1//
Puting kisame, puting kama, puting kumot lahat puti. ayan ang nadatnan ko nang ako ay magising.
inalala ko kung bakit ba ako nandito, ngunit wala talaga akong maalala.
ang huli kong naaalala ay iyong kami kami pa lang ang nabubuhay ni mama habang si papa ay nasa ibang bansa. naalala ko din kung paano kami iwan ni papa para sa bago niyang pamilya, yung pagkamatay ni mama, yung pagkakalipat namin kay auntie, the rest wala na.
Naalala ko ang aking kapatid na hula ko ay naiwan sa bahay, wala siyang kasama don! Nilibot ko ang tingin ko, nasa isang maliit na kwarto ako kung saan puro puti, nang makita ko ang pintuan ay lumapit ako doon, nagbabakasakaling mabuksan ko ngunit lock ito galing sa labas.
Ano ba talagang ginagawa ko dito? At nasaan ba ko? Nakidnap ba ko? Tinignan ko ang aking damit, naka puting bestida ako. Nasa ospital ba ko? Ano bang nangyari sakin? Nasaan ang kapatid ko?
Sinubukan kong itulak ang pinto o kaya kumatok doon ngunit walang sumasagot. Napapikit ako ng mariin, ni walang bintana itong kwarto na ito, kaya pano ko malalaman kung nasaan ba talaga ako?
Napabuntong hininga ako at umupo na lang ulit sa kama ko. gusto kong umiyak ngunit hindi ko magawa, gusto ko ng makaalis dito dahil walang nagbabantay sa kapatid ko.
Agad akong napatayo nang bumukas ang pinto, inuluwal non ang isang lalaking nakaunipormeng pang doctor, matangkad siya at maputi tumitig muna siya sakin bago isinarado ang pinto.
Sinubukan kong magsalita ngunit wala talagang lumalabas na kahit ano sa aking bibig. gusto kong magtanong, gusto ko siyang puwersahin na sabihin kung nasaan ako at anong nangyari sa kapatid ko.
"You're awake." Malamig na aniya. "do you remember anything?" Umiling lang ang nagawa ko.
umupo na ulit ako, sobrang tahimik sa kwartong ito at kapag ako lang magisa dito ay feeling ko mababaliw ako.
Tumango-tango siya. tinitigan niya ko kaya sinuklian ko iyon, mapupungay ang mga mata niya at parang kumikislap.
"You look normal. hush, you need to eat." Bulong niya ngunit narinig ko iyon.
Anong ibig sabihin niya sa normal? Normal naman talaga ako diba?
May kinuha siyang plato at isang mansanas, at nang marealize na wala siyang panghiwa ay kumuha siya ng kutsilyo.
Natuon ang atensyon ko sa kutsilyong dala niya, hindi ko alam kung anong problema ngunit sumasakit ang aking ulo, sobrang kirot at sobrang sakit. Napahawak ako doon at napahiga.
bakit ganito?
"May masakit ba sa'yo?" Pormal na tanong niya. napatingin siya sa kutsilyong hawak niya at agad tinago iyon galing sakin. "Shit." Bulong niya pa.
"I'll be back." Sabi niya at lumabas ng kwarto.
Nanliliit ang aking mata habang may naaalala, isang litratong na hawak ko ang kutsilyo na puno ng dugo.
unti-unting lumandas ang mga luha sa aking mata at nakatulog na lang bigla.