Chapter 02

"Finally, you're awake" he said.

I bit my lower lip to control my emotions. Nagising na lang ako dito sa condo nya. Medyo masakit pa ang ulo ko. Hindi ko naman kasalanan na nag passed out ako kagabi. Malay ko bang sobra na yung nainom ko.

"I'm sorry" I sincerely said. Nahihiya ako sa kanya. Sigurado akong galit sya sa nangyari. Naabala ko pa sya. Lintik naman self kalma lang kasi kapag may alak.

"Do you still remember what happened last night?" He asked, habang naglalagay ng kanin sa plato.

I shook my head. "I don't remember anything" I said at umupo sa katapat nyang upuan.

"Good" he smiled at sinimulan nang kumain. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Bakit sya natutuwa? Ano bang nangyari kagabi? At bakit sya ngumiti? Wait. What? Ngumiti? As in smile? Luh? Impossible!

"Did you just smiled at me?" I asked while observing him. Baka kasi may lagnat sya kaya nginitian nya ako. Malay ko bang nagdedeliryo sya. Diba? Mas okay na yung naninigurado kesa naman sa mag assume.

Kumonot ang kanyang noo.

"Masama? Just tell me if smiling is a crime now and I won't ever smile again"

"Of course not! Mas okay nga yang ngumingiti ka na. Alam mo Graunt maikli lang ang buhay kaya dapat always choose to be happy. Always choose your happiness, I mean choose me" I frankly said.

Umiling iling lang sya at nagpatuloy sa pagkain. Completely ignoring what I  said. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pilit nyang tinatagong ngiti habang umiiling kanina. Kinilig si kuya.

Hayst. Wala na atang makakasira ng araw ko ngayon. Dapat mag update ako mamaya sa tweeter. Tang*na. Kinikilig ako.

"Eat faster. May klase ka pa diba? Ihahatid kita"

I stopped. And look at him with parted lips.

"Weh? For real? I mean, ako, ihahatid mo?" turo ko pa sa sarili ko. Sana pala lagi na lang akong naglalasing.

"Do I look like I'm joking?"

Umiling agad ako. Baka kasi bawiin nya pa yung sinabi nya. Minsan lang sya maging ganito. Palalagpasin ko pa ba? Gosh! I'm so kinikilig. Nag simula na ulit kaming kumain pero this time, kain lang talaga hindi na kami nag usap.

"Graunt, pwedeng magtanong" I asked. Ang tahimik kasi masyado ayaw ko namang buong biyahe ay nakatunganga lang ako. This is my chance to shine. Hindi ko na palalagpasin pa. Sa mga susunod na araw alam kong magiging busy na naman ako. At hindi ko alam kung kaylan ulit ito mauulit.

He nodded.

"Ano nga palang course ang kinuha mo?" tumingin muna sya sakin saglit bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Master of Arts in Psychology major in Clinical Psychology" he proudly said. Like he was already graduated from that course. I smiled. I just chose the right man. A man with dreams and plans.

Ngayon, narealize ko na masyado pa lang mataas ang pader na binabangga ko. Pero ayos lang pader din naman ako.

"You?" he asked without taking his eyes off the road.

"Business" I answered at nag iwas ng tingin. Nahihiya ako sa kanya kasi kaya nyang ipagmalaki yung course na kinuha nya habang ako kinuha ko lang yun dahil yun ang advice ni dad na kunin ko. Though, hindi nya naman pinipilit sakin na yun ang kunin ko.

"Is that what you really want?" he faced me.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Tinitigan ko lang sya at hindi nagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"That's okay if you still don't know what you really want. Don't pressure yourself, you still have time to think about it" he smiled at me. Showing his complete set of teeth. A genuine smile.

"How could you do that?" I asked him.

"Do what?" nalilito nyang tugon. I smiled at him.

"How could you make me nervous and make me blushed at the same time?"

He chuckled.

"Well I guess, your so into me"

Yes. I'm so into you. To the point that I can't let you go this time. I'm so into you Graunt Euler Laveda.And  I don't want to lose you.

"I want to play" he put down his pencil and walk away. I inhale and exhale to remind my self na bata sya and he is my tutee. How I wish I can just throw him away. But I can't. Bayad to.

Lintik! Kung kapatid ko ang batang ito kanina ko pa sya binatukan. Walang bata bata dito kapag na high blood ako. Baka itapon ko sya sa ilog.

"Lewis, please. Balik ka na dito. Saglit na lang naman, matatapos na tayo" pagmamakaawa ko. Mabait namang bata si Lewis tupakin lang talaga. Kagaya ng kuya nya. Buti na lang wala pa yung kuya nyang si Clein mas malala kasi yun, lagi akong pinagtitripan parang si Lust.

Syempre asar talo ako. Malakas trip nun eh!

"Kuyaaaaa"

Tang*na. Parang iniisip ko lang sya kanina pero ngayon nandito ma sya.

Gosh! Naway gabayan ako ni Emre dahil batid kong hahamakin ng pashneyang si Clein ang aking pasensya.

At pasensya narin kung hindi ako makapagpigil at masapok ko sya ng wala sa oras. Lintik lang ang walang ganti.

Dali-dali akong umakyat sa taas at nagtago sa likod ng pinto ng kwarto ni Lewis. Ayaw kong magpakita sa kanya. Naiirita ako sa itsura nya. Well, gwapo naman sya.

Pero nakakainis kasi talaga sya. Nung unang beses akong nagturo kay Lewis ay binigyan nya ako ng cookies na may Colgate sa loob. At ipakain ko daw yun sa kapatid nya pag-nagutom .

Dahil uto uto ako. Pinakain ko nga kay Lewis nung nagutom sya. Huli na nung malaman ko na Colgate pala laman nung cookies. Nagalit sakin yung mama ni Lewis. Bakit ko daw ginawa yun.

Sinabi ko naman na hindi ako ang may pakana nun pero nagalit parin sya. Inis na inis ako kay Clein simula nung araw na yun. Sya kasi yung nagsumbong kay tita Lea.

Kaya isinusumpa ko si Cleinpanget na sana tubuan sya ng pigsa sa pwet. Now na sis. As in now na. Hindi na pwedeng bukas kaylangan ngayon na.

Tumalikod ako bigla ng may narinig akong yabag mula sa hagdan. I feel relieved ng si Lewis lang pala yun.

"Ate Nyxie, kuya Clein is here na" agad kong tinakpan ang bibig nya. At sinenyasan sya ng wag maingay. Dahan dahan kong sinarado ang pinto atsaka sya kinausap.

"Kapag hinanap ako ng kuya mo sabihin mo kanina pa ako umalis, okay?" napangiti na lang ako ng pumayag sya. Napatakbo na lang ako sa likod ng pintuan ng may biglang kumatok.

Lintik! Sure akong si Cleinpanget na yan. Emre tulungan mo po ako mula sa pashneyang nilalang na si Clein. Napapikit na lang ako ng mariin nang binuksan ni Lewis ang pinto.

"Where's your tutor? Asan si Nyx"

Ang lakas ng pintig ng puso ko. Ayaw ko talaga syang makita. Mas gugustuhin ko pang makasama si Valak kaysa sa kanya kahit pa takot ako sa multo.

"Umalis na po sya kani-kanina lang. Why kuya?"

Nakita ko pang humarang sa pinto si Lewis to prevent Clein from entering. Binabawi ko na ang sinabi ko. Iki-kiss ko na lang pala si Lewis hindi ko na sya babatukan.

"Wala naman. Go fixed your things we'll go to the mall"

Buti naman. Napangiti na lang ako ng marinig ang papalayong yabag ni Clein. So proud of Lewis galing nyang umarte. Sabi na eh topakin lang talaga sya pero masunurin naman.

"Ate Nyxieee! Umalis na si kuya sinabi ko na wala ka dito"

Nahampas ko na lang ang noo ko sa lakas ng boses ni Lewis. Tang*na. Binabawi ko na ulit. Sa lakas ng boses nya hindi na ako magtataka kung biglang babalik dito si Clein.

Okay na eh. Bakit naman ganun. I'm doomed. Nalintikan na.

Napahiyaw na lang ako sa sakit ng biglang bumukas ang pinto. Dahil nasa likod ako ng pinto automatic na ako ang sumalo ng malakas na pagkakahampas dun.

Napamura na lang ako sa sakit. Tang*na. Dito na ata ako mamamatay. Kukurutin ko talaga si lewis sa singit mamaya.

"Sh*t."

Hawak hawak ko ang tyan ko na natamaan ng doorknob. Agad naman nya ako inalalayan pa-upo sa kama.

"What happened? Ano ba kasing ginagawa mo sa likod ng pinto ha? Baliw ka ba?"

Pinanlisikan ko sya ng mata. Sasapakin ko sya kapag hindi na masakit ang tyan ko. Busog pa man din ako.

"Tinataguan kitang animal ka! Baka kasi pagtripan mo na naman ako. Bweset ka!" sigaw ko.

"F*ck! Stop shouting! Hinahanap kita kasi isasama sana kita sa mall. Kung ano ano kasi pinag-iisip mo"

He remove my hands in my stomach. Hinawakan nya ang laylayan ng damit ko at dahan dahan itong itinaas, sapat na para makita nya ang parte na natamaan ng doorknob.

Dahil sa gulat ko ay hindi ko na sya napigilan sa ginawa nya. Biglang nag init ang pisngi ko kaya agad kong tinabig ang kamay nya. At binaba ang damit ko.

"Masakit pa pero konti na lang" I said at nag iwas ng tingin. Napabuntong hininga na lang sya at tumango.

"Kapag okay ka na tawagin mo ako. Aalis tayo" he said at tuluyan ng isinara ang pinto. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko tiningnan ang tyan ko.

Namumula lang naman sya, siguro naman hindi magiging pasa ito diba? Makirot lang pero keri lang. Inayusan ko muna si Lewis bago ko sya inutusan na katukin ang kwarto ng kuya nya para makaalis na kami. Tutor ako dito pero bakit parang nagiging alalay na ako.

Habang nasa kotse kami ay tahimik lang ako. Hindi naman na masakit ang tyan ko pero naiinis ako dahil nag iwan ito ng marka. When we finally arrived ay agad akong lumabas ng kotse. Syempre hawak hawak ko ang kamay ni Lewis dahil yung kuya nya ay mukhang walang pakialam.

Pumasok kami sa bilihan ng damit at sinukatan agad si Lewis. He looks so adorable. Ang galing pumili ng damit ni Clein. Lahat ata ng sinukat ni Lewis ay bagay sa kanya.

"What do you think?" Clein asked.

I scanned Lewis outfit. Bagay naman sa kanya ang suot nya kaso parang kulang. Humanap ako ng jacket na babagay sa suot ni Lewis atsaka ito pinasuot sa kanya. Perfect. I pinched his cheeks. Napa-aww naman sya.

"Good choice" he commented na parang ang laki ng naitulong ko. I rolled my eyes at him. He chuckled.

"You paint?" tanong nya habang nakatingin sa mga painting materials na hawak ko.

I shook my head.

"Minsan. Kapag bored ako" balewala kong sagot. Hawak hawak nya si Lewis na tahimik kumakain ng burger. Na miss ko tuloy si Lust.

"Here"

Inabot nya sakin ang isang maliit na brush. "Thanks" I said at pumunta na sa counter para magbayad. Kumain muna kami bago umuwi.

Ginawa ko muna ang skin care routine ko bago tuluyang humiga sa kama. Bumangon ulit ako nang makaramdam ako ng gutom. Maaga pa naman. Naabutan ko pa si Wayne na naglalaro ng ml habang si Erwan naman ay nanonood ng TV.

I opened my tweeter account. At nag tweet ng " can't sleep need cuddles ". I rolled my eyes ng makita ko na nagreply si Lust ng "sinong nagtanong?"

Hindi ko na lang sya pinansin at nagscroll na lang. I already followed Graunt and he followed me back. Should I chat him? Kaso baka busy sya eh. Wag na lang.

Paakyat na sana ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Napakunot noo na lang ako ng makita ang isang unknown number.

"If you can't sleep listen to a relaxing music, it can help you to reduce the pount of time it takes you to fall asleep. And stop asking for some cuddles it won't help you to fall asleep"

Mas lalo naman akong nacurious sa kung sino ang may ari ng number nato. Bakit nya alam na hindi ako makatulog? Alam kong nag tweet ako kanina pero sila Lust lang naman ang nakakaalam ng number ko. Stalker ba sya?

Dahil curious talaga ako ay tinawagan ko ang unknown number. Naka ilang ring pa bago may sumagot.

"Hello?"

Walang sumagot sa kabilang linya pero naririnig ko ang paghinga nya. Ewan ko pero parang kinabahan ako bigla. Para kasing kilala ko yung nasa kabilang linya. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako muling nagsalita.

"kung sino ka ma-"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na ang nasa kabilang linya. Nawindang ang buong sistema ko nang marinig ang boses nya.

"Do you really need someone to cuddle with?" 

Natulala na lang ako bigla. Dahil sa sobrang pagkataranta ay pinatay ko agad ang tawag ng hindi nagpapaalam. Pinagpawisan ako ng malagkit. Pakiramdam ko tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pano nya nalaman ang number ko?

Naglakad ako ng pabalik pabalik habang iniisip kung kanino nya nakuha ang number ko. Napatapik na lang ako sa noo ko ng maalala na pinsan nya nga pala si Lust. Agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap sa contacts ko si Lustine. Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang number ni Lust.

Napamura na lang ako ng mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa pagkagulat ng may kumatok. Tang*na apaka malas ko naman. Kinuha ko muna ang cellphone ko bago ko binuksan ang pinto.

"Ano bang prob-"

"May naghahanap sayo. Puntahan mo na sa labas" Wayne said. Lalo naman akong kinabahan. Sh*t. Pano kung si Graunt yun? Wala akong choice kaya binilisan ko na lang ang kilos ko at lumabas agad ng bahay.

Bumusina ang isang puting sasakyan na nakaparada sa kabilang kalsada. Nahihiya man ay tinahak ko na lang ang daan papunta sa puting kotse. Binuksan ko ang passenger seat at pumasok sa loob.

He look at me. Mukha syang pagod halata pa ang eyebags nya. Ano ba kasing ginagawa nya dito? Dapat nagpapahinga na sya sa mga oras nato.

"What are you doing here?" I asked in my very calm voice. Naaawa kasi ako sa kanya. He look so tired. Parang lagi syang puyat. Natutulog pa ba sya?

"Do you still need some cuddles?" my lips parted in shock. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Masyado nyang sineryoso yung pinost ko.

"Nyx, I'm asking you"

I bit my lower lip. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Tang*na. Kinikilig ako. Pikit mata akong tumango.

Huminga muna sya ng malalim bago ako tiningnan sa mata.

"Let's cuddle then" he said with determination written in his face.

I was so shock. Hindi ako makapag salita. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Parang huminto ang oras dahil sa sinabi nya. I can feel the butterfly inside my stomach. Ang init init na ng pisngi ko.

This is the first time na nangyari to. Naguguluhan ako. Bakit sya umaakto ng ganito? Pinaglalaruan nya ba ako? Anong nasa isip nya?

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin din sya sa cellphone ko. He just nodded na parang sinasabi sa akin na sagutin ko ang tawag.

Kinabahan ako bigla ng makita na si tita Bea ang tumatawag. Hindi sya tatawag sa akin ng ganito ka-late. Nagdasal muna ako ng tahimik bago ko sinagot ang tawag ko. Nakatitig lang sa akin si Graunt. Pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko.

"Hello po tita"

"N-nyx s-si Camille nasa Emergency Room bigla na lang s-syang nahimatay kanina. Kaylangan kaya nya please, pumunta ka dito" nabitawan ko bigla ang cellphone ko. Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina. I can't think properly. I closed my eyes to convince myself that this is just a nightmare but when i opened my eyes nothing changed.

Different kinds of negative scenarios are now running in my mind. Kanina pa ako tinatanong ni Graunt kung anong bang nangyayari pero hindi ako makapagsalita. My eyes started to get wet. I can feel my heart beat fast. My breathing become heavy. My tears started to fall.

"Let's go Graunt, please. Let's go to the hospital" he panicked kaya agad nyang ini-start ang kotse. Sinabi ko sa kanya kung saang ospital at agad naman nyang tinahak ang daan papunta doon.

Ng makarating kami ay wala na akong sinayang na oras at tumakbo agad ako papasok sa ospital at tinungo ang emergency room. Naabutan ko pa si tita Bea na nakayakap sa asawa nya. Ng makita nya ako ay agad ko syang niyakap.

"Everything's gonna be alright tita. Camille is a very strong kid. Malalagpasan nya to" I assured her. Tumango lang sya at bumalik ulit sa asawa nya. Napaupo na lang ako sa sahig. Tahimik na umiiyak at nagdarasal na sana maging ligtas na si Camille.

"Nyx" tumingala ako. Nakalimutan ko na kasama ko pala sya papunta dito. Tumayo ako at hinarap sya para magsorry sa pang iiwan ko sa kanya kanina.

"I'm sor-"

Napahagulgol na lang ako ng bigla nya akong niyakap ng mahigit. I hugged him back. Umiyak lang ako ng umiyak. I buried my face on his neck. Mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin na para bang sinasabi nya na andito lang sya sa tabi ko.

"I'm here so don't worry. I got you" he whispered in my ears.

*********

Sobrang na-stress ako sa chapter nato. Hindi ko alam kung tama ba yung course keneme na nilagay ko. This is unedited kaya pagpasensyahan nyo na.

Nakakastress yung module.

Anyway, I hope you guys are doing fine.

Good night!

Love you all!

Muah!

Thank you my weirdos.

Adios.