"Kinilig ka naman?"
"Wag kang kill joy Ane. Palibhasa wala kang love life" pang uuyam ko sa kanya. "At least ako love life lang ang wala sakin hindi kagaya sayo pati dibdib" ganti nya. Aba! Ano to personalan? I know na hindi ako biniyayaan ng malaking hinaharap pero hindi naman ako ganun ka-flat noh! Flat lang ako pero bawing bawi naman sa mukha.
"Alam mo kanina nagdadalawang isip pa ako kung sasapukin kita pero ngayon sure na ako" hindi pa man din sya nakakapag handa ay binatukan ko na sya.
"G*go ka Ane ayaw ko pang mamatay!" sigaw ko ng bigla na lang nawalan ng balanse ang sasakyan buti na lang at walang nakasunod sa amin na ibang sasakyan. Ipaalala nyo nga sakin na barumbado si Ane magdrive.
"Kasalanan mo! Bakit kasi binatukan mo pa ako. Bweset ka! Ansarap mong ilaglag sa kalsada"
"Bakit mo ba kasi ako sinundo?" tanong ko. Kaninang umaga bigla lang naman syang sumulpot sa bahay at sinabing ihahatid ako. Syempre oo agad ako sayang din yung pamasahe ko noh! Ang mahal kaya. Inabot nya ang isang invitation card. Nung binasa ko ito ay tsaka ko lang naalala na malapit na pala ang birthday nya.
"Oh my! Sa Sunday na nga pala yun" she just rolled her eyes. "Uhuh. Make sure na bakante sa araw na yan. Dahil sasabunutan talaga kita kapag hindi kita nakita dun"
"Gaga. Syempre a-atend ako noh!" tinarayan nya lang ako at nagfocus na sa pagdrive. Tuwing birthday nya ay laging may pa-party. At sigurado ako na puro may posisyon sa gobyerno ang mga bisita nya. Dahil mayor lang naman ang tatay nya dito sa Cavite. Kaylangan ko ng bumili ng susuotin dahil formal party ang pupuntahan ko.
May mga pinagawa ang prof namin pero hindi naman sya ganun kadami kaya keri lang. Pagkatapos ng klase ko ay agad na akong dumiretso sa ospital para i-tutor si Camille. Gaya ng dati ay sinalubong na naman nya ako ng matatamis nyang ngiti. Nakakahawa yun kaya pati ako ay ngumiti na din. Makita ko lang yung ngiti nya ginaganahan na ulit ako, nakakatanggal ng stress.
"Ate Nyxiee!" lumapit ako sa kanya at niyakap sya mg mahigpit. "I'm ready na po" she said. Tumango naman ako at inumpisahan na syang turuan. Inuna ko muna yung math kasi yun yung favorite subject nya. Ewan ko ba, ang sakit kaya sa ulo ng math pero gustong gusto nya parin ito. Sya tuwang tuwa dahil may mga natutunan sya habang ako malapit ng mahimatay dahil sa pagtuturo sa kanya.
Basta hindi kami bati ni Math. Grade one pa lang ako mortal enemy ko na sya. Ang dami nya kasing problema tapos sakin nya pa ipapa-solve. Hello! May problema din ako noh! Bakit hindi nya hanapan ng solusyon yung sarili nyang problema. Dadamay nya pa ako.
"Ayoko na!"
"Ate Nyx isang problem pa" pagpupumilit nya. Sa lahat ata ng bata sya yung gustong gusto dagdagan yung problem. Feeling ko ako ang unang mawawala kapag nagpumilit pa sya na dagdagan pa ng isang problem.
"Baby, tama na please. Hindi mo ba nakikita? Malapit na akong maubusan ng Brain cells. Kapag pinilit pa natin to baka ma-comatose na ako" I said and pouted my lips. Tinawanan nya lang ako at pinisil ang pisngi ko ng maliliit nya kamay.
"Ate Nyx para namang sobrang hirap ng topic na itinuturo mo eh plus lang naman po ito" she giggled. Natawa na lang din ako sa sarili ko. Addition nga lang pala to pero kung maka reklamo ako ay parang Algebra na ang itinuturo ko sa kanya. Eh bakit ba? Nahihirapan nga ako eh. Sabaw na sabaw ang utak ko ngayon. Bigla ko tuloy naisip si Graunt, ano kayang Course ang kinuha nya? Matanong nga kay Lust.
"Okay sige na nga. Matitiis ba kita?" I said and pinched her cheeks. Pinagpatuloy ko na ang pagtuturo sa kanya, minsan napag uusapan namin yung mga balak nyang gawin kapag gumaling na sya. Alam kong sobrang kunti lang ng chance na makasurvive sya pero naniniwala parin ako na makakaya nya. Mabait syang bata and she deserve to live longer. She deserve all the love in this world.
Kahit minsan ayaw ko syang tingnan dahil naiiyak lang ako ay kinakaya ko parin. This kid already took some place in my heart. Kung iiwan nya ako ay siguradong malulungkot ako ng sobra. Masyado na syang napalapit sa akin. Buti na lang mayaman sila, hindi na kaylangan pang problemahin ang gastusin. Ang kaylangan lang eh lumaban si Camille.
Alam kong kaya nya. Matapang sya at punong puno ng pag asa. Kakayanin nya ang sakit nya. Dahil andito ako at ang lahat ng tao na nagmamahal sa kanya. Somehow, I realize that even though we're not that rich ay masuwerte parin kami nila papa. Walang may sakit sa amin, nakakakain kami three times a day at nabibili namin ang mga gusto namin. I couldn't ask for more.
Gabi na nang makarating ako sa bahay. Nagluto agad ako dahil wala pa si papa sa bahay. Sure ako dito sya magdi-dinner. Nagluto lang ako ng fried chicken at pakbet. Nagprepare na rin ako ng pineapple juice.
"How's school" tanong ni dad. Unang sumagot si Wayne. Habang ako ay pinupunasan ang bibig ni Erwan dahil nagkalat ang ketchup sa bibig nya.
"Fine but stressful" napalingon na lang ako sa sagot ng aking nakababatang kapatid. Stress? First year highschool pa lang sya stress agad. Nahiya naman akong college na.
"Saan sa school o sa mga chicks mo" tumawa lang si dad sa sinabi ko habang si Wayne naman ay tinatapik ang dibdib nya dahil sa pagkakasamid sa sinabi ko. "Nyx, let the cat out of the bag" komento ni dad na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi habang nakatingin kay Wayne.
Tinaas naman ni Wayne ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko na at umiiling iling pa.
"Just kidding. Okay? Madali lang ang mga lessons"
"Kasi madali ding mangopya" pambabara ko. "Ate diba cheating is bad" tanong ng bunso namin. Hinarap ko sya at pinunasan ang bibig nya.
"Yes baby. Cheating is bad. Wag gagaya kay kuya ah" ngumiti lang ito at tumango. "I'm not a cheater!" Pagrereklamo ni Wayne. Kinuha ko ang tinidor at dinuro ko sya. "Hoy! Nakita ko yung gc nyo puro sagot sa mga assignments"
"You touched my phone without my consent?" he asked in calm but cold tone.
"Ha? Sinabi ko ba yun?" pagmamaang maangan ko. Ang sama na kasi nang tingin nya sakin eh. Baka sapakin nya na ako. Kahit ako ang mas matanda may parte parin sakin ang takot sa kanya dahil isang beses ko na syang nakitang nagalit at hindi ko nagustuhan ang naging resulta. Lalaki parin sya at mas malakas sya sakin.
"That's enough. Baka mag away pa kayo. By the way Wayne will wash the dishes for tonight" napangisi na lang ako dahil sa anunsyo ni dad. Sya kasi lagi ang nagde-decide kung sino ang maghuhugas ng plato. I'm so lucky dahil madalang lang akong maghugas ng pinggan dahil laging si Wayne ang inuutusan. Syempre kapag si dad ang nagsabi hindi ka pwedeng tumanggi.
Nagreklamo pa sya pero tinawanan na lang sya ni dad. I'm okay with this. Me, Wayne, Erwan and dad. Kahit kaming apat na lang masaya na ako. Kahit hindi kami kompleto ayos lang as long as nandito sila kasama ko, kuntento na ako.
Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko at doon nagpahangin dahil hindi ako makatulog. I'm lost with my own thought when I suddenly heard a strong knocked. I opened the door only to see my dad. I let him in at pareho kaming tumambay sa balcony.
"Iniisip mo ang mom mo?" umiling lang ako. Tumabi sya sa akin habang nakalagay ang dalawa nyang kamay sa loob ng magkabilaan nyang bulsa.
"Bakit ganun pa, kahit ibigay mo lahat ng effort mo para manatili yung isang tao kulang pa din? Is that really hard to stay?" I said out of the blue.
Nginitian nya lang ako at tumingin ulit mula sa malayo.
"Hindi naman mahirap manatili eh. Alam mo kung ano ang mahirap?" tanong nya.
Umiling ako.
"Yun ay yung pilitin mo na manatili kahit ang gusto mo ay umalis na at makawala sa pagkakakapit nya"
His words strike me. He has a point. Mas mahirap nga naman yung pilitin mo yung sarili mo na gawin ang isang bagay na hindi mo naman talaga kaya. At some point bigla kong naintindihan si mama. But I still hate her. Cheating is cheating, walang mababago dun. Whether your reasons are valid or not.
"Dad, sinubukan mo bang tanungin sya kung ayaw nya na ba talaga?" gusto kong malaman kung hinayaan nya lang ba agad si mama or pinaglaban nya parin yung nararamdaman nya.
"Oo naman... Pero ayaw nya na talaga eh. Masakit man pero kaylangan ko syang palayain kahit pa ang ibig sabihin nun ay ang pagkadurog ko. Sa lahat ng nangyari isa lang ang natutunan ko. love is something that you don't need to insist because you will just gonna feel it. Hindi mo kaylangang ipilit...Kusa mo lang mararamdaman. Its jut happened" tiningnan nya ako ng may ngiti sa labi. Ang swerte ko kasi may tatay akong mabait at maalaga. Mas lalo tuloy tumaas ang respeto ko sa kanya. Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan. Yung mga panahong iniwan kami ni mom. Lahat ng sakit na matagal ko ng pinipilit ibaon ay bigla na lang nabuhay. Naramdaman ko na lang ang init ng yakap nya. At dun na ako napa-iyak sa bisig nya. Nung gabing yun umiyak lang ako habang yakap yakap nya ako.
That's one of the best night in my life.
***
"This is so irritating, ate. Hindi ko talaga kayo maintindihang mga babae. Ang hirap nyong intindihin" pagrereklamo ni Wayne habang dala dala ang paper bag na naglalaman ng susuotin ko sa party ni Ane.
"Will you just shut up, Wayne" saway ko.
"Okay! Chill" pagsuko nya.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagpili ng susuotin kong heels. Ang daming pagpipilian pero feeling ko walang bagay sa gown ko. I picked a black backless gown that hugs my curve. Bagay naman sakin yun dahil flat nga ako. Pero kahit ganun ay makurba parin naman ang katawan ko.
Maganda rin naman ako kaya walang problema.
Tumingin tingin pa kami sa iba pang shop pero wala talaga akong nagustuhan kaya umuwi na lang kami buti na lang ay pinayagan ako ni tita Bea na maagang umuwi, naiintindihan naman daw nya kaya may oras pa akong makapag shopping.
Dahil wala akong nabiling heels yung lumang red heels ko na lang ang susuotin ko. Hindi naman sya ganun kaluma, actually maganda parin at mukhang bago parin ito. Ilang beses ko pa lang naman tong nasuot.
Time flies so fast, birthday na agad ni Ane and I'm so excited dahil magkakalaman na naman ang bituka ko ng alak. Matagal tagal na din simula nung huli akong uminom, mga isang buwan pa lang naman ang nakalipas.
Its already 7:24 pm at nakaayos na ako. Hinihintay ko na lang ang makasalanang nilalang na si Lustin para sunduin ako. Eight pa naman ang start ng party kaya ayos lang kahit medyo ma-late sya sa pagsundo sakin.
Ever wondered kung bakit makasalanan ang tawag namin nila Aiah kay Lust? Secret na muna.
Speaking of the devil. He's here. Wearing a white tuxedo with a bloddy rose inserted in his tuxedo's breast pocket. His aura screams in power. If he's not my best friend I would date him.
Sayang nga lang dahil kaibigan ko sya. Joke lang. Hindi ko sya bet mas bet ko yung pinsan nya kahit pa may pagka masungit yun.
"He's not coming, marami daw syang gagawin" anunsyo sya. Pumasok na ako sa dala nyang kotse.
"Ako din naman, but I still manage to come here. Pwede naman nyang sabihin na iniiwasan nya ako bakit kaylangan nya pang magdahilan"
Nagsimula na syang magmaneho papunta sa venue. "Ano yan?" tanong ko. "Bulag ka ba? Di mo ba nakikitang burger ang hawak ko?"
I rolled my eyes to him. Napakapilosopo nya, nakakaasar.
"Alam kong burger yan what I mean is bakit may ganyan ka na naman. Hello! Party ang pupuntahan natin"
"Exactly, Nyx. Party kaya sigurado akong walang burger dun" napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ba ang weirdo ng mga kaibigan ko.
Buong biyahe ay pinanood ko lang syang kumain ng burger. Medyo nagutom ako kaya humingi ako sa kanya ng kapiraso buti na lang at good mood sya kaya binigyan nya ako. Usually kasi hindi talaga sya namimigay kapag burger na ang usapan.
Tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. Rinig na rinig ko na ang malakas na ingay ng music mula sa loob hudyat na nag umpisa na ang party.
Pagpasok namin ay pinagtitinginan na kami ng kasama ko. I can't blame them . This guy beside me is really hot. Partida sya lang ang pinagtitinginan.
"Tita Louis good evening po" I hug Ane's mom and kissed her. Nagmano din ako kay tito Edward.
"Good evening po tita, tito" lustin said at nag shake hands sila ni tito Edward.
"Glad you came iha. Ane told me that your busy because of your sideline job. You know Nyx, we can always help you"
Umiling ako.
"No tita, I'm fine. Ayos lang po ako" pagtanggi ko. There's no way na hihingi ako ng tulong mula sa parents nya. Nakakahiya. Atsaka kaya ko pa naman.
"Okay. But call us we you need help. By the way Ane is in her room puntahan nyo na lang"
Nagpaalam na kami ni Lust at pinuntahan na si Ane. Bawat madadaanan namin ay napapalingon sa kasama ko. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
I knocked first before I enter her room. Agad naman syang tumayo para salubungin ako ng yakap.
"Happy birthday" I greeted her and gave her my gift.
"I knew it. Alam kong ito ang ibibigay mo. Thank you Nyxie" she hugged me. Ang binigay kong regalo sa kanya ay yung kauna unahan kong painting actually yun din ang favorite ko. Nung una nyang makita yun ay nagandahan agad sya she even asked me if I would sell it but I refuse.
Matagal na syang interesado sa painting na yun pero hindi lang sya nagsasabi. Nahihiya siguro sya.
Nakatalikod na babaeng hubad ang nakalagay sa painting. Nakamessy bun at hanggang likod lang ang nakikita. Weird pero yun ang unang pumasok sa isip ko ng mahawakan ko yung brush.
Nagsimula na ang party. Puro mga kilalang politicians ang makikita mo sa venue. May mga artista din. At ang daming gwapo. May banda rin sa stage.
"Parang gusto ko na lang dito" sabi ni Lust at kumain ng burger.
"Syempre maraming burger eh" sabat ni Aiah. Natawa na lang ako sa sinabi. She's right, Ane just prepared a lot of burger just for Lust para raw hindi ito tamaring pumunta.
Effective naman dahil masayang masaya ang mukha ni Lust. Weirdo talaga. Kadarating lang ni Cal at Aiah. While Ane is in the stage at nagbibigay ng speech. Nakangiti man ay sigurado akong bwesit na bwesit na sya.
Ayaw nya ng crowded place and she hate plasticity. Same girl. Ng matapos sya ay dumiretso agad sya sa table namin habang nakabusagot ang mukha.
"Kairita" she said and rolled her eyes.
"Ang plastic mo" sabi ni Aiah habang tumatawa pa. Tinarayan nya lang ito at nag simula nang uminom. Lumipat kami ng pwesto dahil naiirita ang birthday girl sa mga bumabati sa kanya. Nasa sala kami ng bahay nila.
"P*ta. Wala pa pala akong natatanggap na regalo mula sa inyong magkapatid" duro nyo sa kambal. Nanlilisik pa ang mga mata nya. Tumawa naman ang kambal.
"Nah! Madami ka namang pera kaya hindi mo na kaylangan yun" Lust said and take a bite of his burger. Naglabas naman ng cheque si Cal at ibinigay kay Ane.
"Suit yourself" mayabang nyang sabi.
Lintik! Sana pala ganyan din ginawa ko nung walang regalong binigay si Cal sakin edi sana bilyonaryo nako ngayon.
"Cal, kaya kong bilhin ang buhay mo. Hindi ko kaylangan nito" Ane said and return the cheque. Napailing na lang kami ni Aiah sa pagmamayabang nilang dalawa. Parang gusto ko tuloy kidnapin si Cal at humingi ng ransom sa mga magulang nya.
"Okay. what do you want then?"
Ane flashed her dangerous smile. Patay! Last time na ginawa nya yan ay muntik na kaming mamatay nila Aiah. Highschool lang kami nun ng mapagtripan ni Ane na magdrive habang lasing. Pare pareho kaming lasing kaya pumayag kami sa gusto nya.
Buti na lang nasa passenger seat si Cal nun at sya ang nagpreno ng sasakyan nung malapit na kami sa bangin dahil nakatulog si Ane. Kinaylangan pa naming tawagan ang kuya ni Ane dahil wala samin ang kayang magdrive.
Galit na galit si kuya Kevin nun pati allowance nila Cal at Lust ay naapektuhan. Muntik na nga syang mapabunot ng baril.
"Kapatid, wag mokong idamay gusto ko pang mabuhay. Baka kung ano na naman ang maisipang ipagawa ni Ane"
"Madali lang to promise" Ane pouted.
Umiling iling naman si Lust habang si Cal ay nagkibit balikat lang.
"Ayaw nyo?" may pagbabanta sa boses ni Ane. Pinanonood lang namin sila ni Aiah. Muli na namang umiling si Lust.
Kinuha ni Ane ang cellphone nyo at nag dial.
"Sige. Dahil ayaw mo tawagan ko na lang si kuya Kevin at sasabihin ko sa kanya na ikaw ang nagbangga ng kotse nya nung-"
"F*ck! Oo na. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo sasabihin kay Kevin yung nangyari" pagsuko ni Lust.
Tumawa lang kami sa reaksyon nya. Talagang takot sya sa kuya Ane.
Ngumiti si Ane at ibinulong kay Aiah ang ipapagawa nya sa kambal. I grinned pagkatapos ni Aiah sabihin ang plano. Sabay sabay kaming tumayo nila Aiah at inumpisahan na ang plano.
"Tang*na sana wala ibang pumasok dito hanggang sa matapos tayo sa pagsasayaw" reklamo ni Lust. Tawa naman kami nang tawa sa itsura nilang dalawa. Naka black lipstick si Lust at nakasuot ng gown with matching green wig pa. Mukha syang suman. Meanwhile, Cal is wearing a black halter dress na tinernuhan ng pink lipstick. Backless pa yan.
Si Cal naman ay parang wala lang sa kanya ang pinapagawa namin.
"Hindi na ako mambababae after this. Sigurado akong masisira na ang reputasyon ko mula sa araw nato" Cal said. Pero wala paring mababakas na pag aalala sa mukha nya para sa gagawin nila.
Napakagat ako ng labi ng nag umpisa na silang kumanta. Nakita ko pang halos mamatay na sa kakatawa si Ane at Aiah but they still manage na kuhaan ng video ang dalawa.
"Let's go sissy" Cal said in his baritone voice. Pinipilit nyang mag boses babae pero epic parin. Naka mic silang dalawa kaya sigurado akong naririnig ng mga tao sa labas. May pa ilan ilan na din ang nandito sa sala para panoorin sila.
Lustin part:
"O ano mga darling, ready na ba kayo?
O sige, simulan na natin ha?
Okey 5 6 7 8! ..."
Nagsihiyawan naman ang mga ilang kababaihan na nandito na rin sa sala. Enjoy na enjoy kami sa panonood sa kanilang dalawa. Pumipilantik pa ang bewang ni Lust. Kumekembot naman si Cal habang ang kaliwa nyang kamay ay nakapatang sa bewang nya.
Cal's part:
Apir tayo sumakit ang ulo ko
Sumakit ang beywang ko
Sexbomb, sexbomb, sexbomb
: O tuloy tuloy lang ha
Apir tayo sumakit ang dibdib ko
Sumakit ang tuhod ko
Sexbomb, sexbomb, sexbomb
: O sabay sabay ...
Panay kembot silang dalawa at feel na feel ang pagkanta. Andami naring pumasok na bisita dito sa loob para panoorin ang kambal. I don't wanna missed this moment kaya nagvideo narin ako.
Lustin's part:
O ano mga darling, ready na ba kayo?
O sige, simulan na natin ha?
Okey 5 6 7 8! ...
Apir tayo sumakit ang ulo ko
Sumakit ang beywang ko
Sexbomb, sexbomb, sexbomb
: O tuloy tuloy lang ha
Apir tayo sumakit ang dibdib ko
Sumakit ang tuhod ko
Sexbomb, sexbomb, sexbomb
: O sabay sabay ...
Chorus:
Spaghetting pababa, pababa ng pababa
Spaghetting pataas, pataas ng pataas
Spaghetting pababa, pababa ng pababa
Spaghetting pataas, spaghetting bababa
At pataas! (break)
Aw! makinig kayo ...
Lalo naman kaming nagsigawan ng gawin nilang dalawa yung famous gesture ng sexbomb napag-aw.
Cal's part:
Ayokong pumayat, ayokong tumaba
Ayoko ring matulad sa isang dambuhala
Ayoko sa lahat yung buto't balat
Ayoko ring tawagin na tabachoy at payat
Ang gusto ni tsupot ay sexy, sexy, sexy, sexy
Kaya mag-exercise yan ang aking masasabi ...
Nagpatuloy lang sila hanggang sa matapos ang kanta. Agad naman kaming pumalakpak habang tumatawa pa din. Nagflying kiss pa silang dalawa bago kumaripas ng takbo papuntang cr para magbihis. I'm not sure kung babalik pa ba sila after ng nangyari. Ako ang nahihiya sa mga pinaggagawa nila.
"Sa wakas may pang blackmail na ako kay Lust" tumatawang ani ni Aiah. Unti unti naring nagsialisan ang mga kaninang nanonood. Nang kumalma na kami ay pinagpatuloy na namin ang pag inom. Kung kanina ang gwapo ni Lust tingnan ngayon naman ay mukha na syang tanga. Nakasuot lang naman sya ng hoodie habang naka surgical mask with shades pa.
Sira ulo lang. Sabi nya nahihiya daw sya.
"Ngayon ka pa nahiya kung kaylan tapos na. Eh kanina nga bigay na bigay ka sa pagkanta at pagkembot" sabat ni Aiah. Nagdirty finger lang silang at binalewala ang sinabi ni Aiah.
Medyo nahihilo narin ako dahil sa dami na ng alak na nainom ko. I was about to get another shot when a strong hands stopped me. Nilingon ko ang may ari ng kamay na pumigil sakin upang singhalan ito.
A strong and masculine perfume invaded my nostrils. And, there, I saw a man with a beautiful paired of brown eyes. Those eyes that I want to see every single day.
He put the glass shot in the table and pulled me without hesitations. Nakita ko pang nagulat sila Aiah at Ane. Gusto ko pa sanang magpaalam pero hindi ko na nagawa. Nagpaubaya na lang ako kung saan man nya ako dadalhin.
Medyo nahihilo na ako kaya inalalayan nya na ako sa paglalakad. Nakapulupot na naman ang braso nyo sa bewang ko.
Nanlalabo na ang paningin ko at feeling ko anytime mahuhulog ako.
"Graunt" I whispered. My vision becomes blurred. Nagawa ko pang ngumiti kahit pa ang sama na ng pakiramdam ko.
He turned his gaze to me atsaka hinawi ang ilang hibla ng buhok ko para malinaw nyang makita ang kabuuan ng mukha ko. I closed my eyes when he slowly lean on my face.
"Yes. It's me, hon" yun na lang ang huling kong narinig bago magdilim ang paligid ko.
*******
I know masyadong maikli yung chapter nato pero pramis babawi ako sa next chapter.
Parang may madidiligan ngayong araw ah. Feel nyo din ba? Hahaha.
Comment naman kayo para ganahan ako mag update.
Thank you for reading!
Love you weirdos!!!
Muah!