Simula

"I'm sorry I forgot to buy you a new brush"

I just nodded at pinagpatuloy na ang pagpipinta. Kanina pa sya dito pero ngayon lang sya nagsalita. Napangiti na lang ako nang mapansin na malapit ng matapos ang kaninang umaga ko pang pinipinta.

"You should start selling your paintings or at least open an exhibit" he suggested.

I rolled my eyes.

"I don't want to. After all this is just my pass time" I said firmly. Wala akong balak na ibenta ang mga pinipinta ko at isa pa wala namang espesyal sa mga paintings ko. They're just a normal painting. Wala akong balak makipag sabayan sa ibang painters lalo na't wala naman akong ibubuga. Ilalabas meron. I smiled in my own thought.

"Tsk. Then quit doing that sayang ang mga binibili kong brush. Ang mahal ng bili ko sa mga painting materials na yan" pagrereklamo nya. Tinarayan ko lang sya at pinagpatuloy na ang pagpipinta. Sya ang nag volunteer na bumili ng mga painting materials na yun kaya wala syang karapatang mag reklamo. Hindi ko sya pinilit. Kaya bahala sya dyan.

When I finally feel satisfied with my work ay pinicturan ko agad ito at pinost sa Instagram ko.

"Feeling good"

#randomthing

Agad naman itong umani ng ibat ibang papuri. May mga nag alok pa nga na bibilhin daw nila ang paintings ko but I refused to. Again, hindi ko pinabibili ang mga artworks ko. Kahit pa sabihin nila na maganda ang mga ito hindi parin ako kumbinsido. It's not that I don't trust my own works it just that I'm not really interested in selling them.

"Done?" I smiled and give him a kissed. "Yes dad" I said at naupo na para kumain. Kukuhanin ko na sana yung Bacon cheesy yumburger ng may ibang kamay na ang naunang nakakuha nito. I glared at Lustin. Bakit ba andito pa ang makasalanan nato? Akala ko umalis na sya kanina dahil naiinip na sya sa kakahintay sakin.

He smirked.

"Sorry nauna ako. Better luck next time". Dahil pagod ako ay hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Alam ko rin naman na paborito nya yan at hindi talaga sya magpapatalo pagdating sa burger. Ewan ko sa makasalanan na yan kung bakit ang hilig nya sa burger ever since na nakilala ko sya, ni hindi ko sya nakitang walang hawak na burger.

I asked him once kung bakit nya gustong gusto yung burger pero nginitian nya lang ako. His weird but I'm weirder because I feel like may pinanghuhugutan sya sa burger. Hope all. Nagkwentuhan lang kami nila Lustin at papa bago namin mapagpasyahang umalis na. May lakad kami ng mga kaibigan ko ngayon. Saturday na ngayon kaya kaylangan na naming sulitin ang mga araw dahil malapit na naman ang enrollment. Up until now hindi ko parin alam kung ano talaga ang gusto ko. Sometimes I envy Aileene, bata pa lang sya alam nya na yung gusto nya. Samantalang ako hanggang ngayon pinipin-point ko parin kung ano ba talaga yung gusto ko.

Sa aming magkakaibigan ako na lang yung undecided parin. I don't really know kung anong gusto ko. Habang sila sure na at may mga plans na rin sila for their future. This is so frustrating. Nakaka pressure sa tuwing nag uusap kami at nasisingit ang mga plans nila wala akong magawa kundi ang tumahimik na lang. Anong sasabihin ko? Eh hindi ko pa nga alam ang gusto ko.

"Huwag mo ng isipin yun. Mahal ka din nun" Napalingon naman ako sa sinabi nya. Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa SM trece dahil sa dami ng iniisip ko. "Anong mahal? Iniisip ko yung kukunin kong course. Hindi kung sino" I said and rolled my eyes.

"Alam ko namang iniisip mo si Graunt pero wag ka namang masyadong pahalata" inakbayan muna nya ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Why would I think about him huh?" I asked. Ngumiti naman sya ng nakakaloko na akala mo may alam syang sikreto na tinatago ko. Alam kong alam nya na may gusto ako sa pinsan nya pero hindi lang sya nagtatanong. That's one of the characteristics that I like about him. Lustin is the type of the guy na hindi ka pipilitin na umamin, hihintayin nya na ikaw ang kusang magsabe ng mga bagay bagay. Yun nga lang masyado syang magpang asar at maingay unlike Luster. Luster is Lustin's twin although twin sila their attitude were really far from each other.

Maingay na may pagka cold si Luster while Lustin is really noisy and loud. Kung may pagkakapareha man sila yun ay ang mga mata nila. They have this mesmerizing green eyes. Na talaga namang nakakaakit tingnan. And I'm proud of my self dahil hindi ako naakit sa mga matang yan.

"Nice, akala ko na-car accident na kayo sa sobrang tagal nyong dalawa" Aiah sarcastically said. Tinarayan ko lang sya at naupo na sa tabi ni Ane. Lagi naman kaming late pero hindi parin sya nasasanay. Kinuha ko na ang can beer na nakalapag sa lamesa at agad itong tinungga.

"Stress?" I shook my head and smiled to Luster. Minsan talaga magugulat ka na lang sa isang to. Kakausapin ka tapos maya-maya wala na hindi ka na papansinin. Weirdos.

"Nag enroll na ba kayo?" Ane asked.

Umiwas na lang ako ng tingin at hindi sumagot sa tanong nya. Iba ibang universities ang gusto namin kaya hiwa hiwalay kami. Pero napag usapan naman namin na tuwing weekends magkikita kita kami.

"Yeah. Kahapon pa" sagot naman ni Aiah habang hinahampas si Lustin ng unan. Kanina pa sila nag aaway hanggang ngayon hindi parin sila tapos.

"Ang kapal ng mukha mong mag aya ng inuman pero wala ka namang handa. Bweset kang makasalanan ka!" natawa na lang ako sa pinaggagawa nilang dalawa. Panay ilag naman si Lustin, Aiah love martial arts kaya kahit unan lang ang pinang papalo nya I know na may parte parin kay Lustin ang nasasaktan dahil sa lakas ng impact.

"T-teka n-naman. Aray!" Lalo naman kaming nagtawanan ng hindi na nakuntento si Aiah sa unan kaya yung mga can beer na wala ng laman ang ibinato nya kay Lust. Hindi ko na pinigilan ang tawa ko nang makita na tinamaan sa ilong si Lust.

"P*ta. Dumudugo" nakita ko na lang na tumakbo sya sa loob ng cr habang hawak hawak ang ilong nyang dumudugo. Luster shook his head while smiling. Si Aiah naman ay tawang tawa sa nangyari hawak hawak nya pa ang tyan nya. Naluha luha pa ako dahil sa sobrang tawa sa nangyari. They never failed to make me laugh. I'm so proud na sila ang naging mga kaibigan ko.

When we finally calm down ay tinulungan na namin si Lust dahil baka mahimatay na sya dahil sa dumudugo nyang ilong. It's just a can pero grabe na agad yung naging impact sa ilong nya what more kung mas matigas na bagay ang binato ni Aiah. Napailing na lang ako sa ginawa ni Aiah. Hindi naman ganun kadami yung dugo kaya hindi kami nahirapan na gamutin ito. Sa huli si Aiah parin ang gumamot kay Lust.

"Damn that girl. Kapag sya talaga ang nakakaaway ko hindi pwedeng wala akong makukuhang pasa. Daig nya pa yung babae sa commercial ng Breeze na may lakas ng sampung kamay" I just laughed at what he said. He's right. Kung alam nya lang. Sigurado akong baka hindi nya na lapitan si Aiah.

"Anyway, susunduin nga pala namin si Graunt sa airport bukas. Sasama ka ba?"

I stopped from walking bago sya hinarap. "He doesn't want me to be there. Kaya wag na lang baka sigawan na naman nya ako" I said at nagpatuloy na sa paglalakad. When I finally reached his car ay pumasok agad ako. Its already 11 pm at nauna na sila Aiah at Ane habang si Luster naman ay natutulog na sa condo nya. Hindi naman lasing si Lust kaya sya ang maghahatid sakin pauwi.

Hindi na kami nag usap pa ng magsimula na ang biyahe. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang nag iisip kung anong course ang kukunin ko. When we finally arrived ay nagpaalam agad si Lust at dali daling umalis. Napakunot noo na lang ako sa inasal nya. Bakit parang nagmamadali sya? Tsk. Bahala na nga sya.

The next morning was really shocking for me. Pag gising ko kaninang umaga ay nagulat na lang ako na nandito na pala ang dalawang kong nakababatang kapatid. I wasn't expecting them to be here especially now na malapit na naman ang pasukan. "Sinong naghatid sa inyo dito" I asked Wayne and kissed the both of them. "Mom" maikling tugon nya hindi na lang ako umimik sa sinabi nya at tinuon ang pansin sa paghahanda ng almusal nila.

"Ate Nyx. Is everything okay?" nagkatinginan kami ni Wayne dahil sa tanong ng bunso naming kapatid. Una naman syang umiwas ng tingin. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong nya. "Yes baby. Ate Nyx and kuya Wayne will take care of it. So, you don't have to worry about it. Okay?" I said and gave him my genuine smile to assured him. Kahit bungi man ay nagawa nya paring ngumiti ng malawak. Napatawa na lang kami ni Wayne sa ginawa ni Erwan. Pagkatapos kumain ay pinaakyat ko na agad si Erwan sa taas upang kausapin si Wayne.

"What happened?" he just gave me a bored look at pinagpatuloy na ang paglalaro ng Mobile Legends sa cellphone nya. Damn! Dahil alam kong hindi ko sya makakausap ng matino ay napagdesisyunan kong tawagan ang babaeng ni minsan ay hindi ko binalak na tawagan. Mas mabuti na sya na ang kausapin ko para mas malinaw.

Nakailang ring pa bago nya sinagot ang tawag.

( Nyx,hey, how are you darling? )

Pumikit muna ako at pinakalma ang sarili bago sumagot.

( What happened? What did you do, this time? )

I greeted my teeth to contain my anger. I really want to scold her right now. Pero dahil nanay ko sya pinipigilan ko na lang ang aking sarili. Dad said na kahit ano pang mangyari nanay ko parin sya at anak nya parin ako. Funny it is. Kung nanay ko sya bakit hindi sya magpaka-nanay.

( Nyx, look I'm sorry for all the things I've done in the past. Can we jus- )

Hindi ko na tinapos ang sasabihin nya at pinatay na agad ang tawag. Bastos na kung bastos pero ayaw ko sa lahat yung sinasabihan ako ng gagawin ko. How dare her asked me to forgive her. She don't know a thing. She don't know how hard it is for us to accept everything. Walang syang alam sa mga hirap na pinagdaanan namin, kami nila dad at ng mga kapatid ko. Wala syang alam kase wala naman syang pakialam.

"You shouldn't have called her" pinanood ko lang ang bawat kilos nya. Kanina pa siguro sya dito.

"The old man want us out in their house. Kaya hinatid nya kami dito" he just shrugged. "That's for the better, I guess" dagdag pa nya. I remain calm kahit pa gustong gusto ko ng sumabog sa galit. This won't happen if she didn't cheat. Kung nakutento lang sana sya kay dad edi sana wala kami sa sitwasyong ito.

"Let's go" agad naman syang tumayo. kaylangan na silang ma enroll agad para hindi sila malate sa mga lessons. Hindi na sya nagsalita pa at sumunod na lang. Inabot na kami ng gabi dahil pagkatapos kong silang i-enroll ay pumunta agad kami sa mall para bumili ng mga kaylangan nila sa school. Highschool na si Wayne while Erwan is already grade one. Dahil nga gabi na kami nakauwi ay nakatulog agad si Wayne pagdating namin hindi narin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap pa si dad.

I became very busy sa mga sumunod na araw luckily nakapag usap naman kami ni dad. Dahil nasa poder na ulit namin ang dalawa kong kapatid ay paniguradong madadagdagan ang mga gastusin sa bahay kaya nagpaalam ako kay dad na magtututor ako tuwing weekends para makakuha ng extra income at para mabawasan ang mga bayarin. Nung una ay ayaw nya pa ngunit kalaunan ay napapayag ko din sya. Nagsimula narin ang klase kaya naging mas busy pa ako idagdag mo pa na nagtututor ako.

"Accept my offer, please" I bite my lower lip. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang offer ni Mrs. Dela Cruz or not. Yes I need extra income pero kasi may tinuturuan na ako at kung magdadagdag pa ako ay sigurado akong mawawalan na ako ng pahinga. Whole day ako tuwing Sunday, half day naman kapag Saturday dahil may class pa ako. Masyado naman nakakapagod kung pagkatapos ng klase ko ay matuturo agad ako.

Sinilip ko ang batang babaeng nakahiga sa hospital bed. Naaawa ako sa kalagayan nya ang bata nya pa para makaranas ng ganyang klaseng paghihirap. Napabuntong hininga na lang ako. Sigurado akong uusigin ako ng konsensya ko kapag tinanggihan ko ang offer nato. Kaya kahit alam kong mahihirapan ako ay pumayag ako sa offer ni Mrs. Dela Cruz.

"Thank you so much iha. You just gave another hope to my daughter. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Maraming salamat Nyx" hinawakan nya ang aking palad habang naiiyak pa. I just smiled at her. Nakikita ko ang pagod sa mga mata nya. It must've been hard for her.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at nilapitan ang batang babae na nakangiti. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko ngunit ng tuluyan na akong nakalapit sa kanya ay hindi ko na ito napigilan pa. Agad ko naman itong pinunasan para hindi nya mapansin.

"Hi. I'm your ate Nyxie. Ako ang magtututor sayo" magiliw kong sabi. At binigyan sya ng matatamis na ngiti. Hinawakan nya ang aking palad at nginitian din ako.Malalim ang kanyang mga mata mababakas dito ang matinding lungkot, halata din na kagagaling nya lang sa pag iyak. Payat man ay hindi nito naitago ang maganda nyang mukha.

"Thank you, ate Nyx. Promise I'll be a good girl to you po. Please don't give up to me ate Nyxie. Kasi yung ibang mga nagtutor sa akin ay sinukuan ako. Mabait naman po ako pero hindi ko po alam kung bakit lahat sila ay iniwan ako. Sana po wag nyo ring gawin iyon" mahabang paliwanag nya. Nabanggit na ito sa akin ng mama nya. May dalawang nagturo sa kanya noon pero makalipas lang ang isang buwan ay umayaw na agad ang mga ito.

Naiintindihan ko naman kung bakit. Camille is very sweet kind of girl hindi malabong mahalin mo rin sya. At yun yung nakakatakot ang mapalapit sa kanya dahil kapag nangyarin yun ay kaylangan mo ring tanggapin na anytime ay mawawala sya sayo. Camille has Acute lymphocytic leukemia. Pitong buwan na syang nakikipag laban sa sakit nya.

"Don't worry baby. Ate Nyxie won't give up on you. Kaya dapat ganun ka rin, okay?" agad naman itong tumango. Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako tuluyang umalis. Buti na lang at wala masyadong pinagawa ang mga prof namin kanina. Lustin texted me a while ago after ng class ko at dito nya ako pinapunta. Bago pa ako kausapin ng mama ni Camille ay alam ko na ang lahat. Lustin told me everything. Kaya sobrang naawa talaga ako sa bata.

"Kamusta? Tinanggap mo ba?"

"Syempre, kawawa naman yung bata kung tatanggihan ko sya at isa pa I want to help her" Lustin smiled.

"That's the reason kung bakit ikaw ang tinext ko kasi alam kong hindi mo sya tatanggihan kahit pa masyado kang busy" he said and start the engine.

Hindi na ako nagsalita pa. Dahil sa pagod hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako kinaumagahan na nasa loob na ako ng kwarto ko. Buti na lang at wala akong klase ngayon at wala rin akong tuturuan ngayon kaya pwede akong magpahinga.

"May bisita ka. Andun sa labas, kanina ka pa hinihintay" napakunot noo na lang ako sa sinabi sa akin ni Wayne. Bisita? Wala naman kaming lakad ngayon. Hindi naman nagsabi sa akin si Lust na may pupuntahan kami. Dahil sa sobrang pagtataka ay binilisan ko ang pagbaba sa hagdan at dumiretso sa labas ng bahay. Keribels na kung wala pa akong toothbrush at suklay. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang lalaking nakasandal sa hood ng puting Mercedes Benz.

Habang papalapit ako sa kanya ay lalo namang nadadagdagan ang kaba ko. Malayo man ay alam ko kung sino ang lalaking yun. Tindig pa lang alam ko na kung sino.

"Graunt"

I almost whispered his name. Antagal na din pala simula nung huli kaming magkita. He's just there standing in front of me bagamat ilang hakbang ang layo nya ay amoy na amoy ko parin ang pabango nya. Hes dazzling eyes met mine halos kapusin ako ng hininga sa paraan ng pagtitig nya.

"I hate you" he said without breaking the eye contact.

Medyo hurt ako sa sinabi nya. Medyo lang.

Teka wag nyang sabihin na pumunta lang sya dito para lang sabihin na he hate me. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Aware ako sa kung ano ang itsura ko ngayon pero gaya nga ng sinabi ko keribels na. Tutal kahit anong ayos ko naman hindi naman ako mapapansin ng lalaking kaharap ko kaya bahala na.

"So? Matagal ko ng alam yan. Yan ang lagi mong sinasabe sakin diba? Hindi mo na kaylangan pang pumunta dito para lang ipaalam yan dahil gets ko na. Ayaw. Mo. Sakin. To. The. Highest. Level"

Kahit medyo kabado pa ako dahil baka sigawan nya ako kagaya ng dati ay nilakasan ko parin ang loob ko. Umalis sya sa pagkakasandal sa hood ng kotse nya atsaka lumapit sa akin. Dahil sa takot ay umatras ako pero huli na ang lahat dahil naramdaman ko na lang ang braso nya na pumulupot sa aking bewang.

Napahawak na lang ang dalawa kong kamay sa matigas nyang dibdib. Rinig na rinig ko na ang lakas nang pintig ng puso ko pero mas nangingibabaw parin ang kilig na nararamdaman ko. How could someone gave me this kind of feelings at the same time. Damn Graunt Euler Laveda ikaw lang ang nakapag paramdam sakin ng ganito.

Kaya dapat panindigan mo.

"I hate you ....For making me wait for you in the airport" he whispered. Tumingala ako upang tingnan ang mukha nya. Nakasimangot sya ngunit mababakas parin ang pagkainis sa kanyang magandang mukha. "What d-do you mean?" I asked.

"Tss. Why am I even doing this?" tanong nya sa kanyang sarili at umiling iling pa. Kinalas nya na ang pagkakapulupot ng braso nya sa bewang ko at tuluyan ng umalis ng walang paalam. I don't know pero nakaramdam ako ng matinding lungkot at panghihinayang. Sabi na eh duda ako dun sa hinayupak na yun.

"Sino yun?" dad asked. Umiling lang ako at dumiretso na sa kwarto para maligo dahil may klase pa ako. Hindi ako nakapagfocus sa klase ko, buong araw akong lutang dahil sa kakaisip kay Graunt at sa sinabi nya. Hinintay nya ba ako sa airport? Inaasahan nya ba na isa ako sa mga susundo sa kanya? Edi dapat pinasabi nya sa pinsan nya. Ano ako manghuhula? Ughghh! Kainis. Minsan na nga lang sya magpapakita guguluhin nya pa ako.

"Why don't you just go to his condo and talk to him para hindi ka na isip nang isip sa sinabi nya sayo" Aiah suggested. I just gave her may "baliw- ka-ba" look.

"Alam mo kung ganun lang kadali yun sana kanina ko pa ginawa"

"Aray! P*ta"

"Awit! sorry" paghingi ko ng tawad kahit sinadya ko naman talagang diinan ang paglalagay ng Betadine sa sugat nya. Tinarayan nya lang ako at kinuha ang bulak sakin. Sya na ang gumamot sa sarili nyang sugat.

"I told you to quit, Aiah. But you never listen and that's the consequences of ignoring my words" bumuntong hininga lang sya at pinagpatuloy ang ginagawa nya. Naiinis ako pero wala naman akong magagawa. Buhay nya yan at wala akong karapatang diktahan sya dahil may sarili syang desisyon.

"Let's drop this topic, Nyx. Alam mo ang sagot ko dyan" nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay nya. Tinigil nya ang ginagawa nya at tiningnan ako sa mata. "I can help you. We can help you Aiah just please let us" pagmamakaawa ko. Umiling lang sya at niyakap ako. Niyakap ko din sya.

"Don't worry about me, kaya ko pa"

"Pano pag hindi na?" dahan dahan kaming kumalas sa pagkakayakap sa isa't-isa. "Then, I'll ask you to help me" sagot nya. Tumango lang ako kahit hindi kumbinsido sa sinabi nya. Nang magamot nya na ang sugat nya ay umalis na agad sya. Kagaya ng dati ay dumaan ulit sya sa bintana. Napailing na lang ako sa ginawa nya. Aiah is weird.

*****

"You really think na gagana yang plano mo?" Aileene asked. Kontrabida talaga. We're here at Aileene's mansion. Libre nya syempre hindi ako pupunta dito kung hindi nya libre.

Tinarayan ko na lang sya. Actually kabado bente rin ako eh pero andito narin naman kaya go na lang. Napag isipan ko na yung sinabi sa akin ni Aiah kagabi kaya gumawa na ako ng plano kung pano makukuha si Graunt.

High school pa lang ako crush ko na talaga si Graunt. Nagparamdam naman ako pero olats talaga. Kaya ngayon na nandito na sya hindi ko na palalagpasin to noh!

It's now or never.

"Kung sakaling magmatigas parin sya Nyxie. What will you do?"

Napatingin ako kay Aileene dahil sa tanong nya. Ano nga bang gagawin ko? Ipipilit parin? Di ako sure.

"Syempre hahabulin nya" sabat naman ni Lust sabay hagalpak.

Napangisi na lang ako sa sinabi nya.

"Sabagay, Nyx was so crazy over Graunt di na malabong yun ang mangyare" pag agree naman ni Aileen sa sinabi ni Lust.

"What are going to do if ever he run away from you?" Cal asked with a serious tone.

Nahiwagaan ako sa way ng pagakakatanong nya pero hindi ko na lang pinansin.

I smirked.

"There's no way na hahabulin ko sya. Hindi naman ako aso para maghabol"

Bigla na lang nagsihiyawan ang mga baliw dahil sa sinabi ko. Lahat sila inaakala na titigil na lang ako basta basta kapag tinakbuhan ako ni Graunt.

"Higad ako sis. Gagapangin ko sya" dugtong ko sa una kong sinabi.

Mas lalong silang nagsihiyawan dahil sa huli kong sinabi.

"Malandi ka!" Sigaw nila Aiah at Aileene sakin habang tumatawa pa.

"Myra" maikli kong tugon.

"Anong Myra?" Kunot noong tanong ni Aiah.

"I know right" I said and smirked at them. Sabay sabay na lang kaming natawa dahil sa tinuran ko. I'm so happy lagi silang nandyan para sakin. Katatapos lang ng pagtututor ko kay Camille. Matalino syang bata kaya hindi ako masyadong nahirapan na turuan sya. Kaso bawat kilos nya ay nag aalala ako baka kasi mapagod sya masyado at kung ano ang mangyari.

Nakita ko pang umiling ang kambal na parang sinasabi nila na wala na akong pag asa.I just laughed and raise the can beer to them. Wearing my victory smile. I'll win.

"Eh ikaw Lust what will you do if the girl you like will run away from you?"

He smiled.

Uminom muna sya bago sagutin ang tanong ko.

"Like you, hindi ko rin sya hahabulin"

"Kasi gagapangin mo rin ganun?" kunot noong tanong ni Aiah.

Lust shook his head.

"Hindi ako higad. Linta ako. Madikit, mahirap tanggalin. At higit sa lahat-"

"Pwede ba? Ituloy mo na lang pabitin ka masyado" angal ni Aileene nang bitinin ni Lust ang sinabi nya.

Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Nag aantay sa susunod nyang sasabihin.

"Sumisipsip"

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi nya. We didn't expect that.

Time flies so fast mahigit isang buwan na din ng pumunta kami kila Aiah. Na miss ko agad sila.

Nandito ngayon ako sa bahay ng kambal. May sasabihin daw sakin si Cal na importante.

Nang makita nya ako ay agad nyang sinabi ang dahilan kung bakit ako nandito.

He said na pupunta sya kay Graunt dahil may ibibigay daw syang papeles rito. He's asking me kung may balak ba daw akong sumama.

But i refuse to dahil ako mismo ang nagpresinta na maghatid ng kaylangan ni Graunt.

Nung una ayaw nya pa pero sa huli ay napapayag ko rin sya.

"Are you really sure about this?" Cal asked.

I just stared at him boredly. I've never been this sure in my entire life ngayon pa lang kaya lulubos lubusin ko na.

"Yes to the fift power" i said.

He just shook his head while smiling as if i said something crazy. Wala nang atrasan.

He handed me the files na dapat sya ang magbibigay sa pinsan nya kaso hindi natuloy dahil hinarang ko sya. Cal is a very busy person kaya napag isip isip ko na tulungan sya at ako na lang ang maghatid nitong mga papeles sa bahay ni Graunt. Ang bait ko talaga.

"Be ready, you know how much he hate you" he said while patting my head.

I laughed at what he said. Matagal ko ng alam yan kahit noon pa lang ayaw nya na talaga sakin. Si Graunt yung tipo ng lalaki na allergic sa mga babae i don't know why basta ayaw nya sa mga babae. Minsan nga iniisip ko na baka bakla sya pero sabi ni Cal malabo daw na mangyari yun. I asked him why pero hindi nya naman sinagot.

"I was born ready"

Habang hindi pa ako nagdo- doorbell ay inayos ko muna ang mukha ko. Sinigurado kong maganda ang ayos ko ngayon kahit pa stress ako buong linggo.

My outfit for today is just simple.

A black off shoulder crop top paired with a high waist fitted jeans. I choose to wear a red high heels. I put a light but fierce kind of makeup and a red lipstick. I know im hot.

I smiled nang ma-imagine ko kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang ako ang maghahatid nitong mga papeles at hindi ang pinsan nya. After nung nangyari hindi ko na ulit sya nakita kaya naeexcite talaga ako.

Pipindutin ko na sana yung doorbell nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang napakagandang nilalang. Hindi kagaya ni Lustin at Cal na may berdeng kulay ng mga mata. Graunt has this brown eyes that many people would die for.

He's wearing a khaki shorts and a plain black polo shirt. Nakabukas pa ang dalawang botunes nya sa taas. San kaya sya pupunta?

Seeing him up close i can really say na gwapo nga sya. He should be illegal by having that kind of face. He's like a Greek god sent from hell.

Yes sent from hell dahil delikado ang kagaya nya. He's dangerously handsome but that's okay sabi nga ni Ariana Grande "I live with danger ".

"What are you doing here?"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita sya. I smiled at him.

"I'm here to give you this" i said at ipinakita sa kanya ang isang brown envelope na naglalaman ng mga papeles na kaylangan nya.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ito dali dali nya sana itong hahablutin ng madali ko itong nailayo sa kanya. Nakita ko pang pinagpawisan sya bigla.

Napakunot noo naman ako sa inasal nya ,bigla tuloy akong nacurious sa laman nitong envelope. Para syang nahuli sa krimeng nagawa nya. I wonder kung anong laman nito.

"Bakit ikaw? Where's my cousin?" masungit nyang saad.

Ang sungit na naman nya. Parang nung nakaraan lang kung ano ano sinabi nya.

"Tide" i simply said. Napakunot noo naman sya sa sinabi ko.

"Anong Tide?"

"Gulat ka noh?!" panggagaya ko sa commercial ng Tide. Natawa na lang ako sa ginawa ko habang sya naman ay masamang nakatingin sakin.

"Anong meron bat para kang nakakita ng multo? Anyways, I won't give this to you not until you let me in" i smiled.

Magrereklamo pa sana sya nang taasan ko sya ng kilay. He don't have a choice so he open the door and let me in. I wink at him before i enter.

Ang ganda ng condo nya simple lang pero makikita mo na pinag isipan talaga ng maayos ang bawat detalye. Sobrang relaxing ng paligid at sobrang linis.

"Now, pwede mo na bang ibibigay sakin yan? Just so you know you're here because you have to give that to me"

Nilingon ko sya at sinundan papuntang kitchen. Umupo muna ako at kinuha ang mansanas na nakalagay sa mesa. Nakasandal ang pwet nya sa hamba ng lababo habang umiinom ng tubig. Ang kaliwang kamay naman nya ay nakasuporta.

Nang magtama ang mga mata namin ay kinagat ko na ang mansanas na hawak ko without breaking the eye contact. Lustin once told me that im good at teasing , so let's try kung totoo ba ang sinabi nya.

Natawa na lang ako ng malakas nang makitang inubo sya sa ginawa ko buti na lang hindi sya nalunod. Lustin was right im good at it. I wonder kung may lumabas bang tubig sa ilong nya.

Ng makabawi ako sa pagtawa sa kanya ay inabot ko na ang envelope na agad naman nyang kinuha. Curiosity is now spreading to my body. Bakit ganun na lang sya maka react?

"You may now leave"

Tinaasan ko lang sya ng kilay sa sinabi nya. As if naman mapapaalis nya ko ng ganun ganun na lang. Hello!? Nag effort akong pumunta sa condo nya tapos paaalisin nya lang ako agad agad. No way! Atsaka hindi nya ba ako namimiss? Halos isang buwan na ang nakaraan simula nung huli kaming nagkita.

"Hindi pwede pakainin mo muna ako. Gutom na gutom nako. Anlayo kaya ng condo mo sa bahay ko" rekalamo ko.

"I didn't asked you to bring those files for me" sagot naman nya at sinimulang maglabas ng ingredients sa ref.

"Nakita kong busy si Cal kaya ako na ang nagpresinta" paliwanag ko hoping na hindi sya magduda na sinadya ko talaga na ako ang magdala nung papeles sa kanya. Isipin nya pa masyado ko syang namiss. Medyo lang noh! Hindi na sya sumagot at inumpisahan na lang nyang magluto. This is new, noon kasi sisigawan nya ako at paaalisin pero hindi na lang ako umimik baka magbago pa ang isip nya.

Noon halos pandirian nya ako, ni sulyap nga hindi nya magawa sakin pero ngayon parang ayos na sa kanya na nasa paligid ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at palihim na kinuhaan sya ng litrato. Napangiti na lang ako nang makita kung gaano sya kagaling sa pagluluto. Magaling din kaya sya sa kama? Wait! What? Kama? Ughhh erase. erase. Okay. Nyx Mania Real kalma. Sabi ko sa sarili ko, nag inhaled exhaled pako para mawala ang maruruming imahe ni Graunt na naglalaro sa isip ko.

"What were you thinking?"

Napakurap kurap muna ako bago tuluyang sinagot ang tanong nya.

"Wala" at umiling iling pa ako.

He just stared at me bago tuluyang bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi rin nagtagal ay natapos narin sya sa pagluluto.

We just ate silently. Hindi na sya nagsalita kaya ganun narin ang ginawa ko kahit pa kating kati ang dila ko na tanungin kung ano ang nakain nya at bakit bigla syang bumait sakin.

"Thank you sa pagkain. Aalis na ako" pagpapaalam ko. Tumango lang sya at hindi na nagsalita.

Akala ko hanggang sa labas ng condo nya lang ako ihahatid pero nagulat ako ng hanggang labas ng building ay nakasunod sya sakin. Pwede na ba akong kiligin? Nararamdaman kong nag iinit ang pisngi ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Let's go" he said while gesturing me to his car.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ihahatid nya ako? Seriously? For real?

"Ihahatid moko?" I asked.

"Sabi mo masyadong malayo ang bahay nyo sa condo ko. Kaya ihahatid na kita" sumandal muna sya sa hood ng kotse nya habang pinapanood ang reaksyon ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung papayag bako pero sa huli ay pumayag din ako. Biyaya nato papakawalan ko pa ba? Bawal tumanggi sa grasya.

Katulad kanina tahimik lang din kami sa buong byahe. When we finally reached our destination bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot, pagkatapos kasi nito hindi ko na alam kung magkikita pa ba kami ulit.

"Thanks for the ride" i smiled at him. Ng walang makuhang sagot tumalikod na ako at nagsimula nang buksan ang gate.

"Nyx"

Lumingon agad ako nang tawagin nya ako. Nasa loob sya ng kotse nya habang nakatingin sakin.

"Don't let any other men take you home. Do you understand?" he demanded.

Sasagot pa lang sana ako ng umalis na agad sya. Ambilis nyang magpatakbo. Sana naman safe syang makauwi hindi sya pwedeng mapahamak dahil pananagutan nya pa ang sinabi nya. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.

Sh*t! kinikilig ako!

Dear dad,

Ikakasal na ata ako!

******

Watsup! Sorry for the wrong grammars kayo na lang mag adjust medyo sabog ako dahil sa modules. Hope you like it.

Muah! Love you!

See you on my next update.

Adios!!