27//
Lumipas ang mga araw na normal lang na tumakbo ang buhay ko. kain, tulog, minsan bumibisita dito sila stephanie dahil madalas wala si zack.
Naiintindihan ko naman siya dahil may sakit ang lolo niya, kailangan niya itong alagaan. at saka tuwing gabi ay bumabalik naman siya.
May isang gabing tinanong ko siya kung saan ang mga magulang niya...
"They're dead,"
Hindi niya sinabi sa 'kin kung anong dahilan ng pagkamatay nila, ayoko na ding magtanong dahil ayokong mas lumungkot siya.
Wala din siyang kapatid, nagiisang anak kaya siya lang ang inaasahan. then he said that he was a neurosurgeon, syempre hindi ako makapaniwala nung una at ang dami ko ding tanong, tulad ng; anong nangyari at bakit siya nandito imbes na nandon siya sa ospital? bakit niya tinigil ang pagiging neurosurgeon niya? Ngunit isinintabi ko na lang iyon, ayokong makialam sa buhay niya.
Nalaman ko din na isang bwan na pala ako dito, hindi ko namalayan sa bilis ng panahon. April 30 Na ngayon at bukas ang panibagong bwan.
"So anong plano mo sa birthday ni zack?" Tanong ni steph. kumunot ang noo ko.
"Huh?"
"Ano ka ba! Sa tinagal ko dito ay kabisado ko na ang mga birthday nila! Si doc zack ay May 26, si doc prossy ay August 8, si doc havier ay September 11, oh 'di ba! Kabisado ko." humalakhak siya.
Malapit na pala ang birthday niya ano?
"Ikaw ba? Kelan ba birthday mo?" Nakangiting tanong ni steph.
"February 22." Ngumiti ako nang mapait. Wala ata akong birthday na masaya ako.
Nagkwentuhan pa kami ng ilang saglit bago siya magpaalam. ngayon ay naiisip ko kung ano kayang magandang gawin sa birthday ni zack? gusto ko siyang maging masaya.
Nang dumating ang gabi ay dumating siya, agad akong nagtaka sa mukha niya. Mugto ang kanyang mata at magulo ang buhok, sobrang lungkot at ang tamlay niya ngayon.
"Hey, are you okay?" Tumayo ako. kita ko ang pagngilid ng kanyang luha bago lumapit sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit.
Nakagat ko ang labi ko nang humagulhol siya sa leeg ko, hinagod ko ang likod niya.
"What happened?" bulong ko.
"My lolo.." nabasag ang boses niya. "Is..gone." Nangilid ang luha ko dahil sa awa sakanya. His mom died, his dad died, and now...his lolo. what can i do to stop the pain zack? i want to take all the pain, seeing you with that face, with that situation, my heart aches.
Hinayaan ko siyang umiyak hanggang sa tumahan siya, hinayaan kong ilabas niya ang lahat ng sakit, kasi alam ko ang pakiramdam, alam na alam ko ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay.
My life turn into hell when my mom died. Kaya simula noong mawala siya ay lagi kong sinasabi sa sarili ko..i should take care of aziyl, buong buhay ko siya lang ang iniisip ko. kaya minsan naiisip ko din..nabubuhay na lang ako para sakanya, para alagaan siya.
Mahirap pero kinaya ko, sana ikaw din zack. I know your lolo is happy now in heaven, he may rest in piece.