Chapter 20
"May araw ding kakarmahin ka Mr. Soyu tandaan mo iyan. Napaka mapagpanggap mo. Akalako pa naman bumait ka kahit kaunti, hindi pala. Mas masahol kapa sa mga Terror Profs sa UP. Madapa kasana. Hindi, Mauntog ka sana. Yung Noo lang. Sayang mukha. Sana ma delete mo file mo sa USB. Ulol kana. I hate you. fuck you. "
Bulong ko habang ginagawa ang sangkatutak na trabahong iniwan sakin ng pinaka mamahal kong Boss. "Uy, Nathan, Bulong-Bulong mo dyan." Pagtataka ni Mia habang sinisilip ang ginagawa ko. Hindi ko naman pinansin ang presensya niya at nagpatuloy nalang.
Wala kasi akong gana ngayon makipag usap sa kahit sino man. Para kasi akong Pinatay ng lalaking yon sa dami ng trabaho ko ngayong araw. Kulang nalang nga ay pati ang trabaho ng ibang mga employee's dito ako na ang gumawa.
"Dami naman niyan Nathan, Grabe, Bat sa'kin unti lang naman." Pagtataka pa ni Mia na ikinainis kolang lalo dahil hindi talaga makatarungan ang pamamalakad ng gwapong yon sa kompanya niya.
Pagsa iba naman katulad kay Mia hindi ganto karaming gawain! Pero pagsakin. Wahhhhh! Nakakainis talaga siya! Napaka sama niyang tao peste siya, sayang talaga gwapo nyang mukha dahil napunta sakanya. Dapat sa iba nalang e,
Paano ko tuloy matatapos to. Ang dami neto. Nakapangako pako na matatapos koto ngayong araw sakanya! Hayysst! Mag da-dalawang araw palang pero pinapagmalupitan niya na ako! May kaso bang ganto sa pilipinas? Dahil kung meron. Kakasuhan kona talaga ang lalaking yon! Bwisit siya.
"Ahm, Nathan? Kaylangan moba ng tulong sa mga to? Mukhang hindi mo kaya eh," Sigee, bili. Hehe, Thank you Miaa!
Ayon sana ang gusto kong isagot ngayon kay Mia sa pagiging matulungin niya, Pero hindi ko pede sabihin iyon dahil trabaho ko itong sarili na si mismong Mr. Soyu pa ang nagdala para paranasin sakin ang impyernong to.
Sure ako na kapag tinanggap ko ang tulong no Mia ngayon ay dadakdakan nanaman ako nuon. Alam ko naman may CCTV siya dito eh, At alam ko ring pinagmamasdan nyako ngayon. Naghihintay lang ng tyempo ang bakulaw nayon para magkamali ako. At kaapg nangyari yon, Papagalitan na-naman niya ako! Kala niya dyan,
"Mia, Sige, Ok lang ako. Tapusin mo nalang yung mga ginagawa mo. Mukhang mahirap eh. " Labag sa loob kong sabi kahit na ang totoo ay Gustong-Gusto kona tanggapin ang kamay niya dito. huhuhu, Peste ka talaga Mr. Soyu! I hate you! Get lost. "Sure ka Nathan? Ang dami neto oh! Sobra. Baka hindi mo matapos. Patapos naman na ako sa'kin eh, Ano?" Tanong niya ulit na nakaka akit ng tanggapin kasi mas alam ko sa sarili kong hindi ko kaya ng ilang oras lahat ng ito.
May Night Sched pak poo ng kaylangan pasukan at Lasingerang Nanay na kaylangan uwian. Hindi ako pedeng mag over time ditoo!
"Ahh, Hindi ba talaga ako makaka-abala sa'yo?" Nahihiya ko ng tanong na ikinangiti at ikinatungo niya. "Ouhm, Patapos nako sa'kin. Onepage nalang naman yon. unti pa. Inuna ko kasi yung maramo para madali nalang sa huli." Masaya nyang sagot na ikinakislap-kislap ng mata ko dahil hindi lang talaga sa talak tong si Mia at sa pagpapatawa magaling.
Sa pakikihalubilo din. Kaya hindi talaga ako magtataka kung bakit naka-close ko agad siya. hihihhi, Im so blessed that i have a friend like Miaa! lalo na ngayong mga nasa ganitong kalagayan ako. I Love You Miaa,
"Ehem. Ehem. " Intarapta samin sa pag tra-trabaho ng kilalang-kilala kong boses. At mukhang tulad nga ng hula ko kanina. Alam niya ang bawat nangyayari wt nandito sya pahirapan ako.
"Good Eve Mr. Soyu." Pareho naming bati ni Mia bago umupo ng kanya kanya. tinunguan naman niya kami bago tignan ako ng saglit. Lumandas ang usling ngisi sa mga nguso niya na ikinairta kolang kaya hindi ko nalang tinignan ang perpekto nyang mukhang may sa kulam ata kaya ganoon.
Sa halip. Pinagpatuloy ko nalang ang trabago kesa naman sa nakatunganga lang ako kay Mr.Soyu. kaylangan kong tapusin to ngayon. kaya koto.
"By The Way, Mia are you free now?" Tanong niya sa kaibigan na ikinagulat ko at ni Mia 'rin. Napatigil tuloy ako. "Why Sir?" Takang tanong ni Mia na sinagot naman ni Mr. Soyu agad.
"Can we eat dinner together? in the canteen thou," Kaswal niyang yaya na ikina-O ng bibig ni Mia. Habang ako naman sa gitna nilang dalawa ay nakatungo lang. Kunwari ay gumagawa pero ang totoo ay nakikinig sa usapan nila.
Napatingin sakin si Mia saglit ng may pag-aalala. "A-Ah, Sir. How about Nathan? Di n'yo ba siya yayain?" Tanong ni Mia na ikina alarma ko agad.
"Ah. Mia ano. Ahh, Ayaw ko. Busog pa kasi ako eh, kumain kasi ako sa bahay kanina kaya medyo dipako natutunawan." Ako na ang sumagot para sa sarili ko. Dahil kung hindi baka mapahiya lang ako dahil alam ko naman ang isasagot ni Mr. Soyu don ay 'hindi'.
"Ahh, Ok. Sure ka ah," Tanong niya. "Y-Yap, just dont mind me. Enjoy." Pilit kong ngiti na ikinatungo ni Mia. "So lets go Ms. Mia?" Charming na tanong ni Mr. Soyu kay Mia na sinagot naman agad ni Mia ng Oo, bago ako iwang mag-isa sa CF.
"Okk taraa!"
Napabuga ako ng malalim na hininga dahil sa kakaibang nararamdaman sa sarili. Para bang, May naramdaman akong,
Sakit? hmmm.
To Be Continue.....