25//
"Wag mong sabihing tumakas ka nanaman?" Dinig na dinig ko ang galit sa boses ng kanyang ina.
"N-namimiss ko lang naman k-kayo.." Si stephanie.
"Hey dustin, do you think stephanie is okay?" Pabulong na tanong ko sa katabi kong si dustin.
"Probably, no. her mommy is uhm kinda hate her..i can't explain.." sagot niya. Tumango-tango ako at nilingon ulit sila staphanie.
"This, take this." Ani ng mommy ni steph at may binigay na pera. "and don't you ever come here again!" Sigaw ng kanyang ina at pumasok na ulit sa kwarto.
Agad naming nilapitan si stephanie, pinunasan niya ang kanyang luha at ngumiti sa 'min. nakaramdam ako ng awa sakanya.
"Pagpasensyahan n'yo na ang mommy ko, masungit talaga 'yon. so ano, let's go?" nagkatinginan kami ni dustin.
"Are you okay?" Tumango lang siya at nauna na sa paglalakad. Halata namang hindi, ngumingiti siya para maitago ang sakit na nararamdaman. ganoon talaga ang mga babae.
Pumasok kami sa elevator, ako na ang nagpindot ng 1st floor. tahimik lang kami hanggang sa huminto ang elevator sa 6th floor hudyat na may papasok.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang papasok. Shit.
"We're doomed." Bulong ni dustin. doctor zack is here..what is he doing here?
napaawang ang bibig niya nang makita kami at pumasok na. Nako talaga. humarap niya sa 'min.
"What are you doing here?" Inisa-isa niya kami ng tingin. yumuko si stephanie, tinapik ko si dustin.
"A-ah? Ano po k-kasi..uhm..binisita niya ang daddy niya." aniya at turo kay steph. tumango-tango ako.
"Ang pagkakaalam ko ay bawal kayong lumabas nang walang kasamang doctor?" Pinagtaasan niya 'ko ng kilay. Kinagat ko ang labi ko. ako ba ang tinatanong niya?
"N-nagpaalam kami, oo ayon! haha nagpaalam kami.." palusot ko. kita ko ang pagkagat ni dustin sa labi niya, nagpipigil ng tawa.
Ngumisi si zack. "Kahit naman magpaalam kayo ay hindi parin kayo papayagan." Napaawang ang bibig ko at napapikit sa katangahan. sige aezyl, tangahan mo pa.
bumukas ang elevator sa 1st floor. bumuntong hininga siya. "let's go, ihahatid ko kayo." Aniya.
Unang lumabas si dustin at steph, sumunod ako. ngumisi siya sa 'kin, ngumiwi ako.
Habang naglalakad palabas ay panay ang tingin sa 'min ng mga babae, hindi ko alam kung sino pero halata namang si zack iyon.
"Why are they staring at you?" Bulong ko at ngumuso.
"Look, ang gwapo!" bulong ng isang nurse na kadadaan lang. ngumiwi ako. kaya naman pala..
"Ako ata ang tinutukoy nila, aezyl." Singit ni dustin na nasa harap namin. Inirapan ko siya. tinignan ko si steph na tahimik lang, gusto ko siyang icomfort pero sa tingin ko ay gusto niyang mapagisa.
"Good morning sir! P-pwede po bang h-hingin ang n-number n'yo?" Napalingon ako sa nurse na lumapit sa 'min.
Seriously? I made a face. sumipol si dustin habang si stephanie ay nakanguso, nagpipigil ng tawa. aba aba aba! Kanina lang ang tahimik tahimik mo ah?
"Yeah, sure!" Napaawang ang bibig ko sa naging sagot ni zack.
"Tss.." suminghap ako. "Ang landi.." nagpalitan pa talaga sila ng cellphone! Sa harap ko pa ah?
"J for Jealous." Bulong ni dustin. binatukan ko siya.
"D for Dumi." Nagkibit balikat siya.
"Sus.." si steph. Nginiwian ko silang dalawa. ba't naman ako magseselos, haha.
Nang matapos sila sa kalandian nila ay inirapan ko ang nurse, inirapan niya din ako.
minsan talaga ang sarap manabunot eh.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad, busangot ang mukha ko sa pagkairita. Mawawala lang siguro itong pagkairita ko pag may lumapit din saking lalaki at manghingi ng number ko, yun nga lang wala naman akong cellphone. kngina.
Para revenge dapat. Hays.