Josh's P.O.V.
Kanina pa. Kanina pa ako hindi maka-focus sa klase sa hindi malamang dahilan. Nakatingin lamang ako sa guro namin na walang pumapasok sa isipan ko. 'Hindi maari! Makinig ka, Josh makinig ka!' kastigo ko sa sarili at muli, sinubukang mag-focus sa leksyon. Ngunit ilang minuto na ang nagdaraan ay wala pa rin akong maintindihan. Tsk, ano bang nangyayari sa akin? "Mr. Santos ayos ka lang ba?" napataas ako ng ulo nang banggitin ng guro ko ang apelyido. 'Kulang siguro ako sa tulog.' "Sir, pwede po bang pumunta akong clinic? Masama po ang pakiramdam ko eh."
Tumango ang guro kaya kinuha ko na ang bag ko at akmang aalis nang may pumigil sa akin. Naiinis na nilingon ko kung sino ang walang pakundangang pinigilan ako. Gulat at pag-gulo sa sistema ang naramdaman ko nang makita ko ang amerikang transfer na babae pala. May iniabot itong papel at parang nahihipnotismong tinanggap ko ito. Nang mabitawan niya ako doon lamang ako nagbalik sa katinuan at lumabas ng classroom.
TAHIMIK akong nakahiga sa classroom bed. Kanina pa ako nandito at hindi man lamang ako dinalaw ng antok. Maya-maya biglang sumagi sa isip ko ang hitsura ng bago naming kaklase. Ang matangos niyang ilong, pulang labi, mahabang pilik-mata, at magandang mata na sa paningin ko ay mukha ng isang anghel.Aaminin ko, ngayon lang ako nagandahan sa isang babae. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman iyon.
Sa pag-iisip niyon, naalala ko ang binigay nito. Kinuha ko ang papel sa bulsa saka binuksan.
"Hey my name's Lilith. Your Josh right? anyway this is my number call me if you need me,babe.
My number: 09XX-XXX-XXXX" basa ko sa papel. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa nabasa pero... anong mayroon? Bakit binigay niya sa'kin ang numerong ito?
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka tinype ang numero at sana'y tatawagan nang may kumatok sa pinto. I save the number and open the door. "Yo dre," bati sa'kin ni Sejun. Binuksan ko nang maluwag ang pinto saka ko sila pinapasok. "Kumusta? Anong pakiramdam mo? May masakit pa sa'yo?" sunod-sunod na tanong ng bunso sa aming magt-tropa. Napangiti ako saka ginulo ang kaniyang buhok.
"Ayos na 'ko. Wala na kayong dapat ipagalala. Nga pala pwede magtanong?" nagkatinginan muna sila sa isa't-isa bago tumango si Stell.
"Anong ibig sabihin kapag binigay ng isang babae sa'yo yung number niya?" tanong ko. Nagsilakihan naman ang mata nila sa gulat na ipinagtaka ko. Bakit? Anong nakakagulat do'n? "Sino nagbigay?" usisa ni Sejun. "Yung transfer. Si Lilith," sagot ko saka ibinigay sa kaniya ang papel na binigay sa'kin ng babae. "Yan yung bigay niya sa'kin kanina. May number niya at hindi ko alam kung bakit niya iyan binigay," paliwanag ko. "Sinave mo ba 'to?" tanong niya at may bahid iyong pag-aalala. "Hindi." pagsisinungaling ko. Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag. "Buti naman. Tara na. Lunch na eh gutom na ako," Hala, lunch na pala? Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Habang naglalakad, nag-uusap lang sila ng kung ano-ano pero nanatili lamang akong tahimik. Hindi ko magets ang pinag-uusapan nila dahil ang laman lang ng isip ko.... Walang iba kung hindi ang babaeng yun—Si Lilith.