Chapter XXX

30//

"Bakit hindi ka pa bumabalik do'n?" Tanong ko nang mapansing nakaupo lang siya sa couch at pinaglalaruan ang labi.

"Nando'n naman si tita..and i need to rest.." aniya. tumango-tango ako.

Gusto kong magtanong, gusto ko kahit bigyan n'ya lang ako ng clue kung anong totoo, pero ayaw kong mas lalo pa siyang mafrustrate ngayon. ayokong sumabay.

"Rest, then. i'm going to sleep." Ngumiti ako at humiga na. Tumalikod ako sakanya at ipinikit na ang mga mata, ngunit ilang minuto ang lumipas ay hindi pa din ako makatulog.

Dumilat ako at umupo. napalingon ako sakanya na ngayon ay palapit na sa 'kin. umupo siya sa tabi ko.

"Galit ka ba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Huh? Hindi ah.." Sabi ko habang umiiling-iling.

"I thought you're angry because of what happened earlier.."

"No, i'm not. naiintindihan naman kita.." Ngumuso ako. "Pero zack, minsan ba nagsisinungaling ka sa 'kin?" kinagat n'ya ang labi niya.

"Hindi ko maiiwasan, aezyl. I'm sorry.." Sabi niya. Ngumiti ako.

"I'm a liar too." Ngumiwi ako sa sarili. tumango-tango siya.

"Yes you're a liar." Sumibangot ako do'n. "You're pretending that you're happy even you're not." Bumuntong hininga siya.

Tumawa ako. "Hindi naman ah! Pag ngumingiti ako, masaya ako. pag hindi, e di malungkot ako! Sus." Tumawa din siya.

"Ang ganda mo." Aniya at ngumisi.

"Tss, mambobola." Sagot ko at ngumiwi.

Tinagilid niya ang ulo niya. "Totoo naman.." aniya. ngumuso ako.

"Humble ako kaya sasabihin kong pangit ako." Humalakhak ako.

"Tss matulog ka na nga!" Aniya, natatawa.

ngumiwi ako at humiga na. "ikaw? Hindi ka matutulog?" Bulong ko. Tumango siya. "Saan?" Tinuro niya ang couch, hindi naman siya kasya dyan.

"Bakit d'yan? Masisira na ang likod mo d'yan, e. wala ba kayong kwarto para sa mga doctor?" ngumiti siya.

"Meron, kaso simula no'ng dumating ka dito, dito na 'ko natutulog, minsan hindi na 'ko natutulog." Ngumisi siya. kumunot ang noo ko at umupo ulit.

"A-ano? Ibig sabihin d'yan ka laging natutulog? Baliw ka ba?" Nginiwian ko siya. humalakhak siya.

Hinawakan ko ang dalawang balikat niya at tinulak siya pahiga. "Sleep!" Ani ko at umirap. Dinig ko pa ang mahinang halakhak niya.

"Hindi ka matutulog?" Tanong niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Sinong may sabing hindi ako matutulog?" Ngumisi ako at nahiga sa tabi niya. nagulat siya do'n at napausog ng onti.

Tinitigan ko siya. "Promise me.."

"Promise you of what?"

"You'll tell me the truth, someday." Kinagat niya ang labi niya at tumango.

"Okay, promise." Aniya at tinaas ang kanang kamay. ngumiti ako.

"Don't you ever turn your promise into sorry, doc." Bulong ko. "Or else, i'll punch you!" Sabi ko at humalakhak. umusog siya ng onti palapit sa 'kin at hinimas himas ang buhok ko.

"Okay, mukhang nakakatakot yung suntok mo," Tumawa siya at umiling-iling.

"Tss.." Humiga ako sa dibdib niya. "Good night, zack." Bulong ko at pumikit na.

"Goodnight, i love you." bulong niya. Ngumiti ako.