26//
"Hey.." Nilingon ko si zack. Malapit na kami sa parking lot kung nasaan daw ang kotse niya, sana all may car.
"Ano?" Masungit na sagot ko.
"J for-"
"Shut up, dust!" Putol ko sa sasabihin ni dustin, nasa harap namin sila. tumikhim si stephanie.
"Aezyl.." Tawag ng katabi ko na si zack at hinawakan ang siko ko.
"Ano ba?" Ngumuso siya.
"Sungit." Aniya at hinila na 'ko sa kotse niya. Dinig ko pa ang sipol ni dustin. pinagbuksan niya ako Sa Frontseat, pumasok ako at sumunod naman sila dustin na sumakay sa likod. si zack naman ay sinimulan nang magdrive.
Tahimik lang kami sa byahe, busangot pa din ang mukha ko. hindi ko alam kung tungkol ba 'to kanina o ano.
"Kumain na ba kayo?" Basag ni zack sa katahimikan.
"Oo." Sagot ko.
"J for.." Pinandilatan ko ng mata si dustin. "S..J for S..hehe." inirapan ko siya.
"Bobo, S for R." Bulong ni stephanie. "Stephanie for Ryo." Humalakhak siya.
"Bobo ka din, 'di kita kinakausap." Basag ni dustin.
"vovo ka ba?" Si stephanie. "Tinatama ko lang, vovo mo, e." Nginiwian siya ni dustin.
"Baliw." Si dustin.
"Inutil." Sagot ni steph.
Nasapo ni zack ang noo niya habang ako ay napailing-iling. Parang mga aso't pusa. Nagpatuloy sila sa kantyawan nila hanggang sa makarating na kami.
Pinagbuksan niya 'ko kaya lumabas na 'ko, napalingon ako kaila dustin na kakababa lang, nagtatalo pa din.
"Mali nga kasi! D for S!" Sigaw ni dustin.
"Ano bang pinaglalaban nila? Palibhasa mga hindi pinaglaban." Bulong ko sa sarili.
Nauna silang pumasok at hanggang sa makarating sila sa kwarto ni steph ay panay pa din ang pagtatalo nila.
Nang makapasok kami sa kwarto ko at dumeretso ako sa banyo. bahala ka dyan, leche.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya bago ako makapasok sa banyo.
"Iihi, sama ka?" Sarkastikong sagot ko. ngumisi siya.
"Oh sige, sama ako." Aniya at lumapit sa 'kin.
"B-baliw!" Sigaw ko at mabilis nang pumasok sa banyo. dinig ko pa ang halakhak niya.
Lumabas na 'ko nang matapos, nakahiga na siya sa kama at nakatakip ang mata gamit ang mga braso.
"I didn't give my number.." Aniya nang hindi lumilingon sa 'kin.
"oh? Pake ko?" Ani ko at umirap. "tss..liar." bulong ko. Kita ko ang pagangat ng gilid ng labi niya.
"I gave the hospital number instead." Sabi niya.
"You have the girl's number. unfair." Ngumuso ako.
"Ayoko siyang mapahiya kaya ko yon ginawa, besides she looks sick. she might need a doctor."
"But you are not the right doc-
"I was a neurosurgeon." Nanlaki ang mata ko.
"A-ano?" Neurosurgeon?! Then..why is he here?
"Forget it."
"Then, what are you doing in that hospital?" Tanong ko na dapat kanina ko pa tinanong. tinanggal niya ang braso niya at lumingon sa 'kin.
"My lolo is sick." Nagulat ako doon.
"Is he okay now?" Ngumiti siya ng mapait.
"He's still unconscious." Aniya at bumuntong hininga. bumuntong hininga din ako at umupo sa kama.
"Are you okay?" Bulong ko.
"No." Tumingin niya sa 'kin at umupo. "I mean..i don't have enough sleep." Ngumiti siya.
"Sleep, then." Tinagilid ko ang ulo ko. Mukha nga siyang hindi natulog kagabi, baka binabantayan niya ang lolo niya.
"I want to help you, but how?" Bulong ko at umiling-iling. i feel like he have a big problem. pero ayaw niyang sabihin.
"You want to help me?" Ngumisi siya. Tumango ako. "Come here.." Binuka niya ang kanyang mga braso na animo'y hinihintay ang yakap ko. "please? I need energy.." ngumuso siya.
"Tss.." angil ko bago lumapit at niyakap siya ng mahigpit.