4//
"Zack..wake up." Napadilat ako nang marinig ko ang bulong ni doc prossy.
nakita kong ginigising niya si zack mula sa pagkakatulog nito, nang mapalingon siya sakin ay ngumiti siya.
"Ang sabi ni elfin ay siya na lang daw ulit ang magpapakain sa'yo, hintayin mo lang siya." Sabi niya at bumaling ulit kay zack na mahimbing na natutulog.
kung ako ay hindi ko na lang siya gigisingin at hahayaan na lang muna siyang magpahinga, ngunit hindi ko naman alam ang mga gagawin nila at hindi rin ako nakakapagsalita.
"Zack.." Malambing na ani prossy. Unti unting niyang dinilat ang kaniyang mga mata. agad itong tumama sa 'kin, nagiwas ako ng tingin.
"Let's have a dinner." si doc prossy. bumagsak ang mga mata ko sa aking mga kamay na ngayon ay nakatali pa din, unti unti na itong sumasakit dahil sa higpit ng pagkakatali.
"What time is it?" Dinig kong tanong ni doc zack.
"It's already 7pm.." sagot naman ni doc prossy.
"Sino ang magpapa-"
hindi niya na naituloy ang kanyang sasabihin nang bumukas ang pinto at iniluwal non si havier na may dalang pagkain.
"May ginagawa si elfin kaya ako na lang muna ang magpapakain sakanya." Aniya at bumaling sakin. "Hi..aezyl!" mukhang nalaman niya na din ang aking pangalan.
"Really havier? Okay lang ba yon sa'yo? Baka may gagawin ka pa.." Si doc prossy.
"Naku, wala na.." aniya at inilapag na ang pagkain sa lamesa.
"Okay, salamat! Aalis na kami!" Masiglang sabi ni prossy at hinawakan ang kamay ni zack. Nagiwas ako ng tingin. ano ba ito?
"At sinong nagsabing papayag ako?"
Nanlaki ang mata ko nang bumaling sakanya, madilim at titig niya sakin.
"H-huh? I mean, magdidinner tayo zack..hindi ka pa kumakain.." Sabi ni prossy.
"U-uh, oo nga naman dude..kumain na kayo ako na ang bahala sakanya." Si havier.
"Ako na." Mabilis akong umiling. Kumunot ang kanyang noo.
Kailangan niyang kumain..alam kong gutom na siya, hindi naman purkit responsibilidad niya ko ay wala na siyang oras magpahinga o kumain, at isa pa nandito naman si havier.
"Oh..mukhang okay naman si aezyl kay
havier, hayaan mo na." Saad ni prossy.
Umirap siya sakin at umiling-iling, una siyang lumabas ng kwarto at sumunod naman sakanya si prossy.
Ano bang problema non?
"Dude wala naman akong gagawing masama sakanya!" Pahabol ni havier.
"Siguraduhin mo lang." Matigas na ani zack at tuluyan nang lumabas.
Umiling-iling si havier at bumaling na sa 'kin.
"Good evening beautiful!" masiglang aniya at kinuha ang pagkain. kumuha siya ng upuan at nilagay sa gilid ng aking kama.
"Sabi ni zack ay hindi ka pa daw makapagsalita sa ngayon, kaya ako na lang magsasalita!" Gusto ko siyang patahimikin na lang dahil ayoko sa lahat ay yung nagiingay, kaso mukha naman siyang mabait, i don't want to be rude.
Habang pinapakain nya ko ay panay ang daldal niya, habang ako naman ay nakikinig sa kanya.
"Alam mo ba iyong si doc lawckson at si doc prossy ay hindi mahiwalay! Ang gusto nila ay lagi silang magkasama, sabi nila ay si prossy lang daw talaga ang nagmamakaawang kay doc lawckson lang siya laging sasama, naku! Malaki talaga ang tsansa ng babaeng yon kay doc lawckson!"
Napatingin ako sakanya, kung ganon ay dati na pala silang magkasama? At lagi? Lumunok ako at isinantabi na lang iyon.
Nang matapos kumain ay naramdaman ko ang tawag ng kalikasan. hindi ko alam kung pano sasabihin..
Ginamit ko ang paa ko para maagaw ko ang atensyon niya, nagliligpit kasi siya ng platong pinagkainan ko.
"Ha? Bakit?" Ininguso ko ang cr, agad nya iyon nakuha ngunit nagdadalawang isip pa siya kung tatawagin muna si zack o siya na ang magtatanggal ng tali sa aking kamay.
Kinagat ko ang labi ko at pumula ang pisngi, sa tingin ko ay lalabas na.
sa huli ay tinanggal niya din ang aking tali kaya dali dali na kong pumunta sa cr. habang nasa loob ay napatingin ako sa aking pulso na namumula na at malapit nang magsugat.
napayuko ako.