33//
He can't love you
I don't know or should I say I don't want to know what's the truth..
I'm scared..natatakot akong baka totoo lahat ng sinabi ni prossy...pero pinanindigan ko na galit lang siya, na nagseselos lang siya. Mananatili akong maniniwala do'n. maraming dahilan para hinid ako maniwala sakanya, first of all..i can't do that to my sister, second, she likes zack that's why she's so angry..and third, I trust myself. Nagtitiwala akong wala akong ginawa, magtitiwala pa din ako kahit kalaban ko na ang sarili ko dito.
Pinunasan ko ang aking luha at tumayo na parang walang nangyari, pipilitin kong maging normal. Pipilitin ko. Hindi dapat ako nagpapadala sa emosyon ko. Naglakad ako papuntang banyo at nagayos. I already lost my mother, I can't lost aziyl this time. Siya na lang ang natitira sa 'kin. Wala na lahat. Wala na.
May naisip ako pero natatakot ako, I'm so scared.
Nang matapos akong magayos ay lumabas ako para mahimasmasan. Walang gaanong dumadaang doctor dahil palagay ko ay karamihan sakanila ay pumunta sa libing ng lolo ni zack. Napaisip tuloy ako kung sumama ba si prossy, pero malamang. Gusto ko siyang makausap, hindi para magsorry sa sampal na binigay ko kundi para pilitin siyang bawiin ang sinabi.
Hindi ko din makita si stephanie o kaya naman si dustin, lock naman ang kwarto ni steph kaya baka wala sila dito. Hindi niya naman kasi nilolock ito pag nandito sila. Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon..sumama kaya sila sa kay zack? Wala tuloy akong mapagkwentuhan.
Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng malaking puno. Tumingala ako at pumikit. Balang araw aziyl, magkikita ulit tayo. Balang araw makakaalis din ako dito, balang araw makakasama kita ulit. Maghintay ka lang aziyl. Gagaling din ang ate. Pangako.
Pero hindi pa din maalis sa 'kin ang mga sinabi ni prossy.
"You..killed..your own sister!"
paulit-ulit kong naririnig at hindi maalis sa aking sistema. Ang sarap niyang sampalin, lalo na yung sinabi niyang mamamatay tao ako. Hindi ko mapigilang magalit. Just what the hell.
"That's why he can't love you...ayokong mahalin niya ang isang mamamatay tao!"
Dumilat ako at hinilamos ang mukha sa sobrang pagiisip. Hindi ako mamamatay tao, hindi. May sakit nga ako ngunit hindi ibig sabihin no'n ay papatay ako ng tao, siguro muntik na..pero ittry ko ang best ko para makontrol ang sarili. I know I can do better, I know I can be better.