Chapter XXIX

29//

Madilim, sobrang dilim ng hallway pagkalabas namin. wala akong marinig na ingay kundi ang mga yapak namin.

Kahit nagtataka ay sinundan ko lang sila hanggang sa pumasok kami sa isang kwartong sobrang dilim.

"A-anong gagawin natin dito?" Tanong ko ngunit hindi nila ako sinagot. Pinaupo nila ako sa isang upuan na nakalagay sa gitna.

Bumukas ang ilaw at tumambad sa 'kin ang isang babaeng hindi pamilyar na nakaupo din sa isang swivel chair sa harap ko, ngumisi siya sa 'kin. Kumunot ang noo ko at tinignan sila elfin na nasa gilid, tumango siya sa 'kin.

"Wag kang matakot sa 'kin hija, i'm a psychologist." Kahit papaano ay gumaan naman ang loob ko. medyo may katandaan na siya ngunit lumalabas pa din ang kagandahan, naka white coat na katulad ng sa doctor at nakalugay ang buhok.

"So, you want to know the truth?" Ngumisi siya.

"What..truth?" Takang tanong ko.

"What you did in the past, o sabihin nating..yung ginawa mo kaya ka napunta dito.." Hindi matanggal ang ngisi sakanyang labi.

"Ano? Sabihin mo sa 'kin kung ano!" Agad akong ginapangan ng kaba. ano bang ginawa ko? Gusto kong malaman.

"I heard doctor lawckson don't want you to know.." ngumuso siya. "I pity you, all of us know that thing!" Humalakhak siya. "But you? You don't know a thing." Ngumisi siya.

Nangilid ang luha ko.

"I wonder what it feels like living with the people..that lying...to you.." nagalab sa 'kin ang galit. "You're so pathetic hija, i saw you many times wearing a smile..." Pumungay ang mga mata niya. "Tignan lang natin kung makakangiti ka pa 'pag nalaman mo ang totoo."

Kumalabog ang dibdib ko.

"What do you think you're doing, madame?" Mariin na tanong ng isang sobrang pamilyar na boses. Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan at bumungad samin si zack na madilim ang tingin sa babae..

"Oh! Doctor lawckson! I'm just helping her!"

"She doesn't need your help," Aniya at hinila ako palabas ngunit bago pa kami makalabas ay nagsalita ang babae.

"What about helping her to know the truth?" Ngumisi siya. gusto kong bumalik sa kinauupuan ko kanina at pilitin siyang sabihin sa 'kin ang totoo.

"Help me, then." Kumunot ang noo ni zack sa 'kin. "I want to know not just the truth..but everything.." ngumisi ang babae.

"You'll know someday aezyl, let's go." Hinila niya 'ko ngunit hindi ako nagpatinag.

"Come on zack, this is the time!" Pumikit siya ng mariin.

"Listen aezyl, ako, ako mismo ang magsasabi sa 'yo kung ano 'yon, someday you'll know, but not now please?" Pagmamakaawa niya sa 'kin.

Agad nagbago ang isip ko dahil sa kalagayan niya ngayon, pagod at wala pa siyang pahinga. Ayokong dumagdag pa sa alalahanin niya.

Sinulyapan ko ang babae na nakangisi ngayon bago tumango kay zack at sumama na sakanya.

Maybe someday, someday.