatawang aniya, ako naman ay nakamaang lang pero unti-unti akong sumabay sa kanyang pagtawa. Hindi pa rin lubos maisip na ipinagmamalaki ako nang tatay, masayang masaya ako. Tila pinapataba ang puso ko bawat bigkas niya sa mga salitang iyon.

Naging tahimik na ang ilang minutong byahe, nagpakawala akong nang malalim na buntong hininga at saka pinasadahan ng tingin ang entrada nang sekondaryang paaralan kung saan ako nag-aaral.

Ngumiti ako kay tatay at bahagyang kumaway, habang ngiting-ngiti bawat hakbang papasok sa paaralan. Napatingala ako nang makita ang nakaukit na pangalan ng paaralan.

Real High

Sa una ay nagtaka ako sa pangalan ng paaralang ito, sadyang hindi ko alam ang totoong kahulugan sa bukod tanging pangalan nito. Pero sa halip na pagtuunan ng pansin ito, ay humakbang akong muli at sinalubong ang mga estudyanteng panay paroon at parito. Sumiksik ako kasi marami nang pumapasok sa oras na ito at para kaming mga sardinas na pilit isiniksik sa isang makipot at maliit na espasyo na lata. Nang makalagpas sa parteng iyon ay halos takbuhin ko na ang papunta sa building namin.

Nang nasa pasilyo na ako papalapit sa aming silid-aralan ay marami nbang estudyanteng nagkukumpulan. Maingay na hallway ang sinalubong sa'kin. Sa halip na intindihin ay dere-deretso lang ang paglalakad ko. Hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin, sa halip ay sa harapan ko lang itinuon ang paningin ko.

Pero hindi ko mapigilang hindi mahagip ng paningin ko ang mga grupo-grupo nang mga estudyanteng masayang nagkukwentuhan, nag-aasaran, at nagdadamayan. Ngunit hindi mo nga sila mahuhugashan gamit sa panlabas na anyo, pero may kasamaan pala sa kaloob-looban na hindi mo man lang namamalayan o nakikita.

Nilampasan ko lang sila, dumeretso sa classroom namin. Sumalubong sa'kin ang pagkaseryoso nang mga kaklase ko. Bakit ba ang seseryoso nila, nakatutok ang mga paningin sa mga librong hawak-hawak. May ibang ginagamit na ang phones nila for research purposes or social media siguro. Oo, nga pala exam nga pala namin ngayon.

Umupo na ako sa Arm Chair ko at hinalungkat ang bag matapos buksan ito. Kinuha ko na mga notes ko at mga libro para mag-review. Wala na naman akong masyadong pag-aaralan kasi tapos na akong mag-aral. Nang mainip, ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang RPA ko. Gusto kong malaman kung kamusta ang paghahanda nila, kasi ipapakilala kami ni Astherielle sa 12:00 PM.

Binuksan ko nga ang RPA ko, hindi pa nga sila nagsisimula. Nais kong maging bahagi sa selebrasyom kahit pansamantala lamang. Nais kong maramdaman ang kasiyahang maidudulot sa'kin ng mundong 'to.

"Good morning, class," walang emosyong bati nang Filipino teacher namin, walang ipinagbago.

"Good morning, ma'am!" sabay-sabay na bati namin. "You may take your sit, get a whole sheet of paper then write number items from 1-100," shit, ganito naman lagi 'tong terror na 'to eh.

Natataranta kong naghanap ng papel sa bag ko, at thank God. May one whole pa 'ko. Inilabas ko ang pad ko pero may umagaw agad. The hell! Akala ko ba star section 'to tapos walang mga papel ang yaman-yaman naman nila ah.

"Pahingi!"

"Uy, one whole!"

"Give me some!"

"Shh, quiet give me one!"

Tsk, ibinilak nila sa'kin ang pad ko nang isa nalang ang natira. Wala man lang thank you.

NAKAKASTRESS naman 'yun kanina eh, umupo muna ako sa ilalim ng isang puno at sumandal sa katawan nito. Kinuha ko ang phone ko, binuksan ko agad ang RPA ko. Nakita ko nang nagpopost na nang mga kalokohan ang mga co-members ko. Tsk, kalokohan talaga ang nasa isip nila.

Merry Christmas!

Happy 1st Monthsary Graphein!

Kakahanap na 'kong jowa nito.

Kaya natawa na lang ako. "Would you mind if I sit beside you?" shit! Malapit ko na yatang mahulog ang cellphone ko, bakit ba kasi siya biglang sumulpot kung saan. "Bakit ba--," hindi ko alam pero, literal na nanlaki ang mga mata ko bakit kasi siya pumunta rito?

"Ah sorry!" sabay naming usal, ano ba talagang nangyayari? "No, it's okay," sabi ko, ayos naman talaga pero naman kasi bakit ba kasi siya biglang manggugulat.

"Ahh.. para sa'yo oh," nahihiya aniya, may binigay siyang hugis puso na box. Puta, lalaki na ba ang nililigawan ngayon. "Para saan 'yan?" nakakunot noo kong tiningnan ang inilahad niya box, tsaka tinitigan siya. Pero agad siyang nag-iwas ng tingin, bakit namumula ang pisngi niya.

"Ayos ka lang?" nagtatakang tanong ko, bakit nga ba kasi gan'yan siya? "Ha-ha? A-ayos lang, si-sige ku-kunin ko na lang 'to," nauutal niyang sabi at babawiin sana ang box niya pero pinigilan ko siya. "Wait, I'll take this," ngumiti ako sa kanya, ngumiti siya nang kaunti pero naglakad naman siya agad papalayo.

Tiningnan ko ang likod niya habang naglalakad siya papalayo sa kinaroroonan ko. Anong nakain niya? Bakit ako binigyan ng ganito nang isang Fairy Smith Villareal?

Anong ibig sabihin ng hugis pusong kahon na 'to? Baka pinag-iisipan niya akong bakla. Hala, hindi noh. Torpe lang siguro, pero wala naman kasi talaga akong crush ngayon. Pipilitin niyo ba ako?

Kasi, sabi nila baliw daw ang walang crush. Weh? Hindi ako naniniwala.

But still, her actions..

I'm confused.