Chapter XL

40//

Siya lang

Hindi na siya nagsalita, dahil ayoko din naman siyang magsalita. alam kong ang sama sama ko dahil sa sinabi ko, nasaktan ko siya pero ayon naman ang gusto ko, ang masaktan ko siya para magalit siya sa 'kin at lumayo.

"Eat your lunch." Aniya at lumabas ng kwarto. kahit kumakalam na ang aking sikmura ay hindi ko magawang kumain.

Hindi ko kayang kumain sa sitwasyon ko.

Mayroon saking naniniwala pero lamang ang hindi naniniwala. hindi ako naniniwalang ginawa ko 'yon sa aking kapatid.

Dahil kahit may sakit ako, hindi ko kayang pumatay ng tao. Lalo na kapag kapatid ko.

Lumipas ang mga araw, naging malamig ang pakikitungo ko sa lahat. pumunta na din dito sila stephanie at dustin para kumustahin ako, sinabi kong okay lang ako kahit hindi. alam kong nagaalala sila, pero hindi ko kailangan ng pagaalala ngayon.

'Yoong gabing pumunta ako kila madame..doon ko nalaman ang mga sinasabi nila. siguro noong una naniwala ako, dahil nakita ko..kitang kita ko. Pero bakit ngayon..hindi ko magawang maniwala?

Paano kung niloloko lang nila ako? Paano kung nagsisinungaling lang sila? Paano kung buhay talaga ang kapatid ko?

pero..paano kung totoo?

Napailing-iling ako sa naiisip ko. sa sobrang dami ng nasa isip ko ay hindi ko na alam kung anong unang iisipin.

"Doctor lawckson.." tawag ko kay zack. kumunot ang noo niya.

"Stop calling my surname," Napaawang ang bibig ko.

"Doctor zack," Pumikit siya ng mariin. kumunot ang noo ko. tinawag ko na nga siya sa pangalan niya nagiinarte pa.

"Why?" Ilang beses akong lumunok bago sumagot.

"Can you call tita again? I want to talk to her." Tinitigan niya 'ko ng ilang saglit bago tumango. Nilabas niya ang phone niya at nagdial, ilang beses niyang tinawagan ngunit mukhang hindi sumasagot.

"I can't reach her, i'll just call her later." Ngumiti siya. tumango na lang ako at nahiga ulit.

Siguro..siguro makakalaya lang ang utak ko kapag sinabi niya sa 'kin kung ano talaga ang totoo. i mean..sinabi niya na nakaraan ngunit hindi ako kumbinsido...hindi talaga.

i want her to be honest. Siya lang ang paniniwalaan ko.