Chapter 17

Chapter 17

"Nathan? Ok kalang ba?" Malungkot na tanong ni Mia na hindi ko naman agad na sagot kasi nag aalin langan pako kung mag sisinungaling bako sakanya na, ok lang ako. O mag sasabi ako ng totoo na hindi.

Ilang Oras narin ang lumipas simula ng nangyari ang interaksyon na iyon sa pagitan namin ni Mr.Soyu, At aaminin ko. Talagang dinamdam ko ng sobra ang mga sinabi niya dahil para namang sobra naman 'ata yon para sakin lahat.

10:00 P. M ang call out ko? At napaaga pa ang pasok ko ng higit sa oras na 5:00 P.M? At ang rason ay dahil ako lang ay isang Assistant Writer? Ganoo'n ba yon? dahil kung ganoo'n nga, hindi ako Natutuwa sa plataporma niya.

Masyadong bias iyon para sa may mga posisyon. Habang sa mga low ranking hindi makatarungan, tulad ko. Dahil kami ang gagawa ng mga hindi natapos na trabaho ng mga high ups, 'na hindi naman talaga dapat namin trabaho dahil ang trabaho lang naman talaga namin ay tulungan at i-assist sila. Hindi ang padedein sila.

Hindi naman kasi porket kilala at tanyag ang kompanya nila sa buong mundo ay hindi na sila mag papakita ng hospitality sa mga impleyado nila para mas lalo silang umangat. Naiinis na'ko ngayon palang sa Mr. Soyu nayon dahil unti-unti ko ng nakikilala ang ugaling sinasabi nila Manong Drew at Manong Drei sakin.

Gusto ko nga sa nang umangal sa binigay niyang Schedule sakin, kaso sino ba naman ako para pakinggan niya? Baka kapag narinig niya lang ang mga hinaing ko sa pamamalakad niya ay baka ipatapon niya lang ako sa labas.

Kaya bahala na siya sa buhay niya kung anong gusto niyang gawin sakin habang nag tra-trabaho ako dito sa Kompanya niya. Wala nakong paki makasahod lang dahil kanina pag-uwi ko ay nakita ko ang bill ng kuryente at Tubig namin sa labas ng bahay. Tambak na Tambak na kami sa bayarin na umabot na ang parehong bills ng tatlong Buwang walang bayaran.

Alam ko rin na wala naring pera si Mama para bayaran ang mga iyon. Pano kasi, Jin nalang ang naiinom niya. Dati-Dati naman puro mamahalin ang mga nasa hapag na alak. Kaya sure akong wala ng pera iyon,

Plus yung bahay pa, Hindi pa samin iyon. kaylangan ko din iyon tustusan ng buwanan pati narin ang expenses ko sa School para naman hindi nako manghi kay Mama pati ang baon. Kaya bahala na talaga kung ano ang mangyayari sakin sa Kompanyang ito. Kaylangan ko ng trabaho at pera, Kaya laban!

"Uyyy Nathan!! Girl!? Ano naaa! Ok kalang baa? Nag-Aalala na'ko sayoo!" Yugyog na Sakin ni Mia sa Sweeveless chair ko na ikinatawa ko lang. "Ouhm nga! Ok lang ako. Wag mo intindihin yung kanina staka kasalanin 'din naman natin. Nag chismisan pa kasi tayo sa labas, " Pagbibiro ko na ikina pout lang ng mukha niya bago bumalik sa upuan niya.

"K! Bastaa, Kapag nahihirapan ka sa mga gawain mo dyan sabihan mo lang ako ah! tutulong agad ako!" Masigla niyang sabi with fist hand sa dibdib niya na ikina iling-iling ko dahil ang kulit talaga niya.

Staka sa paningin ko hindi naman ako medyo mahihirapan sa trabaho ko. Puro lang naman kasi paglalagay ng indorsment label ang ginagawa ko sa mga gamit ng kompanya. Sinabi na ito samin ni Ms. Michelle na ang gagawin lang namin ay mag lagay ng mga ganto sa bawat gamit ng kompanya para mas lalo pang maka-akit sa masa.

At hindi naman sa pagmamagaling pero parang putchi-putchi nalang sakin ang pag gawa. Actually nga tapos nako sa gawain ko ngayong araw. Sinunod-Sunod ko kasi ang paglalagay ng Label.

Hindi ako nawalan ng Idea's sa paglalagay sa bawat isa dahil may kaiksian lang naman ang mga iyon. Pero syempre sinigurado kong lahat ng tinapos ko ay may magandang mga salita na alam kong ika-kakatuwa ng mga tao pag nabasa nila.

Kaya ang ginagawa ko ngayon ay patingin-tingin nalang sa mga comments ng mga readers ko throu CP, dahil sobra talaga akong nadalian sa traho. Siguro ay dala narin to ng pagiging Writer ko ng 4 na taon, kaya wala ng mahirap na bagay sakin kapag usapang mga ganito.

Staka dapat sulitin ko ang araw na ito dahil bukas tambak nako ng gawain at late nadin ako uuwi. huhuhu, Kainis talaga. Matutulog talaga ako ng maaga mamaya tapos mag pe-facial wash ako! kala niya dyan!

"Yeyyyy!! Tapos naakoooo! Wahhh!" Tuwang-tuwang sigaw ni Mia na ikinatuwa ko rin dahil sa wakas ay makaka-uwi na kami. "Ano tara na Nathan?" Tanong neto sakin ng masukbit nya ang shoulder bag niya.Tinunguan ko naman siya at tumayo narin.

"Tara!"

To Be Continue.....