Chapter Four

"FLYNN, WHAT the hell?" boses ni Anton iyon sa kabilang linya.

"I know, man, nagulat lang rin ako."

Matapos ang gig ng banda nina Flynn ay inasahan na niya ang tawag ni Anton upang itanong kung bakit magkasama si Erin at ang kuya nitong si Andrew. Marahil ay nagpigil lang itong puntahan siya agad sa backstage ora mismo upang tanungin dahil ayaw nitong magpakita kay Erin. Kung bakit naman kasing sa daldal ng Assistant niyang si Meera ay ang love life pa ni Erin ang nakalimutan nitong ikwento sa kanya.

What a small world!

Kung nasa ibang pagkakataon lang sila ay natawa na lang talaga siya sa sitwasyon. Lalo na sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan niya na kahit hindi harap-harapang nakita ay batid niyang walang tutumbas. Nakita kasi nito ang kapatid na kasama ang babaeng ilang buwan na nitong binubuntot-buntutan, sa tingin naman niya ay normal ang nababasa niyang pagkagulat at pagkaasar mula kay Anton. Kung bakit kasi ayaw pang magpakilala ni Anton sa dalaga, iyon ang hindi rin niya maintindihan.

"Couldn't you do anything about it?" tanong nito.

"Sorry, man, unless you want me to fill Andrew in with your plans, I'm not going to break an oath just because you're jealous."

"Jealous, my ass. This is beyond jealousy and you know it!"

"Alam mo, pare, kung ayaw mong umaaligid ang kuya mo kay Erin, all you need to do is tell him. Better yet, bakuran mo na si Erin."

Tahimik lang ito sa kabilang linya subalit halata sa paghinga nito na hindi pa rin nito gusto ang nangyayari. Talagang nagulat ito at halatang hindi kasama sa mga plano nito ang magkaroon ng kahit anong kaugnayan kay Erin. Hindi nga ito nagkaroon ng kaugnayan sa dalaga, isang taong malapit naman sa kanya ang biglang sumulpot sa eksena. Let alone kapatid pa. Oh, man. What a twist!

"Kung ginagawa mo kasi ang trabaho mo—"

"Hey, back up. I am your attorney and I'm doing everything you want concerning your will. Pero para alamin ko ang buhay at araw-araw na pamumuhay ni Erin, aba, hindi na iyon kasali."

"Akala ko ba you have everything under control? Eh bakit ganito?"

"Yes! Everything is under control with the upcoming surgery and follow up plans for her recovery. Plantsado na lahat iyon. Malay ko ba kung naisipang magkalovelife ni Erin? Kasalanan ko ba 'yon?"

"Love life?!"

He could almost picture a vein popping on his head due to stress and Flynn could swear, he's almost sorry for him. Pero tuwang-tuwa talaga siyang gaguhin ang kaibigan dahil isa rin itong malaking pikon. And maybe Anton needs a little shove to smooth things with Erin once and for all.

"Well, they really look good together, don't they?"

Anton grumbled his profanities on the line before finally hanging up. Flynn is having a good day. Tawagan na rin niya ang assistant na si Meera para magtuloy-tuloy ang buenas niya.

ANTON IS fuming.

Ang akala kasi niya plantsado na lahat. Sa susunod na linggo ang schedule ni Erin para magkonsulta sa magiging surgeon nito. Pagkatapos ay pag-uusapan na nila ang magiging hakbang para sa transplant nito. Wala siyang balak magkaroon ng kaugnayan sa dalaga maliban sa pagiging heart donor para rito pero dahil sa kaugnayan nito kay Andrew ay mukhang mahihirapan siyang matupad iyon. He knew how much loss Erin has gone through and Andrew has been nothing but the best brother to him, pero sa oras na malaman ng kuya niya ang totoong dahilan sa halos isang taon na pagtatago ay pipigilan siya nito. Marahas siyang napabuga sa hangin habang pilit na pinakakalma ang namumuong stress sa isip niya. Ang gusto lang naman niya ay mawala nang tahimik, ang iwanan nang payapa ang mga taong mahahalaga sa kanya. All his life he has been so selfish, ngayon lang sana siya makakabawi.

"Save my daughter. Make sure she's happy."

Naalala niya ang mga katagang binitiwan sa kanya ng ama ng dalaga nang huling beses na magkausap sila. His heart meant a promise he had to keep. And he's ought to do just that.

He found himself reaching for his phone to dial his brother's number, ngunit bago pa niya tuluyang mapindot ang 'Call' button ay tumunog naman ang cellphone niya. Andrew is calling.

Agad na namawis naman ang mga palad niya, hindi alam kung sasagutin o hindi ang tawag ng kapatid. Pinili niya ang huli. Hindi niya pa alam paano haharapin si Andrew lalo na kung ang ibig sabihin ng paghaharap nila ay siya na ring pamamaalam niya rito.

What's he gonna tell him? "Hey, bro, I'm giving my heart to your girl. I'll die so she'll live, 'hope that's okay." Ganon ba?

Napasabunot si Anton sa may kahabaan niyang buhok at ngaling-ngaling ibato ang nag-iingay pa ring cellphone niya. Aaargh!

Nahagip ng paningin niya ang nakangiting litrato ni Katie sa ibabaw ng desk niya, binaha na naman ng kirot ang puso niya para sa batang pasyente na hindi niya nailigtas. Inosente ang mga mata nito at napakatotoo ng ngiti, ngunit sa isang iglap lang ay biglang nawala dahil sa katarantaduhan niya.

"Thank you, Doc Guwapo. I'm really glad we've met."

Those were her words when he told her about her surgery. She was a very brave kid, always wanted to be in the loop about her sickness and upcoming procedures. Present ito lagi sa tuwing pinaguusapan nila ang magiging hakbang kung paano ito mapapagaling. At hinding-hindi niya makakalimutan kung paano nito hinawakan ang kamay niya upang sabihin ang mga salitang iyon. Na para bang naiintindihan nito na hindi siya Diyos para magic-in ang tumor nito pero alam nitong gagawin niya ang lahat para matulungan niya ito.

If that was Erin, would she say the same thing? Will she be glad we've met?

Baka iyon na iyon.

Baka panahon na nga siguro para tigilan na niya ang pagtatanong at simulan na niyang hanapin ang mga sagot. Besides, if he only has a few weeks to live, what's there to lose?

Oras na para magpakilala siya kay Mariah Catherine Villaflor.

He got inside his car and drove to the bar where Erin works every night. Malimit ang pagtapik sa manibela sa saliw ng musika sa radyo ng sasakyan niya habang pilit na iniensayo sa utak niya kung paano magpapakilala sa dalaga.

"Hi, Erin. Remember me?"

Presko yata masyado.

"Erin? Oh my gosh, it's you!"

OA, ampotah.

"Hey, babe. It's me."

Babe?!

"Erin, hi. I hope you still remember me."

Aaaargh!

Dyahe, pare.

Napabuga siya sa hangin at pinilig ang ulo sa sariling kakornihan. Hindi niya naimagine ang sarili sa ganitong senaryo dahil hindi naman niya talaga binalak magpakilala sa dalaga. Kung bakit kasi sumingit-singit pa ang kuya niya sa mundo ni Erin. Sabagay, hindi niya masisisi ang kuya niya kung magustuhan man nito ang dalaga. There is warmth in her laughter and spunk in her eyes. There is grit and boldness in her character that captivated attention. Naalala niya ang gabing unang beses siya nitong nakita, he remembered the fire in her eyes because he stole his cab. Napangiti siya. Nang gabing iyon ay, tulad ng nakagawian, ay binabantayan niya ito. Nagmamasid sa kabuuan ng kapaligirang ginagalawan nito habang ito naman ay abala sa kung anumang dapat gawin sa oras na iyon.

Kung may isang bagay kasi siyang napansin sa dalaga sa tagal ng pagbuntot-buntot niya rito ay nabubuhay ito sa schedule. Mahal ang oras nito dahil pinagkakasya nito ang napakaraming raket sa isang araw. Abala ito sa pagsunod sa routine nito kaya hindi na nito napansin ang maaaring maging panganib sa gabi-gabi nitong paglalaboy sa Kamaynilaan para kumita. Freelance graphic designer ito sa isang publishing company sa Makati, minsan naman ay tech vet sa isang clinic sa Alabang. Palagi rin itong kinukuhang bartender sa may bar sa Pasay, minsan tuwing day off nito ay suma-sideline itong make-up artist. Sa lahat ng kilala niyang may hypertrophic cardiomyopathy (HCM), ito na yata ang hindi marunong magpahinga.

Ilang sandali pa ay naabot na ni Anton ang bar kung saan niya makikita si Erin ngayong gabi. Hindi pa gaanong puno ang parking lot sa tapat ng etablisimyento kaya mabilis siyang nakahanap ng pwesto. Huminga siya ng malalim at c-in-ompose ang sarili bago pumasok sa entrance.

It isn't the typical bar and restaurant you'll find in the middle of a busy city. He even had to make a double look not to mistake it with Portia's. It doesn't have the vintage vibe like that of Portia's but the place has its own uniqueness. Homey but there's a sense of sophistication you can't deny. The interior has a minimalist theme in the colors of black, white and gray. Each table has menu tablets to order on and the seats looked more comfortable than the usual steel back-rests you usually find in local bars. Malinis rin at maaliwalas ang kabuuan ng espasyo. Naghanap siya ng mauupuan malapit sa bar at inabala ang mga mata sa paghahanap sa dalaga. Wala ito sa likod ng bar counter kung saan madalas mahanap ang bartender, marahil ay break nito. Nagtipa siya ng order sa tablet sa mesa at tahimik na naghintay.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang pamilyar na boses ni Erin...

"Sige na naman, Kev. Dalawang araw lang naman. Gusto mo ba akong tumandang dalaga?"

"Erin, kung tigang na kipay ang pinaglalaban mo, wala nang mas titigang sa kipay ko. Pwede ang isang araw, pero ang dalawang araw? Bakla, maawa ka naman."

"Sige na, pleeeeeease."

"No. Unless mabigyan mo rin ako ng fafa na kasing-hot ng fafa mo, walang liligaya!"

Huminga nang malalim si Anton bago nagsimulang lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Kilala pa kaya siya nito? Bahala na.

Tumikhim siya bago nagsimula, "Hi," aniya.

Ang staff na Kevin ang pangalan ang unang lumingon sa kanya. Malapad ang ngiti sa mga labi nito at hindi niya maintindihan ang pinahihiwatig ng mga mata nito sa kanya. Parang mapupungay na bahagyang naduduling na. Si Erin ay kasalukuyang may binubutingting sa ilalim ng counter, hindi niya mahuli ang atensyon nito.

"Hi, Sir. What do you like me to get you today?" ani Kevin na may kaunting lamyos sa tinig. Nginitian lang niya ito at pinilig ang ulo.

Tumayo na si Erin mula sa kung anumang inaayos kanina at nilingon ang direksyon niya. At first, there was no hint of recognition in her features. Ilang segundo rin siya nitong tinitigan bago unti-unting napamulagat nang makilala siya.

"Hi," aniya saka ngumiti.

Hindi na niya naintindihan ang sumunod na nangyari dahil bigla na lang bumagsak si Erin sa sahig habang salo ang kaliwang dibdib.