Chapter 11
"Ma! Aalis napo akoo!" Masaya kong paalam habang nag mamadaling bumaba ng hagdan. Bihis at bagong ligo, dahil ito na ang araw ng una kong pasok sa XX Company.
Ang bilis nga ng araw ika nga nila. Hindi ko namalayan na Saturday na pala dahil masyado akong masaya nung Tuesday. Yung araw na nag Text sakin yung HR ng XX Company na nagsasabing natanggap daw ako sa trabaho.
Pagka-uwi ko nung araw nayon ay sinabi kona agad kay Mama na natanggap ako. Pero syempre, Sinabi ko doon sa Cafe. Hindi sa Kompanya, hehe.
Tuwang-Tuwa nga 'din si Azle dahil natanggap ako. Nilibre niya pa nga ako sa labas nuon dahil ang galing-galing ko daw dahil natanggap ako sa isang malaking kompanya tulad ng XX Company bilang isang Writer. Habang si Zac naman ay sumama din sa kainan pero naka busangot siya.
Marahil dahil iyon sa away nila ni Azle. Pero hindi eh, Buong Linggo nya'ko hindi pinansin simula nuong Tuesday hanggang Friday nung malaman niyang natanggap ako, Ano kayang problema ni Zac? Hay siya, Sa Monday ko nalang nga tatanungin! Ang mahalaga ngayon ay kung paano ko sisimulan ang unang araw ko.
"Ma, Alis na'ko ahh! Wag kang sasali sa inuman sa labas! Magagalit ako!" Banta kopa sa natutulog ko palang Mama sa Sofa at mukhang puyat na-nanaman kakainom kagabi. "Ma! Naririnig mo ba ako!?" Ulit ko na ikinainis niya at tumalikod pa ng pagkakahiga sa'kin bago sumagot.
"Hay Tan-Tan! Oo na, Oo na! Pumasok ka na't baka ika'y ma late pa! Ingat! Natutulog ako eh," Galit nyang singhal na sinunod ko nalang at lumakad na.
Sa Byahe ay ganon parin ang ginagawa ko tulad ng dati. Sight seing sa mga nagruruk-rukan ng mga building at people gazing sa mga buhay ng mga nasa kalsada. pinapanatili talaga ng buhay ang pagiging kalmado ko. Kaya ngayon ay hindi ako medyo kinakabahan.
Tutal mas excited panga ako, kesa sa kinakabahan. Dahil mahigit isang Linggo ko narin hindi nakikita ang mukha ni Mr. Soyu Park. Ewan ko nga kung bakit talaga ako nahahayok na makita siya, Pero wala eh. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag ka-interest sa Soon to be Boss ko.
Sinearch kopanga ang pangalan niya sa Google nuong mga nakaraan dahil miss kona makita eh, Pero wala talaga. Wala syang taken picture at puro Wikipedia lang ang nakikita ko sa google sakanya kaya pinag stagaan ko nalang iyon basahin. Hindi naman ako na Bored dahil duon ko nalaman ang mga accomplishment niya sa Business Industry in a very young age. Duon ko rin nalaman ang Birthday, Hobby's, Zodiac sign at marami pang iba about sakanya.
I think nga crush ko na siya eh, Hehehe. Pero crush palang naman diba? Wala namang masamang humanga sa isang taong kahanga-hanga talaga, Kaya siguro ay ok lang naman na maging ganto ako. Ang Pogi din naman kasi ni Mr. Soyu, Kainis.
"—Pany, Nandito na! May baba, ba? Wala? XX Company!? Meron ba?" Naalimpungatan ako sa malalim kong pag-iisip ng bigla kong marinig ang tawag ng kondoktor ng Jeep sa lugar kung saan ako nakadestino.
"Kuyaa! Wait lang po! Baba po ako! Kuyaa!" Para ko kay Manong Driver na umandar agad-agad. Huminto naman siya at tinignan ako ng masama sa salamin sa harap niya. "Bilis Miss, Nagmamadali na mga tao dito oh," Inis pa netong turan na ikoko-rekta ko pa sana kaso yung mga pasehero ay para nakong gustong itulak sa sama ng tingin nila sa'kin kaya bumaba nalang ako!
"Ang layo kona tuloy!" Naiiyak kong turan habang mabilis na lumalakad sa tanaw na Kompanya. "Minis pa'ko! Kainis, Lalaki kaya ako!" Bulong kopa sa sarili habang naka kunot ang noo at naka pout sa dinadaanan ko.
Lagi nalang ako pinagkakamalang babae ng lahat. Huhuhu, Pero hindi ko naman sila masisi dahil mukha naman talaga akong babae simula pagkabata palang.
Maputi at Makinis ako. Wala masyadong balahibo sa katawan tulad ng mga normal na lalaki sa edad ko. Mahaba din ang Black na black kong buhok na umaabot hanggang Baba ang dulo. Pati ang mata ko ay pang babae 'din dahil brown ito at mahaba din ang pilik mata ko. Habang ang kilay ko naman ay may korte at may kakapalan. Sa ilong naman ay matangos. Namana ko sa Dad ko, habang ang lips ko naman ay pinkish, mana sa Mama ko.
May hikaw 'din ako sa kaliwang tenga na Golden Krus ang korte. Mapayat din ako ngunit may hubog. Ang pormahan ko naman ay pang lalaki padin naman, pero ewan koba kung bakit pinagkakamalan nila akong babae eh, wala naman akong dibdib at yung ano, Basta yung ano!
"Oh! Yung Bata nung nakaraan! Pasok ah!" Bati sa'kin ni Manong Drei. Yung Guard na tumulong sa'kin nuong nakaraan. "Opo nga eh, Swerte." Maligaya kong bati na ikinatawa niya lang. "Kaw talagang bata ka, Osige na, Pumasok kana dahil nandon na ang isa ding natanggap." Paalis niya sa'kin na sinunod ko din naman bago nag-paalam Sakanya at pumasok na ng kompanya.
Alam kona kung saan akong faculty mag tra-trabaho dahil sinabi na ito sa Text kung saan kami pupunta at kung saang Floor kaya hindi kona kaylangan mag tanong kung saang lugar iyon.
Pagkarating ko ng 5thfloor ay hinahanap ko agad ang Creative Faculty kung saan kami mag tra-trabaho ng arawan. Tuwing hapon lang ang pasok ko hanggang 9 ng gabi dahil istudyante. Monday to Saturday ang pasok kaya medyo hetic, pero ok narin.
"OMG!!!!! Wahhhhh!! Nathaaaaann! As i expected! Ikaw ang pangalawang makakapasok!" Talon agad sa'kin ni Mia ng makapasok ako sa Faculty na naka saad. Nagulat panga ako nung una dahil akalako kung sino pero siya lang pala, "M-Miaa, halaa buti nalang talaga pasok kaa, Congrats satin!"
"Oo ngaa! Congrats din!" Masayang balik niya ng salita, habang mas diniinan pa ang yakap na ikinapilit kona talaga dahil hindi na'ko makahinga! "M-Mia, I-I can't breathh! Fuck!" Palo ko sa likod niya para senyasan siya na mamatay nako sa pagmamahal niya sa'kin!
"Ay, Sorry! hehehe, Na miss lang talaga kita. " Usal niya ng pakawalan nya'ko habang ako naman dito ay na-uubo at naghahabol ng hininga. "Ohoo, Ohoo, Ohook!" Peste, Mukhang hindi ako aabot ng Buwan dito sa kasama ko, putek!
"Ehem, Ehem. " Ubong pabalang nung tao sa likod ko na agad naming ikinatingin ni Mia. "Tapos naba kayo maglandian? Baka gusto nyo pang maglandian sige lang, bigyan ko kayo ng sapat na oras. Gusto niyo?" Masungit netong saad samin na ikinatayo ko ng Deretso.
Naalala ko siya. Siya si Ms. Michelle. Yung speaker duon sa Confence Room! "Ay, Ma'am. Ok na po kami, Mamaya ko nalang po lalandiin si Nathan." Sagot ni Mia na ikina ipikit ko dahil sa hiya. Inirapan naman siya ni Ms. Michelle bago magsalita ulit.
"Nandito lang ako para sabihin sainyo ang mga posisyon niyo, Ms. Mia, Ikaw ang Head Writer. Habang ikaw. Mr. Nathan, Ikaw ang Assistant Writer ni Ms. Mia. Ikaw ang tutulong sakanya sa lahat ng gawain na Ipapagawa sakanya at ikaw ang mag-aasikaso ng mga gawain na hindi niya kayang gawin. Galing to Kay Mr.Park my baby— este, My Boss. So yun lang. Wala kayong gagawin ngayon, Next Week pa ang effectivity nyo. kaya take this time to tour yourself in our Company, Congrats in both of you. "
Matulin at walang preno nyang sabi na ikanatalon-talon namin ni Mia pagkalabas ni Ma'am Michille. "Wahhhh!! Official Workmate na talaga tayoo Nathann! Congrats talaga sa'tin!" Tuwang-Tuwa niyang sigaw habang nag tatalon sa ere habang hawak ang kamay ko.
"Yahhhh, Wahhh! May trabahooo na talaga tayoo! Yes!" masaya ko ring untag. Na ikinatawa naming dalawa pagkatapos,
Yes! Finally this is it pancit! I can now see Mr. Soyu even in distance! Wahhhh! My heart keeps bererking! Shit! Mr.Soyu what have you done to me!?
To Be Continue.....
Sana Ol malapit kay Crush.