Layer

Asher's POV

Pagkatapos naming mag-almusal ay nagpaalam kaagad kami kina Cavs na lalabas kaming dalawa ni Nixon para mag-grocery. Nakipag-deal kasi ito sa akin kagabi, na kapag ginawan ko siya ng album, ay ililibre niya ako ng grocery. Patas naman 'di ba?

"Baby, wala pala akong dalang wallet. Daan muna tayo sa bahay, ayos lang?" Tanong niya sa akin.

Napailing ako tsaka mahinang natawa. "Tara, basta bilisan lang natin ha. Ayaw kong masyadong tanghali, maghahanda pa ako ng lunch nina Cavs, tapos niyaya ako ni Lance na mag-swimming, for sure kasama si Jerie. Isama na rin kita." Tugon ko sa kaniya.

"Baby, nagseselos ako kay Lance." Pahayag ng binata sa akin.

"Ha, bakit ka nagseselos sa kaniya? Eh best friend ko lang iyon." Sagot ko sa kaniya habang naglalakad kami.

"Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi may gusto siya sa iyo. Tapos, paano na lang kung magustuhan mo rin siya, edi paano ako?" Saad naman niya.