Ikaapat na Kabanata
NANG sumapit ang madaling araw ay apat kaming mga maagang nagising. Ako, si Isabelita, si Jhoma, at si Ailyn.
Sina Lourdell at Lyca ang naiwan sa tent nang lumabas kami. They aren't early risers so we understood. It was already a relief that they could sleep soundly in a place like this kahit pa hindi sila sanay. Medyo iba nga lang si Lyca dahil maarte ang isang 'yon sa kahit na ano pa mang bagay. Kagabi, ang higaan niya naman ang kinaartehan niya. She made a fuss about it for hours before letting us sleep. Nakakagigil nga, e. Sarap tirisin.
Dala-dala ang mga panghilamos ay tinungo namin ang ilog sa malapit. Malayo pa lang kami ay rinig na rinig na ang marahas na agos niyon pasaan.
Nang makarating kaming tuluyan sa gilid ng ilog ay kaagad akong naghilamos gamit ang halos magyelo sa lamig na tubig mula sa roon. Nagtayuan kaagad ang mga balahibo sa 'king katawan at ang ngipin ko'y kaagad na nanginig nang madama ang tubig sa 'king balat. Marahan kong kinuskos ang aking mukha at pinabula ang aking mga kamay gamit ang sabon
Si Isabelita ay nagpupunas na ng tuwalya sa kaniyang mukha habang si Jhoma ay sunod na masisipilyo naman ng ngipin nang matapos ako. Sunod kong kinuha ang toothbrush ko para makapagsipilyo na rin.
"Sania, anong oras na?" bulalas ni Ailyn habang nakatulala sa daloy ng tubig.
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit iyan siya't tulog pa rin ang diwa. Siya na lang ang 'di pa gumagalaw. 'Di ko na lang pinansin. Siguradong isang oras pang magmumuni-muni ang isang 'yan bago tuluyang kumilos.
"Mag-a-ala-cinco na." Nang lumabas kami ng tent ay four-fourty-two na. 'Di ko dala ang cellphone ko para masiguro ang oras ngayon.
"'Di ba natin gigisingin sina Lyca?" tanong ni Isabelita nang saglit na tumigil sa pagsisipilyo. Si Jhoma, sa tabi niya, ay maiging naglilinis pa rin ng kaniyang ngipin at nakatitig sa dalang maliit na salamin.
"Gisingin n'yo si Lourdell. Iwan natin si Lyca." Ngumisi ako sa 'king naisip na ideya.
"Baliw!�� Inirapan ako nitong si Jhoma. Napanguso na lang ako at sandaling napatingin kay Ailyn. Iyon ang huli at tulalang naglalagay ng toothpaste sa kaniyang sipilyo.
Nang matapos kami sa paghihilamos ay nagsibalikan kami sa kinatatayuan ng tent. Ang mga dala namin ay saglit na ipinasok ni Isabelita sa loob bago muling lumabas at nakitanaw sa madilim pang kalangitan.
"Nawawala na 'yong mga stars," bulalas ni Jhoma. Tumango naman ako. Papawala na nga dahil malapit nang magliwanag.
"'Yong mga assignment n'yo, ha," paalala ko sa kanila. "I already took pictures, and I'm still planning to. Maglilibot ako mamaya para makarami pa 'ko."
"Aye-aye, boss~" Pinandilatan ko ng mga mata si Ailyn. Nagbubunot siya ng mga damo sa kaniyang gilid habang humihikab. Tulog pa yata 'to, nag-ii-sleepwalk at sleeptalk lang.
"Kung inaantok ka pa, matulog ka na lang din muna ro'n sa loob," abiso ni Jhoma na nakatingin din pala kay Ailyn. "Sa itsura mo, isang hipan na lang yata, matutulog ka ulit."
���Taragis ka," minamalat pang sagot sa kaniya ni Ailyn at saka dumukdok sa nakatupi niyang mga tuhod. "Gising na ako, 'no."
Tatawa-tawa lang si Isabelita kaya napapailing ako. Isa pa 'tong batang 'to, 'di na tumigil sa katatawa. Napaka-supporter talaga.
"Basta, gawin n'yo 'yong mga dapat n'yong gawin, magkakasundo tayong lahat," sikmat ko. Nagsitanguan na lamang sila at lahat kami ay natahimik na.
Ilang sandali lang ay tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa lupa at nag-inat-inat. Pumasok sa ako loob ng tent para kunin ang aking notepad at digicam.
Tumaas ang mga kilay ko nang mapatingin sa dalawang nasa alapaap pa ang diwa't huwisyo. An idea popped in my mind whilst gawking at them.
I pucked up my lips as I focused the lens of my camera at them. One click and everything's done.
I was laughing in my head while viewing their photo. Si Lourdell ay nakatirik ang mga mata habang nakalislis ang damit sa pagtulog habang si Lyca naman ay nakanganga pa't humihilik. May kaunti pa yatang tumutulo na kung ano mula sa bibig niya na siyang ayaw ko nang i-mention kung ano.
Huh. Poise pala, ha?
Now, shall I show it to them once they wake up? No way. May gagawin akong maganda rito.
"Sa ilog, manghuli kayo ng ilang isda para sa 'tin. Siguradong mayroon do'n." Lahat sila ay napasunod ng tingin sa akin nang lumabas akong muli mula sa 'ming tent.
Nakatatawa dahil pare-parehas silang nakatingin sa akin at ang ulo nila ay pawang nakabaling sa kinalalagyan ko kahit pa nakaharap ang katawan nila sa ibang direksiyon.
"Papasok ako ng gubat para makahanap ng panggatong at nang makapagluto tayo ng agahan habang medyo madilim pa," paalam ko. Nagsisinghalan sila.
"Sasama ako!" Gising na gising na talaga si Ailyn ngayon. Dilat na dilat ang mga mata at malakas ang boses. "'Di ka na puwedeng umalis na mag-isa! Baka kung saan ka na naman makarating!"
Tumayo siya at padabog na nagmartsa palapit. Hinawakan niya kaagad ang mga balikat ko nang subukan kong umurong palayo.
"Bitiwan mo nga 'ko," bulalas ko at iniyugyog ang kamay niya paalis sa akin. Nang magawa ko ay nakataas ang kilay niyang humalukipkip.
"Sasama ako!" ulit niya.
Umiling ako. "'Wag na. Tulungan mo na lang 'yang dalawa. Isa pa, mangunguha ako ng mga litrato at magsusulat ng memo. Matatagalan ako kaya rumito ka na lang." Ipinakita ko ang hawak kong sulatan at camera bilang pruweba.
Hindi siya puwedeng sumama. Mainipin pa man din siya. Ayokong makinig sa mga rant niya at baka mahampas ko lang siya. Isa pa, mayroon akong kailangang kausapin kaya hindi talaga puwede.
"Basta! Sasama ako kahit na ano pa'ng sabihin mo!" Hmp! Makulit.
Think, Sania! Hindi siya puwedeng sumama sa 'yo. Gumawa ka ng paraan.
Then, a thing crossed in my mind. Yes! That should do...
"Sa bag ko, may nag-iisang kulay mint green na panyo. Iyo na lang 'yon basta hahayaan mo akong umalis ng mag-isa." Napangiwi ako nang humampas na naman ang mga palad niya sa 'king balikat. Ang bigat ng mga kamay, kay babaeng tao!
"At ano namang paki ko sa mint green mong panyo, e, kulay pink ang gusto ko!" nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
I smirked. "Kay Kuya Ihara ang panyong 'yon."
The next second after I spitted the key word, she's already inside our tent, screaming.
"Sania! Saan banda rito!"
"Diyan sa pinakailalim," natatawa kong sagot.
Ngingisi-ngisi ako nang pinuntahan sina Jhoma. Tumatayo na rin sila sa kinalalagyan nila at naiiling na lang ang dalawa sa mga nangyari.
"Sa'n ka na naman kaya mapupunta n'yan, Sania?" nakasimangot na tanong ni Jhoma. Napalitan tuloy ng nguso ang ngiti ko.
"Buo akong babalik, don't worry. Gisingin n'yo na rin 'yong dalawa para makatulong sa inyo," bilin ko. Inayos ko ang lanyard ng aking camera na medyo sumasakal na sa akin.
"Bumalik ka kaagad, ha? Madilim-dilim pa. Ayos ka lang talaga?" anang Isabelita. Tumango ako, 'di na papipigil.
Hindi na sila masiyadong nang-usisa pa at tuluyan na akong pinalakad. I'm glad that they didn't give me a hard time escaping them. Alam kong ayaw na nilang mangyaring matagal akong makabalik kagaya ng nangyari kagabi kaya naiintindihan kong nag-aalala lang sila, but I have to do this. Mayro'n akong isang bagay na kailangang harapin. Isang bagay na kailangan ko munang ilihim sa kanila.
Isa pa, alam naman nilang kaya ko ang sarili ko. I think, they're just over-reacting. Dahil 'yon sa lugar kung nasaan kami ngayon. This place is known to be dangerous and frightening.
Lalo na 'yong si Ailyn ... mukha lang pakialam, pero madalas naman, totoong wala siyang pakialam. OA lang talaga. Nagbibida-bida na naman siguro 'yon, kasi kapatid ko ang 'love of her life' niya kuno.
Mabuti na nga lang at nagawan ko kaagad ng paraan ang pagpupumilit niyang pagsama. Ipinagpapasalamat ko talaga minsan ang pagiging paniwalain niya. Sige lang at mag-enjoy siya sa panyong 'yon, e, hindi naman talaga sa kuya ko 'yon. Kay Kuya Mago 'yon, e—sa kaibigan ni Kuya Ihara na siyang kinabubuwisitan ni Ailyn.
Nang marating ko ang bukana ng gubat mula sa 'ming camping spot ay muli kong nilingon sina Jhoma at Isabelita. Kinawayan ko sila na siya namang ginawa rin ng dalawa. Ngumiti ako bago tuluyang humakbang papasok ng gubat.
The environment became dead silent soon as I dove into the forest. It's almost frustrating. Wala akong marinig maliban sa 'king mabigat na paghinga. Kaya hindi puwede sa ganitong lugar ang mga taong mahihina ang loob. Isang kaluskos lang at paniguradong mapapraning sila.
Napapikit ako nang maramdaman ang malakas na pagdaan ng malamig na simoy ng hangin. Lahat ay sinalubong ako na para bang nagngangalit.
There, I could feel it. Naging mas malakas ang pakiramdam ko ngayong narito ako sa loob at nakakulong sa mga hilera ng puno. Ang mga matatalim na pares ng matang alam kong kanina pa nakamasid sa akin ay para bang bumabaon sa kaloob-looban ko.
Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid.
"Puwede ka nang lumabas," sambit ko.
Seconds later, I felt a heavy presence behind me. Nakapangingilabot. Bumaling ako ro'n at ang mabuntot na nilalang ang bumulaga sa akin.
Isang halaman ang kaniyang sipsip habang taas-noong nakatingin sa kung-saan. Nakasiklop ang mga kamay niya sa kaniyang batok.
"Kanina ka pa ba nakikinig sa amin?" tanong ko. I rubbed my arm, feeling the change of temperature in the wind. It became chilly in a sudden. Freezing, even.
My hunch was he is the cause. He has to do something about it. Pansin ko ang pag-iiba ng ihip ng hangin sa tuwing nariyan siya sa malapit. The breeze of air freezes my skin when he's around. Na para bang isa siyang nilalang ng niyebe.
"Ano naman kung nakikinig ako? 'Di ko naman kayo naiintindihan!" marahas nitong sagot nang balingan ako. Bahagyang lumukot ang aking noo.
Napakamainitin ng ulo!
I did my lips into thin line to restrain myself. I need to hold back to not get into his nerves even if he's already getting into mine. Ayoko siyang patulan, alam kong wala akong laban.
"Nagtatanong lang ako." Nagsimula akong maglakad ulit at hinayaan na lang siyang sumunod mula sa 'king likuran.
The quiescent surrounding gently filled with light as the time passes by. Umaga na talaga at unti-unti nang tumataas ang sikat ng araw na siyang sumusuot sa loob ng kagubatan. Bawat detalyeng nakikita ko ay mabilis kong isinusulat sa 'king dalang notepad at kinukuhanan ng litrato. Every wonders of the place didn't past off me without being unseen.
Sana nga lang ay marami ring magawang written reports ang mga kasama ko. We need this for us to be able to win the competition—the very reason why we're here in this place. 'Cause we needed a "sure win" subject.
Yearly, our school launches a competition to be held every January. Kalahok doon ang lahat ng team ng bawat club. Ang pinaglalabanan ay kung aling club ang may pinakamagandang presentasiyon na magkakamit ng ilang papremyo.
Bukod pa ro'n, ang pinakahabol namin ng mga kasama ko ay ang chance na ma-promote ang club namin; pagkakataong maitanyag sa iba't ibang pagkakataon.
We are under Wonders and Investigation Club. Gamit ang contest na 'yon, mataas ang tiyansang maraming sasaling bagong miyembro sa club namin 'pag kami ang nanalo sa taong ito. We are already graduating students from Senior High School Department. Ang gusto ko, kahit sa taon man lang na ito, masaksihan naming magtagumpay ang club na itinayo namin ng mga kaibigan ko. We want to find our fellow soulmates who love doing these kind of things like we do.
November na—higit isang buwang preperasiyon na lang para makagawa ng magandang presentation. Hinihiling ko lang na sana ay maganda ang mga mangyayari sa amin.
"Ano 'yang hawak mo?" I shrieked in my mind when the chill touched my skin, literally. Ang taong-aso ay nasa tabi ko na pala at nakasilip sa camera-ng aking hawak. Curiosity was evident in those pair of golden orbs.
"Camera ang tawag namin dito," sagot ko at ipinakita sa kaniya ang mga litratong nakuha ko. "Gamit 'to para makuhanan ng larawan ang mga magagandang bagay sa paligid."
"Isang kagamitan ng mga mortal?" His ears perking up when he pointed his long index nail onto the picture of a lone rabbit that I captured a while ago. "Paano napunta riyan ang kuneho? Lapastangan! Pakawalan mo 'yan!"
"Larawan nga lang 'yan! Picture! Look, hindi 'yan buhay!" Z-in-oom in ko ang picture para makita niya. Ang kaniyang mga nanliliit na mga mata ay halos pumakat na sa screen.
"Hindi buhay?"
"Hindi."
"Kung gano'n ay pinaslang mo siya!"
Nag-walk out na lang ako bago pa ako mawalan ng pasensiya.
Stay calm, Sania ... you gotta stay calm.
"You know, up until now, I still don't understand why they named this 'The Forbidden.' I mean ... why? It looks safe," I uttered while continuously writing on my note. Nilingon ko ang taong-aso nang 'di siya nagsalita. Iyon at kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.
"Anong wika ang iyong binaggit?"
"Hindi mo naiintindihan?"
Mas lalong nanliit ang mga mata niya.
Seriously? Shouldn't be a magical creature like him knows everything? I mean, they have powers to know everything ... right?
"Nakaiintindi ka ng Filipino, pero English, hindi?"
"Alam mo, mortal? Kausapin mo na lamang ang iyong sarili!"
Nagdadabog siyang humalukipkip. Rinig na rinig ko ang nakaaawang pagkabali ng mga kahoy na kaniyang naaapakan sa paglakad nang talikuran Nita ako. I sighed.
He's handful, I could already tell.
"Puwede mo ba akong sabihan tungkol sa gubat na ito?" Nginitian ko siya nang muli siyang tumingin sa akin.
Ang kaniyang pagkakahalukipkip ay lumuwag. His meeting brows calmed.
"Anong gusto mong malaman?" nakanguso niyang tanong.
"Lahat."
Well ... he's surprisingly welcoming about it. He was looking honored as he recited all the details about the forest. Ako naman ay panay ang sulat sa mga sinasabi niya, attentive at all the words he'd say.
"Mayroong labing-pitong ilog sa magkakabilang dulo ng gubat na ito ... Isa roon at nakakonekta sa isang talon."
Napaawang ang aking labi habang nagsusulat. Napakarami kong nalalaman sa kaniya. Kanina lang ay sinabi niya ang eksaktong bilang ng mga puno, ang iba't ibang klase ng halaman na tumutubo rito, at ngayon ... labing-pitong ilog? Talon? Ganoon ba kalaki ang lugar na 'to? Wow!
"Kabisado mo talaga ang gubat na ito, 'no?" Tumango siya, looking so proud.
"Tama ka! At dahil ako ang may-ari rito, naisipan kong pangalanan ang lugar na ito dahil sa 'king mga kalahi ay wala man lamang nakagawa! Mga walang isip!" biglang asik niya. "Matagal kong pinag-isipan ang karapat-dapat na tawag sa 'king pagmamay-ari!"
"Talaga?" malalaki ang mga matang sinabi ko. "Ano? Ano ang totoong pangalan ng gubat na ito?"
Yes! This is a privilege for me! Ang malaman ang bawat detalye sa gubat ay higit na para sa akin, pero ang matuklasan ang tunay nitong pangalan mula sa nagmamay-ari nito ay hindi ko inaasahan.
"A-Ayaw kong sabihin! Baka pagtawanan mo 'ko!" Malinaw kong nakita ang pagpula ng kaniyang mukha. Masyado nang maliwanag sa loob ng gubat at ang kaniyang nagkukulay rosas na pisngi ay kitang-kita sa maputla niyang balat.
"Hindi! Hindi ako tatawa!" Itinaas ko ang kanan kong kamay. "Promise!"
"P-Pro ... mise?" Umarko ang isang kilay niya. "Ano 'yon?"
"Promise! Ang ibig sabihin, pangako." Ngumiti ako. "Promise. Hindi kita pagtatawanan."
Ngumuso muna siya bago itinaas rin ang kaniyang kanang kamay.
"P-Promise, ha!" sigaw niya. "Dahil 'pag nakarinig ako ng kahit na kaunting hagikik mula sa 'yo..." Itinutok niya sa akin ang mahahabang kuko mula sa kaniyang kaliwang kamay.
"Oo nga," nakangiti kong saad. 'Di naman ako tatawa, 'no. 'Di gano'n kababaw ang kaligayahan ko.
"So ... ano nga ang pangalan?"
"Ang pangalan nito ... pinag-isipan ko 'tong mabuti, ha!"
"Oo na nga. Pinag-isipan mo." Ang daming pasakalye. "Ano na? Anong pangalan ng gubat na ito?"
Waiting for his answer, mabilis kong ini-ready ang panulat ko. Game na game sa maririnig kong sagot mula sa kaniya.
Bumuka ang kaniyang labi.
Ito na...
"Ang pangala nito..."
Ito na ... Ito na...
Throwing his hands up in the air, he yelled, "Ang Kagubatan!"
"..."
Ayoko pang mamatay—iyon kaagad kong naisip.
Kaya naman nang maramdaman ko ang nagbabadyang halakhak na papalabas sa 'king bibig matapos ng aking pagkatulala ay mabilis ko siyang tinalikuran.
Ang sakit na ng panga ko sa kapipigil ng tawa!
"O? Ano'ng masasabi mo?" tanong ng nilalang na tinalikuran ko. There's this hopeful look on his awkward face when I've got the courage to eye him once again.
Looking pass my shoulder, I smiled at him. "M-Maganda. Napakakakaiba. Magaling kang pumili ng maitatawag."
Palaki nang palaki ang butas ng ilong niya sa bawat paghugot ng hininga. Proud na proud ang kaniyang itsura ngayon. My compliment did boast his confidence.
Diyos ko. Patawarin mo po ako sa pagsisinungaling ko.
Nagsimula na kami ulit sa paglakad. Panay ang hinga ko ng malalim para mapakalma ko ang tawang-tawa kong sarili. Aatakihin pa yata ako. Panga at tiyan ko na ang masakit.
I tried forgetting about it para hindi sumiklo ang nalunok kong paghalakhak. I don't want to be shredded into pieces by him.
Maiigi kong tinitingnan ang mga detalyeng naisulat ko na sa 'king notepad. Nakailang pahina na ako, pero ang mga 'yon ay pawang pisikal na katangian lamang ng kagubatan. He never said something about the main point...
The magic enveloping this forest—about him.
"O, natigilan ka?" puna nito sa akin nang huminto ako sa 'king paghakbang. Sa 'king tabi ay nababakas ang pagtatanong sa mga mata niya dahil sa paghinto ko.
"Ikaw," panimula ko. "Anong ginagawa mo rito?"
He was surprised by my question, that was for sure. Those widened golden eyes said so.
"Bakit mo naitanong?" kunot-noong tanong niya nang makahulma ng sasabihin.
"Gusto kong malaman Ang lahat." Ipinakita ko ang kanan kong palad. "Gusto kong malaman dahil dito. Nasangkot ako sa isang bagay na wala akong kaalam-alam. Gusto kong malaman at hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakukuha ng sagot."
Nag-iwas lamang siya ng mga mata. Ang kaniyang nakayukom ng mga kamao ay sapat nang sagot sa akin para malamang hindi pa siya handang magtiwala sa akin. Sa isang taong gaya ko? Alam kong kahit hindi niya banggitin ay hindi niya ako gusto.
I heard him clearly when he said that it is his emblem and he gave it to someone. Malinaw na hindi sa akin.
Drawing an air from my chest, I nodded my head, completely considering how he feels.
"Kahit paisa-isa, maghihintay ako ng sagot."
Muli kong ini-ready ang ballpen ko nang makapagsulat nang muli. I got almost every details, 'di ko lang alam kung bakit magsusulat na naman ako.
I was ready to walk away but stop midway when he spoke.
"Ang kagubatang ito ay ipinapangalaga sa bawat pinakabatang Sorong mabubuhay. Pagkasilang pa lamang ay dito na sila dadalhin upang maging kapalit sa kasalukuyang bantay." Ibinaba ko ang aking panulat nang makuha niya ko sa kaniyang sinasabi. Nakanganga ko siyang muling binalingan.
Looking on the ground, he spoke again. "Ang angkan ng mga Soro ang napiling tagabantay sa labas ng kanilang mundo."
"K-Kabilang mundo?"
"Lupain kung saan nabibilang ang tulad ko." Bumagsak sa lupa ang kaniyang paningin. "Ngunit hindi ko pa 'yon nakikita at malabong masilayan ko pa sa habang panahon."
His ivory fringe hid his eyes, pero bakas ang lungkot sa kaniyang boses kaya hindi maikakaila ang nararamdaman niya. Even me ... I felt his sorrow.
"Bakit?" marahan kong tanong.
"Dahil ako na ang huli sa 'ming angkan." Yumukom ang kaniyang mga palad. "Wala nang papalit pa sa akin."
I shut my eyes trying to process all the informations at once. This is too much for me to take.
"Then ... you..."
I wasn't able to grasp what I wanted to say when a sudden force that suppressed my breathing made me unable to speak.
The stunned look on the tailed creature in front of me made me realize the danger I'm in.
"Kumusta ka, batang Soro..." A deep, almost seemed like it was came from a grave, lingered behind my ear. Isang braso ang pilit na pumigil sa 'king paghinga sa pagsakal nito sa 'king leeg.
I-I can't breath properly!
"Tch! Baito..." narinig kong sambit ng taong-aso. He advanced slowly, but the man behind me laughed.
"Uh-uh-uh! Hindi ka maaring kumilos sa 'yong kinalalagyan, Soro..." Humalakhak ito sa 'king likuran. Ang malalim nitong boses ay nanunuot sa 'king utak.
"Ano'ng kailangan mo?" tanong ng taong-aso. Pinilit kong maglikot ngunit humihigpit lamang ang hawak nito sa akin kaya mas lalo akong nasasakal.
"Wala naman. Nakarating lamang sa akin ang balitang bumangon na mula sa mahimbing na pagkakahimlay ang aking matalik na katunggali~"
His enemy? So, this creature is his enemy? Ano ang gagawin ko? Mapapahamak ako sa lagay na 'to!
"At may kasama ka pang mortal ... sino ang dilag na ito? Hindi ito ang babaeng kasama mo nang huli tayong nagkita."
Gulat kong tinitigan ang taong-aso. Ang babaeng kasama niya noon?
"Wala nang pakialam ang isang Ive-ng tulad mo sa 'king mga ginagawa! Pakawalan mo ang mortal na 'yan o matitikman mong muli ang hagupit ng aking kapangyarihan!"
His gritted teeth showed how driven he is. He fangs burried barely on the flesh of his lips, tails forming sharp, and nails readying to claw someone.
"Ha! At paano mangyayari 'yan? Wala ang babaeng nagtataglay ng iyong sagisag. Kung wala ang nagmamay-ari sa 'yo ... hindi ka makakakilos ng ayon sa nanaisin mo." Halakhak nang halakhak ang nilalang sa 'king likuran, ngunit hindi na ako nanlalaban. Maiigi kong tinititigan ang nasa 'ming harapan.
Natahimik ang taong-aso at yumuko. Tumaas ang mga kilay ko nang bigla siyang humalakhak. Sa una'y mahina hanggang sa unti-unti iyong lumakas na para bang may nakakatawa talaga sa mga nangyayari.
Right from looking down, he eyes moved. Flashing his golden eyes beneath the darkness his fringes made.
"Diyan ka nagkakamali..."
And as if our minds connected ... nagliwanag ang aking palad. Unti-unti ay lumabas ang mga salita sa 'king nanginginig na labi.
"I ... iligtas mo 'ko..." nahihirapan kong sambit.
Ang taong-asong ay ngumisi. A sadistic grin plastered on his lips.
"Masusunod..."
Magic azure circle dazzled beneath his feet. Flashes of blue lights and powdery emberes exploded around him. The ground froze when he stepped forward. Umabot ang pagyeyelo sa 'ming kinatatayuan ng nilalang sa 'king likuran. Nagniyebe sa kaniyang kinalalagyan at lumamig ang buong kapaligaran.
The creature behind me gasped. I clearly heard the harsh heave of air.
"K-Kung gano'n ... ang babaeng ito na ang nagmamay-ari sa iyo!"
Tailed-creature didn't bother to speak. Sa isang iglap ay nawala siya sa 'ming harapan, only leaving a remnants of blue embers.
Sa isang kisap-mata'y nahablot ko ang aking paghinga. Nawala ang mahigpit na bagay na pumipigil sa pagdaloy ng hangin sa 'king katawan. I coughed outloud and looked behind me only to find a man with a jet huge wings. Sa kaniyang likuran ay naroon ang taong aso at hinihila ang mga itim nitong pakpak, hinuhugot paalis sa nilalang na kanina lamang ay pinagtatangkaan ang buhay ko.
"Ta-ta-ta! Bitiwan mo 'ko, Soro!"
"Heh! Ivesnashi! Isa kang lapastangan!"
"'Di na mauulit! Gusto ko lamang gumawa ng nakatutuwang pambungad sa 'yo!"
"Puwes! Hindi ako natutuwa!"
"Patawad na! Hindi ko naman alam na hindi na si Trinidad ang may hawak sa 'yong sagisag! Ang buong paniniwala ko ay bihag mo lamang ang babaeng iyan!"
"Zeshnaka!"
"Patawad na nga!"
Nagsalubong ang mga kilay ko. Iyon na naman ang pangalang 'yon. Sino ba talaga si Trinidad?
"Pakawalan mo na 'ko! Ta-ta-ta-ta! Masakit! Huwag mong hugutin ang aking pakpak!"
"Ito ang nararapat sa katulad mong hangal!"
"Araaaaay!"
"S-Sandali lang..." Ang dalawa ay napatingin sa 'kin sa kalagitnaan ng kanilang pang-aaabot. "Tama na 'yan."
"Sinasabi mo bang pakawalan ko na ang hampas-lupang ito?" The tailed-creature glared at me, looking completely displeased about my decision.
"Sige na. 'Di niya naman ako nasaktan, e." Ngumiti ako. Doon pa lamang kumalma ang taong-aso at padabog na binitiwan ang kaaway. Although, he's still frowning. Bumalik sa normal ang kaniyang mga buntot at ang mga mata niya'y umayos sa normal.
'Yon nga lang ay tumingin sa akin ang lalaking may mga pakpak. His shiny black hair's parted in the middle and was a little longer than usual. Napaurong ako nang nginitian ako nito at nagtungo palapit sa akin. Akala ko ay may kung anong gagawin sa aking masama, pero huminto rin siya nang makalapit ng may katamtamang distansya.
"Kumusta ka, marikit na nilalang! Patawarin mo 'ko sa 'king nagawa kanina. Hindi ko nais na takutin ka." He giggled—he frickin' giggled!
A man with a weird imprint on his face and on his chest, too. His upper body's bare and pale. Some black textile was wrapped around his hip that ends above his knees. He's barefoot like the tailed-creature. A black piece of cloth was bond around his both wrist and ankle.
"Ang ngalan ko'y Baito." Inilahad nito ang kaniyang kanang kamay.
"A-Ako naman si Sania." Tinanggap ko 'yon kahit pa nag-aalangan ako. Doon ko napansin ang itim nitong mga kuko na para bang natural.
"S-Sandali ... a-akala ko ba, magkalaban kayong dalawa?" tanong ko.
This sudden turn of event made me confused. Kanina lang ay halos magpatayan sila, pero ngayon...
"Hindi! Iyon ay simpleng palabas lamang! Matalik talaga kaming magkaibigan!" Humalakhak ang lalaking nagngangalang Baito at hinila palapit sa kaniya ang taong-aso. Being the tailed-creature's height is in a great level, he was forcefully ducked when Baito draped his arm around his shoulder.
"Heh! Hindi kita kaibigan, Ive!" angal n'ong isa.
"Heh! Magkaibigan tayo, Soro!" kunot-noong sagot sa kaniya ni Baito.
Tapos ay nagsimula na silang magbangayan. Lumabas ang itim na puwersa sa paligid ni Baito at ang taong-aso aso'y muli na namang bumalik sa porma ang mga buntot at gintong mga mata.
Napailing ako at nangungunsumisiyong hinilot ang aking sentido. I could not unfold this event in my mind. Mababaliw na yata ako kung pati ito ay iisipin ko pa. Magkalaban, tapos ... magkaibigan?
I shrieked when I remembered my friends. Oo nga pala! Hinihintay na ako ng mga 'yon!
I quickly acted with my reflexes. Pinulot-pulot ko ang mga bali-baling kahoy sa 'king kinatatayuan at inipon 'yon sa 'king bisig.
'Pag 'di ako kumilos kaagad ay maghihinala na talaga sila!
"Oy! Saan ka patungo, mortal!" Narinig ko ang taong-aso na nagtanong.
"Babalik na 'ko! Ang mga kaibigan ko!" sagot ko habang nagpapatuloy sa pamumulot ng kahoy bilang panggatong.
"Ihahatid na kita, Sania!"
Suminghap ko nang na sa 'king tabi na ang nilalang na nagngangalang Baito. Mabilis ako nitong ikinalong at ang sunod ko na lang naramdaman ay wala na sa lupa ang aking mga pang-apak.
"W-Wait! Mahuhulog ako!" Tumili ako nang pumagaspas ang malapad nitong pakpak. Wind raged around us. I had to close my eyes to prevent anything getting into them.
Embracing the sticks of woods, I gasped as loud as I could. W-We're flying! I'm flying!
"Hahaha! Nakatutuwa ang kaniyang itsura sa tuwing nagagalit siya..." Napatingin ako kay Baito nang bumulong siya. Naroon siya nakatingin sa taong-aso na nagngingitngit habang nakasunod sa amin. Patalon-talon sa mga sanga ng puno.
"Totoong magkakaibigan kayo?" tanong ko kaya bigla ang pagbaling niya sa akin. His lips turned upward and his darks eyes smiled.
"Matalik na magkaibigan..."
Dahil na rin sa turo ko, ibinaba ako ni Baito malapit lamang sa bukana patungo sa 'king mga kaibigan. Isang nangngangalit na taong-aso ang dumating at binira ng hampas sa likuran ng ulo ang kaniyang kaibigan.
"Huwag mong itinatakas ang mortal na 'yan sa 'king paningin!"
"Kay bagal mo kasing kumilos!"
"Manahimik ka, laspastangang may pakpak!"
"Ikaw ang manahimik, mabalahibong nilalang!"
I couldn't stop the giggle formed and was forcefully pulled out from my mouth. Hindi ko alam kung bakit ang saya, saya, ko habang pinanonood ang taong-asong 'to na makipagbangayan sa isang nilalang na nagpakilalang kaniyang kaibigan—isang matalik na kaibigan.
"Magkaibigan nga kayo!" Tumawa ako nang tumawa. Ganitong-ganito mag-away sa harapan ko ang mga kaibigan ko.
"H-Heh! Hindi 'yan totoo!" mariing pagtanggi ng taong-aso. Nginisian namin siyang dalawa ni Baito kaya napahalukipkip siya't tumalikod sa 'ming gawi.
"Nakakainis!"
That's a relief. At least, nabuhay siyang may isang nilalang na kaibigan ang turing sa kaniya. It's a relief that ... he didn't live his life in loneliness. Because, still, he has someone. This Baito and that woman ... ang babaeng nagngangalang Trinidad.
Nasaan na kaya siya? Nasaan na ang babaeng tunay na nagmamay-ari sa kaniya?