31//
He can't love me.
'yan ang tumatak sa utak ko sa mga sumunod na araw, hindi niya 'ko pwedeng mahalin. hindi pwede.
pero alam niyo yung dapat ay hindi ko tinotolarate yung nararamdaman niya, pero hindi, masaya ako. masaya akong may nagmamahal sa 'kin, masaya akong mahal ako ng taong mahal ko. syempre, masaya ako.
Gusto kong pigilan ang nararamdaman niya, pero kahit sa nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan.
Napapikit ako ng mariin sa kakaisip. ngayong araw ang libing ng lolo niya, isang linggo na din noong marinig ko na mahal niya 'ko.
"Hey, aalis na 'ko.." Aniya nang pumasok siya dito. ngumiti ako.
"okay, take care." Niyaya niya din akong sumama sakanya ngunit tumanggi ako.
Nakaupo lang ako ngayon sa kama at kung ano-ano ang iniisip. minsan nga sa dami kong iniisip ay kung saan saan na napupunta ang isip ko.
Umupo siya sa tabi ko.
"Do you think lolo is happy now?" Tanong niya.
"Of course, he's happy.." Ngumiti ako ng tipid. Ngumiti siya at may kinuha sa bulsa.
"Sa tingin ko, mas sasaya siya 'pag binigay ko na sa 'yo 'to." Aniya at pinakita sa 'kin ang isang kwintas na may maliit na diamond sa gitna.
Kumunot ang noo ko. tumayo siya. "Come here," Aniya. naguguluhan akong tumayo.
"Why?"
Ngumisi siya at pumunta sa likod ko, maya-maya pa ay naramdaman ko na..na sinusuot niya sa 'kin ang kwintas.
"It's from my lola, lolo gave this to her...lola died..and lolo gave this to me.." bulong niya.
"Lolo said, give this to the girl i love." Kumalabog ang dibdib ko. hinawakan ko ang diamond sa gitna nito,
i feel..special..for the first time.
Humarap ako sakanya. "W-why do you love me?" Bulong ko habang nangigilid ang luha. "i mean..i'm a worst girl ever! I'm..useless, just why me?"
"I don't know either, basta ang alam ko mahal kita." Hinapit niya ang aking baywang at pinagdikit ang aming noo. nanlalaki'ng mata ko siyang tinignan.
"You are the best girl i've ever known, you are the strongest, you are so special for me, you deserve the world, baby. You are only just for me."
parang talon na sunod sunod pumatak ang aking luha.
why are you doing this to me, zack?
"So, no need to ask why i love you, aezyl..cause who wouldn't fall in love with you?" ngumiti siya at dahan dahang siniil ng halik ang aking labi.
Baby, you're making this hard for me.