Ikasampung Kabanata
DUMATING ang araw ng Biyernes, pero si Akinse, 'di pa rin umuuwi. Miyerkules ng linggong ito nang umalis siya, pero hanggang ngayon ay walang bumabalik ni anino niya.
Napabuntonghininga na lamang ako habang tinatanaw ang mga bubong ng bahay. Wala. Tahimik. Tinitigan ko ang aking palad, lumiwanag ang kaniyang sagisag kaya napahugot na lang ulit ako ng hininga.
I know I'm not suppose to feel bothered or worried dahil alam kong kaya niya naman ang sarili niya, pero hindi ko iyon maiwasan. Paano na lang kung 'di niya na maisipan pa na bumalik?
Nasaan na kaya ang asong 'yon?
Napabaling ako sa pinto ng aking kuwarto nang pabagsak iyong bumukas. Isang nangngangalit na Ailyn ang pumasok. Bawat yabag niya ay nagpapakitang 'di maganda ang mood niya.
"Nasaan si Lyca?" Iyon ang una kong tanong na marahas nitong tinugunan ng paghampas niya ng kaniyang bag sa kama ko. Napatitig ako roon. She loves her pink bag, she never threw it. Siguro, talagang 'di mabuti ang pakiramdam niya ngayon kaya nagawa niya 'yon.
"Napapa'no ka?" taas ang mga kilay kong tanong.
"Ang kuya mo, Sania! May girlfriend na naman siya?!" So that's the reason why she's hysteric.
"'Di niya pa naman yata girlfriend 'yon, e. Pero ang alam ko, may gusto ang babaeng 'yon kay Kuya," sabi ko at nagsimulang humakbang. Nagtungo ako sa kama kung sa'n nakapatong ang ribbon ng uniform ko at ang aking ID.
"At kasama pa nila ang putragis na si Mago! Ang siraulong 'yon ay may bitbit ding pokpok! Animal silang lahat! Umagang-umaga, ito ang bubungad sa akin?!" Talak siya nang talak habang ako ay itinataling mabuti ang ribbon sa ilalim ng aking kuwelyo. Well, I'm doing it in a cravat style and not the ribbon style. Napapangitan ako 'pag naka-ribbon.
"Pinilit kong makapunta rito kahit pa 'di pa nag-a-ala-sais, parang lang masilayan ang kuya mo, pero 'di magandang tanawin lang pala ang makikita ko? Nakita ko, Sania! Nakita ko kung gaano kalandi ang babaeng 'yon! Wagas makakapit sa braso ng Ihara ko!" Sunod kong pinulot iyong ID ko. Mabuti ko iyong ipinailalim mula sa ilalim ng aking kuwelyo. Valid for first semester lang ang mga ID namin kaya paniguradong papalitan na naman ito.
"Diyos ko! Naii-stress ako, kaaga-aga! Pati bangs ko, stress na!" Tinitigan ko ang sarili ko sa full-length na salamin.
Ang uniform namin ay kinokompleto ng kulay puting long-sleeved na blouse na naka-tuck in sa kulay navy blue-ng checkered na fitted skirt. Require sa amin ang mag-suot ng, at least, two-inched heels na black shoes, but my friends and I refuse to wear something like that. That's bothersome. Paano na lang kung naisipan naming maghabulan? Dapa kaming lahat 'pag nagkataon. Iyon at nakakailang warning na kami sa Disciplinary Committee.
Napatingin ako sa 'king likuran nang tumahimik ang paligid. Napangisi ako nang makita kong wala na si Ailyn. 'Di niya kinaya ang selos niya.
Hindi naman sa hindi ko gustong suportahan ang kaibigan ko. Ayaw ko lang talaga ng nangingialam sa problema ng isang tao. It's their life to begin with. After all, ayoko ko rin ng pinagkikialaman ako. Ayaw ko lang na bumalik sa akin.
I did my daily skin care routine before finally walking out from my room. Dala ko sa magkabila kong balikat ang bag ni Ailyn at ang bag ko. Six thirty-seven pa lang nang tingnan ko ang oras sa 'king cellphone. Ang klase namin ay alas-otso pa, pero nasa twenty minutes ang biyahe sa pagpasok kaya aalis kami ng mga seven-thirty o mas maaga pa rito sa 'min.
I was in the middle of descending on the staircase when I heard this ear-piercing scream. Nagmula 'yon sa dining area kaya dali-dali akong kumilos para makapunta roon.
"Shee! Anong nangyayari sa 'yo?"
"'Y-Yong kape! B-Ba't gano'n ang lasa n'on?!"
Iyon ang inabutan kong senaryo sa loob ng silid hapag-kainan. Isang mug ang nakatumba sa itaas ng mesa at kulay brown na likido ang nakakalat doon.
"Ikaw!" Itinuro ni Ate Sheena, ang kasama ni Kuya Ihara, si Ailyn na naroon sa likuran ni Kuya Mago nakatago. "Ikaw ang nagtimpla ng kape ko, hindi ba!"
"H-Ha? Ako ba?" kakamot-kamot ng batok na anas ng kaibigan ko.
Lumapit ako at humalukipkip. Ano na naman kaya ang ginawa ng Ailyn na ito?
"Oo, ikaw!" bulyaw ni Ate Sheena. "What have you done to me?!"
"Shee, anong sinasabi mo riyan? Kita mong lahat tayo, ipinagtimpla niya ng kape, tapos ganiyan ka pa?" kunot-noong asik ni Kuya Mago.
"Oo nga. Ang bait nga niya, e. Wala namang problema sa kape ko, ikaw lang ang nagkaganiyan," sabat ng isang mahinhing tinig sa tabi ni Kuya Mago. Iyon pala ang sinabi ni Ailyn kaninang kasama ni Kuya Mago.
Nakita ko kung paanong binalingan ni Ailyn ang mahinhing babae at tinaasan ito ng kilay. Taray ng babaeng ito, ang liit naman.
"Manahimik ka riyan, Natalya!" muling asik ni Ate Sheena. "Sige! Dilaan mo 'yang kapeng natapon nang malaman mo ang sinasabi ko!"
Napayuko ang babaeng tinawag niyang Natalya. Humalukipkip si Ailyn at nginiwian ito. Halos mapunta na sa bumbunan niya ang kaniyang kilay sa sobrang taas.
"Sheena..." Lahat kami ay napatingin kay Kuya Ihara nang namutawi ang seryosong tono niya. Si Ate Sheena ay napatuwid bigla ng tayo at namutla.
"Respect if you want to be respected." Iyon ang linyang sinabi ni Kuya Ihara bago nagtungo sa harapan ng kaibigan ko. Nakagat ko ang labi ko para mapigilan ang namumuong tawa sa 'king bibig. Nanlalaki ang mga mata ng nakangangang si Ailyn nang higitin siya ni Kuya mula sa likuran ni Kuya Mago at itinabi sa kaniya.
"O, ngayon. Mag-sorry ka, Sheena. Pati na rin kay Natalya," sabi ni Kuya. Inakbayan niya si Ailyn na tingin ko'y 'di na yata humihinga.
"B-But... Ihara!" Naiiyak na si Ate Sheena. I look closely. Ang alam ko ay matagal na siyang may gusto kay Kuya. They were classmates since first year college kaya kilala ko. Galing sa mayamang pamilya kaya hindi kagandahan ang ugali.
"Sheena..." Kuya Mago uses his serious tone too.
"I... I hate all of you!" Sobbing Ate Sheena run pass beside me. Napahiya siya.
Narinig kong may bumuntong-hininga matapos makalabas ni Ate Sheena. My brother is giving Ailyn an apologetic smile. "Sorry about that, Maria Ailyn. 'Di na mauulit. Pagpasensiyahan mo na talaga."
Sumibi ako. Madalang niya lang tawaging ganoon si Ailyn.
"O... O..." Humugot ng malalim na hininga ang kaibigan ko. "Okay lang."
"Kaya lang galit na si Sheena sa 'tin," umuupong anas ni Kuya Mago. Sa kaniyang tapat ay ininom niya ang kaniyang mug ng kape. "Ano kayang problema n'on? Maayos naman 'tong lasa ng kape ko?"
"Baka nag-iinarte lang," sabi nitong si Ailyn. Tinaasan ko nga ng kilay. Oh, really?
"Hayaan n'yo na. Nakakasawa na rin ang ugali ni Sheena. She's a little demanding too," sabi ni Kuya. Nagtungo siya sa kusina. Nilapitan ko si Ailyn na halos maghumaba na ang leeg sa kahahabol ng tingin sa kaniya.
"What did you do this time?" I whispered beside here. She looks at me. A wicked grin plastering on that lips.
"Basta..."
"Ladies!" Biglang tawag ni Kuya Mago kaya napatingin kami sa kaniya. Muli siya papatayo mula sa kaniyang silya at nagtungo sa likuran n'yong tahimik na babae. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at in-advance sa harapan namin.
"Ito nga pala si Natalya. Ka-grade n'yo rin siya! She's a good person. Magkakasundo kayo."
Balik na naman sa halos gabumbunang taas ang isang kilay ni Ailyn. 'Di pa natatanggal ang pagkakahalukipkip ko kaya pati siya ang gumaya sa akin.
"Sino 'yan, Mago? Babae mo?" walang pakundangang tanong ni Ailyn. Napailing na lang ako. Ang bibig niya talaga ay walang preno.
"No, no. She's a friend. Transferee siya ngayong second semester kaya wala pa siyang kaibigan sa school. Might you want to be friends with her?" Kuya Mago wiggles his thick brows.
I scoff, Ailyn frowns.
"H-Hi. Ako nga pa si Natalya Tibay. Sa STEM-C ako." Inilahad ni Natalya ang kaniyang kamay. "N-Nice to meet you."
"Nice to meet you too," sabi ko at kinuha ang kaniyang kamay na nginiwian lang ni Ailyn. Para 'di mapahiya ang nasa harapan namin ay ako na ang nakipagkamay.
"Maging magkaibigan sana tayo." Natalya giggles as Ailyn hisses. Ngiwing-ngiwi siya.
Naghintay na lang kami ng oras habang nag-uumagahan kami. Kuya Ihara and the two is still with us. Nag-text na si Lyca na 'di makakasabay dahil male-late, papa-check up daw.
Kinakalabit ko si Ailyn na siyang nasa tabi. Nginuso ko sa kaniya si Kuya Mago na kanina pa siya kinakausap, pero 'di niya pinapansin.
"Uy, Maria Ailyn naman! Ba't 'di mo 'ko pinapansin?" nakangusong anas ni Kuya Mago bago inisang subo iyong natitirang chunk ng tinapay sa kaniyang kamay.
"Manahimik kang lalaki ka." Umirap si Ailyn. "Mukha kang tubol."
Umakyat lang sandali si Kuya Ihara pabalik sa kuwarto niya kaya gumaganito na naman itong si Ailyn. Si Natalya ay panay ang hagikik kaya napapabaling ako sa kaniya maya't maya. Just by looking how she holds the spoon and fork, how girly she laughs, and how feminine her movements are; halatang mayaman.
"Awts... That hurts!" Kuya Mago clutches his chest. Feel na feel niya ang acting niya kaya pati ako ay halos mapangiwi. Iniwas ko na lang ang aking tingin. 'Di ko siya kayang tingnan.
Nang makabalik si Kuya Ihara ay balik acting si Ailyn. Kilig na kilig dahil katapat niya si Kuya Ihara.
Nang papasok ay nag-insist sila na ihatid kami kaya naman todo pigil na naman ng kilig si Ailyn. Mabilis pa sa alas-kuwatrong inunahan niya ako sa pagsakay sa likuran ni Kuya Ihara na siyang palagi niyang ginagawa. Sa motor naman ni Kuya Mago ay nasa likuran nakakapit ang nakangiting si Natalya.
"Kapit kang mabuti riyan, Sania!" paalala ni Kuya nang magsimula ang kanilang marahang pagmamaneho ni Kuya Mago. "Ikaw, Ailyn. Hawak ka ng mabuti sa akin, ha?"
"S-Sige, Kuya Ihara."
Pairap kong binalingan ang gilid ng kalsada sa 'king kinahaharapan. Harot, harot, ng Ailyn na ito. Sarap ihulog.
The morning class started like usual. Late ngang pumasok si Lyca tulad ng paalam niya at hindi na umabot ng first subject kaya sa pangalawang period na lang siya dumating. Nang dumating ang lunch break ay ipinamigay lahat sa amin ang aming mga test paper na may kasama nang scores. Ito ang mga test paper namin sa nagdaang final exam ng first semester.
Sa 'ming mesa ay nakakalat ang mga test paper namin. Nagko-compute kami at nagri-recheck. Hindi puwedeng may mali rito dahil magra-rally kami ng mga kaibigan ko. Nag-aral kami ng mabuti para rito.
"Ikaw, Dian, mabuti at narito ka sa amin ngayon, ha? Ano? Porke ba't wala 'yong mga bagong tropa mo, panakip-butas mo na naman kami?" anang Lyca sa gitna ng seryosong paghihibla namin ng bawat sagot sa test paper namin sa subjet na Oral Communication.
"Ih. Ewan ko sa 'yo, Lyca." Iiling-iling lang itong si Dian habang tinitingnang mabuti ang hawak na papel. Ayaw niyang patulan iyong isa.
"Totoo naman, a!" pahabol ni Lyca.
"Tsk! Manahimik ka nga riyan! Nagko-concentrate ako!" bulyaw ni Ailyn sa katapat. Sinagot siya ni Lyca kaya iyon at nag-aaway na naman silang dalawa.
"Tapos ka na, Sania?" sabi ni Jhoma na nasa tabi ko.
"Oo. Wala namang correction kaya okay na," sagot ko. Tumango na lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa.
Lahat kami ay napatingin kay Isabelita nang marinig namin ang tawa niya.
"Ailyn, ne! Bakit puro pangalan ni Kuya Ihara ang sagot mo rito sa test four?" tatawa-tawang anito habang inilalahad sa amin ang test paper ni Ailyn. Kaagad 'yong hinablot ni Lyca.
"Bakit?" Painosenteng tumingin sa amin si Ailyn. "Hindi ba puro false ang sagot?"
Sa test four kasi ay may kakaibang mechanics ang teacher namin. Write true if the statement is true, and write the name of your crush if the statement is false.
"Para kang tanga, Ailyn!" nakangiwing anas ni Lyca habang inii-scan ang test paper ng kaibigan namin. Si Isabelita ay tatawa-tawa pa rin kaya mabilis ko siyang pinuna.
"Sus! Ikaw nga n'yan, pangalan ni Robert ang inilagay mo," pang-aasar ko't sinundot ang kaniyang tagiliran.
Unti-unti siyang pinamulahanan ng mukha lalo pa nang mabilis na kinuha ni Ailyn ang test paper niya at pangalan nga ng crush niyang si Robert ang naroon. Ang crush niya ay popular sa school, first year college na. Ang balita ko'y maloko ang lalaking 'yon, pero may ibubuga naman pagdating sa academics at lalo na sa sports. Lahat, kaya.
"Panigurado, bagsak na naman si Lourdell," ani Vanessa. Bago pa makapagreak iyong huli ay nasa kamay na ni Jhoma ang test paper niya.
"Nine out of fifty items?" Nakataas ang isang kilay na nilingon ni Jhoma si Lourdell. Sumandal na lamang ako sa 'king kinauupuan at iiling-iling na naglayo ng tingin sa kanila lahat.
Hay, Akinse. Nasaan ka na?
Behind the scenes
A I L Y N
Napakawalang-hiya niyang si Sania! Rant ako nang rant, pero 'di man lang ako pinapansin! 'Di ba siya naaawa sa akin? Nasa bingit ng peligro ang love life ng soon-to-be hipag niya, pero iyon siya't nagawa pang kausapin ang sarili sa harapan ng salamin! Taragis talaga! Kalahati ng source ng stress ko ay galing talaga sa kaniya, e!
Nagdadabog ang mga yabag ko habang pababa ng hagdan mula sa kuwarto ng buwisit na si Sania. Narinig ko iyong maharot na tawa na nagmumula sa dining area nila kaya mas lalo akong nabuwisit.
Wait ka lang diyan, Ihara! Babawiin kita sa babaeng 'yan!
Walang hiya-hiya ay pumasok ako sa silid-kainan. Ma-pride ang bawat lakad ko at hinding-hindi ako yuyuko kahit pa nakita na ako ng putris na si Mago.
"Hi, Maria Ailyn! Ang aga mo kina Sania?" tanong nito.
"Wala. Gusto ko lang." Inirapan ko siya pagkatapos. Napatingin pa ako sa babaeng katabi niya. Tsk. Mukhang sakitan naman 'tong babaeng 'to.
"Pumunta ka na kay Sania?" biglang tanong ng nakangiting si Ihara. Nagkuwitis kaagad sa loob ng dibdib ko. Ang ngiting 'yon talaga ang nagsasalba sa buhay ko!
Tumango ako at nangingiting inipit ang kulot-kulot kong buhok sa likuran ng kaliwa kong tainga. Nilakihan ko kaagad ng mga mata iyong babaeng katabi ni Ihara nang mahuli kong nakatingin sa akin.
Whatchu want, girl?
Ang taragis, inirapan ako 'tsaka bumaling sa Ihara ko. Kapal ng mukha!
"Hey, do you think coffee is great?" sabi niya.
"Gusto mo?" tanong ni Ihara pabalik 'tsaka tumingin sa iba. "Kayo?"
Tumango 'yong dalawa. Halos mapaurong ako nang sa akin naman ito tumingin. Nagliliwanag ang paningin ko dahil nakangiti siya~
"S-Sige..." Ngumisi ako nang may maisip akong maganda. "Ako na lang ang magtitimpla para sa inyo." Sinimulan kong humakbang patungong kusina.
"Hindi, hindi. Dito ka lang, ako na, Ailyn." Tumayo na si Ihara.
"'Di na, Kuya. Ako na lang. May bisita ka, o. 'Di na rin naman ako iba rito, e." Labasan lahat ng ngipin ko nang ngitian ko siya. May kaunting pagpilantik ng mga mata para madala siya.
"Sure ka, a?" Ngumiti pa itong lalo. Grabeng mga ngipin 'yan, ang puti!
Naglalakihan ang mga butas ng ilong ko sa kilig habang tumutungo sa kanilang kusina. Nang magawa ko ay kaagad kong inipon ang limang magkakaparehong tasa. Isa-isa kong nilagyan ng kape at coffee mate ang bawat tasa. Nang kunin ko ang asukal ay tag-iisang kutsara ang inilagay ko. Tumaas ng kaunti ang kilay ko nang sumilip ako sa labas, doon sa dining. Nakangiti 'yong mukhang sakitang kasama ng Mago na 'yon.
Bumalik ako ng tingin sa mga tasa at nilagyan ng isa pa ulit na kutsarang asukal ang isang tasa roon. Iyan! Para 'yan sa sakitang 'yon nang lumiksi-liksi naman siya! Nang magka-diabetes na rin! Tsk!
Nang ibalik ko ang garapon ng asukal ay napatitig ako sa katabi niyong garapon na naka-label ng "iodized salt". Tinaasan ko 'yon ng kilay bago ko narinig ulit 'yong nakakabuwisit na hagikik niyong babaeng didikit-dikit kay Ihara.
Huli na ang lahat para mag-back out ako dahil nabuhusan ko na ng dalawang kutsarang asin ang tasa na para sa malanding 'yon. Ngingisi-ngisi kong hinalo ng mabuti ang lahat ng kape habang maiging tinatandaan kung nasaan ang tasa na para sa maharot at para roon sa babaeng kaunting hipan lang yata ay matutumba.
"Iyon, o!" Mabilis na tumayo si Mago nang makita akong paparating. Kinuha niya 'yong tray sa akin at akmang ipamimigay na 'yong mga tasa nang apakan ko ang paa niya.
"Aray!" Bumaling siya sa akin. "Bakit na naman, Maria Ailyn?"
"Ako na riyan, Kuya Mago." Mariin ang bawat salita ko. Ngumiwi siya kaya sobrang pangit niya sa paningin ko. Hinayaan ko na lang. Wala akong oras makipag-plastikan sa 'yong tubol ka.
"Thank you talaga, ha?" Napahugot ako ng hininga nang magdikit ang kamay naming dalawa ni Ihara nang kunin niya ang tasang inaabot ko. Diyos ko, kilig pa yata ang ikamamatay ko! Hihihi~
Bait-baitan ko namang inabot 'yong kay Mago. Ngiting-ngiti siya kaya iyong pangil niya ay nalabas. Hampasin ko 'tong lalaking 'to, e. Pagkatapos ng kalahating stress kay Sania, sa kaniya naman naii-stress ang bangs ko.
Sunod ko namang binigyan ay 'yong sa babaeng katabi niya.
"Iyan. Tinamisan ko 'yan," sikmat ko sa babae. Tinaasan ko ito ng kilay nang nginitian niya ako. Ano ang nakatutuwa, ha? Ang hinhin pa, mukhang pasiyenteng malapit nang mag-flat line.
Huli kong ibinigay ay ang tasa na para sa babaitang ngiting-ngiti sa kape niya.
"'Wag ka nang mag-thank you," asik ko kaagad nang bumukas ang bibig niyang mukhang pinapantal sa kapal. Tumalikod ako at ngumisi. Ilang segundo lang ang hinintay ko bago ko narinig ang sigaw niya at ang tunog ng pagkatapon ng isang bagay sa mesa.
Mwahahahaha! Plan succeeded~