38//
My sister is alive
Dinilat ko ang aking mga mata at nadatnan ko ang aking kwarto na maayos na. nakahiga ako sa kama ko at may nakakabit sa 'kin na oxygen. Napabaling ako sa aking gilid at bumungad sa 'kin ang natutulog na si zack habang hawak ang aking kamay.
Panaginip lang ba 'yon? Tinignan ko ang aking pulso, totoo nga. Totoo ngang nangyari 'yon. Totoong wala na ang kapatid ko.
Napabuntong hininga ako at nangilid nanaman ang luha. Tinanggal ko ang oxygen at umupo. Napatingin ulit ako kay zack na mahimbing na natutulog. Hindi ba s'ya natatakot sa 'kin? Hindi ba s'ya natatakot na maaari ko s'yang saktan? Hindi ba s'ya natatakot masaktan?
Naramdaman ko ang paggalaw n'ya hudyat na gising na s'ya. Nagangat s'ya ng tingin sa 'kin, umiwas ako ng tingin. "How's your feeling?" Paos n'yang tanong.
"Ano sa tingin mo?" sarkastiko kong tanong. Bumuntong hininga siya.
"I'm sorry.." Aniya. Nagtiim-bagang ako.
"I don't need your sorry, zack." Ani ko nang hindi tumitingin sakanya. "I need my sister.." Pumatak ang luha. I badly need her. I want to meet her and hug her, I badly want. But, where is she now? She is…
Kinagat ko ang labi ko sa pagiisip. I know she's alive, I can feel her..i can feel her.
Suminghap siya. "Still, sorry for lying, I just don't want you to be hurt.." pumikit ako ng mariin.
"Ano bang pinagkaiba kung nalaman ko ng maaga sa nalaman ko ngayon? Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan pag nalaman ko? Masakit…masakit, zack! Ang sakit sakit!" Sigaw ko at yumuko, humahagulgol.
Natahimik siya. Lahat ng galit ko sa sarili ko ay gusto kong ibuhos sa isang bagay.
"I'll just..get your lunch.." Aniya.
"Ayokong kumain." Malamig na aniya ko. Suminghap siya.
"You need to." Tiim-bagang ko siyang nilingon,
"I.don't.want.to.eat." Napalunok siya.
"Aezyl, kagabi ka pa walang kain!" Galit na sigaw niya.
"So?! I don't care! Wala akong pakialam kahit mamatay ako sa gutom!" Sigaw ko din. Pumikit siya ng mariin at tumingala habang tiim ang bagang.
"I care for you." Mahinahon na aniya.
"You don't have to." Mahinahon ngunit may galit na ani ko.
"But I want to," Aniya at mabilis na lumabas kwarto. Pinunasan ko ang luha ko.
Pinunasan ko ulit ito nang may tumulo, paulit-ulit kong ginawa. "Jusko naman! Bakit ba..bakit ba ayaw mong tumigil?!" galit na ani ko sa luhang hindi maubos-ubos.
Hindi dapat ako umiiyak! Hindi dapat ako naniniwala, dahil hindi naman totoo! My sister is alive! I know that.
Napaupo ako ng maayos nang bumukas ang pinto. Nagiwas ako ng tingin.
"I want to talk to you.." ani prossy.