41//
Levi
Nagising ako nang medyo tanghali na, kumain ako ng onti at hinintay si zack. gusto kong malaman kung natawagan niya na ba si tita?
Nang pumasok siya sa kwarto ay agad akong tumayo para magtanong.
"N-natawagan mo na ba si tita? A-anong sabi?" Tanong ko. Ngumiti siya.
"Yup, ang sabi niya ay papunta na daw siya." Aniya.
Lumunok ako at tumango-tango. naisipan kong maligo muna dahil ilang araw na din akong walang ligo. wala din akong maayos na kain.
Nagpaalam akong maliligo, tumango siya at lumabas na. medyo ramdam ko ang lamig niya ngayon, pero ito naman ang gusto ko 'di ba?
Pumasok na 'ko sa banyo at naligo. Napapaisip tuloy ako kung anong sasabihin ko..o itatanong ko kay tita.
Kumusta na si aziyl?
Sabihin mo sakin ang totoo, buhay si aziyl 'no?
Alam kong buhay ang kapatid ko.
Tita kahit isang beses lang magsabi ka naman ng totoo.
Ganon? napailing-iling ako. Parang wala naman akong galang.
lumabas na 'ko nang matapos. sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri. Wala talaga akong maisip na tamang way para magtanong kung ano ba talaga ang totoo.
Naiisip ko pa lang ang isasagot niya ay kinakabahan na 'ko. ngayon ko malalaman ang totoo. Ang talagang totoo.
pumasok ako sa elevator na may dalawang nurse na nagk-kwentuhan.
"Sino kaya yung guy sa labas? Ang gwapo.." dinig kong bulong ng isang nurse at humagikgik silang dalawa.
Nang makarating sa first floor ay binagalan ko ang paglakad ko.
tita...nasaan po ba ang kapatid ko?
Nang makalabas ay sinalubong ng aking buhok ang hangin. agad kong nakita ang likod ni zack malapit doon sa bench kung saan ako tumatambay, may kausap siya ngunit hindi ko makita kung sino dahil natatakpan niya ito.
Lumapit ako nang lumapit hanggang sa makita ko ang isang lalaking kasingtangkad lang ni zack, sa tingin ko ay nasa bandang 20s hindi ko siya kilala kaya nagtataka ako kung sino siya.
Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa paguusap, nilibot ko ang aking tingin para hanapin si tita ngunit kahit anino niya ay wala.
Lumingon ulit ako kaila zack at halos mapatalon nang parehas na silang nakatingin sa 'kin.
Lumunok ako ng ilang beses. "N-nasaan si tita?" Tanong ko kay zack ngunit hindi niya 'ko sinagot.
"H-hi aezyl, Levi." Ani ng lalaki at naglahad ng kamay. kumunot ang noo ko dahil alam niya ang pangalan ko. Tinanggap ko na lang iyon at; "Aezyl." nagpakilala.
tinitigan ko siya at doon ko lang naaninag ang kanyang gwapong mukha, makakapal na kilay..brown na mga mata at matangos na ilong at ang kanyang labi na sobrang pula.
Tumikhim si zack sa gilid kaya nabalik ako sa diwa, agad kong binawi ang kamay ko doon sa lalaki at bumaling kay zack.
"H-hindi pa ba siya dumadating?" Tanong ko, tinutukoy si tita. hindi siya sumagot at tinignan ang lalaki.
"I'm levi, i'm the son of anthony fewler." Mabilis akong lumingon nang marinig ang pangalan ng aking papa.
"A-ano?"