Ikasiyam na Kabanata
NAKABUSANGOT na pagmumukha ni Akinse ang kaagad na sumalubong sa akin nang makabalik ako sa 'king kuwarto mula sa pag-ligo. Tinaasan ko siya ng mga kilay habang pinupunasan ng tuwalya ang tumutulo pa sa basa kong buhok.
"Aalis ka na naman!" galit na sabi niya. Ang magkasalubong niyang mga kilay ay halos magdugtong.
"Akinse, I'm need to study. I need to attend school," paliwanag ko.
Kinuha ko ang mga nakahandang palamuti na nakalatag sa 'king kama gaya ng ribbon sa 'king blouse at kulay abong blazer. Pagkatapos niyon ay mabilis kong isinunod ang ID ko at nagtungo sa harap ng salamin para makapag-ayos.
"Hindi ko maintindihan!" aniya. I sigh and look at him.
"Ang sabi ko, papasok ako sa eskuwelahan dahil kailangan kong mag-aral. Isa pa, nandito naman si Alpha, hindi ba? Nakakalaro mo siya, tapos ay si Papa."
"Ang pusang iyon, palaging galit at masyadong masalimuot ang buhay! Ang iyong ama naman ay walang ibang ginawa kundi ang hamunin ako sa kung anu-anong paligsahan na siyang hindi ko na nais pang malaman!" reklamo niya. "Ang iyong ina na lamang yata ang nakakausap ko ng matiwasay!"
"O, may nakakausap ka naman, hindi ba? Saka, ba't hindi ka magliwaliw? Lumabas ka ng bahay," sabi ko at muling hinarap ang salamin. "Basta, alam mo ang oras ng balik mo. Hindi ba, noon sa gubat mo, ang sinabi mo sa akin, may kailangan kang hanapin?"
Sinimulan kong pahiran ang aking mukha para sa daily skincare routine ko. Pinagmamasdan ko si Akinse na nakaupo sa sahig at masama ang mukhang pinanonood ako. Nakikita ko siya mula sa salamin kaya minsang nagkakatinginan kami, nagngangalit ang mga mata niya.
"He! Hindi ko nakalilimutan ang aking layunin!" Padaskol siyang nag-iwas ng tingin habang nakanguso. "Kung gayon ay sige! Kung ganitong madalas ka rin namang nawawala, dapat ay ako rin!"
Humalukipkip siya at bumulong, but I still heard him said 'nakakainis'. Napabuntonghininga na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Silence crept on our atmosphere and I heard a thud from his place. Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko kaya nilingon ko siya.
Tumayo siya mula sa sahig. Bawat hakbang niya ay parang nagdadabog, parang malalasak ang tiles. Nagtungo siya sa tapat ng nakabukas na bintana sa 'king kuwarto at sumampa sa frame niyon.
"O! Sa'n ka pupunta?" gulat kong tanong. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko.
"Aalis ako!" sigaw niya at tuluyang isinampa sa hamba ang isa pa niyang paa.
"Hindi ka pa kumakain, a? Saka, aalis ka ng ganiyan ang itsura mo? Paano kung may makakita sa 'yo?"
Dahil sa reaksiyon ng katawan niya sa tuwing nagtatagal ang pagiging tao niya ay minabuti kong ibalik siya sa dati sa tuwing sumasapit ang gabi. Sa gano'n ay makatulog siya ng maayos at maging komportable lalo na't madalas siyang magreklamo. Nagkataon na ngayong araw ay hindi ko pa siya naghaharapan magmula nang magising ako.
"Hindi ako maaaring umalis kung nakabalat-kayo ako. Mahina ang pandama't limitado ang kakayahan ng mga tao, gayon din ako kapag nasa ganoong anyo. Hindi ko mahahanap ang nais kong hanapin kung hindi ako lalabas ng ganito," paliwanag niya habang pikit-matang dinadama ang hanging tumatama sa kaniyang mukha.
Pinagmasdan ko siya. Napakaamo niyang tingnan.
"Baka may makakita sa 'yo," mahinahon ko nang sabi.
Nagsimula akong maglakad patungo sa kinalalagyan niya. Nadama ko ang malamig at sariwang hangin mula sa labas nang matapat ako sa bintana. Tila pinapakalma niyon ang pagdaloy ng dugo ko sa buong katawan at halos makarinig ako ng malamyos na musika sa bawat paghampas ng hangin.
"Atch! Mag-iingat ako!" sabi niya, galit na naman. "Saka, pinaalis mo naman ako, e!"
Bigla siyang tumalon ng pagkalayo-layo, tingin ko'y parang lumilipad na siya dahil na rin sa taas ng itinalon niya mula sa 'king bintana. Kaagad akong dumungaw mula sa hamba at pinagmasdan si Akinse na magpasampa-sampa sa mga bubong ng bahay. He's so fast that all I could see is a flickering black hue every time his place changes.
I sigh.
Para naman siyang nagtatampong tuta dahil hindi napapansin.
However, I think he also needs to breathe the air outside our house. Hindi siya dapat makulong dito at hindi ko rin kayang bantayan siya oras-oras. Kinakabahan lang ako, baka mapahamak siya kapag may nakakita sa kaniya.
And I'm also curious about what he's up to. Ano nga ba 'yong gusto niyang hanapin dito sa amin, sa labas ng gubat niya, at pinigilan niya ang pagbalik ko ng sagisag niya sa kaniya noon?
Napatingin ako sa nakasarang pinto nang may kumatok. Nang buksan ko 'yon ay pagmumukha nina Ailyn at Lyca ang bumulaga sa akin.
"O, iyan, ha! Hindi na ako late ngayon!" kaagad na pambungad ni Lyca.
Magkasunod silang pumasok na dalawa ni Ailyn at tuloy-tuloy na sumampa sa 'king nakaayos nang kama. Si Ailyn ay walang pakialam kahit malukot ang suot na uniform habang si Lyca ay kuntodo poise pa habang umuupo sa dulo.
Hindi na ako nag-abala pang isara ang pintong binuksan ko at tinungo ang nakatago kong black shoes sa ilalim ng aking kama.
Bigla kong naalala si Akinse. Mabuti na lang pala at nakaalis na siya sa tamang oras kundi ay nakita siya ng dalawang ito. Mahirap na at kung nagkataong nasilayan siya ng dalawa ay paniguradong magkakagulo.
"Uy! Kumusta na si Ihara, ha?" kaagad na usisa sa akin ni Ailyn nang maharapan ko sila.
"Okay naman si Kuya," sagot ko.
Nagtungo ako sa ulunan ng kama ko kung saan naro'n ang bag ko at isinukbit na iyon. Nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan at iyong dalawa ay mabilis na sumunod sa akin.
"Paanong okay? Ano? Kumakain naman siya ng maayos, 'di ba? Hindi naman siya nagpapaka-emo dahil sa buwisit na Kyla na 'yon, 'di ba? Ano ba, Sania, sumagot ka nga!"
Hindi ko pinansin si Ailyn at tuon ang atensiyon ko sa bawat pag-apak ng aking mga paa sa hagdan. Naririnig ko ang yabag niyong dalawa habang si Ailyn ay talak nang talak.
"O, Isaiya!" malamyos na bati ni Lyca sa papadaang si Isaiya.
Lumingon sa gawi namin ang kapatid ko habang dala ang backpack nito na doo'y may nakasingit na baseball bat. Kaagad ko iyong pinuna.
"Isaiya, anong gagawin mo riyan sa baseball bat mo na 'yan? 'Di ba, tuwing Friday lang ang practice ninyo ng baseball?" kunot-noong tanong ko.
Mukhang nahintakutan ang kapatid ko lalo pa nang tuluyan kaming makalapit ng mga kaibigan ko sa kinahihintuan niya.
"Hindi, Ate! Hindi ko hahampasin si Alpha! Hindi talaga!" kaagad nitong buwelta at mabilis na tumakbo sa likuran ni Ailyn.
"Baby Isaiya," paglalambing ng huli sa kaniya nang pantayan siya nito. "'Asan ang Kuya Ihara mo?" may pagpilantik pa sa mga pilik-matang tanong ni Ailyn.
"Hay, nako! Tigilan mo nga si Baby Isaiya, ikaw na baba ka!" pangingialam ni Lyca nang hindi makapagpigil. Nakapamaywang itong lumapit sa kanilang dalawa at sapilitang hinila mula sa tabi niya ang kapatid ko.
"Inaano ka ba ng baba ko at galit na galit kang babae ka? E, ikaw? Tingnan mo nga 'yang nunal mo na 'yan! Ang laki, parang langaw!" sagot ni Ailyn habang nakatutok ang hintuturo niya sa leeg ni Lyca kung nasa'n ang nunal nito.
I must say that her mole there looks prominent.
Isaiya squeaked nang lumapit ako. Kaagad siyang sumigaw at pinagdikit iyong dalawa para lamang magtago sa likuran nila.
"Ate! Don't bully me!" bulalas ng aking kapatid.
"I'm not even doing anything!" mangha kong saad. Huminga ako ng malalim para makalma ang sarili ko. It looks like I'm the bad guy here.
"Sania! Kinakausap ko pa yung kapatid mo!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Ailyn. Her long eyelashes' gave more details to her eyes.
Umingos ako at umayos ng postura. Bahala na nga sila.
Hinarap ni Ailyn ang kapatid ko at pursigido itong tinanong muli. "Baby, tell me where your kuya is, tapos nasaan siya kahapon?"
"Pumasok na po si Kuya po ngayon. And then, she's with Ate Nanah yesterday po. Nag-date po sila. She was in the front seat of Kuya's car po!" bibong sagot ni Isaiya.
Tinitigan ko si Isaiya nang makaramdam siya. Ito kasing mga kaibigan ko, masyado siyang bine-baby kaya nagkagan'yan. For God's sake, he's already twelve and he acts like six most of the time!
"N-Nanah?!" singhap ni Ailyn sa narinig na sagot sa kaniya ng bata. "Sania! Sino na naman 'yon?!" anas niya pa nang balingan niya ako.
Kinagat ko ang aking labi at pinangmulatan ng mga mata si Isaiya dahilan para kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay. No choice tuloy ako kundi ang sagutin si Ailyn.
"She's kuya's childhood friend." I sighed. "Umuwi siya kahapon mula Singapore, at 'yong date na sinasabi ni Isaiya, friendly date lang 'yon. Isa pa, kasama naman nila si Kuya Mago noong umalis sila. Don't be so paranoid." Suminghap siya at parang sumasakit ang puso na kinapa niya ang kaniyang dibdib. Mukha siyang tanga.
"Sino naman 'yong Mago?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Lyca kaya sa kaniya naman ako nabaling.
"Siya 'yong ano..." Umakto ako na parang may ibinabato. Good thing at kaagad niyang nakuha ang gusto kong iparating.
Mabilis siyang humalukipkip at malayo ang tinging nagsalita. Nagsimula na naman siyang kausapin ang sarili niya.
"So, Mago pala ang pangalan niya?" she said, her eyes' throwing daggers at the air. "Kung gano'n, bagay sa kaniya ang pangalang Mago dahil gago siya!"
Hindi ko na lang sila pinansin. Walang paalam akong nagtungo sa pintuan para makalabas na ng bahay.
"Sania! Marami pa 'kong gustong malaman!" Nang lingunin ko si Ailyn ay namumula na ang buong mukha niya.
Hindi ko na siya matagal pang pinagmasdan at nagdire-diretso lang ako sa paglakad. Gano'n naman palagi ang mukha niya sa tuwing malalaman niya na may bagong girlfriend si Kuya.
"Hoy, Sania! Sabihan mo pa ako ng maraming impormasyon tungkol sa gagong 'yon! Ano, ha? Bakla ba siya? " Tinampal ko ang kamay ni Lyca nang subukan niyang hilahin ang bag ko.
Binilisan ko ang paglakad paahon sa compound namin nang hindi ako masabayan niyong dalawa. Tinungo ko ang waiting shed at nakahalukipkip na tumayo sa gilid ng posteng may karatula ng 'bus stop'.
"Sania! Kinakausap ka pa, e!" I shook my head when Lyca brought her hands to my shoulders, tapos 'yong isa pa na si Ailyn ay panay ang rant kaya mas lalong nabulabog ang pag-iisip ko.
"'Wag n'yo kong guluhin!" naiiritang sabi ko. "Kung magtatanong kayo, mamaya na dahil hindi pa tayo nakakapasok!"
"Fine!"
Tumaas ang isang kilay ni Lyca at humalukipkip, panay ang bulong niya kaya napabuntonghininga na lamang ako. Si Ailyn din ay masama ang tingin sa kung saan at yukom ang mga kamao. Bahala sila.
Imbis na bus ay jeep ang dumating. Hindi na kami nag-inarte pa at sumakay na kami dahil malapit nang mag-alas-otso, baka hindi na kami papasukin sa school. Kaniya nga lang ay hindi matanggal ang pagkakasimangot ng mukha ni Lyca. Ang dami-rami, niyang sinabi katulad na lang ng mainit daw, mausok, at masikip.
"Ang ganda, ganda, ko, tapos ay sa jeep lang ako sumasakay?" maarteng anas niya nang hindi na makapagpigil.
Nginitian ko iyong ale na masama ang tingin sa 'king katabing reklamo nang reklamo. Ang arte niya kasi, e.
"O, Sania! Bayad ko! Kulang ng piso, ikaw na ang bahala." Tumawa ng malakas si Ailyn nang samaan ko siya ng tingin, naro'n siya sa tapat namin ni Lyca nakaupo.
"Iyan na, o! Sampu 'yan, inyo nang sukli! Tag-piso kayo ni Ailyn!" Umirap si Lyca. "Grabe! Ang ganda ko na, napakabait ko pa!"
Iiling-iling kong iniabot ang bayad papunta sa driver, ako ang malapit.
"Saan itong bente-kuwatro?" tanong nitong driver nang makarating sa kaniya ang perang ibinayad ko.
"Pweding College po!" Si Ailyn na ang sumagot nang senyasan ko siya.
"Oo, puwede naman. Pero wala nang discount, ha. Minimum na ang otso pesos!" sagot ng driver habang nakatingin sa amin mula sa rearview mirror. "Saan nga 'to?"
Salitan kaming nagkatinginang tatlo nina Lyca at Ailyn.
"Pweding College po, Kuya!" muling sinabi ni Ailyn.
"Oo nga, ganda-Puwede ang college. Ang tanong ko, saan ang baba nitong bente-kuwatro?" sagot nitong driver, naiinis na yata. Nagbubulungan na rin 'yong iba pang pasahero.
"Papara na lang kami kapag bababa na kami, Manong!" galit na saad ni Lyca, mabilis ko siyang kinurot nang magsinghapan ang mga tao.
"Manahimik ka na lang," bulong ko. Ngumuso siya at nabubuwisit na humarap na lamang sa bintana.
Eksaktong seven forty-five ay nakapasok kami sa gate ng aming eskuwelahan. Lakad-takbo ang ginagawa naming tatlong habang si Ailyn ay rant nang rant sa 'king gilid.
"Grabe naman yung driver kanina! Pweding College ang sinasabi ko at hindi ko tinatanong kung puwede ang college student!" asik niya. Inilingan ko na lamang siya at sinabihan silang magmadali na.
Papalagpas na kami ng canteen. Wala na'ng mga estudyante roon!
So far, kahit na mataas-taas pa ang inakyat namin dahil ang classroom namin ay nasa third floor pa ng SHS building, ay nakaabot pa rin kami sa tamang oras. Mga maiingay naming kaklase ang bumungad sa amin nang buksan ni Lyca ang nakasarang front door ng aming silid-aralan.
"Napagod ako ro'n, a!" sabi ni Lyca habang naglalabas ng pakete ng tissue mula sa kaniyang bag. Natanawan ko na rin sina Lourdell na papalapit.
"Anong nangyari sa inyo? Ba't na-late kayo ngayon?" tanong ni Isabelita. Naro'n siya nakaupo sa kanang gawi ni Lyca, ako ay nasa kaliwang gawi naman ng huli.
Si Vanessa ay naupo sa bungad ng row naman na siyang nasa kaliwang gawi ko. Ang natira na sina Ailyn, Lourdell, at Jhoma ay nakaupo sa harapan namin. Wala pa rin hanggang ngayon si Dian.
"Ewan ko ba ro'n sa jeep na nasakyan namin, ang bagal magmaneho!" reklamo ni Ailyn nang umikot siya pagawi sa amin, katapat siya ni Vanessa.
"Anong mga subject ngayon?" tanong ko. Inangat ko ang bag ko mula sa 'king likuran para kalikutin ang mga gamit ko. Baka may nakalimutan akong dalhin.
"Ewan ko?" ngumunguyang sagot ni Vanessa sa 'king tabi.
Bigla siyang may inilahad na kahon ng isang Peppero. Kani-kaniya kaming kuha na anim doon. Huling stick na lang ang natira sa akin kaya pati iyong kahon na pinaglayan ay kargo kong itapon ngayon.
"Uy, tingnan n'yo si Sarah!" pabulong na sabi ni Jhoma.
Lingunan kaming lahat sa gawi ng presidente namin sa classroom na siyang tinukoy ni Jhoma. Nahintakutan kami nang makita naming tulalang nagbibilang si Sarah sa kaniyang mga daliri. Eksakto pang inabutan namin si Alisa na papalapit sa kaniya.
"Uy, Sarah! Mayro'n pang pitong hindi nagbabayad! Alam mo na kung sino 'yong mga 'yon! Ikaw na ang maningil dahil ang hirap nilang singilin!" dinig naming lahat mula sa auditor na si Alisa.
"Ha? Ba't ako? Ba't hindi na lang si Rosa, siya ang secretary, e! Ang dami ko nang mga hinahawakang singil!" mangiyak-ngiyak na sagot sa kaniya ni Sarah.
Palihim akong napangiti, hindi ko mapigilan.
"Siya naman 'yong humahawak sa singil nito, e. Kaniya nga lang, 'yang mga Manlalakbay na 'yan, inaaway lang siya sa tuwing sinisingil sila kaya ikaw na lang daw! Baka sakaling makinig sa 'yo! Sige na!" Naii-stress na yata pati si Alisa. Naririnig ko ang bungisngisan ng mga kasama ko.
Maya-maya lang ay natanawan namin si Sarah na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. Kahit mukhang masama ang loob ay dahan-dahan itong naglakad papalapit sa amin. Balikan kaming lahat sa maayos naming puwesto gaya niyong kanina.
"Ano... Guys! 'Yong singilan kasi ro'n sa fifty pesos para sa birthday surprise kay Ma'am. Kayo na lang kasi 'yong hindi nagbabayad, e." Habang pinagmamasdan namin si Sarah ay pahina nang pahina ang boses niya.
Dahil malapit siya sa bungad ng aming row ay kaagad siyang nasampolan ni Ailyn.
"Nako, Sarah! Puro kayo singil! Ang aga, aga, ay naniningil kayo! Kaya kami minamalas, e! Ano ba ang tingin ninyo sa amin, mapera? Nakakai-stress kayo, ha! Pati bangs ko, naii-stress!" reklamo ng huli sa kaniya.
Sarah almost shrink in her place. "K-Kailangan na kasi 'to, e..."
"At nagpapaliwanag ka pa!" mataray na saad pa ni Ailyn.
Si Sarah ay napipilitang bumaling sa 'king katabi. Siguradong susunud-sunurin niya na kaming lahat.
"Vanessa..."
"Masakit ang ulo ko, Sarah. Pambili ko na lang ng advil 'tong pera ko."
"Lourdell, ikaw?"
"Tatlo 'yong iri-retake kong test mamaya, e. Pambayad ko na lang ng test paper itong pera ko. Sorry!"
"Jhoma..."
"Wala akong kakainin mamayang lunch break kapag ibinayad ko sa 'yo 'tong pera ko, Sarah. 'Di puwede sa 'kin ang nalilipasan ng gutom. Maoospital na naman ako."
"Please, Isabelita..."
"Sorry, Sarah. Pangkain ko na lang din 'to, e. Lalo na, hindi ako nag-almusal ngayon. Siyempre, kailangang unahin ang pagkain dahil according to study, a stomach without a food, aside from feeling hungry, could cause stress and attract diseases. In addition, it-" Hindi na natapos ni Isabelita ang gusto niyang sabihin dahil pinakli na ni Lyca, wala talagang pakundangan.
Kung sabagay, kung hindi niya rin naman iyon ginawa ay isa pa rin sa amin ang gagawa. Mahirap nang kausap si Isabelita kapag nilalagyan niya ng scientific explanation at trivia ang mga sinasabi niya. Humahaba nang humahaba.
"Hay, nako, Sarah. Wala ka na ring mahihita sa akin. Nag-shopping ako ng mga beauty products kahapon. Kailangang unahin ang kagandahan." With poise na f-in-lip ni Lyca ang maikli't kulot niyang buhok.
Kuntodo irap si Ailyn sa kaniya nang mapansin ko. Siguro, naiinis na naman.
"Sania..." Nagmamakaawa na ang mukha ni Sarah sa pagbaling sa akin.
Tumayo ako.
"Wala akong pera," anas ko at nilampasan si Sarah. Tuloy-tuloy ako sa paglabas para itapon iyong pinaglayan ng Peppero sa basurahan.
Nang makabalik ako ay wala na si Sarah ro'n. Nagtatawanan 'yong mga kaibigan kong baliw.
"Si Sania talaga, the best! Wala nang paligoy-ligoy, e!" Humagalpak ng tawa si Lourdell, hindi pa siya nakuntento at hinampas niya ang katabing si Jhoma.
"Uy, Sania! Nakakahiya ka! Sana man lang, nag-deny ka kahit kaunti. Short ka ngayon-Gano'n dapat ang sinabi mo!" anas ni Lyca habang papaupo akong muli sa tabi niya.
"Hoy! Manlalakbay Squad! Magsitigil kayo, pangaingay ninyo!" sigaw ng isa sa mga kaklase namin.
"Mas mabuti nang mag-ingay kami, kaysa mag-ingay kayo!" sigaw pabalik ni Vanessa. Natahimik sila. Napailing na lang ako.
Hmp. Warfreak.
Sa isang buong linggo, nagsisimula ang klase sa eksaktong pagpatak ng alas-otso. Dahil Lunes ngayong araw, ang dismissal namin ay alas-tres ng hapon. Hinintay lang namin ng ilang minuto si Lourdell sa pagte-take niya ng remedial 'bout sa mga previous exam namin. Bagsak siya, e.
"Hay, Lourdell Rose. Aral-aral din kasi 'pag may time," nakasimangot na sinabi sa kaniya ni Ma'am Santos noong maipasa niya na ang test paper. Lahat kami ay nanonood sa kaniya.
"Asa pa kayong mag-aaral 'yan, Ma'am." Humalukipkip si Ailyn at tinaasan ng kilay si Lourdell nang lingunin siya nito.
Oo nga. Asa pa, Ma'am.
Nang tuluyan kaming makauwi ay humiwalay sina Vanessa at Jhoma sa amin kaya apat na lamang kaming natirang naglalakad patungo sa kalapit na mababang paaralan ng Pweding kung saan natigil kami sa tapat ng tolda ng mga tricycle.
"O! Sasakay kayo, mga miss?" tanong ng isang nakangising driver sa amin. Halos kaedad lang yata namin iyon.
"Bakit, Kuya? Tinawag ka ba namin?" mataray na tanong ni Ailyn. Nagtawanan ang iba pang driver at kinantiyawan ang kasamahan nilang nakatikim ng pangbabara ni Ailyn.
"Uy, bunot tayo!" pang-aaya bigla ni Lourdell.
"Oo nga! Tara!" pag-sang-ayon naman ni Isabelita sa kaniya.
"Alam mo, Lourdell? Kaya ka bumabagsak, mukha kang bunot!" iritadong sabi ni Lyca sa kaniya. Ganon pa man ay hindi nagpatinag 'yong isa at nangunang lumiko sa kanto patungo ro'n sa tindahan kung sa'n may bunutan.
Sumunod kaming dalawa ni Ailyn at walang reklamo. Si Lyca, bilang ayaw na naiiwan, ay panay ang pagsasasabi habang sumusunod sa aming likuran. Mainit daw, pero nakabuntot naman siya. Iyon at kahit long sleeves ang suot naming upper uniform, suot niya pa iyong kulay dilaw niyang cardigan. Nakapayong pa siya at hiniram iyong sumbrerong dala ni Lourdell kanina.
Nang tuluyan kaming makarating sa tindahan ay kani-kaniya na kaming labas ng mga barya at sunod-sunod na nagsibunot.
"Why gan'yan? Palaging tatlo 'yong number!" sabi ni Isabelita.
Ngumuso ako at tinitigan 'yong dalawang maliit na kuwadradong papel na hawak ko. Parehas na may two digits ang mga 'yon. Nakalimang piso na 'ko, puwede na 'to.
"'Yan tayo, e. 'Pag sa singilan sa room, wala tayong pambayad. Pambunot, mayro'n," natatawang sabi ni Lourdell. Sumigaw siya bigla nang makita 'yong huling bunot niya. "Woo! Jackpot na naman! Pangatlo na 'yan, Ate! 'Yang graham balls ulit ang gusto kong kapalit!"
"Ate, wala bang daya 'to? Nakakapito na 'ko, wala pa rin akong nabubunot," iritadong asik ni Ailyn doon sa nagbabantay ng tindahan at nagbabantay na rin sa amin na may hawak niyong palabunutan.
"Ate, o." Ibinigay ko iyong mga hawak kong papel sa tindera. "Dalawang graham balls din po 'yong kapalit."
"'Asan na! Tabi nga riyan, ako rin!" Lyca got fed up at hinawi niya kaming mga nasa tapat ng bintana ng tindahan.
Siguro ay naenganyo na rin dahil napapansin ko siya kanina na nakatingin sa mga binubunot naming papel. Mas galit pa siya kapag hindi kami tumatama, at mas masaya pa kapag two digits ang numerong nakukuha namin.
Naglabas siya ng isang daan at nagsimulang bumunot na rin. Tawa kami nang tawa sa tuwing nakakakuha siya ay parang mas masaya pa siya sa amin. Kunwari pa kasing ayaw kanina.
Napalingon ako sa 'king likuran nang makarinig ako ng maingay na tunog ng isang motorsiklo. My eyes widened. Nakita ko si Kuya Mago.
Ano naman ang ginagawa ng isang 'to rito?
Kumaway siya sa akin. Nginusuan ko siya at ngumiwi ako nang makita kong nakabukas ang dalawang unang butones sa suot niyang uniform. Palagi na lang gano'n ang taong 'yon, basta de-buton ang suot.
Magsi-seaman siya, tapos, gano'n siya? Ang baboy. Ano kaya ang tingin niyang gagawin nila sa barko kapag natuntong na sila ro'n? Mag-aakit ng mga isda?
"San! Tara, sabay ka na!" aniya at bumaba sa kaniyang motor.
Lumapit siya. Nilundag niya iyong espasiyong nakapagitan sa amin, may kanal kasi kaya may space.
Biglang napalingon din si Ailyn sa gawi ni Kuya Mago. Bilang kaming dalawa ay nasa likuran ng mga kasamahan namin ay kaagad niyang napansin ang paparating.
"Maria Ailyn!" Ngumisi ng malapad si Kuya Mago.
"Mago?!" Gigil na hinambalos ni Ailyn ang lalaki nang makalapit ito sa amin.
"Awts! Bakit galit ka na naman?" nakangusong tanong sa kaniya ni Kuya Mago bago ako hinarap. "Sa'n si Bella? 'Di kayo kumpleto? Mas maganda kapag magkakasama kayo na tatlo. 'Di buo ang tres marias ko kung kulang kayo."
"Wala, nauna na, e. Kasama niya si Jhoma," sagot ko.
Humalukipkip si Ailyn at tinaasan ng kilay 'yong isa. "Ano ba ang ginagawa mo rito?"
"Galing ako sa computer shop, nagpa-print. Luckily, napansin ko kayo," sagot nito sa kaniya. "Ano? Let's go? Ihahatid ko na kayo. Mainit. Dadaan din naman ako sa inyo, San. May hihiramin ako sa kuya mo."
Suminghap itong katabi ko at hinarap ako. "Ano, Sania! Sasama ka sa lalaking 'yan?! Iiwan mo kami rito?!" histerikal na saad ni Ailyn.
"Maria Ailyn, tara! Sabay ka na rin!" Ngumisi si Kuya Mago, he even winked at Ailyn. Iyong huli ay natigil.
"Aba'y kung ganiyan ka ba naman palagi, Mago, ay magkakasundo talaga tayo!" And that caught the attention of everyone. Kani-kaniya silang bati kay Kuya Mago nang mapansin nila ito.
Lyca shouted. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Iyon at nakaturo siya kay Kuya Mago, galit na galit.
"Anong ginagawa mo rito, ha?" Lyca moved forward, iyong mga kamay niya ay nakahawak sa kabilaan ng kaniyang baywang.
Iyong masiyahang mukha ni Kuya Mago ay biglang nagdilim. Pinasadahan niya muna ng tingin si Lyca bago ito nagsalita.
"Ikaw na namang dilaw ka?" Lyca gasped, as if something hurts inside. Halata ang pagkatigil niya.
"A-Anong dilaw? Sa ganda kong 'to, dilaw lang ang itatawag mo sa akin?" Sumigaw siya sa inis, she even stomped her feet on the poor ground.
Nagsigawan kami nang kunin ni Lyca iyong nakatupi niyang payong at iniamba iyon kay Kuya Mago. The latter then flinched and backed away.
"H-Hoy! Tangina! Kahit ano, 'wag lang payong!" Poor guy, he run fast back to his motorcycle. He didn't made it though. Nahablot siya ni Lyca kaya nagpumiglas siya at mas lumayo.
Nagtawanan sina Lourdell at Ailyn nang habulin ni Lyca si Kuya Mago. Alalang-alala 'yong nasa likuran kong si Isabelita, pero kahit gano'n ay natatawa rin siya. Naririnig ko ang bungisngisan nila.
Naghabulan 'yong dalawa until they're out of our sight.
Napailing na lang ako. May band-aid pa sa mukha si Kuya Mago, mukhang madadagdagan na naman.
"Hoy, Miss!" Napalingon kaming lahat sa tindahan. Iyong tindera kanina ay naro'n pa pala.
"Bakit po?" tanong ni Isabelita rito.
"'Yong kasama ninyo, 'di pa bayad! Nakasingkuwenta'y tres siya!"
Nagkatinginan kaming lahat... Wala na kaming pera.