8//
Nang matapos akong maligo, sinuot ko ang puting dress at ang tsinelas na nandon sa paper bag.
tinignan ko ang pulso ko. balot iyon ng puti, ayoko nang mangyari ulit 'yon...ayokong sinasaktan ang sarili ko.
Lumabas ako at tumambad sa 'kin ang naghihintay na si zack, tinignan niya ang suot ko kaya napayuko ako.
Shit, bakit ba ganito?
"Done?" Tanong niya. tumango ako. nasuklay ko na din ang buhok ko kanina, pahirapan nga lang dahil medyo nagkabuhol buhol.
"Let's go." Aniya at hinawakan ang kamay ko. uminit ang aking pisngi. goodness aezyl! Ano bang nangyayari sa 'yo?
Nang makalabas ay binitawan nya na ko.
ginala ko ang mata ko, hallway iyon at sa tapat ng kwarto na tinutuluyan ko ay may kwarto din. Tumuloy ako sa paglalakad. sinundan ko lang si zack hanggang makarating kami sa elevator.
Tahimik lang kami habang nasa loob non, mukhang ospital nga ito. Nang bumukas ang elevator ay tumambad sa 'kin ang mga nurse na naglalakad habang may bitbit na kung ano.
"Ayoko nga sabing kumain eh!" Isang sigaw ang narinig ko. bumaling ako sa nakabukas na kwarto at nakita ko ang babaeng pinapakain ng nurse.
Inirapan niya ko. sa hula ko ay 16 years old lang siya, magkasing edad lang kami.
Kita ko ang pagbaling ni zack sa 'kin. marami pa kong naririnig na mga sigaw ngunit binalewala ko na lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.
Naaninag ko na ang glass door, mas binilisan ko ang paglalakad ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto, huminto muna ako. tumambad sa 'kin ang malawak na lupain..may puno sa paligid at may mga benches, green na green ang paligid samahan pa ng bermuda grass.
Umihip ang malakas na hangin kaya nilipad non ang aking buhok. Pumikit ako.
"Let's go aezyl." Ani zack at hinawakan ang kamay ko. hinayaan ko lang siyang gawin iyon habang naglalakad kami.
Umupo kami sa isang bench sa ilalim ng malaking puno, agad kong nilayo ang kamay ko.
"Bakit ba ngayon ko lang naisipang lumabas.." bulong ko. sobrang peaceful ng lugar na ito, na parang gusto ko na lang lagi dito. Ngunit hindi pwede, may kapatid pa ko, at mga kailangan malaman.
"Ngayon ka lang kasi naligo." Sabi niya sabay halakhak. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mabaho ba ko yung wala pa kong ligo?" Tanong ko. shit? Shit!
Tumitig siya sa 'kin.
"Hmm..oo! Dalawang araw aezyl, dalawang araw kang hindi naligo." Halakhak niya.
Mas lalong sumama ang tingin ko. oo na! Dalawang araw na kong walang ligo non!
"I hate you." Sabi ko sabay irap. Tawa lang ang narinig ko sakanya. kala mo naman siya araw araw naliligo!
"Ouch!" Sigaw niya at humawak pa sa dibdib niya na parang nasasaktan.
"Don't hate your doctor, or else.." tinaasan ko siya ng kilay.
"Or else what?" Pumungay ang kanyang mga mata at umiling.
"Nothing.." Sabi niya habang nakatingala.
Yeah nothing, you're just here because you are my doctor.
napalunok ako sa naisip ko. Pero totoo naman, he see me as his patient, bakit ba ko umaasa ng sobra pa don? ginagawa niya to dahil pasyente niya ko, nothing more special than that.
Alam kong mali itong nararamdaman ko, i like him..really. pero marami pa kong problema bukod don. di ko dapat pinoproblema ang nararamdaman ko para sakanya.
he is my doctor.
Tiningala ko ang building ng ospital at agad kong nakita ang sulat sa taas.
"Mental hospital." Basa ko.
he is my doctor and he is here to help me fix myself. he is just here because i'm his responsibility. itatak mo yan sa utak mo aezyl.