Prologue

"Aezyl! Ano bang sabi ko sa 'yo?! Sabi ko babantayan mo ang kapatid mo!" Si mama at hinila ang tainga ko.

Araw-araw ganito ang pangyayari sa buhay ko, gigising ng maaga para makapaghanda ng gatas ni Aziyl, ang pitong buwang taong gulang na kapatid ko. pumapasok si mama sa trabaho ng madaling araw at umuuwi ng gabi na. si papa ko naman ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho din.

"Aezyl ano ba! Bantayan mo tong kapatid mo! Kausap ko ang papa mo! Puro ka na lang laro!"

13 years old ako noon nang magsimula na ang misyon sa buhay ko, halos kaming dalawa lang ni Aziyl ang laging tao sa bahay, ang mama ko ay laging umuuwi ng lasing at papagalitan ako sa hindi malamang dahilan.

"Dapat hindi na kayo nabuhay pa! Nang wala na kong aalalahanin!"

Isang araw ay buhat buhat ko kapatid ko habang papunta kami ng tindahan para umutang ng gatas ni aziyl, 50 pesos lang kasi ang iniwan ni mama kanina, wala na ring gatas si aziyl kaya naisipan ko itong gawin.

"Bakit ka pa umutang?! Alam mo namang wala na tayong pera!Kita mo namang hindi na nagpapadala ang papa mo!"

Hindi ako makasagot, hindi ako makapagsalita, hindi ko kayang ibuka ang aking bibig dahil alam ko sa oras na sumagot ako ay lalo lang siyang magagalit at sasaktan ako.

"Anthony naman! Wag mo naman kaming iwan!" Si mama habang nakaluhod sa harap ni papa.

Bumalik sa pilipinas si papa para ibigay ang natitirang pera niya, inamin din niya saming may ibang pamilya na siya sa ibang bansa.

"Papa! Bakit ganon kadali sayong iwan kami?! Bakit ganon kadali sayong makita ang pamilya mong umiiyak habang nagmamakaawa sayo?! Anong klase ka bang ama?!"

Sa isang beses na sumagot ako ay nakatanggap ako nang malakas na sampal galing sa papa ko. ilang beses na din akong napagbuhatan ng kamay ng aking mga magulang, ni hindi ako makapalag o makapagsalita.

"Aezyl, ipangako mo saking aalagaan mo ang kapatid mo ha?" mapupungay ang mata ni mama habang sinasabi niya iyon.

wala akong naging sagot, 15 years old ako nang makita ko si mama na nakabigti sa aming cr. iyon ang pinakamalalang nakita ko sa aking buhay.

kinupkop kami ng aking tiyahin ng isang taon ngunit ng hindi na makayanan ang gastos ay binalik kami sa aming bahay.

Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera..hindi ko alam kung saan ako hahanap nang makakakain.

Halos gabi gabi akong umiiyak, bakit ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit sobrang miserable? Ni hindi ako nakakapagaral, huminto ako noong ako ay magggrade 7, kapos kasi kami sa pera.

Hanggang isang araw, bigla na lang naging itim lahat hanggang sa bumagsak ako at hindi na makagalaw pa.

At nang ako'y magising, wala akong maalala kundi ang pinakamasasakit na ala-ala sa aking buhay.