5//
"A-aezyl? Lalabas na ako ah? May gagawin pa kasi ako, ang sabi ni doc lawckson ay papunta na daw siya dito." Dinig kong sabi ni havier galing sa labas.
Maya maya pa ay narinig ko na ang pagbukas sara ng pinto hudyat na nakalabas na si havier.
Nang matapos ay nagayos ako, napatingin ako sa salamin. ang aking itim na itim na buhok na medyo dry at may pagka wavy ay maayos naman, ang aking suot na puting bestida na kahapon ko pa suot ngunit hindi naman ako mabaho, nagulat ako nang makita ang isang peklat sa aking leeg.
isang mahabang guhit iyon, inalala ko kung saan ko ba nakuha iyon at ipinagkibit balikat na lang nang walang maalala.
Lumabas ako at tumambad sa 'kin ang madilim kong kwarto. Napalunok ako. Takot ako sa dilim, hindi dahil sa multo kundi dahil pakiramdam ko ay nagiisa lang ako.
"Aezyl.." Bulong ng isang babaeng di ko alam kung saan. Nakailang lunok ako.
"Wala kang kwentang anak! Dapat ay hindi ka na lang nabuhay pa!" Nanlaki ang mata ko.
mama?
Nanginig ang aking buong katawan at napaupo sa sahig.
"Iniwan tayo ng tatay mo dahil sa'yo!"
tinakpan ko ang aking tainga sa aking mga naririnig. Anong nangyayari? mariin akong pumikit dahil sa sakit ng aking ulo.
"Baliw ka aezyl! Baliw ka!"
Dinig na dinig ko ang galit sa boses ng aking ina.
"Ate?" Napadilat ako nang marinig ko ang boses ng aking kapatid.
"Mama...tulungan..mo 'ko.." Dinig ko ang pagmamakaawa ni aziyl, sa hindi malamang dahilan bumalik ang isang ala-ala.
"You are just like your mother!" yumuko ako sa mga naririnig ko sa aking tita.
hindi ko alam kung ano bang ibig-sabihin niya, ano bang meron kay mama?
"Simula ngayon, you will stay in your room! You are grounded!" Sigaw niya at mabilis akong hinila papuntang kwarto ko.
Simula ng mamatay ang aking ina kinupkop kami ng aming tita, siya ang nakakatandang kapatid ni mama.
si aziyl ay inaalagaan naman minsan ng aking pinsan kahit labag sakanyang loob, kailangan ko kasing magsaing, maghugas, maglaba at maglinis ng bahay, sabi ni tita ay yan lang daw ang maitutulong ko dahil hindi ko pa naman kayang magtrabaho.
"Aezyl! Ikaw nga muna magbantay sa kapatid mo! Naiistorbo ako eh!" Sigaw ni ate yasmin isang araw habang naghuhugas ako.
"Ate yas, wait lang po. tatapusin ko lang ito." Saad ko at mas binilisan ang paghuhugas.
Nasa sala siya habang nags-cellphone. ang dalawang taong gulang na kapatid ko naman ay kung saan saan pumupunta.
"Aziyl, tara dito kay ate.." tawag ko sakanya nang matapos ako sa paghuhugas. mabilis siyang tumakbo sakin kaya kinarga ko siya.
"nagugutom ka na ba?" Tanong ko. Kumurap kurap siya.
"indi pa." nakangiting aniya. "Po." Dagdag niya nang marealize.
tumawa na lang ako at umiling-iling.
"Tapos ka na ba maglaba?! Dalian mo at bukas na ang dating ni daddy! Susunduin namin siya sa airport! Labhan mo yung off shoulder ko ha!" Sigaw ni ate yasmin.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango. nagiibang bansa din kasi ang tito ko, yun nga lang hindi naman sila magkasama ni papa na nasa ibang pamilya na.
Bumuntong hininga ako. Kung sana ay hindi nangbabae si papa sa tingin ko ay buo pa kami. kaso wala na, wala na si mama.
"Ate nasaan si papa? Kailan ba siya uuwi?" nangilid ang aking luha sa tanong ng aking kapatid. halos araw-araw niyang tinatanong kung kailan babalik si papa.
hindi niya alam ay wala na kaming papa. nasa ibang pamilya na.
"Ah yun ba? Nagtatrabaho si papa para satin! Kaya baka matagal pa siya bago bumalik, hayaan mo na aziyl, nandito naman ako, nandito ang ate mo." Hinimas himas ko ang kanyang ulo. Tumango siya.
i don't want to hurt her, i can't.
"Please stop, aezyl. Please." nagising ang aking diwa nang marinig ko ang nagmamakaawang boses ni zack.
nasa likod ko siya habang pinipigilan niya ang aking kamay.
nasa banyo ako at may hawak na kutsilyo, at halos manlaki ang aking mata nang makita ang pulso kong puro dugo.
"Z-zack?"