43//
Step brother
Hindi ko alam kung bakit imbes na magalit at wag na lang pansinin si papa dahil sa pagiwan niya saamin noon ay pangungulila ang naramdaman ko.
I want my papa back.
"Whatever your decision is, i'll support you." Ani zack noong sinabi ko sakanyang sasama ako kay levi.
ngumiti ako ng mapait. makikita ko ang papa ko at magpapagaling din doon, ngunit kailangan ko siyang palayain.
"Lumaki ako sa pinas, habang yung papa ko ay nagttrabaho sa ibang bansa, noong kaarawan niya ay lumipad pa kami papunta doon para sorpresahin siya, ngunit kami ang nasorpresa." Ani levi, reffering to his biological father. sinabi kong kasing magkwento siya tungkol sa buhay niya. "He died, car accident."
"i'm sorry.." guilty-ing sabi ko. ngumisi siya.
"it's okay, matagal na din naman.." ngumiti ako.
"Levi,"
"You should call me kuya, mas matanda kaya ako sa 'yo!" Pinisil niya ang ilong ko.
"Tumigil ka nga!" Pinalo ko ang kamay niya. "May itatanong lang ako," umupo siya ng maayos.
"What's that hm?" Nakangiting tanong niya. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.
"H-hindi ba natin isasama si aziyl?" Napawi ang kanyang ngiti. yumuko ako sa reaksiyon niya. hinawakan niya ang aking dalawang balikat at iniharap sakanya. tumingala ako.
"I don't want to lie to you but i don't want to tell the truth either," napayuko ulit ako.
"Pero kung ako ang tatanungin mo..kung..nevermind. hindi natin siya pwedeng isam-" napatakip siya sa bibig niya. "Damn again."
A-ano daw?
Dala dala ko sa aking isip yoong sinabi niya hanggang makapasok ako sa kwarto. Ngunit isinantabi ko na lang iyon lalo na't pumasok si zack.
Iritado ang mukha at parang galit pa. ngumuso ako. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Nginiwian ko siya.
Bumuntong hininga siya at umupo sa sofa.
"You like levi 'no?" Mas lalo akong napangiwi. seriously zack? What the heck?
"Nope, he's my brother..uhm..no.." hinawakan ko ang labi ko. Nanliliit ang mata niya sa 'kin. "H-he is my step-brother!" ngumiti ako ng peke.
"Tss, whatever." Aniya at nahiga sa sofa. ngumiti ako ng tipid. Masakit saaking iwan siya, pero kailangan. pag umalis ako ay may posibilidad na gumaling ako doon, at makikita ko pa ang papa ko.