44//
Choose
"Sus, selos ka lang, e." Humalakhak ako. "Gg, ang weird mo."
Umupo ulit siya at irita ang mukhang hinarap ako.
"No, i'm not weird! Masama bang magselos? Huh?" Iritadong aniya.
ngumuso ako, nagpipigil ng tawa. "Yes you are! Bakit ka magseselos sa kapatid ko, ha. abnormal ka ba?" Ngumiwi ako. "I mean, step brother."
"Tss, ewan ko sa 'yo." Tumayo siya at ambang aalis na nang magsalita ako dahilan ng pagtigil niya.
"I decided to come with him.." Ani ko sa mababaw na boses. "I want to see my papa, i...miss him so much, zack."
He licked his lower lip. "Hindi kita pinipigilan, aezyl at hinding hindi kita pipigilan sa mga desisyon mo.." lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko.
"Why?" Kinagat ko ang labi ko. "I mean...uhm..uh! nevermind."
he smirked. "I love you." Napalingon ako sakanya. "But..i guess this is not the time for this love," Nag-init ang gilid ng aking mata. "I love you so effing much, aezyl. always remember that."
Paano ako aalis nito.
"Magpagaling ka don, ha." Ngumisi siya. "Gusto ko pag balik mo, magaling ka na."
Lumunok ako nang tuluyan nang pumatak ang aking luha.
"What if hindi na ako bumalik? pipigilan mo ba ako sa pagalis?" Naging seryoso ang kanyang mukha at umiling.
"I know you'll comeback. right? i know you, hindi mo 'ko kayang pabayaan." Tumawa siya ng peke.
"How can you be so sure? Paano kung kaya kitang pabayaan para sa sarili ko at para sa papa ko?" Kinagat ko ang labi ko. i know i should shut my mouth, like hell.
"Good, then. i want you to love yourself first, before loving others." Ngumisi ulit siya.
"Wala ka bang gagawin para.." i really want to say something but..i can't.
"What are you trying to say, huh?" Hinaplos haplos niya ang aking kamay. "Gusto mo bang pigilan kita?" Humalakhak siya ng bahagya. Nanlaki ang aking mata.
He nailed it.
"N-no! Of course n-not!" Agad kong sabi. "I just.." kinagat ko ng mariin ang aking labi dahil wala nang maisip na palusot.
Ayaw niya ba kong kasama?
Bakit parang tinataboy niya 'ko?
"Kahit gusto kitang kasama, kung ang makakapagpabuti sa 'yo na malayo ka dito, i'd rather push you away for your own sake." Ngumiti siya habang nakatingin sa aking mga kamay na hinahaplos niya.
"Kapag ba ikaw ang papipiliin..what you will do? The one you want to do or the one you must do?" Tanong niya.
What should i choose then? I always choose you, you know that. but..this time i want to choose and love myself.