Chapter 24
Nathan Castillo Ramirez POV
Palabas nako ng building noon nung makabangga ko si Ms.Michelle na luhaan.
Katatapos kolang noon sa trabahong pinapa-gawa sakin ng magaling kong boss, Tinapos ko lahat ng nilagay niya sa table ko kaya sobrang drain na drain ang utak at sistema ko.
Lantutay na akong naglalakad at wala nakong paki sa paligid. Basta lakad nalang dahil alam ko namang wala ng tao ng mga gantong oras sa hallway, Pero mali pala.
"Ma'am Michelle, Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Pagtatanong ko ulit sakanya ng tumahan na siya sa pag-iyak sawakas.
Hindi niya muli ako sinagot at nanatili nalang tulala habang sinisinok na dahil sa sobrang pag-iyak niya kanina pa.
Napabuga ako ng malalim na hininga at pinilit ko nalang siyang intindihin sa abot ng aking makakaya.
Palagay ko kasi hindi makakatulong ang pagiging usisero ko sa Personal niyang problema kaya siguro ay hindi ko nalang siya pipilitin kung ayaw niyang ibahagi sakin ang detalye.
"I confessed to Mr.Soyu about my feelings towards him. And i got rejected." Mapait niyang unsad sa kawalan na ikinagulat ko. "H-Huh?"
"I like Mr.Soyu a lot back then. I admire him so, so much that i give up everything that i could give up just to get his attention, B-But i realize t-today that my everything wasn't good enough for him,"
"It was very not enought." Pagsasalaysay niya habang umiiyak na-naman niya. Sa puntong ito, Nakaramdam na talaga ako ng matinding awa para kay Ms.Michelle dahil sa sinapit niya.
Syempre, Sino ba namang tao ang hindi iiyak kapag hindi ka mahal ng taong mahal mo diba?
Kinalma ko ang aking sarili sa sitwasyon naming dalawa. Kaylangan kong maging matapang sa harap ni Ate Michelle dahil mas kailangan niya ngayon ng payo kesa ng awa galing sakin.
Ta-Tanggalin ko muna ang trabaho na pumapagitan samin at maging kaswal nalang. Kaylangan niya iyon, dahil mas magiging komportable kaming pareho doon.
"Ate Michelle, Wag kana umiyak." Sambit ko na ikinalaki pa ng mata niya. Siguro ay hindi siya sanay na tinatawag siyang ganoon, Pero kalaunan naman ay hindi niya ako pinuna kaya nagpatuloy nalang ako sa pag-aalo sakanya.
"Alam mo Ate, Minsan talaga mapaglaro ang tadhana." Napatingin siya sakin at napatigil sa pag-iyak. "Tignan mo, Yung taong gustong-gusto mo ayaw niyang ibigay sa'yo, Tapos yung iba naman na tao dyan, yung hate nila nagugustuhan nila tapos in the end, nagkakatuluyan sa huli, diba?"
"W-What do you mean?" I sigh before continuing,
"Pinapahiwatig ko lang na mapaglaro si Tadhana Ate Michelle. Malay mo, Gustong-Gusto mo si Mr. Soyu ngayon tapos pagkagising mo hindi na pala." Kinunutan niya ako ng noo sa imposible kong sinabi na ikinatawa ko.
"Hoy! Ate Michelle may ganoong mga tao. Kaya nga nabuo ang word na out of love, diba? Kasi para doon yun. Kaya kung ako sa'yo Ate Michelle, Isipin mo nalang ngayon na hindi para sa'yo si Mr.Soyu dahil nakatadhana ka sa iba. Sabihin na nating mahirap maka hanap ng mas angat kay Mr.Soyu sa Talento at Kapangyarihan pero ano naman? Perpekto ba siya? Hindi diba."
"Kaya may wala parin s'ya na meron sa ibang tao dahil, no body is perfect. At alam moba kung anong wala kay Mr.Soyu, Ate Michelle?" Kaswal kong tanong na ikina-tawa niya ng bahagya habang nakikinig sa words of wisdom ko.
"Ok, then what?"
"Ito." Turo ko sa dibdib niya na ikina kwestyon ng mukha niya. "Wala siyang Pakiramdam dyaan kaya hindi niya alam ang pakiramdam ng masktan na ginagawa n'ya sa iba, Sa'yo. Kaya wala siyang paki kung may masaktan siya sa bawat galaw niya. At yun na dapat ang hanapin mo next time sa isang lalaki Ate Michelle, kapag nagka-gusto ka ulit. Yung may puso na, Hindi yung kagaya ng Soyu nayon na Manhid na ata ang sistema sa kaka-trabaho, "
Napatawa ko naman siya sa huli kong linya na ikinangiti ko ng malapad dahil sa wakas ay napatigil at napangiti ko narin sakawakas si Ate Michelle. At dahil nagawa kona ang misyon ko,
Tumayo ako at naglahad ng kamay sakanya, "Ano, uwi na?" Masaya kong tanong na ikina ngiti niya ng malapad bago tumungo at tanggapin ang kamay ko.
-
"How old are you again Nathan?" Fluent english niyang tanong. Nandito na kami sa labas ng building. Naghahanap ng masasakyan. "19 palang Ate, Hehehe," Ngiti ko na ikinagulat niya.
"For real?!" Tanong niya ulit na hindi ko muna sinagot dahil pinara ko ang Taxi'ng nakita sa high-way na pumarada naman sa harap namin kalaunan.
"Oo te Michelle, 19 palang ako." Sagot ko bago siya pag buksan ng pintuan ng taxi na ikina ngiti niya. "I can't believe it. You act like a 30's back then. " Sambit niya bago pumasok sa Taxi at sinabi kay manong driver ang address.
Niyaya pako ni Ate Michelle na sumakay narin sa Taxi pero tumangi ako. Paano wala kasi akong pambayad sa Taxi kasi nagtitipid ako, huhuhu. Hanggang Jeep lang muna ang kaya kong i-afford dahil ang daming gastusin sa likod ko na nakatambak.
"Are you sure you ok to take a Jeep?" Tanong ulit ni Ate Michelle na sinagot ko din naman agad at nagsabing ok lang naman ako dahil sinasanay ko nadin ang sarili na mag commute ng late dahil araw-araw kona itong gagawin.
Plus, hindi pa naman ako diretso uwi dahil papasok pako sa night classes ko kaya ang sad. huhuhu,
"Byeee Atee Michelle!!" Kaway ko sa Taxi'ng papaliit na ng papaliit sa aking paningin. Ng hindi kona makita ang taxi ay naghanap nako ng Jeep patungong UP na mabilis ko namang nagawa dahil 10:00 palang naman ng gabi. At Metro Manila naman ito,
Habang nasa byahe, hindi ko makalimutan ang ginawa ni Mr.Soyu kanina kay Ms.Michelle. Alam kong hindi naman dinetalye ni Ms.Michelle kung paano siya ni-reject ni Mr.Soyu pero basang-basa ko sakanya na kahit hindi niya man sabihin sakin ay alam ko na, sa masakit na paraan siya ti-nurn-down ni Mr.Soyu.
Ini-imagine ko palang ngayon ang masasakit na salita na binitawan niya kay Ms.Michelle kanina ay nanginginig nako sa galit.
Mas lalo kong inaayawan ang pagkatao ni Mr.Soyu sa bawat araw na nagkikita kami. Unti-Unting natutunaw sa isip ko na Mabuti parin siya kahit papaano.
At sa nasaksihan ko kanina, Nawala na talaga ang paghanga ko sakanya ng todo. Hindi lang pala siya Siraulong Boss at Babaero. Mapanakit din pala siya,
He reminds me of my Father in another way around. That's why my feelings towards him is vanishing and deptliting lil' by little.
Nakapanghihinayang,
To Be Continue.....