Chapter II

2//

"She is Aezyl fewler, doc." Dinig ko ang boses ng isang nurse sa aking gilid.

Binuksan ko ang aking mga mata at agad bumungad sa 'kin ang dalawang doctor, yung isa ay babae na nakangiti sa 'kin, yung isa ay yung kanina kong nakita.

"She's pretty.." Bulong ng babaeng doctor.

sinubukan kong umupo at doon ko lang narealize na nakatali ang aking mga kamay. Kunot noo ko silang tinignang tatlo na nakatingin sa 'kin.

"Oh..we need to ask you some questions for a while, aezyl." Nakangiting sabi ng babaeng doctor.

ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ay nakatali ako kung tatanungin lang nila ako?

Gusto kong magtanong ngunit walang lumalabas na kahit anong boses sa aking bibig. hindi ko alam kung pipi na ba ako o ano..

"Do you remember anything? Like you did earlier?" Tanong ng lalaking doctor na pumasok kanina sa kwarto.

"Zack..wag mong siyang masyadong puwersahin." Malambing na bulong sakanya ng babae.

Kumunot ang noo ko. May ginawa ba ko kanina? Ang naalala ko ay natulog lang ako.

Umiling lang ang ginawa ko.

"She doesn't even remember anything..but how?" Ani ng babaeng doctor.

"Please, speak." utos nung zack.

Umiling lang din ako.

"You can't speak?" Nagtatakang sabi ng babae.

"Maybe she is traumatize or something, prossy." tumango iyong prossy.

"By the way, i'm prossy cuevas...and he's zack lawckson, we were assigned to take care of you..sana ay mabilis kang gumaling, aezyl." Si prossy na nakangiti ng matamis sakin.

Gumaling? Bakit ako gagaling kung wala naman akong sakit? At saka nasaan ba talaga ko?

"Nurse elfin, ikaw na ang magpakain sakanya ha, bahala ka na muna." Utos ni Prossy sa nurse sa aking gilid.

"Ako na." sabat ni zack.

kumunot ang noo sakanya ni prossy.

"Huh? Ang sabi mo ay sabay tayong magdidinner ngayon 'di ba?" Si prossy.

"It's dangerous if we will just let elfin to take care of her..baka-"

"Alright, alright. Basta don't pressure her much, zack." ani prossy bago lumabas kasama yung nurse elfin.

Napabuntong hininga si zack bago bumaling sakin. dumilim ang titig niya ngayon, yung tipong hindi ko na kayang titigan siya pabalik.

"How's your feeling?" Umpisa niya.

wala namang masakit sa 'kin, hindi na din masakit ang ulo ko tulad ng kanina.

Tumango ako. gusto kong sabihin na okay lang ako. ngunit ang dami pa ding tanong sa aking isip.

Nangilid ang aking luha sa hindi malamang dahilan, siguro ay namimiss ko na ang kapatid ko? Ang pamilya ko? O pakiramdam ko ay nagiisa lang ako?

Lumandas ang luha sa aking pisngi, agad akong yumuko. Ang bigat bigat ng aking dibdib, gusto ko ng umuwi.

Bakit nga ba ako nandito sa lugar na ito? Bakit bigla na lang akong magigising ng mabigat ang aking dibdib? Bakit bigla na lang didilat ang mga mata ko na may mga bagong mukha akong nakikita?

Nagulat ako nang iangat niya ang baba ko at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

"Are you okay?" Malambing ang kanyang boses.

hindi ko alam kung tatahan ako o lalo akong maiiyak. Can i speak now? But how? Sinubukan ko ibuka ang aking bibig, ngunit hanggang duon na lang iyon.

"Don't force yourself to talk if you can't." Bulong niya at binitawan na ko.

may kinuha siya sa isang lamesa at pagbalik niya ay may dala dala na siyang tray na may pagkain at juice.

Pinanood ko siya at doon ko lang natitigan ang kanyang mukha. itim ang kanyang mata, may magandang kilay at mahahabang pilikmata, may matangos na ilong at mapupulang labi, perpektong perpekto.

Kinuha niya ang kutsara at sumandok ng kanin at ulam, nagiwas ako ng tingin nang bumaling na siya sa 'kin.

"Hey.." unti unti ulit akong tumingin.

Nakalahad na ngayon ang kutsara na may kanin at ulam sa aking harap, sinubo ko iyon.

Bakit kailangan pa kong subuan kung kaya ko namang kumain magisa? At bakit ba ko nakatali?

"hush, aezyl." Tawag niya sakin ng napansin na nakatingin ako sa aking mga kamay na nakatali.

Tumindig ang aking balahibo sa pagkakasabi niya ng aking pangalan.

"Eat." Tumango na lang ako at sinubo ulit ang pagkain.

hanggang kelan ako ganito?