7//
"The hell havier? May gana ka pa talagang pumunta dito?" Mahinahon ngunit galit na utas ni zack.
Nagising ako dahil doon, hindi na ko nakatali ngunit lagi namang may bantay sa'kin.
"Look, sorry dude hindi ko naman alam-"
"kahit na havier!" Sigaw naman ni prossy. "Sana ay binantayan mo siya hanggang sa makalabas siya sa banyo, but what did you do? Iniwan mong magisa!" Dagdag niya.
Yumuko ako, ayaw ko ng ganito. ayokong nagaaway sila dahil lang sa'kin.
"Yes, alam kong kasalanan ko. Sorry talaga doc zack, prossy i'm really sorry. sorry din aezyl. i promise i won't do it again." Aniya.
"Talagang hindi mo na ulit gagawin dahil hindi na kita pauulitin." si zack. I know he is angry. syempre ay pasyente nya ko, pag may nangyaring masama sa'kin ay sakanila ang sisi.
pero wala akong sinisisi ngayon kundi ang sarili ko, pano ako nahantong sa ganito? sa buong buhay ko ay akala ko normal ako, akala ko normal lang ang buhay ko.
Wala namang nagawa si havier kundi ang lumabas ng kwartong nakayuko, sinisisi ang sarili.
nalulungkot ako dahil mabait naman siya sa'kin, magaan siyang kasama, sana ay makausap ko ulit siya.
"What now zack?" Si prossy. Bumaling siya sa'kin. "Wala na bang masakit sa'yo aezyl? Are you okay now? I heard you can speak now?"
"O-okay na ko, doc." Bulong ko at yumuko. Goodness! bakit ba ako nahihiya?
"We need to watch after her, everytime."
"H-huh? Okay? pero pwede naman siyang itali ulit.." i agree. itali na lang ulit nila ako nang hindi na sila mahirapan sa'kin.
"Nakikita mo ba yung pulso niya prossy? Nagsusugat na dahil sa tali! Then yung kagabi..." napapikit ako sa boses ni zack.
"Okay lang, kesa naman-" pinutol ni zack ang sasabihin ko.
"But it's not okay with me." Mariin niyang sabi. "I'll stay here, prossy. I'll stay." Ulit niya.
"U-uh, okay..uhm, una na ko zack may gagawin lang." Malamig na utas ni prossy.
Nagpabalik-balik muna ang tingin niya sa'min ni zack bago lumabas.
Ilang minuto din kaming natahimik sa kwarto nang may naisip ako.
"Z-zack.." agad siyang bumaling sa 'kin. "Pwede bang..ano..uhm..mamasyal sa labas?" Putol putol kong sabi.
Tumitig muna siya sa 'kin bago sumagot.
"Sure, i'll come with you." Aniya. Tumango ako.
Gusto kong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin at hindi lang 'yon, gusto ko ding malaman kung nasaan ba talaga ako, kung ayaw nilang sagutin ang tanong ko..ako na lang ang hahanap ng sagot.
"Maliligo muna ako." Ani ko. Tumayo siya. Kumunot ang noo ko.
May kinuha siya sa gilid ng mesa, isang paper bag. inabot niya sakin 'yon.
"Here's your clothes, dinala yan ng auntie mo kahapon." nagulat ako doon.
"Si tita? B-bakit-"
"Malalaman mo din aezyl, wag mong madaliin lahat. hindi ko alam kung kakayanin mo pag nalaman mo na ang totoo, just wait, aezyl. ako mismo ang magsasabi sa 'yo." Napabuntong hininga ako.
Baka hindi ko kayanin? Bakit hindi ko kakayanin?
Wala akong nagawa kundi ang tumango at dumeretso na lang ng banyo.
hindi pwedeng wala akong alam, hindi pwede.