Chapter 19

Chapter 19

"Good Afternoon po Ms. Michelle!" Masaya kong bati ng masalubong ko siya sa hallway papuntang faculty namin. Nginitian niya naman ako at niyakap.

"Good Afternoon too Nathan! Aga mo ah! good yan, para di magalit bebe ko. hihihi," Bungisngis pa niya bago ako lagpasan. napanganga naman ako habang tinitignan ang masayang likod ni Ms. Michelle na kumikendeng-kendeng pa.

Bebe? "Hay Bala na nga, atleast di siya masungit. " Bulong ko nalang at lumakad na papuntang Creative Faculty.

Kagabi. Ginawa ko ang pinangako ko sa sarili ko. Nag facial wash ako at nag skin care rin para maganda ang bungad ko sa totoong araw ng trabo ko. Nag update din ako kahapon na ikinatuwa ko kasi makakapag focus ako sa ibang mga bagay ngayon na walang alalahanin.

Maaga 'din akong pumasok ngayon dahil nagpalipat nako ng night sched sa mga major subs ko. Madali ko lang yon nagawa dahil favorite naman ako ng mga profs at Ma'am ko. Ginawa ko ang lahat ng to para masunod ang lahat ng sched ko. Effectivity nun ay bukas.

Yun nga lang, mas late nako uuwi kasi late 'din naman ako matatapos dito. Baka nga abutin nako ng mga 3:00 A.M maka-uwi dahil tatlong subs ang papasukan ko after ng work kaya feeling ko mas mapapa-aga ang pagtanda ko. Hayst.

Hindi kona nga sinabi ito kila Azle at Zac dahil alam ko namang se-sermonan lang nila ang pamamalakad ni Mr. Soyu at sasabihing huminto nako sa pag tratrabaho eh. Kaya kanina hindi nako nagbalak mag kwento kahit napa ang dalawa ay gustong-gusto marinig ang updates ko.

Hindi rin nila alam ang Night Sched ko dahil magkaiba naman kami ng mga Strands. Si Zac at Azle kasi, Engineering. habang ako naman ay Filming. Nasaktohan lang talaga na may tatlong subject ako ngayong sem na related sa subs nila kaya mag kaka-kaklase kami sa mga minor-subs ko.

"Ay palaka!" Sigaw ko ng pagkabukas ko ng pinto ay si Mr. Soyu agad ang bumungad sa harap ko. Naka upo sa table ko habang naka cross arms na naka harap sakin. Napangiwi naman ako dahil nakasimangot agad siya sakin na para bang kahit wala pakong ginagawang masama ay parang sa isip niya ay meron na.

"Good Afternoon Mr. Soyu." Magalang kong bati sabay bow. Napapanood koto sa mga K-Drama's eh, Yung tumutungo sila sa mga high ranks or sa mga kakilala nila kapag nagkikita sila. hehe,

"Good Afternoon too." Cold niyang sabi na ikinalunok ko ng sarili kong laway dahil ang intense agad ng paligid namin. Huu! Grabee! Naka Aircon naman kami dito bakit ganto, jusme.

Ang gwapo pa ni Mr.Soyu sa business attire niya ngayon, huhuhu, Kaya kahit galit tuloy ako sa plataporma niya parang gusto kona siyang patawarin dahil parang malaking kasalanan ang magalit sa gwapong mukhang to.

"I'm Glad you obey your early Sched. That's good Nathan. " Pag-iiba niya ng topic matching pag-didiinan pa sa pangalan ko.

Nginitian ko siya at tinunguan ulit. "Salamat po," Masaya kong sambit habang tuma-talon, talon na sa kaloob-looban ko dahil na-impresed sakin si Mr. Soyu! Yess, "And By the way,"

"This Papers and documents in my back is needed to be done by now. I hope you can do this in an hours, Can you?" kaswal nyang tanong na ikina angat agad ng ulo ko at tumungo-tumungo. "Opo, Opo Sir! Kaya kopo yan tapusin lahat!" Sa sagot kong iyon ay ilang segundo syang napatitig sa mga labi ko. Hindi ko yon pinag-isipan ng ano mang malisya dahil saglit lang iyon. Kasunod noon ay tumungo-tungo siya at napatungo.

Buti nalang sinundan ko ang galaw ng mukha niya dahil kung hindi, hindi ko makikita ang kauna-unang pagtawa ni Mr. Soyu! Wahhhh! Ang gwapo niyaaa talagaa!

"Ok Then, Goodluck. " Pilit niyang malamig na untag bago umayos ng pagkakatayo at lumakad na papaalis.

Pagkatanggal niya ng kanyang malapad na katawan sa sinasabi niyang gawain ko ay agad akong napanganga dahil sa sobrang daming papeles ang nakalatag sa desk ko na halos mapuno.

Hindi ko lang pala ito kanina nakita dahil malapad si Mr. Soyu. At ngayong nakita kona. Gusto ko nalang lamunin ako ng lupa sa kinatatayuan ko ngayon o di naman kaya'y isang maging itlog nalang.

"Ehhhhhh!!? "

To Be Continue....