Chapter III

3//

"Nahimatay siya at nang magising ulit ay wala na siyang kontrol sa sarili? Is that true doc?"

dinig na dinig ko ang usapan galing sa labas, nakabukas kasi ang pinto. kakainom ko lang din ng gamot na hindi ko alam kung para san at bakit kailangan kong uminom ng gamot?

Hindi ko alam kung ako ba ang pinaguusapan nila, pero kung ako nga.. kailan at anong ginagawa ko kapag wala akong kontrol sa aking sarili?

"Aezyl is normal not until she saw me holding a knife..." Si zack.

naalala ko ang pangyayari kahapon, nang makita ko ang kutsilyo ay bigla bigla na lang sumakit ang ulo ko, sobrang sakit..hanggang sa makatulog ako, pero yun lang ang naalala ko, wala na.

Pumikit ako ng marahan at pilit inaalala ang lahat..napadilat ako nang pumasok si doc prossy, ayan nanaman ang matatamis nyang ngiti.

"Hi aezyl, good morning! Kumain ka na ba?" Masigla nyang bungad sa 'kin.

Nakangiti akong tumango, yung nurse elfin ang nagpakain sa 'kin kanina dahil hanggang ngayon ay nakatali pa din ako, aniya pa na may inaasikaso daw si doc zack kaya siya muna ang magpapakain, wala naman akong pakialam kung sino ang nandito, kahit siya pa.

"May pinainom ba sayo si elfin?" Tanong niya. tumango lang din ang nagawa ko.

"Well that's good. By the way, aalis muna ako chineck ko lang kung okay ka lang ba dito..babalik ako mamaya! Bye!" Aniya. Tumango ako kaya lumabas na din siya.

buong araw lang akong nakaupo, nagiisip ng kung ano ano. naalala ko ang aking kapatid, ano na kayang lagay niya ngayon? Ok lang naman siya diba? O baka naman kinuha ulit siya ni auntie at inalagaan? Siguro nga, sana nga.

Napaisip ako, kung nasa ospital ako..siguro ay may sakit ako? ano naman ang sakit ko?

Biglang bumukas ang pinto, bumungad sakin ang isang lalaking hindi kaputian, sakto lang ang kanyang tangkad at nakaunipormeng pang doktor din.

"Hi, nandito ba si doc lawckson?" Tanong niya. Mukha ba siyang nandito?

umiling ako.

"Pwede bang pumasok?" Napakurap-kurap ako bago tumango. Bakit niya tinatanong kung pwedeng pumasok? Hindi naman akin tong kwartong ito, at isa pa doktor siya malamang pwede siyang pumasok.

"Uhm, hi, i'm Havier coneirant, you?" , Hindi ko alam kung pano ko ipapaalam sakanyang hindi ko pa kayang magsalita ngayon.

tumagilid ang ulo ko at yumuko.

"She can't speak havier, what are you doing here?" Ayan agad ang bungad ni doc zack nang pumasok siya sa kwarto.

"Easy dude, nagpapakilala lang ako." Matalim ang tingin sakanya ni zack.

"Kilala ka na niya, ngayon umalis ka na." Malamig na aniya. nagtaas sakanya ng kilay yung havier at nagkibit balikat na lang.

"Bye beautiful!" Aniya bago lumabas. kumunot ang noo ko. Bumaling na lang ako kay zack na tiim bagang na nakaupo na ngayon sa sofa sa gilid ng aking kama.

"don't mind him, malandi lang talaga ang isang yon." Iritado niyang sabi. tumango ako.

"Are you okay here?" Tanong niya. Tumango lang din ako.

naiirita na ko sa aking sarili, bakit ba hindi  ako makapagsalita? normal pa ba ito?

Bumuntong hininga siya at humilig sa upuan, tumingala siya at pumikit. Mukha siyang pagod na pagod gusto kong itanong kung bakit siya nandito nagpapahinga, gusto kong magisa at makapagisip, hindi ko magawa dahil nadidistract ako sakanya.

Lumipas ang mga minuto ngunit hindi siya gumagalaw at ganon pa din ang posisyon niya, sa tingin ko ay tulog na siya.

humiga na lang din ako para makatulog.