"Hello to the world of Josh Cullen Santos," sabi ni Justin na iniwawagay-way ang palad sa harap nito. Kanina pa kasi ito tulala at hindi rin nagsasalita. Nang hindi pa rin gumana sinampal na niya ito. "Aray! Sino sumampal sa akin?!" galit na tanong ni Josh. Hinawakan ni Sejun ang braso ni Josh saka pinakalma nito. "Kalma, dre. Kanina ka pa kasi tulala kaya sinampal ka na ni Bunso. Ayos ka lang?" rumehistro ang pag-aalala sa mukha ng lalaki kaya kumalma si Josh saka yumuko.
"Pasensiya na. May iniisip lang ako pero okay na 'ko. No need to worry," paghingi niya ng paumanhin. Saka muling yumuko at kinuha ang libro sa bag para muling magbasa. Akmang bubuksan niya na ang libro ng kunin naman ito si Ken. "Ano ba? Akin na yan," kahit naiinis kalmado pa rin ang maririnig sa boses niya. "Hindi pwede may itatanong ako. Ibabalik ko ito kapag sinagot mo ako nang maayos," seryosong sabi ni Ken sa kaibigan. Kita ni Josh na hindi nga nagbibiro si Ken sa lagay nito dahil walang bahid ng pagbibiro ang mukha nito kaya alam niyang seryoso talaga ang kaibigan.
Walang nagawa si Josh kung hindi ang tumango na lamang. "Ano ba ang iniisip mo? Ay mali. Sino ang iniisip mo?" tanong nito sabay ngisi. Nanigas naman sa kinauupuan niya si Josh at tila nalulon ang dila. Kahit siya ay hindi niya alam kung ano ba talaga ang nasa isip niya. "K-kailangan mo ba talaga malam-malaman?" tumango naman ito. Inisip naman ni Josh ang magsinungaling sana kaso sabi ng nanay niya, masama iyon kaya "Hindi ako sure pero... Si Lilith lang ang nasa isip ko ngayon..." sagot niya saka napapahiyang yumuko.
"Si Lilith? Yung transfer?" usisa ni Stell. Tumango siya ulit. "Hala baka may crush ka na sa kaniya yieee binata na siya," panunukso ni Justin na agad namang nakatanggap ng pag-siko sa tagiliran kaya nanahimik. "Puta,dre seryoso? Bakit mo naman iniisip?" Tanong ni Sejun.
"Hindi ko rin alam. Basta na lang kasi sumagi sa isip ko yung mukha niya."
Nagkatinginan naman ang apat saka sabay na umiling. "Mukhang masama 'to." bulong ni Sejun. "Ang mabuti pa, tapusin mo na yang kinakain mo. Tapos pagdating sa classroom, doon ka na tumabi sa amin. Ayos ba yun?" Again, he nodded. Pabor naman siya na tumabi na lamang sa mga kaibigan dahil kung mananatili siyang katabi ang babaeng yun, baka mamatay siya sa sakit sa puso.
Lilith's P.O.V
"Opo, panginoon. Sinisimulan ko na ang hakbang ko para mapalapit sa kaniya. The next time you call, I'll make sure that he is already tainted," wika ko sa kabilang linya bago tinapos ang tawag. Naglakad na muli ako pabalik sa classroom ko. Malayo ako sa classroom kaya matatagalan pa siguro akong makakarating doon. Tsk bakit kasi hindi pwedeng gumamit ng mahika sa mundong 'to? Kung pwede lang baka kanina pa ako nasa classroom, kainis.
Nasa field na ako ng eskwelahan nang matanawan ko ang lalaking mission ko. Napangiti ako nang bahagya ng makita siyang tulala at wala sa sarili. 'Mukhang tumalab agad ang mahika.' Oo ginamitan ko siya ng mahika para hindi ako mawala sa isip niya bakit? para siya na mismo ang lumapit sa akin. Kaya ko lang naman binigay ang number ko para madali niya akong matawagan.
"Konting galaw ko pa, mapapalapit ka rin sa akin... Josh Cullen," pigil ang ngiting binilisan ko na ang lakad pabalik sa classroom.