"MA, HETO ho ang pambayad natin ng kuryente. Dinagdag ko na rin diyan iyong para sa kulang sa tuition fee ni Kaloy."
Inabot ni Erin ang parte ng sahod na natanggap niya nang nagdaang gabi sa butihing ginang na abalang nagluluto.
"Salamat, anak. Pero alam mo namang hindi mo na dapat ginagawa ito, sapat naman ang pension ng Ninong mo para sa mga gastusin," anito bago tinakpan ang kaldero ng pinalalambot na karne at sinaluhan siya sa hapag. Ang asawa nito na si Ninong Vlad ay dating sundalo ng US Army kaya malaki-laki ang natatanggap na pension ng Ninang Hannah niya nang mamatay ang asawa sa giyera.
Sa pamilya ng Ninang niya siya lumaki matapos mamatay sa cancer ang mommy niya dalawang taon ang nakalilipas, ang ama naman niya ay hindi na nagpakita pa mula noong 10 years old siya. Wala siyang ibang kinilalang magulang mula noon kundi ang Ninang Hannah niya. Bestfriend ito ng Mommy niya mula pagkabata kaya nakagisnan na rin niya ito habang lumalaki. Kasama niya ito habang nakikipaglaban ang mommy niya sa cancer at kinailangan ng isa pang magulang na masasandigan. Hindi na rin niya inabala pang hanapin ang tatay niya dahil para sa kanya, matagal na rin itong patay. To her, Ninang Hannah is the closest to a parent she can get. And she wouldn't wish to have anyone else.
"Ma, hayaan niyo na ako. Baka malunod na ako sa yaman kung hindi ho ako magsheshare."
Humagikgik siya sa sariling hirit habang buong pagsuyo naman siyang hinaplos ng ginang sa pisngi, "Hindi mo ito obligasyon ha? Nangako ako kay Katrina na aalagaan kita. At iyon ang ginagawa ko at gagawin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko."
Niyakap niya ito na siyang nabungaran ng kinakapatid na si Kaloy, "Hindi pa ko nagtutoothbrush pero..group huuuug!"
Si Kaloy ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Miller na kumupkop sa kanya. Sa kanyang pag-iipon ay sinisiguro niyang nagtatabi rin siya para sa binatilyo, tunay na kapatid ang turing nito sa kanya at siya na ang tumayong ikalawang nanay habang ito'y lumalaki. He is the brother she never had. Ipinangako niya sa sarili niya na hangga't buhay siya ay maaasahan siya nito.
"Kadiri ka naman Kaloy, maligo ka na! Isusumbong kita kay Essang, sige ka," tukoy nito sa kaibigan niyang matagal nang crush ng makulit na binatilyong ito. Agad na pinamulahan ang tainga ni Kaloy na nagpatawa naman sa kanilang dalawa ng Ninang Hannah niya.
"Si Ate Erin ang kulit, l-lagi nalang akong tinutukso," halos manulis na ang labi nito sa pagmamaktol.
"Eh totoo namang crush mo si Essang diba? Mga bata pa lang tayo—"
"Ate!"
Bumunghalit siya sa tawa na lalong nagpaasar kay Kaloy, "A-Atleast ako may nagugustuhan na. Eh ikaw? Ma, halaman yata itong si Ate, walang pakiramdam."
"Huwag mong ismolin iyang ate mo, may narinig akong chika mula sa makulit na ibon, may boylet na raw sa buhay niya ngayon at hindi lang nagkukwento."
Pinamulagatan niya ang Ninang niya habang hindi mapigil ang pagngiti, "Ma!"
It's evident by the glint in their eyes, this is a discussion they both would love to delve deep. Naiiling at natatawang tumayo siya mula sa mesa at inubos ang kape bago dali-daling tumakbo papunta sa banyo.
"Ate! Halika rito, huwag mo kaming takasan!"
Pagtawag ni Kaloy at hagikgik ng Ninang niya ang narinig niya bago maisara ang pintuan ng palikuran. She can only smile to herself, embracing the joy enveloping her frail heart, those two are probably the most important people in the world to her.
"O, BAKIT hindi mo na naman ako pinapansin?"
"Harapin mo ako kapag kinakausap kita-"
"Ayan, umaattitude ka na naman. Paano tayo matatapos nito?"
"Halika na, dali na—"
"Tisay—"
"Pinahihirapan ka naman ba ni Tisay, Erin?"
"Oho, Doc, napakahirap pakiusapan."
Mabilis ngunit maingat na binalik ni Erin ang hayop sa ibabaw ng observation bed kung saan niya sinusuri ang isang pusa. Tisay ang ipinangalan nila sa isang Maine Coon na isa sa mga narescue nilang stray animals kamakailan, may timbang itong anim na kilo ngunit napakaliksi. May sugat ito sa isang binti at may pilay rin ito sa isa pa na sa tingin nila ay mula sa pagkakasagasa. Nabigyan na nila ito ng paunang lunas para sa tinamo nitong injuries subalit wala itong collar kaya wala naman sila macontact na may-ari nito para masundo ang kuting nang makita nila ito sa kahabaan ng highway malapit sa clinic nila. Pinaiinom niya ito ng gamot upang mas mapabilis ang paggaling nang mabungaran siya ng resident vet nilang si Dr. Zarate habang pinakikiusapan niya pusa nang maayos na huwag siyang sagpangin. She adores animals in general but there is something about cats that doesn't seem to go along with her. Daga yata siya noong past life kaya may love-hate relationship sila ng mga tropa ni Garfield.
"Siya na lang ba ang kailangan painumin?"
"Yes, Doc. Hinuli ko talaga iyan dahil pagkakulit-kulit," aniya at pasimpleng sinabunutan ang malambot na balahibo nito. The cat sneered back at her. Bleeeh.
"Okay, ako na ang bahala rito kay Tisay pero ikaw na muna ang bahala sa bisita ko diyan sa reception."
"No problem, Doc," nginitian niya ang butihing doktor at lumabas na sa silid.
Si Dr. Emil Zarate ang may-ari ng clinic na pinapasukan niya, ito na marahil ang pinakamabuting boss na nakatrabaho niya sa lahat ng mga raket na pinasukan niya. Kasalukuyan siyang bartender, graphic designer at make-up artist, at ang trabaho niya bilang veterinary tech ang pinakanatutuwa siya. Biyudo kasi ito at ang mga anak naman nito ay nagmigrate na sa iba't-ibang panig ng mundo kaya ang mga staff sa clinic ang madalas na nakakasama ng matandang doktor. Malimit niya itong makabiruan lalo na tuwing hihirit siya ng increase na madalas ay hindi naman nito sineseryoso.
Pagdating niya sa reception ay wala namang tao, kahit ang receptionist na si Karen ay wala rin sa mesa nito. Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig, Pasado alas dose na pala. Lunchbreak. Babalik na sana siya sa loob para tingnan ang iba pang hayop nang tumunog ang bell sa pintunan, nilungon niya ang sinumang bagong dating at para siyang nasilaw sa liwanag ng awra ng kung sino man.
"Hi."
Ngumiti ito at lalong nanuyo ang lalamunan niya. Bakit hindi siya makapagsalita?
Akmang bubuksan ni Erin ang bibig niya para batiin din ito nang may isang babaeng humahangos na pumasok bitbit ang isang ibon sa dalawang palad.
"Saklolo! I-Iyong ibon ng amo k-ko, napisat ko yata k-kaninang— Parang awa mo na, y-yari ako sa amo kapag na-tegi si Lawiswis," hinihingal at namumutla ang babae habang pautal-utal na sinalaysay sa kanya ang nangyari sa kawawang ibon. Nilapitan niya ito upang suriin ang hawak at pinigilang mapangiwi nang makita ang bali sa pakpak ng ibon.
Nagulat siya nang may isang kahon ang bumulaga sa tabi niya at nalingunan ang lalaking muntik na siyang mabulag kanina, "Here, put Lawiswis in the box and let me check on her inside."
Maingat na sumunod ang babae at iniwan na sila ng lalaki, hinila naman ito ni Erin sa reception desk para makapagfill-out ng form.
"Paki-fill-out ito sandali, tapos babalikan kita ha?"
Tumango ito bago niya tuluyang iwan upang puntahan si Mr. Sunshine. Nabungaran niya itong hinihimas ang ulo ng ibon habang maingat na binebendahan ang nabaling pakpak.
"Doktor ka pala?" bungad niya rito.
The man is wearing a simple plain shirt and jeans, mas mukha itong model kaysa doktor ng hayop. Nilingon siya nito at nginitian. Ahh, life is good.
"It's a good thing bali lang sa pakpak ang natamo ni Lawiswis. Naitanong mo ba kung anong nangyari sa kanya?"
"Iniwan ko muna para magfill-out ng forms. Uhm.. Sorry, pero yari kasi ako kay Doc kapag nalaman niyang may ibang doktor sa clinic niya kaya pwede bang bumalik ka na dun sa labas, ako na'ng bahala diyan."
"Nah, it's okay. He wouldn't mind."
"Ha?"
Bilang kasagutan ay pumasok sa silid si Dr. Zarate, "Andrew, hijo. I see you're starting to settle down?"
Ngiti lang ang tinugon ng lalaking tinawag na Andrew habang speechless pa rin siya.
"Erin, this is Dr. Andrew Avila, siya ang bagong vet ninyo sa clinic habang wala ako."
Nilingon niya ang matandang beterinaryo, "Aalis ka, Doc?"
"Naglambing si Celine na bisitahin ko raw sa Australia ang mga apo ko. My flight is in 6 hours so I have to go now, mag-iimpake pa ako," sagot nito na ang tinutukoy ay ang bunso nitong anak na nakabase na sa Australia.
"Safe trip, Tito Emil. Ako na ang bahala rito sa mga pasyente mo," nakangiting sabi naman ni Andrew. That smile is starting to be addicting. Alayket!
"Iyong mga gamot ni Erin tinuturok mo na lang kapag sinusumpong, ah,"
"Doc talaga..."
Natawa lang si Andrew sa hirit ni Dr. Zarate, "Ako na rin bahala sa kanya, Tito."
Nakuha pa siyang kindatan ng matandang lalaki bago tuluyang lumabas. Hinarap niya si Andrew na ngayo'y inaayos ang kahon na paglalagyan sa ibon. Mukhang maayos naman ang pagkakabenda nito sa pakpak at nilagyan pa ng popsicle stick para gawing cast ng nabaling buto.
"Vet ka talaga? Saan ka nagki-clinic dati?"
"Oo, I worked for DENR kaya madalas sa mga bundok kami pinadadala para magrescue ng mga endangered na hayop o kaya sa mga lugar na narereport na may sighting ng mga hayop na dapat ay sa mga gubat at bundok lang."
"I see, buti hayop ang napagtripan mong gamutin at hindi tao?"
"Well, mas marami na kasing doktor sa tao kaysa sa hayop. Mas kailangan ng tulong ko ng mga iyon," ngumiti na naman ito.
Brains, looks, and now with a heart! Is he real?
Ngumiti lang si Erin sa doktor na ngayon ay tapos nang asikasuhin ang ibon. Iniabot nito ang kahon sa babaeng nagdala kanina pati na rin ng dalawang tableta.
"Miss... sorry, what's your name?"
"I'm Cess. Okay na ba si Lawiswis?"
"Yes, Cess. May kulungan ba si Lawiswis sa bahay ng amo mo?"
"Meron naman."
"Okay, good. Put this box inside her cage. I've put her wing in a cast. Iwasan na lang ang stress sa hayop at ipainom mo itong tableta pagkatapos ng tatlong araw para tuloy-tuloy na siyang gumaling."
Tila noon lang nakahinga ang babaeng nagngangalang Cess dahil halos yakapin nito ang kahon matapos makahinga nang malalim. Habang nagpapaalala si Andrew ay wala namang puknat ang pagkakatitig ni Erin rito na maging siya ay hindi na maintindihan. The guy is just too good to be true. He's wearing a plain blue shirt on a pair of jeans, his hair is long and silky, framing his chiseled jaw and very chinky eyes. She's not a fashion guru but this guy's a looker. Pero ang totoong nagmarka kay Erin sa kabila ng kaguwapuhan ni Andrew ay ang ngiti nito, na para bang bubukas ang langit tuwing masisilayan niya. There's something about his smile that seemed to erase all the negativity in the world—all the negativity in her world, particularly. Teka, ang corny ko na. May crush na nga yata ako.
Nilingon siya ni Doc Crush-este, Andrew pala, "Erin, can you show me the rest of the animals that need monitoring?"
"Sure na sure, Doc!"
"ANAK, MAY package ka na dumating kahapon ng umaga. Nakalimutan kong iabot sa iyong nagmamadali ka," untag sa kanya ng Ninang Hannah niya habang nag-aagahan sila.
"Kanino raw galing, ma?"
Nangibit-balikat lang ito bago inabot sa kanya ang isang manila envelope. She flipped it over to see who's it from but nothing, binuksan niya ang envelope at nakita ang ilang papeles at mga bank books. Weird. Ipapasok na sana niya ulit ang mga iyon pabalik sa envelope at handa nang ibalik sa sender dahil mukha namali ng deliver ang courier nang mahagip ng isang pangalan ang mga mata niya. It was a written name on one of the bank book covers that's enough to send chills down her spine. Ilang segundo rin siya napako sa kinatatayuan nang padaskol na nilapag niya ang envelope sa mesa, resulta para magulat ang Ninang niya at kinakapatid.
"Ay, kabayo! E-Erin, ano ba naman yan?" gulat ngunit malumanay na sita ni Ninang Hannah habang pinunasan ang tumilamsik na tubig sa mukha nito.
"Pasensya na, Ma. Pakibalik niyo ito sa sender o sa branch ng courier na nagpadala."
"Teka, kanino raw ba galing?"
"Hindi ko rin ho kilala."
Iyon lang at tahimik na lang itong tumango. Kung napansin man nito ang pag-iiba sa awra niya'y ipinagpasalamat na lang niyang hindi na ito nagtanong pa. Maybe that's one of the best things about her Ninang Hannah, she doesn't hover. Nang matapos mag-almusal ay saka naman ang tatlong magkakasunod na busina mula sa labas, dumungaw siya sa bintana at nakita ang sasakyan ni Andrew sa tapat ng bahay nila.
Active pa rin ang sintang-pururot niya sa binatang doktor subalit ngayon ay level-up na ang status nila dahil magkaibigan na sila ngayon. Mabait kasi ito at napakagaang kasama kaya hindi mahirap pakisamahan. The guy is too good natured kaya kahit ang pasimpleng pagpapacute niya ay tila hindi umeepekto rito. Advantage naman iyon sa kanya dahil hindi rin naman niya alam kung paano ihahandle ang magiging reaction nito kung sakali. Kumbaga, pa-cute pa-cute lang, walang personalan.
"O, Andrew. 'Miss mo ko?" hirit niya rito nang tuluyan siyang makalabas.
"I was in the neighborhood and thought to stop by, libre ka ba ngayon?"
"May usapan kami ni Meera, eh..." napakamot siya ng batok dahil hindi niya inasahan na magyayaya ito ngayon. Wrong timing naman!
"Ganoon ba?"
"Unless gusto mong sumama? May gig kasi ang boss niya kayanamigay ng free VIP tickets, fan ka ba ng rock music?"
Kislap ng ngiti nito ang sinagot nito sa kanya. She took it as a yes. Ah, heaven.
"BHE! HALIKA doon kami nakapwesto," tili ni Meera nang sunduin sila nito sa entrance ng bar kung saan tutugtog ang boss nitong si Flynn Venitio ng bandang Oblique Spheroid. Punung-puno ng musika ang apat na sulok ng cafe at halos hindi na sila magkarinigan, agad naman niyang naramdaman ang masuyong pag-alalay sa kanya ni Andrew gamit ang isang kamay nitong nakahawak sa likuran niya at ang isa naman ay sa gilid niya na humaharang sa mga taong maaaring matamaan siya.
"Boylet mo?" bulong sa kanya ni Meera habang tinutunton nila ang may kadilimang daanan patungo sa pwesto nila. Mabilis siyang umiling pero kinurot pa rin siya nito sa tagiliran at halatang kilig na kilig.
Nakarating sila sa mesa nila at laking gulat niya na kumpleto sila, pati ang mailap na si Randee ay naroon. Ano'ng meron?
"Aba, present kayong lahat ah."
"May special announcement raw si Teacher Essang, eh... Hi, pogi." ani Aggie na ang atensyon ay nakasentro kay Andrew.
"Girls, si Andrew. Andrew, sila nga pala ang mga tinik sa buhay ko."
"Hi, ladies," nakangiting bati nito bago kinawayan ang mga kababaihan. Guwapo ng bebe ko, no?
Naupo sila ni Andrew sa isa sa mga couch, front act pa lang ang nakasalang kaya dito muna sila nakatambay. Subalit ang mga kaibigan niya ay hindi sa crowd at musika ang atensyon bagkus ay sa binatang kasama niya. Kulang na lang ay mapanganga ang mga ito nang makita siyang naglalakad kasama si Andrew. Tahimik pa rin ang lahat nang tuluyang basagin ni Essa ang katahimikan nang bigla na lang itong sumigaw.
"Girls, I'm getting married!"
Noon lang tila nadaluyan ng dugo ang utak ng bawat isa sa kanila dahil halos sabay-sabay silang napasinghap sa ibinalita ni Essa.
"Bruha ka! May jowa ka pala?" komento niya rito matapos bumati ng congratulations.
"Hindi pa kasi umuuwi sa Pilipinas si Phil kaya hindi ko pa naipapakilala sa inyo," sagot ng bride-to-be na halata sa pangingislap ng mga mata ang kaligayahan.
"Phil? Akala ko Wil ang kinukwento mo last month?" nagtatakang tanong naman ni Aggie habang ngumunguya ng breadstick.
"Gaano na kayo katagal niyan? Naku, Carmela Therese Andrade, kapag ikaw umiyak-iyak na naman sa amin dahil fake news 'yang boylet mo—" singit na rin ni Meera kahit abala sa pagdutdot sa cellphone.
"Napaka-nega niyo talaga. Can't you just be happy for me?"
Marahan niyang tinapik ito sa balikat at nginitian, "Masisisi mo ba kami? Ang hirap mo kayang patahanin lalo na tuwing tatawag ka ng alas-tres ng madaling araw para isumbong ang Pontio Pilatong nanakit na naman sa iyo."
"Muntik na akong masuspinde nang gamitin ko ang company resources para lang saliksikin ang background ang then-boy-toy mo na si...What's his name again? Jack?" nakisali na rin si Randee sa 'sermon'.
Hindi makahirit ng sagot sa kanila si Essa dahil pawang mga totoo ang pinagsisintir ng mga kaibigan nila. Sa kanilang lima kasi, si Essa ang pinakamabilis mainlove. She loved the idea of romance, of traditional love stories and romantic comedies—kaya sa bawat pagkakataon na mabigyan ito ng potensyal na 'Prince Charming', hindi na ito choosy. Habang abala ang apat na babaeng kaliskisan ang bagong lalaki sa buhay ni Essa ay nilingon niya si Andrew na tahimik lang silang pinanunuod. Marahan niya itong siniko at tinanong, "Okay ka lang diyan?"
"Yeah, you're a cute bunch. Nakakatuwa."
"Cute talaga ako," pa-cute na sagot niya. Ano raw?
Natawa naman ito sa patawang-kalbo niya at marahan siyang kinurot sa pisngi. Bago pa siya makapag-react ay sigaw ni Meera ang narinig nila na sinundan ng isang napakalutong na pagmumura.
"Meera, ano ba naman?" hindik na sabi ni Aggie.
"Pasensya na, nagtext kasi si Flynn. Hindi raw makakarating si Gio ngayong gabi. Kapag hindi raw ako nakadampot ng stand-in vocalist, huwag na raw akong pumasok bukas."
Hanggang ngayon ay hindi maintindihan ni Erin kung bakit nagta-tiyaga si Meera sa isang antipatiko at arroganteng boss na tulad ni Flynn. All-around assistant ng lalaki ang kaibigan niya kaya kahit anong kapritso ni Flynn ay sinusunod ni Meera, ultimo sa gigs ay buntot ito ng binata. Halata ang pagkataranta sa mukha ni Meera habang dumudutdot sa cellphone at naghahanap ng maaaring pumalit kay Gio pansamantala.
"Bhe, you know I would help you pero alam naman nating hindi pampubliko ang boses ko. Ako lang nakakaappreciate nito," sabi ni Erin.
"Bakit daw ba biglang umatras si Gio? Ang dyahe naman!" reklamo na rin ni Essa.
"Manganganak na raw ang asawa," simangot na sagot ni Meera.
"I could sing."
Tila may dumaang anghel matapos magsalita ni Andrew sa tabi niya hanggang unti-unting nagningning ang mga mata ni Meera. Agad naman niyang nilingon ang katabing binata para tingnan kung seryoso ito sa sinasabi nito.
"Sigurado ka?" tanong niya kay Andrew.
"Yeah, sure."
Halos lundagin at yakapin ni Meera si Andrew sa sobrang tuwa pero nakuha naman nito ang pasimpleng pahiwatig ng pagmumulagat ng mga mata niya kaya minabuti na lang nito na asikasuhin ang set para sa magiging change of plans. Iniwan muna sila nito ngunit nagsimula na rin silang tumayo upang humanap ng puwesto sa labas. Malapit na rin magsimula ang performance ng banda. Nagpaiwan sina Erin at Andrew saglit para siguruhin ng dalaga na okay lang ang binata, "Huy, Doc. Hindi mo obligasyon to ha? Sinama kita rito para mag-enjoy, sigurado ka bang okay lang sa'yo 'to?"
"Medyo malapit na nga akong magdalawang-isip eh..."
"Okay lang, ako na ang magsasabi kay—"
Ngumiti ang batang doktor habang hinawakan lang siya sa braso upang pigilan, "Nah, I'm kidding. It's really okay. Besides, I want them to like me."
"Huh?"
"Yeah, because I like you," Andrew said casually with a wink, before he exits the room and prepare to be up on stage.
To sing.
In front of the crowd.
Because he wants to impress her friends.
Because he likes me.
Mama!