6//
"Z-zack?"
"Aezyl.."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang boses ko, hindi ko alam kung pano ako nakapagsalita.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking pulso, may hiwa iyon dahilan ng pagdudugo. Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko.
No..no.
nangilid ang aking luha sa aking naisip, sinasaktan ko ang sarili ko? Pero paano? Ni hindi ko alam ang aking ginagawa.
"A-anong nangyari?" Nanginig ang aking boses. kahit alam ko na ang sagot ay gusto ko pa ding malaman kung ano nga ang nangyari.
Suminghap siya.
"Hush, let's go." Aniya at binitawan ako. Kalmado na ang mukha niya, inalalayan niya ko palabas ng banyo.
Pano ako nakarating sa banyo?
Pinaupo niya ako sa kama at ginamot ang sugat sa aking pulso. Gusto kong sagutin niya ang tanong ko, pero ayokong maging makulit, dahil alam kong ako ang problema, lagi naman.
Nanlaki ang aking mata nang makita ang kanyang kamay na may dugo din, hindi ko alam kung dahil lang ba sa pagkakahawak ng aking kamay na may dugo o dahil pinigilan niya ang aking kamay na may hawak na kutsilyo?
"Nagdudugo yung kamay mo-"
"It's okay, hindi naman nakakamatay 'yan." Putol niya sa 'kin. seryosong seryoso ang kanyang mukha.
pero kahit na..
Bumuntong-hininga ako at yumuko na lang. ayokong isipin na may nasasaktan dahil sa 'kin, pero iyon ang totoo.
"Anong naalala mo?" Tanong niya. halos mapadaing ako nang pinahidan niya ng kung ano ang aking sugat.
Umiling lang ako, totoo iyon. wala akong ibang naalala.
iyon ba ang ginagawa ko pag wala akong kontrol sa sarili? Hinawakan ko ang sugat sa aking leeg, ako din ba ang gumawa nito?
"Don't think too much, aezyl. Done." Sabi niya nang matapos ang paggagamot ng aking sugat.
Hindi ko maiwasang magisip o tanungin ang aking sarili, sa sobrang dami kong tanong ay parang sasabog na lang ang utak ko ay wala pa kong nakukuhang sagot.
Umupo siya sa tabi ko.
"I really want to punch havier right now." Bulong niya. Napalingon ako sakanya. Tiim bagang niya kong tinignan. Nagiwas ako ng tingin. bumibilis ang tibok ng aking puso tuwing binabaling niya sa kin ang kanyang mga mata.
"Are you sleepy?" Tanong niya.
"hmm." Tango ko. Shit gusto ko na talagang magkunwaring inaantok para umalis na siya! My heart is not calming down everytime he's here.
"Sleep then, i'll stay here." Aniya at pinahiga na ko. wala akong nagawa kundi ang mahiga, pipilitin ko na lang wag magisip para makatulog.
ginawa niya nga ang sinabi niya, nanatili siyang nakaupo sa aking kama, sa tingin ko ay may malalim na iniisip.
Natulog na lang ako.
Sana ay pag gising ko ay may sasagot na sa aking mga tanong, sana makauwi na ko. sana nga.
"i'm glad you can speak now." Bulong niya habang nakatingin sakin bago ko isara ang aking mga mata.
i'm glad you're here.