Chapter 16
"Miaaa!" Tawag ko sa kaibigan ng maresembla ko ang kanyang likod ng bumaba ako ng Jeep. At di nga ako nag kamali. Siya nga iyon. "Wahhhh! Nathann, uhuhu! Buti nalang nakita kitaa, akalako late na'ko eh!" Sambit niya ng makalapit ako sakanya dahil tumakbo na'ko. Nakalingkis nadin agad ang kamay niya sa braso ko habang nakasandal ang Ulo sa balikat habang naglalakad.
Hinayaan ko nalang naman iyon at napabuga nalang ng malalim na hininga dahil mukhang nasasanay nakong lagi kaming magkadikit ni Mia.
"Gagi hindi ka late Mia. Sakto lang ang dating mo dahil may exception tayo dahil students pa tayo." Tukoy ko sa sinabi ni Ms. Michelle sakin na Ikina-O ng bibig niya sa mangha.
"Woah! So College Student kadin?" Tumungo ako. "Wehhhh!? Halaa, Saan ka nag-aaral!?" Excited nyang tanong ng makapasok na kami ng Building. Nailang panga ako sa pagpasok namin kanina e.
Pano kasi, Si Manong Drei at Manong Drew. Nakangisi sa'kin na parang may ginagawa akong kung ano. Hindi ko naman sila maintindihan dahil mahina nga ako sa panghuhula! Piste. Pare-Pareho talaga ang mga lalaki ng ugali.
"Ouhm. Sa UP ako nag-aaral, Second Year College na ng Filming and Directing." Simple kong sagot na ikinalaglag ng panga niya. As in. Ikinalaglag talaga. "Wehhhhhhhhhh!!?" Sigaw niya na ikinapikit kopa dahil ang tinis ng boses ni Mia!
Buti nalang wala medyong tao dito sa First Floor jusko, kundi. Hayyyy, Kahit kailan talaga tong si Mia. "Ouhm ngaaa! Kahit tignan mopa sa Resume ko." Sagot ko sakanya ng makaladlad ko siya papasok ng Elevator.
"OMG. I'm so honored to be with you Nathan! Shocks. Para akong nakahawak ng Demi-God sa talino ngayon! Wahhh! I Feel the vibe of my brain! Tatalino ata talaga akoo, kapag kasama ka!" Tuwang-Tuwa niya pang sabi na ikinatawa ko nalang dahil sira-ulo talaga tong babaeng to.
"Haha, Mia ano bang pinag-sasabi mo dyan. Hindi naman ako matalino. Sakto lang. " Pagsasabi ko ng katotohanan na ikina poker face niya lang dahil mukhang di siya naniniwala. "Oh, baket? Totoo yon ah!" Pagdidiinan kopa na ikinairap niya.
"Alam mo Nathan, Kung hindi kapa Matalino sa Lagay nayan, paano naman ako diba? Saan nako lulugar sa mundong to peste ka! Ang pasukan sa UP ay mas mataas pa sa pinag sama-samang Pride ko simula nabubuhay ako! Kaya wag mong sabihin na hindi kapa matalino sa lagay nayan! dahil nakakainsulto ka!" Dakdak niya habang dinuduro ako. Sinimangutan ko nalang naman siya at hindi nalang sumagot para sarili dahil bumukas na ang Elevator sa Floor namin.
Lumakad kami pareha sa Hallway. Wala masyadong tao dahil lahat ay nasa kanya-kanyang Faculty na. Nakaramdam tuloy ulit ako ng kaba dahil unang araw ko ito sa trabaho!
Kanina nawala to eh, kasi kinakausap ako ni Mia! Pero ngayon na mukhang may sanib engkanto si Mia at bumu-bulong, bulong nalang ng mga salita na hindi ko naman rinig ay bumalik na-naman ang kaba sa aking dibdib! Hayy, Sana lang talaga kayanin ko ang unang araw ko dito.
"Oh, Here they are Mr. Soyu. " Salubong samin ni Ms.Michelle sa bukana palang ng Faculty namin. Pero imbis na siya ang pagtuunan ko ng pansin ay iba ang nakapukaw sa paningin at atensyon ko. Si Mr. Soyu.
Pormal na pormal ang suotan gamit ang kanyang Toxido Suit na Itim at White V Neck T-Shirt sa loob nuon at with Tie. Samahan ng fitted na pants na itim din at makintab na sapatos pang office.
Samahan pa ng naka Wax nyang Faded hair at gwapong mukha. Putek! Ngayon hindi kona alam ang uunahin kong maramdaman. Kilig ba or kaba.
"G-Good Afternoon Mr. Soyu. " Bati ko ng may kasamang tungo na ginaya naman ni Mia. Whoo! Buti nalang madali akong nakabawi ng sarili. "Good Afternoon too. " Fluent english nyang balik na ikinangiti ko.
"Ahm, Sir Park? Baket po pala kayo nandito?" Tanong ni Mia kaya napalingat ang tingin niya sa katabi ko habang mariin niyang tinititigan si Mia. Para bang may kinukumpirma sya tungkol kay Mia. Pero ng katagalan at siguro'y napansin nyang lahat kami ay nakatingin na sakanya ay sinagot niya narin ang tanong.
"Oh, About that. i'm just here to Welcome you both. Especially you, Mia. " Ngiti niya kay Mia na medyo ikinatungo ko. Kalako kasi ako e.
"And for more, I'm just here to say that don't be late again. You are both late in 20minutes now. I hate late people, so better this will not happen again, Understood?" Sambit niya samin na ikinatungo lang namin ni Mia, dahil nahihiya narin naman kami dahil unang araw palang palpak na agad. Pero, sa pagkakaintindi ko sa sinabi ni Ms. Michelle nuong nakaraan na oras hindi pa naman kami late.
"Especially you Nathan. You are the Assistant Writer. You have many task than Mia so better to be here earlier than her. " Usal pa ni Mr. Soyu na ikinalaki na ng mata ko.
"B-But Sir, Ang uwi kopo kasi sa School is 4:00PM. Mag Ko-Commute pa po ako pauwi. papunta dito, k-kaya po baka imposible pong maagahan kopa d-dahil ito na po yung pinaka maaga ko. " Kinakabahan kong turan na ikinataas lang ng kilay niya. Tila ba'y siya ay walang pake sa mga narinig galing sakin.
"Should i fired you then, And find another person who can do what i want?" Malamig nyang usal na ikinataas ng balahibo ko dahil ngayon kolang nakita ang side na ganto ni Mr. Soyu. Nakakatakot.
Umiling-iling agad ako bilang sagot. "N-No S-Sir. G-Gagawan k-ko po ng p-paraan. J-Just, Don't fire me. " Nanginginig kong sagot na ikina tungo-tungo niya lang.
"Good Then. and by the way, Your Schedule is been re-fixed. Mia, your off is 8:30 P. M, While you Nathan will be stay longer here in the Company around 10:30 P.M. Understood?" Dagdag niya pa habang may kinakalikot sa IPad niya.
'Ni hindi man lang siya nakatingin sakin nang sinasabi ang mga salitang iyon. Gusto kong mag reklamo. Gusto kong umiyak. Gusto kong mag salita. Wala ito sa usapan na ganoo'n ang call out ko.
Ganto ba talaga ang totoong Mr. Soyu? "I'm Asking you Nathan. Do you Understood?" Madiin niya nang tanong habang nakatingin na sakin ng masama.
Tinungo-tunguan ko nalang naman si Mr. Soyu dahil hindi kona kaya pang mag buga ng salita. Paiyak na kasi ako, at alam ko na kapag binitiwan ko ang pagkagat sa labi ko ay hindi kona mapipigilang umiyak.
"Good. So Welcome to my Company. " Smirk niya pa bago maangas na lagpasan ako. Take note na sa gilid kopa siya dumaan ah.
Tinunguan nalang naman kami ni Ms. Michelle bago sumunod kay Mr. Soyu palabas. "So Heartless, " Bulong kopa habang pinipigilan parin ang sariling umiyak.
To Be Continue...