Chapter 12

Chapter 12

Nung araw ding iyon ay ti-nake namin ang Advice ni Ms. Michelle na maglibot sa buong kompanya. Nakakalibang 'din naman iyon dahil sa laki ba naman ng XX Company, Ewan ko nalang kung hindi ka masiyahan sa pag-gagala sa kabuuan neto.

Marami 'din kaming mga nakakilala sa iba't-ibang istablisyemento na mga baguhan palang 'din sa Kompanya tulad namin. Pero syempre, mas matagal na sila kesa samin na nag tra-trabaho dito. Sila pa nga ang nag advice samin ni Mia na wag ma Pressure at i-enjoy lang ang pagtra-trabaho.

Masaya ang naging Sabado ko. Kahit na sa buong araw ay hindi ko nasilayan si Mr.Soyu na lumabas ng kanyang Opisina para naman i-welcome kami ni Mia, kaya medyo nakakapang hinayang.

Pero natatawa 'din ako sa sarili ko kapag naiisip koto eh. Sino ba kasi kami para sakanya, diba? Malamang mas tatapusin non ang trabaho kesa sa aliwin kami na pangkain oras lang para sakanya. Syempre, CEO ba naman. Malamang marami iyong trabaho na kailangang pag tuunan ng pansin kesa samin.

Buti nalang nga napaka daldal ni Mia kasama, 'na hanggang sa pag-uwi namin ng hapon ay daldal parin siya ng daldal tungkol sa anumang diskusyun na ikinatawa ko ng ikinatawa dahil kung hindi Tismis ang lalabas sa bibig niya, Laet.

Naghiwalay kami ni Mia mga pasado 8:30 ng gabi ng bumaba ako sa amin. Natagalan pa kasi kami sa Jollibee dahil duon kami dumeretso pagkatapos namin sa Kompanya at duon nag chismisan ng kung ano-anong bagay na pwedeng pag-usapan. At tulad ng dati ay nilibre niya ako, Hehe.

"Ma! Nandito napo ako," Mahina kong salubong sa Mama kong nag-iinom nanaman sa Sofa.Tiningnan niya naman ako at nginitian. "Ohhh, Andito napala yung gwapo kong anak! Musta? Haha," Tanong ni Mama ng makapag bless nako't maka halik sa pisnge niya. "Ok naman po Ma, Eto medyo pagod. Aakyat na'ko Ma, ah."

Sagot ko. "Eh, Kumain kana ba?"

"Opo Ma, Nilibre ako ng kaibigan ko sa Jollibee," Masaya kong sabi na ikinatawa niya lang. "Yan Nak! Tama yan, Magtipid ka dahil hindi kona alam kung may laman paba ang ATM ko pang tustos sa'yo at sa gastusin. " Pabiro niyang sabi ngunit deep inside ay alam kong Totoo yon.

Nginiwian ko nalang naman ang Mama bago umakyat na ng hagdan patungong kwarto ko para makapag pahinga na.

Pagkapasok ko ng Kwarto ay kung saan-saan ko nalang tinapon ang mga gamit ko at humilata nalang sa Kama ng deretso para makatulog na.

Hindi na siguro ako maliligo dahil sobrang bigat na ng katawan ko dahil sa sobrang pagod kagagala. Bukas nalang siguro, kaya matutulog na'ko ngayon ng Maaga, dahil may labahin pa'ko bukas! huhuhu,

Tinuloy ko nalang ang Idea kong wag nang maligo at diretso tulog nalang. Hindi ko Naramdaman ang Lagkit sa katawan dahil mas matimbang ang pag antok ko, Kaya madali nalang ako napapapikit.

Kaso ng patulog na'ko ay bigla namang nag beep sa bulsa ko ang CP ko kaya naalimpungatan ako. Madali ko itong Kinuha at tinignan agad kung sino ang nag text.

Unknown Number ang nakalagay kaya di tukoy kung sino ang nag text. Kaya para matapos na ay inopen ko nalang ang message niya at napakunot ang noo ko sa nabasa.

[Unknow Number,]

Congrats to you, BTW

"Sino to?" Bulong ko dahil bagong-bago lang talaga ang number na ito sa'kin. Hmm, Tawagan ko kaya? hay, sige na nga! Mamaya kaibigan ko pala to eh,

"Ahmm, Hello? Sino po ito?" Tanong ko agad ng sagutin ng sa kabilang linya ang telepono nya.

Nung una ay tanging mabigat lang na paghinga ang aking naririnig, Pero ng kinatagalan. "Hi, This is Soyu." Sagot niya na ikinatayo ko ng tuwid at ikinagulat talaga ng literal pa sa literal!

Wahhhh! Totoo bato!!? It cant beeee!!!

To Be Continue...