39//
i don't need your love
"I want to talk to you." Ani prossy habang nakatingin sa 'kin. Wala akong Ipinakitang ekspresyon sa kanya.
Yumuko s'ya. "I'm sorry.." panimula niya. "Sorry sa lahat ng sinabi ko sa 'yo, sorry aezyl. Galit ako sa 'yo at naiingit, nagagalit ako dahil kahit alam mong masasaktan mo siya ay patuloy ka pa ding lumalapit, at naiingit ako sa 'yo dahil nasaiyo lagi ang atensyon ni zack, ikaw yung gusto n'ya. Ikaw yung mahal n'ya. That's why I'm jealous..i'm so sorry.." Aniya habang umiiyak.
Hindi ako umimik. Pero naiintindihan ko siya, dapat nga ay una pa lang ginawa ko na ang pagiwas sakanya.
"Zack is so angry at me, but don't get me wrong..i came here not for zack's forgiveness, I came here for you. I'm really sorry." Kumunot ang noo ko.
"Why is he angry at you?" Ngumiti s'ya ng tipid.
Bumuntong hininga s'ya. "I'll go, I just passed by for sincere apology. I hope you'll forgive me." Aniya at hindi na hinintay ang sasabihin ko, nagmamadali s'yang lumabas.
Ayokong masira ang pagkakaibigan nila dahil lang do'n. ilang taon na din silang magkaibigan, at ayokong sirain yon. Sino ba ko para gawin iyon? Isang baliw na babae na wala ng pagasa sa buhay..
Nang dumating si zack ay dala-dala n'ya ang pagkain. Nilagay niya iyon sa gilid ng kama, hindi ako lumilingon. Ayokong kumain, bakit ang kulit kulit mo?
"Doctor lawckson…" Agad siyang lumingon, nakakunot ang noo. "Ngayon ko lang napansin, bagay pala kayo ni doctor prossy.." ngumiti ako at inisip kung sila ang magkasama ngayon, pano kaya kung si prossy ang gusto ni zack, 'no? E di hindi na niya 'ko aalalahanin pa.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga naiisip .
"What do you mean?" Tiim-bagang niyang sagot.
"I-I'm just saying that..uhm, you should date her." Ngumisi ako ngunit sobrang sakit na ng aking puso.
Galit niya kong tinignan. "I won't, you are the only girl that I should date, you are my only love." Seryosong aniya.
"You can't love me." Walang ganang sabi ko.
"I already did."
"I don't need your love." Napalingon siya sa 'kin.