28//
Buong gabi ko siyang cinomfort, buong gabi din siyang umiyak hanggang sa makatulog siya. ako naman ay hindi natulog para mabantayan siya.
Sa sumunod na araw ay kailangan niyang umalis para bumalik don, aniya ay aasikasuhin niya daw ang burol ng kanyang lolo kaya mas lalo siyang magiging busy ngayon.
Hinayaan ko siya at nang sumunod na mga araw ay hindi na talaga siya bumabalik, naiintindihan ko pero naiisip ko din kung nagpapahinga pa ba siya, kung natutulog pa ba siya, o kumain na ba siya?
Nakagat ko ang labi ko sa pagaalala, gusto ko siyang puntahan don at makiramay, i want to make him feel better pero sa palagay ko ay magiging istorbo lang ako don kapag pumunta ako, at isa pa..bawal kaming lumabas.
nagulat ako nang pumasok si doc havier sa kwarto para ihatid ang pagkain ko. ngumiti siya sa 'kin, ngumiti din ako.
"Where's doc zack?" Tanong niya. Hindi pa ba nila alam? Hindi ako sumagot. "Ah, i know, now."
"his lolo..." Tinikom ko ang bibig ko.
"Yeah i know, nalulungkot ako para sakanya. na meet ko na ang lolo niya pero isang beses lang." Aniya. tumango-tango ako. "Actually pupunta kami mamaya sa burol, you want to come?"
Umiling ako. "I don't want to bother zack there, kayo na lang." Ngumuso siya at tumango bago umalis.
Baka pag pumunta ako don ay atakihin ako ng sakit ko, jusko baka patayin ko na lang ang sarili ko.
napailing-iling ako sa naiisip.
Kinain ko na lang pagkain ko at nang matapos ay naligo ako para makalabas. pero nang paglabas ko galing banyo ay nandon na si steph sa kama ko at naghihintay sa 'kin. Ang advance talaga nito.
"I heard what happened about doc zack.." Panimula niya. bumuntong hininga ako.
"Yeah, napakachismosa mo talaga 'no?" Umiling-iling ako.
"Ano ka ba! Lahat ata ng balita alam ko, hindi naman kasi ako outdated 'no, lagi akong updated!" Ngumisi siya. "Pero seriously, kumusta na si doc?"
"He cried a lot, he's in pain now..he's not fine." Ayan lang ang masasabi ko. pero he's strong, malalagpasan niya din yan.
"I feel sad for him, wala na nga siyang magulang, nawalan pa siya ng lolo."
"Pati ayon alam mo?"
"Sabi ko sa 'yo updated ako, e."
Nang dumating ang gabi ay kumain ako saglit at humiga na. babalik kaya siya ngayon? Malamang hindi, bibisita and ibang doctor don, kaya malamang mananatili siya don.
Natulog na lang ako at nagising nang may bumukas ng pinto. akala ko siya na ngunit nakita ko si nurse elfin at isa pang nurse na kakapasok lang.
"B-bakit?" Ngumiti si elfin sa 'kin..
"Come with us if you want to know the truth." Aniya. Kumunot ang noo ko.
"A-ano? Ano bang pinagsasabi n'yo?" Kunot na kunot ang noo ko.
"Trust me, aezyl. alam kong wala ka pang alam." Napalunok ako at nahanap na lang ang sarili kong sumasama sakanila.
Ano bang totoo?