Ikalabing-isang Kabanata
UMAGANG-UMAGA ay kapansin-pansin ang aligagang kilos ng mga kaklase namin sa loob ng classroom nang datnan namin ang mga ito. Pawang ang lahat ay may kani-kaniyang hawak na papel, notebook, hands-out, at kung ano mang may pinagtatamnan ng kanilang mga lecture sa Fundamentals of Accounting.
Dahil hindi pa ganap na nag-umpisa ang second semester at may mga ilang instructor ang 'di nakapagbigay ng test para sa finals ng unang semestre ay ngayon sila bumabawi. Ngayon pa lang kami magte-test sa FunAcc kaya todo review ang mga kaklase namin sa last minute.
"'Di ka nag-review?" tanong ko kay Kris nang madatnan ko siya sa tabi ng aking puwesto kung saan dapat nakaupo si Vanessa. Wala pa naman 'yong isa kaya ayos lang.
"Nako, Sania! Inasahan mo pang magri-review 'yan, e, napakatamad niyan!" Narinig na naman namin ang umaatikabong side-comment ni Ailyn sa tapat.
"Tigilan mo 'ko, Liit," seryosong komento pabalik nitong isa. Iiling-iling na lamang akong naupo sa aking puwesto.
"Aba't..." Pinandilatan ko na si Ailyn bago pa siya makapagsabi. Seryoso 'yong tao, dapat niyang tigilan.
"Kayo? Nag-review na kayo?" tanong ni Isabelita na narito na rin.
"Hindi!" malakas na sagot ni Ailyn. "Ngayon pa lang din ako magri-review. Hehehe..." Natatawa na lang si Isabelita habang naiiling na bumaling sa akin.
"Ikaw, Sania?"
"Nag-skim lang ako. Then, okay na." I shrug my shoulders. Mas wala akong natututunan 'pag buo kong binabalik-tanaw ang mga past lessons namin.
"O, o, o! Tumabi kayo! Padaanin ang maganda!"
Napatingin kami sa gawi ng pintuan nang marinig namin ang boses ni Lyca. Pakendeng-kendeng ang paglakad nito habang itinutulak ang kaklase naming si Sirelo na siyang nakaharang sa daanan niya.
"Aray naman, Lyca!" reklamo ng lalaking kaniyang itinulak. Binalingan siya ni Lyca para lamang irapan at nagpatuloy sa pagrampa patungo sa aming row.
"At ano'ng ginagawa mo rito sa row namin, tsinong sunog?" Namaywang si Lyca sa bungad ng linya namin kung saan naroon si Kris. 'Di siya binalingan ng huli kaya frustrate na frustrate siya habang pumupuwesto sa kanang gawi ko.
"Kapal ng mukhang i-ignore ako, ha! Guwapo ba siya? E, nakapandidilim lang naman siya ng paningin!" reklamong bulong nito habang umuupo.
"Hayaan mo na. Seryoso, e. Nagri-review." Ang sagot niya sa akin ay irap lamang.
Panay rin ang pag-ri-review ng mga kaibigan ko nang isa-isa silang nagsidatingan. Halos 'di ko na sila makausap. Tiina-try ko namang mag-re iew din, kaniya lang ay hindi ko mapigilan ang pagkanta kaya masasamang tinginan lamang ang itinatapon nila sa akin kaya itinigil ko rin. Hmp. Ano ba ang magagawa nila, e, iyon ang study habit ko?
It was eight fifty-three when Ma'am Fah, our Accounting instructor, came. Late talagang dumadating itong si Ma'am, tapos ay puro kuwento muna bago simula ng klase.
Nasa kasagsagan kami ng pag-aayos ng mga upuan nang magtanong si Ma'am kung sino ang gustong maglabas ng silya para roon magtest sa labas ng classroom, hindi na kasi kasya dahil naka-one seat apart kami.
"Ma'am! Kami, Ma'am!" bulyaw ni Lourdell habang nagbubuhat na ng upuan palabas.
"Ano? Kayo na namang Manlalakbay?"
"Mga bida-bida talaga kayo!"
"Tche! Mga inggitera!" sagot pabalik ni Vanessa bago bumalik sa amin, "tara na, mga bhi. Gora na!"
Nakangisi kaming walo habang naglalabas ng silya. Isang linya sa tabi ng bintana ng classroom namin, at isang linya sa tabi ng fence ng second floor. Ang puwesto sa line na nasa tabi ng bintana ay si Vanessa, sa likuran niya ay si Lyca, sa likuran ni Lyca ay si Dian, at sa likuran ni Dian ay si Jhoma. Sa line naman sa tabi ng fence ay ako, sa likuran ko ay si Lourdell, tapos ay si Ailyn, at nasa huli si Isabelita.
"Putragis! Wala akong na-review!" Sabi nang sabi si Lourdell sa likuran ko. Binalingan ko siya't nginisian.
"Ano bang bago ro'n?" Mas napasabunot siya sa kaniyang buhok sa tinuran ko. Nanliit ang mga mata ko roon. Nagpakulay na naman siya? Ngayon ko lang napansin. Parang nitong isang araw lang ay itim iyon, ngayon ay kulay kalawang naman.
"Panigurado, 'yang si Isabelita, kunwaring 'di nag-review, makaka-perfect naman," mapait na anas ni Ailyn. Napabaling tuloy kami kay Isabelita na tatawa-tawa lang.
"Ngisi-ngisi ka pa riyan, Sania! Ikaw rin naman!" Ikinibit-balikat ko ang panunuya ni Lourdell.
Madalang lang naman ako kung maka-perfect, pero madalas na isa sa matataas ang grado ko sa pagsusulit. Hindi ako nag-ri-review ng maayos, kailangan ko kasing kumanta o 'di naman kaya ay dapat na may tugtugin sa paligid ko kung magbabasa man ako kaya madalas akong mabugaw nitong mga kaibigan ko dahil 'di raw sila makapag-concentrate. Surprisingly, nakakapasa ako sa ganoong paraan. 'Di ko alam kung bakit, siguro ay talagang ganito lang ako.
"You have to discover your own effective study habit. Palibhasa, makikita mo pa lang ang mga hands-out, pumipikit ka na." Napadantay na lamang siya sa pader na nasa kaniyang tabi. Totoo namang tamad siya mag-aral.
'Di rin nagtagal nang maningil si Ma'am Fah ng tag-po-fourteen pesos. Napapamura na lang kami dahil pati test paper ngayon ay mahal na rin. Mukhang 'di kami makadaraan sa bunutan ngayong araw.
Maayos ang naging takbo ng pagsusulit namin, medyo nang-distract ng ilang minuto si Lourdell, pero natapos din naman niya ang test niya. Nakakatawa dahil para siyang nawawalang tuta. 'Di alam ang gagawin.
Sunod na subject ay ang Philosophy. Dahil tapos naman na kaming mag-test sa subject na ito ay wala kaming ginawa kundi magtitigan. Nakakapagkuwentuhan naman kami, kaniya lang ay nasa harapan ang instructor namin at may ginagawa kaya 'di pa rin puwedeng mag-ingay. Nagkasiya na lang kami sa paglalaro ni Lyca ng pogs na na-confiscate niya raw sa pamangkin niya.
It was thirty minutes left before the class ends when a tall man came rushing on the front door. Humampas ang kamay nito sa pintuan kaya lahat kami ay napatingin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Kuya Mago iyon.
"Sir Eric! Ito na!" May inilapag siyang folder sa desk ni Sir Eric bago bumaling sa gawi namin, "hi, San! Hi, Bella! At hi, Maria Ailyn!"
Grunts was heard everywhere after his greetings. Karamihan ay sa mga babae naming kaklase. Masasama ang tingin ng mga ito sa amin. Malamang, may crush ang mga 'yan kay Kuya Mago. Popular ding maituturing ang lalaki lalo't talagang hinahangaan ang mga Marine Engineering students sa buong campus. Plus the fact that Kuya Mago has that "tall, dark, and handsome" image kaya maraming babae ang may gusto sa kaniya.
"Chics mo?" natatawang tanong ni Sir bago tiningnan ang folder. Pahapyaw niya nga lang atang tiningnan 'yon bago bumaling sa aming gawi.
"Tres Marias ko, Sir." Ewan ko ba't mukhang may problema sa mata ngayon si Kuya Mago. Panay ang pikit ng isa niyang mata habang nakabaling at nakangisi sa amin. Litaw na litaw ang pangil niya.
"Yuck, ha. Yuck!" Umikot na talaga ang mga mata ni Vanessa sa inis. Halos mamuti iyon sa pagtirik. Ang isang 'to ay talagang asar na asar sa ugali ni Kuya Mago.
"Mamaya ka ng hampas, Mago! Punyeta kang malandi ka!" Talagang kahit na nariyan ang instructor namin ay tuloy-tuloy ang panta-trashtalk ni Ailyn.
"Ay, ay, ay. Ginaganiyan ka, Mister Meriales. Papayag ka ba niyan?" Itong si Sir talaga! Nangunsinti pa! Imbis na mambawal siya ay nanggagatong pa!
"Ayos lang, Sir. Ganiyan lang talagang magmahal 'yang si Maria Ailyn... Harsh." Umaatikabong halakhak ng lalaki ang namutawi sa buong classroom.
"Mago! Ako na lang kasi!"
"Crush-back kaagad kita, Meriales!"
"Oppa!"
Ngiting-aso si Kuya Mago habang napapailing na lamang sa isinisigaw ng mga kaklase namin.
"So, sino ba talaga'ng crush mo?" Halos umabot sa magkabilang tainga ang mga ngiti ni Sir Eric.
"Silang tatlo," walang alangang sagot ni Kuya Mago. Napailing na lang ako at pairap na napatingin sa kanang gawi ko.
Gayon na lang ang gulat ko nang makita ang nakabusangot na pagmumukha ni Lyca. Pirat-pirat na ang hawak niyang papel na kanina lamang ay sinusulatan niya ng kung anu-ano.
"Lyca... Ayos ka lang?" I asked hesitantly. Mukhang mangangain ng buhay itong isang 'to.
"Hindi lang pala gago ang Mago na 'yan... Babaero din!" Her tone laced with bitterness. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang ikinagagalit niya? Talagang 'di na natapos ang inis niya kay Kuya Mago, ha?
"'Yan tayo, e. Hirap maging guwapo, ano?" Humalakhak silang sabay ni Sir Eric. Nanliit ang aking mga mata. 'Yong totoo, Sir?
"Ay, nga pala. Puwedeng maki-sit in, Sir? Wala nang ginagawa sa klase namin," biglang tanong ni Kuya Mago na siyang nagpawala ng mga tili sa buong silid. Protektado kaagad namin ang mga puwesto sa aming gawi. Mabuti't walang bakante sa magkabilaan ko!
Ang delikado ay sina Ailyn at Vanessa dahil parehong bungad ng row ang kanilang mga puwesto. Naghihila na ng isang monoblock chair si Kuya Mago.
"Sige... Sige, Mago! You try to sit beside me and you'll see..." Vanessa's voice was pure warning. Para bang nagsasabing subukang tumabi sa kaniya ni Kuya Mago't babalatan siya nito ng buhay.
"Huwag mo 'kong tingnang taragis ka!" bulyaw ni Ailyn nang siya naman ang binalingan ni Kuya Mago. Natawa ang huli bago kakamot-kamot sa kaniyang batok na hinila doon sa pinakalikuran ang silyang dala niya.
"Punyeta 'yang animal na 'yan, ako pa ang tatabihan!" Rinig na rinig ko ang bulong ni Ailyn. Natatawa na lang ako bago binalingan si Kuya Mago na nase-cellphone na roon sa likod. Ang nakatutuwa pa ay nakanguso siya. Parang bata.
"Tsk! 'Di ko maintindihan! Ano bang mayro'n sa Mago na 'yan at nagwawala ang malalanding 'to?" Lyca's eyes roam around before looking at us. "At kayo! Ano'ng mayro'n sa inyong tatlo at binibida kayo ng gagong 'yon? 'Di hamak na naman na mas maganda't may poise ako sa inyo!"
"OMG! Nagseselos ka?" Malakas na tumawa si Dian na siyang nakikinig din pala sa aming pagbubulungan.
"What? No way! Ang maganda, hindi nagseselos! At sino ba 'yang Mago na 'yan? Isa lang naman siyang dulok na nilalang sa paningin ko. Naglalaban silang dalawa ng Kris Chan na 'yan sa kaitiman!"
Tumawa kaming lahat. She sounded so defensive!
"Uh... Excuse me?"
Napatingin kaming lahat muli sa front door. Gano'n na lang ang pagbabalikan ng tilian kanina nang matanaw namin ang isang pang popular na lalaki sa buong school... Si Kuya Ihara!
"Yes, Mr. Diaz? Sige, pasok ka," anas ni Sir Eric na tawang-tawa sa mga kaklase namin, "hoy! Nakakita na naman kayo ng guwapo!"
Ngumiti si Kuya nang maabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Ngumuso ako at saka nagbaba ng tingin. Kitang-kita ko 'yong pamimilipit ni Ailyn sa kaniyang puwesto kaya muli bumalik ang ngisi ko.
It was just a matter of seconds when we saw Kuya Mago was already there, beside my brother. Nakaakbay ito sa 'king kapatid at tuwang-tuwa sa pagkasilay sa kaniyang kaibigan.
"Umaano ka rito?" tanong sa kaniya ni Kuya Ihara.
"Wala naman! Nakiki-sit in. Binabantayan ko 'tong Tres Marias ko." Nagturo si Kuya Mago. Sakto't ang hintuturo niya ay gumawi kay Ailyn kaya sa kaniya rin natutok ang mga mata ng kapatid ko.
"Hi, Ailyn..." Ngumiti si Kuya. Halos malagutan ng hininga si Ailyn habang bumabati pabalik.
"H-H-Hi rin, K-Kuya Ihara..."
"Ikaw! Baka gusto mo ring maki-sit in! Wala naman na rin kayong ginagawa niyan, 'di ba?" suhestiyon ni Kuya Mago sa kapatid ko.
Ngumuso si Kuya bago inilapag sa desk ni Sir Eric iyong bundle ng mga papel na dala-dala niya. Natatawa na lang na ch-in-eck 'yon ni Sir.
Inilibot niya ang paningin sa paligid, "gusto ko sana, kaso, mukhang wala nang bakante."
"May monoblock pa naman dito," biglang sabi ni Sir Eric bago tumayo at inalis ang pagkakapatong ng dalawang monoblock chair na kinauupuan niya't binigay 'yon sa kapatid ko. "Ang kaso, roon kayo sa likuran ni Mago-"
"Dito!" Napatingin kaming lahat kay Ailyn dahil sa pagsigaw niya. Napabaling din siya sa amin at mukhang na-realize niya ang outburst niya kaya unti-unting naging mahinhin ang boses niya.
"D-Dito sa tabi ko, K-Kuya Ihara... Puwede rito..."
"Awts! Bakit ako, kanina, ayaw mo 'kong umupo sa tabi mo?" biglang reklamo ni Kuya Mago. Naghalakhakan kami.
"Huwag mo na ngang inisin si Maria Ailyn," anas ni Kuya at pabirong binatukan si Kuya Mago.
In the end, hindi rin naki-sit in si Kuya. Ang paalam niya'y marami raw pinagagawa sa kanila kaya hinila niya na rin si Kuya Mago para raw makatulong. Nawala ang tilian sa buong classroom at nanlalambot na si Ailyn ang bumati sa amin.
"Wala na. Sabog na sabog na puso ko sa kaguwapuhan ni Ihara." Humilig siya sa sandalan ng kaniyang kinauupuan para lamang makaharap sa aming nasa likuran.
"Ako, sabog na sabog sa kapangitan ng Mago na 'yan." Lyca scoffs, "kapal ng mukhang ignore-in ako, ha! Ni isang kisap-mata, 'di ako binalingan ng walanghiya!"
'Di ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nila. Iyong isa, naglalabas ng nakatago niyang 'pag-ibig' kuno, itong isa naman ay rant nang rant. Ewan ko ba't napalilibutan ako ng ganitong tao.
Kaagad din kaming naghiwa-hiwalay ng mga kaibigan ko nang makauwi na kami. Kumalabog ang gate nang mabuksan ko iyon. Doon ko lang napansin si Alpha sa gilid na makahakbang ako papasok sa garahe namin.
"Hi, Alpha. Nasaan si Isaiya? Nakauwi na ba siya?" Nag-squat ako sa harapan nito at akmang hihimasin ang baba nito ay bigla na lamang tinampal ng kaniyang matutulis na kuko ang kamay ko. Halos mabulyawan ko ito sa gulat at napatayo na lang ako.
Matatalim ang mga mata nitong kulay bughaw habang sinusundan ako ng tingin sa pagpasok ng bahay.
Ang pusang 'yon talaga... Nakakatakot na minsan.
Pagod ang aking mga hakbang patungong ikalawang palapag. Wala sina Mama at Papa, siguro'y may lakad na naman ang mga iyon.
Hearing my footsteps made me puck up my lips. Hindi naman malungkot na mag-isa, pero naroon pa rin 'yong pakiramdam ng nostalgia kahit pa narito naman ako sa bahay. Siguro, iyong pakiramdam na may mga kasama ang hinahanap-hanap ko.
Ni-ready ko ang susi ng aking kuwarto para mabuksan iyon. Madalas na pumapasok ng walang paalam si Isaiya roon kaya kinailangan ko. Lalo't pakialamero ang batang 'yon at masiyadong magulo.
I was in the middle of unlocking the knob when I heard gushes inside. Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako. Binilisan ko ang pagbukas ng pintuan.
"O! Bakit ngayon ka lang, mortal!"
There was no words wasted. Mabilis ko siyang nilapitan at buong-higpit na niyakap.
"God, Akinse! I missed you!" I screamed. Nanggigigil ang bawat pisil ko sa kaniyang katawan.
"A-Ano ba! L-Lumayo ka nga! Magkaroon ka naman ng kahihiyan sa iyon sarili! May nakakakita!" Iniwas niya ang namumula niyang mukha sa akin. Tumawa ako. Kasi! Hindi ko akalaing ganito ko siya ka-miss! Nagbalik na ang alaga ko!
Pero nang ma-realize ko ang sinabi niya kanina ay naguluhan ako. May nakakakita?
In an instinct, napabaling ako sa kaniyang tabi.
"Kumusta ka, Sania?"
My eyes bulge...
"Baito!"
Behind the scenes;
L O U R D E L L
NATUPTOP ko ang bibig ko nang dumaan si Ma'am. Jusko naman 'to! Nasa labas na nga kami, sinisilayan pa kami!
Kung bakit ba naman kasi kailangan pang mag-test? 'Pag aral, aral lang! Wala nang test-test! Nasa amin nang mag-aaral kung natuto ba kami o hindi! Dapat, secret lang, hindi iyong isinasailalim pa kami sa mga ganitong test!
"Oy, Manlalakbay Squad. Inilagay ko kayong magkakasama riyan dahil kampante akong walang sa bokabularyo ninyo ang pagkokopyaan kahit pa magtotropa kayo, understand? Basta, 'pag natapos kayong sumagot, ipasa kaagad, ha?" ani Ma'am Fah.
Kaagad akong pinagpawisan ng malamig nang masilayan ko ang bawat items ng test paper matapos ang matagal kong pag-ipit niyon sa ilalim ng mga siko ko. Putragis! Ano 'to?
Mariin akong pumikit. Kailangan kong mag-isip! Kailangang ma-recall ko lahat ng mga natutunan ko! Kaniya lang ay agad din akong nagmulat nang maalala kong wala pala akong natutunan!
Isip! Isip, Lourdell!
Sinubukan kong magbasa ng kahit isang item lang at baka sakaling may masagot ako.
Kaso, taragis! Wala 'yong sagot na nasa isip ko!
"Psst... Psst! Sania!" Kaagad akong sumegwey ng kalabit kay Sania na siyang nasa harapan ko nang pumasok na si Ma'am sa loob ng classroom.
"O?" Kunot-noo itong bumaling sa akin mula sa pagsasagot nito sa test paper.
"Pahinging sagot! Anong sagot sa one?" Nagkibit-balikat siya. Kaasar! Tagalang matatag ang prinsipyo ng isang 'to na hindi siya magpapakopya, mag-FO man kami!
"Sige na! Isa lang!" May ibinulong siya. Natuliro ako. Buwisit! Ayaw ko talagang bumubulong itong si Sania dahil talagang bulong lang! Walang nakaririnig!
"Kainis naman, e!" Binalingan ko si Ailyn na nasa likuran ko. "Psst! Babe! Pakopya!"
"Kopya mo mukha mo!" Binelatan ako ng walang'ya! Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko. 'Pag naghihingi ng Stick-O ang babaeng 'to, kay galing!
"Isa nga lang! 'Yong number one lang!" giit ko. Inirapan niya ako at bumaling kung saan hindi niya ako masisilayan.
Napasabunot ako sa aking buhok. Mga putragis!
"Hoy! Lyca!" Nakangiwing bumaling sa akin ang babaeng siyang katapat ko. "Ang ganda mo! Pakopya ako!"
Kitang-kita ko 'yong pagningning ng mga mata niya. Tumango-tango siya habang pasimpleng sumisilip sa sa loob ng classroom.
"Fingers 'yong sign, ha! Ano'ng sagot sa one?" Ngiting-ngiti niyang ipinakita iyong palad niya, ibig sabihin, lahat ng daliri niya ay ipinapakita niya. Lima?
"Letter 'e'? Hanggang 'd' lang 'yong choices, a!"
"Exactly! 'E' means 'ewan ko sa 'yo'!" Nawala ang kaninang ngiti niya't umirap siya. "Manghula ka na lang! At huwag mo kong mabola-bola dahil matagal ko nang alam na maganda ako!" At saka na siya nagpatuloy sa pagsagot.
Mangiyak-ngiyak kong muling binalingan ang malinis kong test paper.
Mga walang'ya kayo... Who you kayong lahat 'pag nag-review ako!