Chapter 30
"Omg, like Oh my God talaga Nathan! Muntikan na'ko atakihin sa puso ng tumawag tong katrabaho mo sa'min na, Na-ospital ka daw! Jusko ka! Ano ba kasi talagang nangyari!"
Kung hinuhulaan n'yo kung sino ang taong iyon at kung nahulaan niyo na si Azle iyon ay tama ang hinala niyo.
Nung una ay nagulat pako ng bigla silang pumasok na dalawa ni Zac dito sa Room ko ng may pag-alala sakanilang mga mukha.
Hindi ko alam kanina kung paano nila nalaman na nahimatay ako sa Opisina, pero nasagot naman iyon ng pumasok din sila Mia at Ms.Michelle kasunod nila.
Doon sinabi ni Mia nasa sobrang pag-aalala niya sa'kin ay tinawagan niya ang dalawang taong nasa recent calls ko kaya ito. Inu-usisa ako ni Azle ngayon, Habang si Zac naman ay nakatulala lang sa gilid at parang wala sa sarili.
Nang Masagot kona lahat ng sunod-sunod na tanong ni Azle sa'kin ay sunod, Ay ang pangangamusta naman ni Mia ang sinagot ko. Sunod naman kay Mia na kumausap sakin ay si Ms.Michelle, kaya ako naman ay nag explain 'din sakanya.
Nang matapos na ang lahat ng tanong nila ay nilinga ko si Zac dahil nag-aalala na'ko sa kinikilos niya.
"Oy Zac, Ok kalang?" Aniya ko sabay kapit sa kulay gatas niyang braso na hindi naglalayo ang puti sa aking kulay. Mas maputi lang ako ng unti.
Napalingat siya at gulat pa kung lumingon kaya hindi kona pinatagal ang pagtahimik at tinanong na siya ng deretsuhan.
"May Problema kaba Zac?" Taka kong tanong na ikinaiwas niya muna ng tingin bago sumagot ng malamig sa tono. "Wala,"
"Eh, Bakit ka ganito? May problema ka eh," Pangungulit kopa sakanya para sabihin niya na sa'kin kung ano ngang problema niya dahil kami nalang namang dalawa ang nandito sa kwarto.
Lumabas kasi ang tatlong babae para bumili ng makakain namin pagkatapos ko sila sagutin kaya kami ang natira.
"Wala nga Nathan, Wag kang makulit."
"Oh, Eh. Bat ang sungit mo? Huh!?" Patawang asar ko sakaniya ng sungitan niya ulit ako na may kasama ng hampas sa balikat niya kaya mas lalo lang siyang nabanas sakin.
"Hoy Zac! Ang sungit mona sa'kin, ah! May problema ba tayo't ganito ka sa'kin? May nagawa na-naman ba ako? Oh, Nag iinarte kalang kasi nag papalambing kalang sa'kin kasi nami-miss mo lang ako! Yieee, Ikaw ahhh!"
Asar kopa sa nag aalborotong Bulkan na mala dragon kung magalit na kaibigan, habang kinikiliti siya sa tagiliran niya na ikinatawa niya ng unti, kahit busangot parin ang mukha. "Nathan! Haha, Tumigil ka nga! Isa! Lagot ka sa'kin—HAHA! Nathan! Stoppp!! HAHAHA,"
"Ano? Hindi kita maintidihan! Pakilakasan! Anooo ulit sinasabi mo? Haha," Akto ko bilang bingi sakanyang mga pinag tu-turan habang ginagamit na ang dalawa kong kamay para kilitiin siya sa pareho niyang tagiliran.
Kaya ang posisyon namin ngayon ay nakatigilid nako kung humiga para mas makiliti ko ang napaka kulit na lalaking ito na tawa na ng tawa.
"Ano!? 'Di kaba magsasabi ng problema mo sa'kin, huh! Tungkol saan 'yan, Huh! Babae? Exe's? Sagot! Tungkol saan yan-"
Hindi kona natatapos ang pag iimbistiga ko sakanya dahil bigla nalang akong na out of balance sa kinahihigaan ko dahil masyado na palang nasa dulo ng kama ang upper body ko, kaya ang nangyari ay sa kakulitan ko ay hindi kona namalayan na isang likot ko nalang pala hulog nako. Kaya ayon, nahulog ang kalahating parte ng aking katawan sa ere,
Akala ko nga'y ako'y tuluyang mahuhulog na-nanaman sa sahig. Buti nalang ay maagap sinuportahan ng mga bisig ni Zac ang kili-kili ko para maiangat ako sa ere at hindi tuluyan mahulog ako sa sahig ng Ospital.
Sa pangyayaring iyon ay nagkatitigan kami ng ilang segundo lang. Ngunit para sa'kin ay parang ang tagal noon, dahil sobrang daming sinasabi ng mga mata ni Zac sa'kin na ayaw ilabas ng kanyang bibig ngayon.
Walang bumabasag ng katahimikan. Miske ako ay hindi ko magawa, ewan ko kung bakit pero gusto kong malaman ang lahat ng sinasabi ng mga mata niya ngayon gamit ang kaniyang bibig, Nakaka curious kasi. Pero mukhang walang balak si Zac ibunyag lahat ng gusto kong malaman.
"May tinatago ka." Basag ko sa namuong katahimikan na hindi ikinabago ng kaniyang mukha niya, na kanina pa seryoso simula ng magkatitigan kami.
"Paano mo nasabi."
"Nababasa ko sa mata mo. Wag kang mag sinungaling."
Napangiti siya sa aking sinabi. Pagkatapos, Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa'kin hanggang sa mag dikit ang aming mga ilong. Hindi ako nakagalaw.
"Wag kang mag tanong kung anong prino-problema, Iniisip, Inaalala, at Tinatago ko, dahil iisa lang namang tao ang nasa utak ko sa bawat minuto at bawat oras. Hindi ko sasabihin sa'yo ngayon kung sino, pero gusto ko lang ipa-aalala sa'yo na may pananagutan na ang taong iyon sa'akin dahil hinulog ni'ya ako sa isang butas na kahit anong gawin kong ahon ay hindi talaga ako maka-ahon, dahil hulog na hulog na ako sa taong iyon."
Napaiwas agad ako ng tingin at napamulhanng pisnge sa sinasabi sa'kin ni Zac ngayon. "A-Ano bang sinasabi mo,"
"Gagawin ko ang lahat para sakanya Nathan, Lahat. Gagawin ko mapa sa'kin lang ang taong pinaka-mamahal ko."
To Be Continue.....
Yeyy Happy, Happy Birthday to meee!